You are on page 1of 3

EUPERFIA PUDA NATIONAL HIGH SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATATO 10
Ikalawang Markahang Pagsusulit
S.Y. 2023-2024

Name:____________________________ Date:__________________
Grade & Section:___________________
40
I. PAGPIPILIAN. Panuto: BILUGAN ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay mga makataong kilos na tumutukoy sa mga kilos na sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon sa
katwiran.
A. Kaugnay sa katwiran C. Makatwiran
B.Kumpleto o sapat D. Moral
2. Ito ang mga kilos na nagmula sa katwiran at kusang-loob.
A. Kaalaman C. Makataong kilos
B. Kilos ng tao D. Moral
3. Ito ang mga kilos na bunga ng biyolohikal na proseso ng katawan ng tao.
A. Kaalaman C. Makataong kilos
B. Kilos ng tao D. Moral
4. Ito ang kilos na hindi mabuti at hindi rin masama.
A. Amoral C. Makataong kilos
B. Imoral D. Moral
5. Ito ang mga kilos na kaaya-aya at pinahihintulutan.
A. Amoral C. Makataong kilos
B. Imoral D. Moral
6. Ito ay mga kilos na hindi mabuti at hindi pinahihintulutan.
A. Amoral C. Makataong kilos
B. Imoral D. Moral
7. Ito ay ang malayang pagsasagawa ng kilos.
A. Kaalaman C. Moral
B. Kalayaan D. Pagkukusa
8. Ito ay ang kakayahan ng taong isagawa ang kanyang piniling kilos.
A. Kaalaman C. Moral
B. Kalayaan D. Pagkukusa
9. Ito ang base ng pagpapakita ng kilos ng tao ayon sa pamantayang moral.
A. Kaalaman C. Moral
B. Kalayaan D. Pagkukusa
10. Ito ang mga kilos na nagmumula sa kilos-loob at naisasakatuparan gamit pa rin ang kilos-loob.
A. Kaugnay ng kilos-loob C. Pautos
B. Kaugnay sa katawan D. Sangkap
11. Ito ay halimbawa ng makataong kilos gamit ang kilos-loob tulad ng pagpapahayag ng intensyon.
A. Kaugnayan ng kilos C. Pautos
B. Kaugnay sa katawan D. Sangkap
12. Ito ang tawag sa Makataong kilos na ginagamitan ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon sa mga patakaran.
A. Kaugnayan ng kilos C. Pautos
B. Kaugnay sa katawan D. Sangkap
13. Ito ang tawag sa mga kaalaman, kalayaan at pagkukusa para sa pagsasakatuparan ng makataong kilos.
A. Kaugnayan ng kilos C. Pautos
B. Kaugnay sa katawan D. Sangkap
14. Ito ang tawag sa kilos ng taong nawala sa katinuan.
A. Kilos-loob C. Makataong kilos
B. Kilos ng tao D. Malaya
15. Ito ay naglalarawan ng makataong kilos.
A. Kilos-loob C. Malayang kilos
B. Makatwiran D. Pagkatao
16. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli.
Marami siyang mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang
mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung
bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
C. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
d. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
17. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat
isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
B. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay
magdadala ng isangmaling bunga.
18. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang
mgakapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay
galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang
kilos ni Jimmy?
A. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
B. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
C. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
D. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.
19. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha
ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama.
Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil___________.
A. kinuha niya ito nang walang paalam
B. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
C. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
D. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto
20. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galing sa
kaarawan ngiyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
A. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.
B. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
C. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
D. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit.
21. Ito ay tumutukoy sa pagkabagabag ng isip ng tao na humarap sa sa anumang uri ng pagbabanta sa
kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
A. karahasan C. takot
B. gawi D. masidhing damdamin
22. Alin sa sumusunod ang kilos dahil sa nerbiyos at pangamba?
A. takot C. kamangmangan
B. gawi D. karahasan
23. Ito ay ang kawalan ng kaalaman ng tao sa isang sitwasyon.
A. kamangmangan C. karahasan
B. takot D. masidhing damdamin
24. Si Markus ay bagong salta sa Maynila. Siya ay tumawid sa di tamang tawiran. Hinuli siya ng pulis dahil sa
kasong Jay walking.Anong salik ang nakaaapekto sa pananagutan ng tao na pinapakita sa sitwasyon?
A. takot C. kamangmang
B. gawi D. karahasan
25. Si Mario ay lumabas ng paaralan dahil sa gusto niyang maglaro ng kompyuter sa shop. Anong damdamin
ang ipinakita sa sitwasyon?
A. karahasan C. walang takot
B. gawi D. masidhing damdamin
26. Ayon sa turo ni Aristototeles, aling kilos ang ipinapakita ng isang amang nanakit ng anak bilang reaksiyon
sa mga bagsa niyang marka sa paaralan?
A. masidhing damdamin C. takot
B. kamangmangan D. karahasan
27. Ito ay tumutukoy sa dikta ng bodily apetite, pagkiling sa isang bagay.
A. kilos (tendency) o damdamin C. kamangmangan
B. Masidhing damdamin D. takot
28. Si Miguel ay mahilig mang-asar at magbiro, kadalasan hindi niya namamalayan na nakasasakit na siya ng
damdamin ng kanyang mga kaklase. Siya ba ay may pananagutan na pambubulas?
A. Oo, dahil ang pambubulas ay isang masamang gawain na nakakasakit ng damdamin ng isang tao
B. Oo, dahil hindi natutuwa sa kaniya ang kaniyang mga kaklase
C. Hindi, dahil hindi niya alam na nakakasakit na siya ng damdamin ng iba
D. Hindi, dahil may kalayaan tayo na gawin ang gusto natin.
29. Namamasukan si Kim na tindera sa palengke. Dumating ang tatay niyang lasing at nanghingi ng pera.
Pinagbantaan siya na sasaktan siya nito kung hindi magbibigay. Dahil sa masidhing takot ay kumupit siya ng
pera sa kaha ng amo. Siya ba ay may pananagutan na qualified theft?
A. Oo, dahil masama ang kumuha ng pera ng iba at ito ay isang pagnanakaw.
B. Oo, dahil masama siyang ehemplo bilang isang kabataan.
C. Hindi, dahil labag sa kanyang kalooban ang pagkupit ng pera.
D. Hindi, dahil wala naming nakakita sa kanya.

30. Ito ang dalawang uri ng kamangmangan.


A.damdamin at masidhi C. saya at takot
B.nadaraig at hindi nadaraig D. gawi at karahasan
31. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
A. Ang pagnanakaw ng kotse.
B. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera.
C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
D. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.
32. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. Panliligaw sa crush.
B. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.
D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha
33. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
A. Paglilinis ng ilong C. Pagsusugal
B. Pagpasok nang maaga D. Maalimpungatan sa gabi
34. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya na
maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang
tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
A. Takot C. Karahasan
B. Kamangmangan D. Masidhing damdamin
35. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?
A. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang
kanilang guro.
B. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
C. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang
guro.
D. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.

II. PANUTO: Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang tamang salik na nakaaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos o pasya. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Masidhing
Kamangmangan Gawi Karahasan Takot
damdamin

__________ 36. Si Sandy ay inutusan ng kaniyang ina na bumili ng gamot sa botika. Siya ay hinuli ng pulis
dahil sa paglabag sa curfew. Hindi niya alam na may ipinatutupad na curfew sa kanilang
lugar.
__________ 37. Nakasanayan na ni Mariel na tumawa ng malakas sa loob ng klase. Bumisita ang
punongguro at pinagsabihan siya nito.
__________ 38. Si Anthony ay nanalo ng Unang Pwesto sa isang sa isang paligsahan sa pag-awit. Dahil sa
tuwa ay nayakap niya ang kaibigang babae.
__________ 39. Nagkaroon ng ECQ sa isang lugar dahil sa kumakalat na bayrus. Marami nang nahawaan at
namatay dahil sa sakit. Pinapapasok ka ng iyong amo sa trabaho. Ayaw mong pumayag dahil
nababahala kang mahawa ng sakit.
__________ 40. Kinuha ng kaklase mo ang pitaka ng kaibigan mo. Binatukan at pinagbantaan ka niya na
huwag magsusumbong sa inyong guro.

“Ang magandang kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang


kakayahan”

-Kasabihan ni Juan!, ni Kuya Pau

You might also like