You are on page 1of 4

Pag-init ng Mundo

“Magtanim ay di-biro, maghapong nakayuko, di


man lang makaupo, di man lang makatayo.” Yan ang
nararanasan ng mga magsasaka pagdating sa pagta-
trabaho sa palayan, lalong- lalo na sa panahon ng tag-
init. Kaya maraming magsasaka ang naghihirap dahil sa
tagtuyot na tinatawag na El Niño. Pero ano nga ba ang
El Niño? Bakit ito nangyayari?
Ang El Niño ay ang abnormal o hindi pangkaraniwang pag-init ng panahon dala ng
lubhang pag-init ng Karagatang Pasipiko lalo na sa may bandang ekwador. Sa normal na
kondisyon, umiihip mula Silangang Amerika patungong Asya ang hangin sa Karagatang
Pasipiko (trade wind). Ang malamig na tubig-alat ay nadadala patungo sa mainit na bahagi.
Ngunit minsan, sa bawat 2-7 taon, humihina ang ihip ng trade wind. Dahil dito, naiipon
ang mainit na tubig-alat sa Pasipiko kaya umiinit ang karagatan at hangin. Naiiba ang El Niño
dahil sa tindi ng epekto nito sa temperatura at pagbagsak ng ulan. Pakiramdam nating mga tao
ay nasa oven o umiinit na pugon tayo.
Pangkaraniwang tumatagal ng 6-18 buwan ang El Niño. Ito ay nangyayari matapos ang
2 hanggang 7 taon, kasabay ng paghina ng ihip ng trade wind.
Nakakabit din sa salitang El Niño ang La Niña na nangangahulugang mistulang tag-
ulan na malimit nagiging dahilan ng pagbaha.
Ang pagbabagong ito ng panahon ay parehong nakaaapekto sa ating pamumuhay, lalo
na sa mga magsasaka na laging naghahangad ng kaaya-ayang panahon para sa pagpapalaki ng
kanilang produksiyon.
Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng El Niño?
Kung ito ay nagsisimula sa di-karaniwang pagtaas ng temperatura ng karagatang
malapit sa baybayin ng Peru, ano ang tunay na sanhi ng pangyayaring ito? Upang maunawaan
ito, isaalang-alang muna ang higanteng sirkulasyon ng siklo, kilala bilang ang Walker
Circulation, na umiiral sa atmospera sa pagitan ng silanganin at kanluraning bahagi ng Pasipiko
sa tropiko. Habang pinaiinit ng araw ang bandang ibabaw nakatubigan sa kanluran, malapit sa
Indonesia at Australia, ang mainit at mahalumigmig na hanginay pumapaitaas sa atmospera,
na nagiging sanhi ng sistema ng mababang-presyon malapit sa pinakaibabaw ng katubigan.
Ang pumapaitaas na hangin ay lumalamig at pinakakawalan ang halumigmig nito
anupat nagdudulot ng mga pag-ulan sa lugar na ito. Ang tuyong hangin aytinatangay pasilangan
ng mga hangin na nasa mas mataas na atmospera. Habang ito aynaglalakbay pasilangan, ang
hangin ay lumalamig at bumibigat at nagsisimulang bumaba pagdating sa Peru at Ecuador.
Nagiging sanhi ito ng sistema ng mataas na presyon malapit sa pinakaibabaw ng
karagatan. At, sa mababang altitud, ang mga takbo ng hangin na kilala bilang mga trade wind
(hangin na kalimitan ay humihihip sa iisang direksiyon) ay humihihip naman pabalik sa
kanluran patungong Indonesia, sa gayon ay nakukumpleto ang siklo.
Ano ang epekto ng El Niño?
Ayon sa ahensiya, di tulad ng ibang kalamidad ay tahimik pero mapanira ang epekto
ng El Niño, tulad ng naranasan noong 2016 kung saan walong probinsiya at 12 lungsod ang
isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto nito.
Dahil rin sa El Niño, nagkakaroon ng tuyong panahon, mas matagal na tag-araw, mas
matagal na pagsisimula ng tag-ulan na natatapos kaaagad, mahinang pag-ulan sa panahon ng
tag-ulan, at kaunting bagyo. Mas mataas din sa normal ang temperatura.
Sa pagsasaka, nasisira ang paglaki ng mga halaman dahil sa stres dulot ng init, pagtaas
ng pangangailangan sa tubig dahil sa mas mataas na evapotranspiration (pagkawala ng tubig
dahil sa ebaporasyon mula sa ibabaw ng lupa at pagpapawis o transpirasyon ng mga halaman
sa isang lugar at tukoy na panahon), at kakulangan sa suplay ng tubig pang-irigasyon at
pambahay.
Isa na dito ang ipinalabas na balita ng GMA News noong September 2012, tinalakay
ang paghahandang Pilipinas sa pagpasok ng El Niño. Kasunod nito, lumabas din ang mga
balitang nagsasaad naaabot na sa 25 ektaryang ng palayan sa Kidapawan City ang natuyo dahil
sa mainit na panahon samantalang ipinalabas din ang balitang pinag-isipan na ng pamahalaan
ng Bohol ang pagsasagawa ng cloud seeding upang maisalba ang mga sakahang natutuyot na.
May epekto rin ang El Niño sa ekonomiya ng bansa. Maaaring tumaas ang presyo ng
pagkain at iba pang pangunahing bilihin. Kung hihina ang produksyon ng pagkain, natural na
magmamahal ang lahat, partikular ang bigas. Alam natin kung gaano karaming tubig ang
kailangan ng palay para mabuhay. Siguradong magmamahal din ang kuryente, lalo na kung
matindi na naman ang init ng panahon. Hindi rin malayo mangyari ang mga rotating brownout.
Isa rin sa epekto ng El Niño ay ang Dry spell na kapag nabawasan ng 60 porsiyento ang
rainfall o tubig-ulan na kadalasang natatanggap ng isang lugar sa loob ng 3 magkakasunod na
buwan, ayon kay Annaliza Solis, climate monitoring chief ng state weather bureau na
PAGASA.
Dry spell din umano kapag nabawasan ng higit 60 porsiyento ang rainfall sa isang lugar
sa loob ng 2 magkasunod na buwan.
"Kung mayroon kang 100 millimeters of rain na natatanggap sa isang buwan, so mga
around 40 millimeters lang po 'yong natatanggap ninyo," ani Solis.
Ayon din sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),
hanggang katapusan ng Mayo pa magtitiis ang Pilipinas sa epekto ng El Niño phenomenon.
Sinabi rin ng NDRRMC na 41 lalawigan sa bansa ang maituturing na nakararanas ng
dry spell sa katapusan ng Marso.
Sa katapusan ng Abril, 42 lalawigan ang
makararanas ng dry spell habang 22 lalawigan naman
ang makararanas ng drought o tagtuyot. At sa katapusan
naman ng Mayo, 33 lalawigan ang makararanas ng
drought.
Sabi din ni Solis, simula pa Pebrero, nakararanas
na ng tagtuyot ang Ilocos Norte, Zamboanga del Sur,
Zambuanga Sibugay, Maguindanao at Cebu.
Dahil sa mga pinsala ng El Niño, ilan lamang ang mga ito sa mga patunay na ang
pagkakaroon ng El Niño sa ating bansa ay nagbibigay ng pinsalasa maraming bahagi ng ating
kabuhayan lalo na ng mga magsasaka.
Paano maagapan ng mga magsasaka ang epekto ng El Niño?
1. Magtanim ng mga barayting maaaring mabuhay kahit may kakulangan sa patubig
(drought-tolerant) at barayting maagang anihin (early-maturing).
2. Gamitin ang teknolohiyang reduced-tillage o ang minimal na pagbungkal ng lupa
upang makabawas sa oras ng trabaho sa bukid at makatipid sa tubig sa paghahanda ng
lupa. Sa sistemang ito, hindi na inaararo ang bukid bago tamnan. Konting suyod lang,
maari nang magtanim.
3. Gumamit ng mga teknolohiyang tipid sa tubig tulad ng kontroladong irigasyon, aerobic
rice, at drip irrigation.
Sa kontroladong irigasyon, sapat na tubig lang ang gagamitin at hindi naman
naaantala ang paglaki ng palay. Bagay na bagay ang teknolohiyang ito sa pagpapatubig
sa mga sakahang salat sa tubig, gaya ng mga umaasa sa komunal na irigasyon, de-
bombang patubig, maliit na imbakan ng tubig, at mga nasa duluhan ng mga kanal ng
patubig.
Ang Aerobic Rice Technology (ART) ay
paraan ng pagpapalayan sa mga lugar na kapos sa
patubig. Mainam gamitin ang ART sa mga lugar
na sahod-ulan, dulo ng mga sakahan na may
patubig, at matataas na palayan na walang pilapil.
Ang ani ay 4-6 tonelada kada ektarya.
Ang drip irrigation naman ay isang
sistema ng unti-unting pagpapatubig sa mga
maliliit na taniman tulad ng gulayan. Angkop ito sa mga lugar na nagtatanim ng ibang
halaman pagkatapos ng palay.
4. Maglagay ng alip-ip (mulch) sa ibabaw ng lupa upang mapanatili ang hamog ng lupa,
makontrol ang temperatura nito, at maiwasan ang pagdami ng damo. Maaaring
gamiting mulch ang dayami, damo, o plastik.
5. Magtanim ng ibang halaman (tulad ng gulay) sa halip na palay sa mga lugar na kulang
sa patubig. Itinutulak ng PhilRice ang sistemang Palayamanan o ang pagtatanim ng
hindi lang palay kundi gulay at iba pa, at paghahayupan. Kasama rin sa Palayamanan
ang pagbabalik sa lupa ng mga by-products ng palay, gaya ng ipa at dayami. Sa gitna
ng El Niño, makadaragdag sa kita ang mga pananim na pwedeng mabuhay sa kaunting
tubig, gaya ng munggo.
6. Magtanim ng mga halamang mataas ang commercial value (pakwan, kalabasa, melon)
upang makadagdag sa kita, o magtanim ng halamang nabubuhay kahit kulang ang tubig
tulad ng kamoteng-kahoy, kamote, at ube.
7. Regular na bisitahin ang palayan upang makita kung inaatake ito ng peste at sakit dala
ng init ng panahon.
8. Palaging makinig sa mga ulat-panahon upang makapagplano ng mga maaaring gawing
aktibidad sa bukid.
Hindi sa lahat ng panahon ay nakakasiguro tayong ligtas at maayos ang ating
pamumuhay kaya dapat tayong maging handa sa panahon ng mga kalamidad lalong- lalo na sa
El Niño. Kailangan nating magtulungan dahil kung magkakaisa at magtutulungan tayo walang
imposible.

Mga Talasanggunian
 https://www.academia.edu/7279694/ANG_EL_NI%C3%91O_Isang_papel_ng_panan
aliksik_na_isinagawa_ni
 http://heartslock1.blogspot.com/2017/03/epekto-ng-el-nino.html
 https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/03/06/1899163/tagtuyot-
sa-22-probinsya-pinangangambahan-sa-abril
 http://balita.net.ph/2014/11/19/el-nino-la-nina/
 https://news.abs-cbn.com/news/03/14/19/alamin-pagkakaiba-ng-el-nio-dry-spell-at-
meteorological-drought
 https://news.abs-cbn.com/news/02/20/19/pagasa-nagbabala-sa-nakaambang-pinsala-
ng-el-nio
 file:///C:/Users/kim/Downloads/el-nino-q-and-a.pdf
 http://www.academia.edu/7279694/ANG_EL_NIÑO
 http://www.philstar.com/psn-opinyon/2015/08/19/1489672/malakas-na-el-nino
 https://www.google.com.ph/search?q=epekto+ng+el+nino+pdf&oq=epekto+ng+el+ni
no+pdf&aqs=chrome..69i57l2.10375j0j8&sourceid=chrome&ie=UTF-
8#q=sanhi+ng+el+nino&*
 wol.jw.ord/en/wol/r/r27/lp-tg/102000207
 www.wikipedia.com

You might also like