You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V- BICOL
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
SAN RAMON NATIONAL HIGH SCHOOL

SUMMATIVE TEST
Name : ________________________________ Subject : _______EsP 10_________
Grade/Section : ________________________________ Date : _____________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na
sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
A. Walang kusang- loob C. Kusang-loob
B. Di kusang-loob D. Kilos ng tao
2. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin dahil katwiran mo,
ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan?
A. Walang kusang- loob C. Kusang-loob
B. Di kusang-loob D. Kilos ng tao
3. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?
A. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon.
B. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
C. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa ditto.
D. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya.
4. Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit na
maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may kapanagutan ka ba sa
kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?
A. Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong.
B. Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit.
C. Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at kahihinatnan nito.
D. Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa.
5. Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos?
A. May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa kilos.
B. Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos.
C. Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa.
D. Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos.
6. Sino ang nagsabi na ang kilos ng tao ay nagbibigay patinay kung ang isang tao ay may control o pananagutan sa
kaniyang sarili?
A. Aristotle C. Santo Tomas de Aquino
B. Agapay D. Felicidad Lipio
7. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristotles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapwa dahil sa
galit bilang reaksyon sa panloloko sa kaniya?
A. Di kusang-loob C. Walang kusang-loob
B. Kusang-loob D. Kilos-loob
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na gawi?
A. Paglilinis ng ilong C. Pagpasok ng maaga
B. Pagsusugal D. Maalimpungatan sa gabi
9. Malalaman ang nilalaman ng kalooban ng tao mula sa kaniyang
A. Kaalaman C. Hilig
B. Hinanakit D. Kilos at salita
10. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Ano man ang mabuti ay dapat
isinasakatuparan niyan. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
B. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsasakatuparan nito ay
magdadala ng isang maling bunga.
C. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay usang maling gawain.
D. Hindi, dahil walang oblugasyon ang tao na gawin ito.
Panuto: Basahing Mabuti ang pangungusap. Isulat ang titik na T kung ang pahayag ay tama at M naman kung
mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang numero.

_______1. Walang kilos-loob ay ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos
na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
_______2. Di kusang-loob ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na
hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
_______3. Ayon kay Santo Tomas: “Hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang
kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari.
_______4. Ayon kay Aristoteles, may eksepsyon sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa
proseso ng pag-iisip.
_______5. Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kanyang piniling kilos.
_______6. “Ang mabuting kilos ay nakasalalay sa paggawa ayon sa katotohanan at ikabubuti ng iyong
minamahal”.
_______7. Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap; at kung masama ang kilos, ito ay kahiya-hiya at dapat
pagsisihan.
_______8. Kilos ng tao (Acts of man) ito ay ang mga naisasagawang kilos na labas sa kanyang kontrol na ayon sa
kalikasan bilang tao
_______9. Makataong Kilos (Humane act) ito ay mga kilos ng tao na isinasaagawang may kaalaman (knowingly),
malaya (free) at kusa (voluntarilly)
______10. Walang kilos-loob ito ay kilos na isinasagawa nang walang kaalaman, walang pagsang-ayon kaya
walang pagkukusa sa kilos.

You might also like