You are on page 1of 3

(Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 oras)

Luisa: Magandang tanghali po, Luzon, Visayas at Mindanao. Isang unibersidad ang
nakaisip ng paraan para ipagpatuloy ang pagtuturo ng subject na Filipino sa kabila ng
utos ng CHED na alisin ito sa kolehiyo. Nakatutok si Meghan Cristi!

Meghan: Sa halamang hinugot mula sa kanyang ugat, itinulad ni Dean Maria Bulaong
ang mga Pilipino ang pagpapatanggal sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Kamakailan
kasi, binawi na ng Korte Suprema ang TRO na pumipigil sa pagpapatupad ng CHED na
tanggalin ang wikang Filipino, panitikan at Philippine Constitution sa General
Education curriculum sa kolehiyo sa ilalim ng K-12 program. Ayon sa CHED, nauulit
lang daw ang mga aralin tungkol sa wika at panitikang Filipino na nakapaloob na rin
daw sa Basic Education curriculum mula Grade 1 hanggang 10 at senior high school.
Isa lang si Dean Bulaong sa guro ng Bulacan State University o BulSU na
ipinaglalaban ang pagpapatuloy ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ang BulSU,
bumuo ng tatlong asignatura para mapanatili ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo.
Yan ang araling Pilipino, panitikan at lipunan, at pagsasalin-wika. Pinayagan daw ito ng
CHED. Hindi raw totoo na nauulit lamang ang tinuturo sa Filipino subjects sa high
school dahil mas mataas, pinalalim at kailangan ng pagsasaliksik sa mga Filipino
subjects sa kolehiyo. Meghan Cristi, nakatutok 24 oras.

Luisa: Mga balita sa labas ng bansa, front line guard post na naghihiwalay sa North
at South Korea, tinanggal na. Nakatutok si Icko Fabro!

Icko: Pinasabog na ng North Korea ang sampung front line guard post nito sa border
ng South Korea. Sa inilabas na video ng Seoul’s Defense Ministry, makikita ang
sunud-sunod na pagpapasabog ng North Korea sa kanilang guard post para sa
pagpapabuti pa ng kanilang relasyon. Bahagi ito ng usapan ng Pyongyang at Seoul
noong Setyembre kung saan nakapagkasunduan ng dalawang bansa na alisin ang
kanilang mga guard post sa demilitarized zone. Icko Fabro, nakatutok 24 oras.

(I am ready, GMA Weather, serbisyong totoo ng GMA news)

Vince: Mga kapuso, nakalabas na kagabi ng Philippine Area of Responsibility ang


bagyong Samuel pero may bagyo na naming papasok ngayong weekend. Yan ang
typhoon “Man-yi”. Huling namataan ng PAGASA yan sa layong 1,495 kilometers dyan
sa may silangan o east ng Central Luzon at inaasahan na kikilos ito pahilagng-
kanluran o northwest sa bilis naman na 25kph. Ang kanyang center wind, mga
kapuso, umaabot nan g 145kph. At kung mapapanatili ng bagyo ang kilos nito ay
inaasahan na nasa loob ito ng PAR bukas at tatawagin ito sa local name na ”Tomas”,
ang ika-20 bagyo sa PAR ngayong taon. At mga kapuso ah, hindi po ito inaasahan na
maglandfall base dito sa forecast track at base pa sa datos ng metra weather, hindi
rin ito inaasahan na magpaulan. At may umiiral rin na hanging amihan na maaaring
magpahina dyan sa bagyo. Dahil sa amihan, buong weekend a magpapaulan dyan sa
may Cagayan Valley, mga probinsya ng Aurora at Quezon at may ulan din sa may
Mindoro at Palawan. Sa hapon po naman magkakaroon ng pag-ulan sa iba pang bahagi
ng Northern Luzon ngayong weekend. Sa Metro Manila, may tsansa ng ulan sa
tanghali at hapon sa ilang bahagi lamang ng Metro Manila ngayong weekend. Mababa
naman ang tsansa ng ulan sa halos buoong Visayas bukas pero sa Linggo maghapon
ang ulan dyan sa may silangang bahagi. Sa hapon ay may mga pag-ulan na rin sa iba
pang mga lugar sa Visayas. Sa Mindanao, mga kapuso, sa hapon magkakaroon ng mga
pag-ulan sa may Zamboanga Peninsula, ARMM at Soccsksargen bukas po yan ng
hapon. Sa Linggo, sa hapon din ang ulan sa may Northern Mindanao at dyan sa may
rehiyon ng Caraga. Delikado naming pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat
dyan sa seaboard ng Luzon, Ilocos Norte at Sur, Batanes at Cagayan. At yan ang
latest mula sa GMA weather, ako po si Vince Paglicawan, magplano para sigurado, I
am ready, serbisyong totoo ng GMA news.

Luisa: Dapat daw abangan ang resulta ng laban ni Manny Pacquiao sa American boxer
na si Adrian Broner sa Enero. Para sa isang ringside analyst, dyan masusukat ang
pagiging de-kalibreng boksingero ng pambansang kamao. Maki-timeout muna tayo
kay Bernadette Benino.

Berna: Sa mga nakakita na sa Amerikanong challenger na si Adrian Broner ay


mapapaisip kung kaya pa rin nitong pigain ang excess poundage sa loob ng dalawang
buwan. Lubhang napakabigat ng itsura ngayon ng 4-weight division world champion
kumpara sa kanyang huling fighting weight na 140pounds. Sa pagsampa niya sa ring
sa MGM Grand sa Enero 19, alam niyang hindi basta-basta ang kanyang
makakaharap. Para sa isang beteranong tagasunod ng professional boxing, ang laban
sa Enero 19 ay mas may timbang para sa isang 8-weight division champion na si
Manny Pacquiao. Kumpiyansa naman si Manny Pacquiao sa pakiramdam niya bago
magsimula ang kanyang paghahanda para sa kanyang depensa sa susunod na taon. At
tila bang totoo na life begins at 40 para sa natatanging 8-weight division world
champion sapagkat hindi lang ang laban sa 2019 kay Floyd Mayweather, Jr. ang
pakay ng fighting senator. Bernadette Benino, nakatutok 24 oras.

Luisa: Bukod sa puno ng katatawanan, magiging madrama at maaksyon din daw ang
23rd anniversary episode ng bubble gang. Ano nga ba ang sikreto sa tagumpay ng
longest running gag show sa bansa? Yan ang chika ni Kharlou Baldo!

Kharlou: Sina Bea Bangenge, Madam Rocha, Bonggang Bonggang Bongbong at si


Mister Assimo. Ilan lang yan sa mga karakter na nagpatawa sa atin sa mahigit
dalawang dekada ng bubble gang. Mga karakter na binigyan ng buhay ng kapuso
comedy genius na si Michael V. Ngayong 23 years na ang bubble gang, isang espesyal
na comedy episode ang handog ng longest running gag show na mapupuno raw ng
drama at aksyon. Sa mahigit dalawang dekada ng pangingiliti ng bubble gang, iisa
lang daw ang naging sikreto ng show. Aminado si bitoy na minsan na siyang naubusan
ng funny ideas pero dahil na rin sa team effort, hanggang ngayon, napapahalakhak
pa rin nila ang mga kapuso. Kharlou Baldo, updated sa showbiz happenings.

Luisa: And that’s it for our week long chikahan. At yan po ang mga balitang ngayong
. araw na lang pasko na! Ako po si Luisa De Asis. Ito ang GMA, walang
kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo
lamang. At dahil hindi natutulog ang balita, nakatutok kami, 24 oras.

You might also like