You are on page 1of 1

Kalayaan tungo sa kaunlaran at

kinabukasan
Walong letra lamang ang salitang KALAYAAN
ngunit ito’y napakahalagang kataga sa bawat
Pinoy. Marahil ito ang naging daan para
umunlad ang ating bansa at makamit ang ating
mga pangarap na inaasam-asam.

Ngayong Hunyo 12, nakatakda ang ika -120


anibersaryo ng Araw ng Kalayaan na maituturing
na pinakamahalagang petsa sa kasaysayan
sapagka’t marka ito ng pagkamit ng kalayaan ng
bansa mula sa mga Espanyol na nagkait sa atin
ng pag-asa noong Hunyo 12, 1898.
Kung ating matatandaan, ang dating presidente
ng Pilipinas na si Emilio F. Aguinaldo ang
nakipaglaban upang maihayag ang kalayaan ng mga Pilipino na siyang naging hudyat ng paglayag ng ating
bandila bilang simbolo ng pagkakaisa at kaginhawaan ng mga mamamayan.

Kung wala ito, maaring ang mga tao’y hindi nagkakaisa ngayon datapwa’t, ito’y isinasagawa taon-taon
para sa kaalaman ng milyon-milyong tao na ito’y mahalagang kasangkapan para sa pag-abot ng
kapayapaan.

Ayon sa ulat ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo o DOLE, lahat ng manggagawang Pinoy ay makakakuha
pa rin ng isang daang porsiyentong sahod sa araw na yaon bagama’t sa mga mag-oovertime na
magtrabaho sa Hunyo 12 ay makakapagkamit ng double pay sa naturang araw.

Ngunit hindi rito nagtatapos ang aktibidad,sapagka’t ilan sa mga opisyal at kawani ng mga lokal na
pamahalaan sa buong bansa tulad na lamang ng lokal na pamahalaan ng San Narciso at Provincial
Government ng Zambales ay magsasagawa ng simpleng programa tulad na lamang ng pagtataas ng
watawat, at patimpalak sa pagsulat ng sanaysay at poster making.

Para sa ilang Pinoy, lalong-lalo na ang mga namamasada ng mga bus, jeep o tricycle, manggawa sa ibang
bansa o ibayong dagat, magiging ordinaryong araw lamang ito dahil patuloy pa rin sila sa
pakikipagsapalaran para sa kanilang mga pamilya.

Ngunit, sa darating na Hunyo 12 at susunud na araw, kahit hindi magiging kapansin-pansin ito,
magsisilbing hamon ito sa bawat Pilipino’y na kailangang magtulungan kahit pa may kaguluhan sa ibang
panig ng bansa at pati sa ibang bansang walang katiyakan.

Problema man ang sumapit sa atin, tulad ni Aguinaldo kailangan nating maging matapang para sa pagtamo
ng kalayaan tungo sa kaunlaran at kinabukasan ng Pilipinas.

ERMALYN G. BAUTISTA
Namatacan National High School

You might also like