You are on page 1of 8

MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG MISAMIS OCCIDENTAL

Lungsod ng Oroquieta

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

Kompetensi: 5.1 Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa kalooban na
malayang isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman
1. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan
niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
B. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan
nito ay magdadala ng isang maling bunga.
2. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino?
A. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
B. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
C. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
D. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.
3.Ayon kay Aristoteles, saan nakasalalay ang pagiging mabuti at masama ng kilos?
A.Obligasyong gawin ang kilos C. Intensiyon kung bakit ginawa ang kilos
B.Paraan sa pagsagawa ng kilos D. Pagkakataon kung kailan ginawa ang kilos
4. Bakit ang kilos ng tao (acts of man) ay itinuturing na kilos na walang kapanagutan sa sinumang gagawa ng kilos?
A. dahil ang kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya
B. dahil ang kilos ay likas sa tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob
C. dahil ang kilos ay hindi sinadya at kulang sa pagkukusa
D. dahil ang kilos ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan
5. Bakit ang kilos na kusang loob ay may kaakibat na kapanagutan?
A.Ang lakat ng kilos ay may kaakibat na pananagutan.
B.Ang pagsagawa ng kilos ay may kaalaman at pagsang-ayon.
C.Ang gumagawa ng kilos ay walang kaalaman kaya’t walang pagsangayon.
D.Ang kilos ay ayon sa kanyang kalikasan at hindi maaaring tanggihan
6. Paano makikilala ang pagkakaiba sa pagitan ng Makataong kilos at sa KIilos ng tao?
A. Ang kilos ng tao ay ang kilos na may kusa at ang makataong kilos ay kilos na nagaganap sa tao.
B. Ang makataong kilos ay ang kilos na isinasagawa ng may kaalaman, Malaya at kusa habang ang kilos
ng tao ay mga kilos na nagaganap sa tao.
C. Lahat ng nabanggit
D. Wala sa nabanggit
7. Bakit may pagkukusa sa makataong kilos?
A. Dahil malaya itong ginagawa sa pamamatnubay ng isip at kilos-loob.
B. Dahil may pabuya sa paggawa ng makataong kilos.
C. Dahil ito ay naayon sa batas moral.
D. Dahil ito’y sinasabi ng mga dalubhasa.
5.2 Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan
Nakagawian na ni Susan na magsimba kada Linggo. Dahil sa napuyat sa pag-aalaga ng kanyang may sakit na ina, nahuli siya ng
gising at nagmamadaling pumunta ng simbahan kaya nakaligtaan niyang i-off ang kanyang cellphone. Nagtinginan ang mga tao sa
gawi ni Susan nang tumunog ng malakas ang cellphone niya habang nasa kalagitnaan ng pagsesermon ang pari.

8.Anong uri ng kilos ang ipinakita ng mga tao kay Susan?


A. Makataong Kilos B. Mapanagutang kilos C. Kilos-loob D. Kilos ng tao
9. Ang biglang pagtinginan ng mga tao sa gawi ng malakas na tunog ng cellphone ay naaayon sa kalikasan ng tao bilang
tao. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kilos na likas sa tao at at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob?
A. Makataong Kilos B. Kusang loob C. Kilos-loob D. Kilos ng tao
10. May ilang humusga sa pagkatao ni Susan dahil sa nangyari. Saan pwedeng malaman ang nilalaman ng kalooban ng
tao?
A. Kaalaman at kakayahan C. Kilos at salita
B. Hilig at interes D. Hinanakit at damdamin
Para sa bilang 11 at 17.
Si Arturo, isang barangay official ay naglingkod bilang COMELEC member para sa lokal at pambansang eleksiyon. Binulungan
siya ng kaniyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng "dagdag-bawas." Alam niyang ito ay iligal at labag sa
kanilang moral na tungkulin kaya hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa parin niya ang pabor na hinihingi dahil baka matanggal siya
bilang miyembro kung hindi siya susunod bagaman labag ito sa kaniyang kalooban.
11.Batay sa sitwasyon, anong uri ng kilos ang ipinakita?
A.Kusang-loob C. Walang kusang loob
B.Di kusang-loob D. Makataong kilos
12. Ang kilos ng tao ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung
naisagawa ito. Ang pahayag na ito ay;

A. Mali dahil ang kilos ng tao ay ginamitan ng isip at kilos-loob.

B. Mali dahil lahat ng kilos ng tao ay dapat may kapanagutan.

C. Tama dahil ang kilos ng tao ay hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.

D. Tama dahil ang kilos ng tao ay walang aspekto ng pagiging masama

13. Bakit may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng makataong kilos (kabutihan o kasamaan)?

A. Dahil ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao gamit ang isip

B. Dahil ang makataong kilos ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa

C. Dahil ang makataong kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya

D. Lahat ng nabanggit sa itaas

14. Nasampal ni Martha si Noel dahil sa palagiang pagkindat ni Noel sa kanya. Sa imbestigasyon na isinagawa ng
guidance counselor, napag-alaman na manerismo ni Noel ang palagiang pagkindat ng kanyang mga mata. May
kapanagutan ba si Noel sa kanyang kilos?

A. Oo, dahil ang kanyang kilos ay kusang-loob, may kaalaman at pangsang-ayon.

B. Oo, dahil ang kanyang kilos ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang lang

sa pagsang-ayon.

C. Wala, dahil ang kanyang kilos ay walang pagkukusa, walang pagsang-ayon na

gawin iyon dahil iyon ay kanyang manerismo.

D. Wala,dahil ang kanyang kilos ay isang manerismo at wala naman siyang gusto kay Martha.

5.3 Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang makataong kilos; kaya
panangutan niya ang kawastuhan o kamalian nito
May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang mata. Nakikita ang
manerismong ito sa kaniyang pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa kaniyang
pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi
sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin si Dean dahil iyon ay isang manerismo niya.
15.Nang malaman ng dalaga ang kalagayan ni Dean, napagtanto ng dalaga ang nagawang kasalanan at humingi ito ng
paumanhin sa nagawang pananakit kay Dean. Alin sa mga sumusunod ang may pinakamahalagang papel sa pagsagawa ng
makataong kilos?
A. Kilos-loob B. Pananampalataya C. Isip D. Kaalaman
16. Kahit alam ni Arturo na mali, napilitan siyang gawin ang iniutos sa kanya. Bakit isang di-kusang loob na kilos ang
ipinakita ni Arturo?
A.Walang kaalaman si Arturo kaya't walang pagsang-ayon sa kilos
B.May kaalaman si Arturo at pagsang-ayon
C.Si Arturo ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito
D.Ang kilos ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon
17. Kahit alam ni Arturo na mali, napilitan siyang gawin ang iniutos sa kanya. Bakit isang di-kusang loob na kilos ang
ipinakita ni Arturo?
A.Walang kaalaman si Arturo kaya't walang pagsang-ayon sa kilos
B.May kaalaman si Arturo at pagsang-ayon
C.Si Arturo ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito
D.Ang kilos ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon
18. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan
niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A.Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat
B.Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain
C.Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito
D.Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay
magdadala ng isang matinding bunga
Para sa Aytem 19
Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga
gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa
magagandang ginagawa.
19. Si Ali ay itinalaga ng guro na tumulong sa mga kaklaseng nahihirapan sa leksyon. Sa mata ng tao, ang pagtulong sa
kapwa ay laging mabuting kilos, kailan ito nagiging masama?
A.Kung hindi ito kaaya-aya sa tumanggap ng tulong
B.Kung ang nilalayon sa pagtulong ay para sa pansariling kabutihan lamang
C.Kung walang layunin ang taong nagbibigay ng tulong
D.Kung walang kaalaman at malayang pagtanggap ng tinulungan
20. Bakit kailangang maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos?
A. Sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal
B. Sapagkat dito nakasalalay ang imahe ng kanyang pagkatao
C. Dahil dito binabase ng ibang tao ang paghuhusga sa kanya
D. Dahil kung ano ang gagawin niya sa kapwa ay gagawin din nila sa kaniya
5.4 Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa
pagkilos
21. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang mga
kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa
pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy?
A. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
B. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
C. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
D. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.
22.Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang
mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang
nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung bakit nasa kaniya ang paghanga at
mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
C. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang mata. Nakikita ang
manerismong ito sa kaniyang pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa kaniyang
pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi
sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin si Dean dahil iyon ay isang manerismo niya.
23.Batay sa sitwasyon, anong uri ng kilos ang ipinakita?
A. Makataong kilos B. Walang kusang loob C. Di kusang-loob D. Kusang-loob
24. Nasampal ng dalaga si Dean dahil sa galit bilang reaksiyon sa pinaniniwalang pambabastos sa kanya.Kung kikilalanin
ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng dalagang nanakit sa kanyang kapuwa?
A. Kusang-loob B. Walang kusang-loob C. Di kusang-loob D. Kilos-loob
25.Hindi sinadya ni Dean ang biglang pagkindat niya sa dalaga. Isang pang-pisikal na manerismo ito ni Dean. Alin sa mga
sumusunod ang pagpapahiwatig ng hindi kasadyaan ng walang kusang loob na kilos?
A.Ang tao ay walang kaalaman kaya't walang pagsang-ayon sa kilos
B.Ang kilos ay may kaalaman at pagsang-ayon
C.Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kahihinatnan nito
D.Ang kilos ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon
26.Alin sa mga sumusunod ang dapat piliin ng tao sa paggawa ng mabuti?
A.Mas madaling isagawa
B.Mas nakakapagbigay ng malaking pakinabang sa mga karamihan
C.Nakakasiya sa Diyos at sa kapwa tao
D.Higit na nakabubuti sa kaniyang kamag-anak

6.1 Naipapaliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kanyang kilos at
pasya
27. Bakit nakakaapekto ang kamangmangan sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kanyang kilos at pasya?
A. Dahil hindi ka na maging matalino
B. Dahil ikahihiya ka ng iyong pamilya kung ikaw ay isang mangmang
C. Dahil may kaakibat na kaunting pananagutan ang kamangmangan
D. Dahil hindi magiging makatao ang isang kilos
28. Bakit kailangang maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos?
A.Sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal
B.Sapagkat dito nakasalalay ang imahe ng kanyang pagkatao
C.Dahil dito binabase ng ibang tao ang paghuhusga sa kanya
D.Dahil kung ano ang gagawin niya sa kapwa ay gagawin din nila sa kaniya
29. Ayon ni Sto. Tomas de Aquino, bakit ang moral na kilos ay ang makataong kilos?
A.Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
B.Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
C.Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
D.Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama
30. Paano mo matutukoy na ang makataong kilos ay naaapektuhan ng mga salik?
A.Kung ito ay nabawasan o kaya ay nauwi sa pagiging isang ordinaryong kilos.
B.Kung ito ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang makataong kilos lalo na sa
papel ng isip at kilos-loob.
C.Lahat ng nabanggit
D.Wala sa nabanggit
31. Ang kamangmangan na hindi madaraig ay maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalamang mayroon siyang
hindi alam na dapat niyang malaman. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig na kamangmangan?
A.Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang
kanilang guro
B.Hindi pagsuot ni jonalynne ng kaniyang id kaya hindi siya pinapasok
C.Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang
guro
D.Pag-uwi ng maaga ni melijo dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon
32. Bakit kailangan ang maingat na pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at kilos na gagawin?
A.Makatutulong ito sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
B.Bawat kilos ay may batayan, dahilan at pananagutan.
C.Masisiguro ang tamang pasya ng tao.
D.Makatutulong ito sa tao upang matimbang

6.2 Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaapekto sa pagkukusa sa kilos dahil sa kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan, gawi
33.Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?
A. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang aralin ang kanilang
guro.
B. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
C. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro.
D. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.

34.Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?


A. Ang pagnanakaw ng kotse.
B. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera.
C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
D. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.

35.Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?
A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos
B. Dahil sa kahinaan ng isang tao
C. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
D. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob

36.Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. Panliligaw sa crush.
B. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.
D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.
37. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya na maaaring
ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay
nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
A. Takot C. Karahasan
B. Kamangmangan D. Masidhing damdamin
Nagugutom na si Luisa kaya nang makita niyang may pagkain sa mesa kinain niya kahit alam niyang hindi ito sa kanya.

38. May pananagutan ba si Luisa sa kanyang ginawa?


A.Wala, di niya kilala ang may-ari C. Oo, may kaalaman at kusa niya itong ginawa
B.Wala, likas sa tao ang kumain D. Oo, alam niyang hindi kanya ang pagkain

6.3 Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at ugali sa
pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang mga pasya at kilos dahil maaaring mawala ang pagkukusa sa kilos

39. Kung ang ginawang pag-ubos ni Luisa sa pagkain ay ginawa ng isang taong wala sa matinong pag-iisip, maituturing
ba ito na makataong kilos?
A. Hindi, wala siyang pananagutan C. Hindi, ngunit mayroon siyang pananagutan
C. Oo at may pananagutan siya D. Oo, ngunit wala siyang pananagutan

40. Kung ang ginawang pag-ubos ni Luisa sa pagkain ay ginawa ng isang taong wala sa matinong pag-iisip, maituturing
ba ito na makataong kilos?
A. Hindi, wala siyang pananagutan C. Hindi, ngunit mayroon siyang pananagutan
C. Oo at may pananagutan siya D. Oo, ngunit wala siyang pananagutan
Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Tagarro ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa
loob ng cabinet kung saan nakatago ang pera nila.

41.Ang pagkuha ni Tagarro ng pera ay masama. Paano nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa?
A.Ang pagkuha niya ay walang paalam
B.Ang pagkuha niya ay itinaon nang wala ang kaniyang mga magulang
C.Ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
D. Ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto
Para sa aytem 42

Isa isang pinuntahan ni Ginoong Tang ang mga kabahayang nasalanta ng bagyo sa kanilang lugar upang ipaabot ang kaniyang
tulong pinansyal. Malinaw sa sitwasyon na mabuti ang kaniyang ginagawa. Pero kapansin- pansin sa mga ibinigay na envelope, may
nakasulat na paalala ng kaniyang pangalan para sa darating na halalan. Pagkatapos ng kaniyang pagkatalo ay hindi na siya nakikitang
tumutulong sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.
42. May posibilidad bang nawala ang kasagraduhan ng pagtulong ni Ginoong Tang?
A. Wala, dahil ang pagiging sagrado nito ay hindi na mababago
B. Wala, dahil ang layunin at elemento nito ay buo para sa kabutihan
C. Oo, dahil lahat ng bagay ay may pagbabago
D. Oo, kapag nagbago ang layunin ng niya at ang pagtalikod sa pang-espiritwal ng kilos
43. Bakit hindi nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginawa dahil sa takot kundi nababawasan lamang?
A.Dahil malinaw pa rin sa isip ang ginagawa
B.Dahil may pagkakataong kumikilos tayo nang may takot
C.Dahil nagawa natin ang isang bagay
D.Dahil tumutukoy ito sa pagpataw ng pwersa
44.Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500 piso
sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama. Nadaragdagan ng
panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil ________.
A. kinuha niya ito nang walang paalam
B. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
C. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
D. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto

6.4 Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at
pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kanyang kakayahan sa pagpapasiya
45. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama
ba o mali na kopyahin mo ito?
A.Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.
B.Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
C.Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
D.Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit.
46. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A.Panliligaw sa crush C. Pagbatok sa barkada dahil sa panloloko
B.Pagsugod sa bahay ng kaalitan D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na marka
47. Ang kamangmangan ay hindi dapat maging hadlang sa paggawa ng makataong kilos. Ano ang dapat gawin upang
malabanan ang kamangmangan?
A. Mag-aral at alamin ang mga batas at kumuha ng impormasyon upang magkaroon ng kaalaman.
B. Manonood palagi nga telebisyon.
C. Makikipag-usap sa mga sikat na tao.
D. Magpunta sa mga makasaysayang pook o maglakbay sa mga lugar na nais puntahan

48. Si Nina ay isang social worker sa kanilang barangay. Sinabihan siya ng kanilang kapitan na bawasan ang Social
Amelioration Program (SAP) budget para sa mga mahihirap na nasa listahan upang ibigay sa kaniyang mga kamag-anak
na hindi naman naaapektuhan ng kahirapan. Kahit alam niyang hindi dapat sundin ang sinabi ng kapitan pero sinunod pa
rin niya dahil nag alala siyang mawalan ng trabaho.
Kung ikaw si Nina ano ang iyong dapat gawin?

A. Magsawalang kibo na lamang.

B. Magsusumbong sa mga kinauukulan tungkol sa pandarayang nangyayari sa barangay.

C. Pagalitan ang kapitan ng barangay.


D. Susundin rin ang kapitan kagaya ng ginawa ni Nina

49. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa Asignaturang Matematika. Hindi nakapag review ang kaibigan mo na si Katrina
dahil umabot sa umaga ang pakikipag chat niya sa kanyang boyfriend. Nag alala siya na baka hindi makapasa sa
pagsusulit kaya binuksan niya nang tahimik ang aklat sa Matematika na nasa kanyang harapan upang mahanap ang
formula kung paano makuha ang tamang sagot. Nakita siya ng guro at tinawag ang kanyang attensiyon. Ipinatawag din
tuloy ang kaniyang mga magulang sa guidance counsellor. Kung ikaw si Katrina ano ang dapat mong gawin upang
matulungan ka at ang iyong kapwa na maiwasan ang ganitong pangyayari?
A. Mag-aaral ako ng mabuti at hindi makikipag chat kung may pasulit.
B. Ipagpapatuloy ang pakikipag-chat at pangongopya tuwing pasulit.
C. Maghingi ng tulong sa mga kaklase kung paano sagutin ang pasulit.
D. Hihinto na lang ako sa pag-aaral upang maiwasan ang ganitong pangyayari.
50. Nakita mo ang iyong astig na kaklase na sinira nya ang pintuan ng inyong silid-aralan. Pagkaraan ng ilang oras
napansin ng inyong adviser na sira ang inyong pintuan. Tinanong kayo ng inyong guro kung ano ang nangyari at sino ang
sumira ng pinto. Hindi ka nagsalita. Sa sitwasyon na ganyan, ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ko isusumbong ang aking kaklase baka ako rin ay saktan niya kapag magsumbong.
B. Aalis ako ng silid-aralan upang hindi ako madamay.
C. Ituturo ko ang iba na gumawa nito at hindi ang totoong salarin.
D. Sasabihin ko ang totoo sa among guro kung sino ang nagsira ng pintuan.

You might also like