You are on page 1of 5

Department of Education

Republic of the Philippines


Caraga Administrative Region
BUTUAN CITY SCHOOL OF ARTS & TRADES
J. ROSALES AVENUE, BUTUAN CITY
SCHOOL ID. NO. 304762

2ND QUARTER – ESP 10


WRITTEN WORK #1
PERFORMANCE TASK #1
INIHANDA NI:
JOSEFINA A. TABAT
GURO SA ESP

Score:
Written Work #1 _______
Performance Task #1 _______
WRITTEN WORK 1:
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
PANGALAN TAON & SEKSIYON ISKOR:

Written Work # 1.

I. PANUTO: Isulat ang letra ng tamang sagot sa bawat katanungan.

_____ 1. Kung ang papel na ginampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob?
A. Umunawa at magsuri ng impormasyon. C. Tumulong sa kilos ng isang tao.
B. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip. D. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.

_____ 2. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang
mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga
ito ay galling sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba
o Mali ang kilos ni Jimmy?
A. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
B. Mali, dahil hindi sa kaniya galling ang kaniyang itinutulong.
C. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
D. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.

_____ 3. Mayroon kang mahabang pasusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galling sa
kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o Mali ang kopyahin mo
ito?
A. Tama, dahil hindi ko naman hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.
B. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kanya.
C. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
D. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit.

_____ 4. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang Mabuti ay dapat
isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
B. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay
magdadala ng isang maling bunga.

_____ 5. Paano makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos? Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos
kung makikita sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
A. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang pagsasagawa ng kilos-
loob sa pamamatnubay ng isip.
B. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-
ayon sa kilos.
C. Lahat ng nabanggit sa itaas
D. Wala sa nabanggit

_____ 6. Araw-araw ay nagsisimba si aling Cora at hindi nakakalimot na magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya
bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit si aling Cora sa kanyang kasambahay. Pinarurusahan niya ito
kapag sila ay nagkakamali. Nagsasabuhay ba si Aling Cora ng kaniyang pananampalataya?
A. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
B. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Bibliya ay ikinalulugod ng Diyos.
C. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kanyang kasambahay.

2
D. Hindi, dahil nabalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa
kaniyang kapwa.

_____7. Ang kilos ng tao ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang
tao kung naisagawa ito. Ang pahayag na ito ay;
A. Mali dahil ang kilos ng tao ay ginamitan ng isip at kilos-loob
B. Mali dahil lahat ng kilos ng tao ay dapat may kapanagutan
C. Tama dahil ang kilos ng tao ay hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob
D. Tama dahil ang kilos ng tao ay walang aspekto ng pagiging masama

_____ 8. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang Mabuti at nakapagbibigay
ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _____ niya ay nakatuon at kumikiling sa Mabuti sa kanya na
nakikita niya bilang tama.
A. Isip B. Kalayaan C. Kilos-loob D. Dignidad

_____ 9. Aling kilos ang masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti og masama kaya walang pananagutan ang tao
kung naisagawa ito.
A. Kusang-loob C. Di kusang-loob
B. Walang kusang-loob D. Kilos-loob

_____10. Ito ang kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya.
A. Kusang-loob C. Di kusang-loob
B. Walang kusang-loob D. Kilos-loob

_____11. Ito ay mga kilos na may indikasyon nang pagkagusto o pagsadya.


A. Kilos ng tao (act of man) C. pagkukusang kilos (voluntary act)
B. Makataong kilos (human act) D. wala sa nabanggit
C.
_____12. Ito ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi
ginagamitan ng isip at kilos-loob.
D. Kilos ng tao (act of man) C. pagkukusang kilos (voluntary act)
E. Makataong kilos (human act) D. wala sa nabanggit

_____13. Ang kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, Malaya, at kusa.
A. Kilos ng tao (act of man) C. pagkukusang kilos (voluntary act)
B. Makataong kilos (human act) D. wala sa nabanggit

_____14. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumaga ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa
kalikasan at kahihinatnan nito.
A. Kusang-loob C. Walang kusang loob
B. Di-kusang loob D. Mayroong kusang loob

_____15. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit walang pagsang-ayon.


A. Kusang-loob C. Walang kusang loob
B. Di-kusang loob D. Mayroong kusang loob

_____16. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan
ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.
A. Kusang-loob C. Walang kusang loob
B. Di-kusang loob D. Mayroong kusang loob

_____17. Bakit may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng makataong kilos (kabutihan o kasamaan)?
A. Dahil ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao gamit ang isip
B. Dahil ang makataong kilos ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa
C. Dahil ang makataong kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya
3
D. Lahat ng nabanggit sa itaas

_____18. Si Gng. Maricel ay isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang guro.
Gumagamit siya ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo para sa kanyang klase. Gumagawa din siya ng mga
angkop na pagsusulit upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. Si Arnel ay kanyang
mag-aaral na hindi pumasa sa klase dahil hindi nakatuon ang kaniyang atensiyon sa itinuturo ni Gng.
Maricel. Dapat bang sisihin si Gng. Maricel sa hindi pagkapasa ni Arnel?
A. Hindi, dahil gusto naman ni Gng. Maricel na pumasa lahat ng mag-aaral.
B. Oo, dahil hindi niya binigyang atensiyon si Arnel.
C. Hindi, dahil ginawa naman ni Gng. Maricel ang lahat sa abot nang kanyang makakaya para pumasa ang
kaniyang mag-aaral.
D. Oo, dahil ayaw ni Arnel sa kanya.

_____19. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang mag-aaral na biglang humikab
ng malakas sa klase habang seryosong nagtuturo ang guro?
A. Kusang-loob C. Di kusang-loob
B. Walang kusang-loob D. Kilos-loob

_____20. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang mag-aaral na nanakit sa kapwa
dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kanya?
A. Kusang-loob C. Di kusang-loob
B. Walang kusang-loob D. Kilos-loob

_____21. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng makataong kilos?


A. Pagiging tsismosa C. Pagkurap ng mata
B. Pangongopya sa katabi D. Lahat ng nabanggit

_____22. Aling kilos ang ipinakita ng isang mag-aaral na nag-cutting classes dahil niyaya ng kamag-aral?
A. Kusang-loob C. Di kusang-loob
B. Walang kusang-loob D. Kilos-loob

_____23. Aling kilos ang ipinakita ng isang mag-aaral na ginagawa ang lahat ng gawain para makakuha ng mataas na
marka?
A. Kusang-loob C. Di kusang-loob
B. Walang kusang-loob D. Kilos-loob

_____24. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo. Sobra ang sukling ibinigay sayo ng tindera sa halip na 3 piso ay
binigyan ka ng 7 piso sa pag-aakalang piso ang limang piso na barya. Hindi mo sinabi sa tindera na sobra
ang sukli na natanggap mo at dalidali kang umuwi. May pananagutan ka ba sa iyong ginawa?
A. Oo, dahil hindi mabuti ang kilos na aking ginawa.
B. Wala, dahil hindi ko naman kasalanan na sobra ang ibinigay sa akin na sukli.
C. Oo, dahil umuwi ako agad.
D. Wala, dahil hindi naman alam ng tinder ana sobra ang ibinigay niyang sukli sa akin.

_____25. Niyaya ka ng kaibigan mo na pumunta sa bahay ng kaibigan ninyo dahil may salo-salo. Bilin ng nanay mo
palagi na hindi pwedeng lumabas at manatili lang sa bahay para maiwasang mahawa sa COVID-19 virus at
umiwas sa matataong lugar. Hindi ka sumama sa iyong kaibigan at nanatili ka lang sa inyong bahay. May
pananagutan ka ba sa iyong pagtanggi sa alok ng iyong kaibigan?
A. Oo, dahil nagalit sa akin ang kaibigan ko.
B. Wala, dahil gusto ko naman talaga sumama pero wala akong mask.
C. Oo, dahil hindi ako naka attend sa salo-salo.
D. Wala, dahil sinunod ko lang ang bilin ang nanay ko na hindi lalabas ng bahay.

4
II. Panuto: Mag-isip ng isang sitwasyon sa iyong buhay na hindi mo makalimutan. Isulat kung paano ka nagpasya at
nagpakita ng makataong kilos sa sitwasyon na ito. Gabay mo ang halimbawa. (5 puntos)

Sitwasyon sa buhay na Epekto ng isinagawang


Kilos na isinagawa Mga reyalisasyon
nagsagawa ng pasya pasiya
Mas makabubuti na piliin
Halimbawa:
Naunawaan ang tinalakay ang pagpasok sa klase dahil
Hindi sumama at pinili na ng guro at nakakuha ng may Mabuti itong
Niyaya ng kaibigan na
pumasok sa klase. pasang marka sa pagsusulit maidudulot sa pag-abot ko
magcutting-classes.
sa araw na iyon. ng aking pangarap at
tunguhin sa buhay.

26. 27. 28. 29-30.

Performance Task # 1.

Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Isulat sa iyong papel ang mga sagot sa bawat tanong.

Sitwasyon 1: Humanga ang iyong mga kaklase dahil sa Tanong: Dapat ka bang magpakita ng galit dahil sa iyong
pambihirang galling na ipinakita mo sa isang paligsahan. pagkapahiya? Bakit?
Lumapit sila sa iyo at binati ka. Hindi mo akalain na may
kaklase ka na siniraan ka dahil sa inggit sa iyo. Ngunit mas
minabuti mong manahimik at ipagsabalikat na lamang
bagaman nakaramdam ka ng pagkapahiya. May kaibigan ka
na nagsabing naniniwala silang hindi iyon totoo.

Tanong: Mapapanagot ka bas a iyong pananahimik? Bakit?

Sitwasyon 2: Nasaksihan mo ang pananakit ng isang bully


sa iyong kaklase sa loob ng klasrum. Dahil sa takot nab aka
madamay ka, hindi mo ito sinumbong sa kinauukulan.

Tanong: May pananagutan ka ba sa maaring kahinatnan


Sitwasyon 3: Nagbilin ang iyong guro na sabihan ang dahil hindi mo nasabi ang ipinagbilin sa iyo? Bakit?
pangulo ng inyong klase na magpulong para sa paghahanda
sa darating na Foundation Day ng paaralan. Biglang
nagyaya ang iyong mga kaibigan na pumunta sa birthday
party ng isang kaklase kung kaya nakalimutan mong
ipagbigay-alam ang bilin sa iyo.

Pamantayan sa Pagwasto ng Gawain


Pamantayan 10 puntos 8 puntos 5 puntos
Kalidad ng pagkapaliwanag Napakahusay ang Matatanggap ang Kailangang maayos (Malaki
pagpapaliwanag (buo at pagpapaliwanag (may ang kakulangan,
maliwanag) kaunting kamalian ang nagpapakita ng kaunting
pagpapaliwanag) kaalaman)

You might also like