You are on page 1of 2

TABACO NATIONAL HIGH SCHOOL

TABACO CITY

Pangalan: __________________Grade& Section: __________Petsa: ________Iskor: ______


Barangay: ___________________________City/Town: _______________Adviser: ________

LAGUMANG PAGSUSULIT sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 10


QUARTER 2
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem. Sagutin ang kasunod na tanong. Bilugan
ang titik ng napiling sagot.
1. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
a. Ang pagnanakaw ng kotse.
b. Ang pag-iingat ng isang doktor sa pag-oopera.
c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.
2. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapanagutan ang kilos dahil sa
karahasan?
a. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos.
b. Dahil sa kahinaan ng isang tao.
c. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip.
d. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob.
3. Isang matandang babae ang nagpapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store, ngunit
walang barya na maaring ipalit sa kaniyang pera. Ang totoo ay mayroon naman talaga dahil
maraming benta ang kanilang tindahan, Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang
nakaapekto sa sitwasyong ito?
a. takot
b. karahasan
c. kamangmangan
d. masidhing damdamin
4. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?
a. Pagbili sa inalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing
sa masama
b. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng
rugby
c. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na maysakit kahit hindi tiyak kung makabubuti ito
d. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang plaka o babala na bawal tumawid
5. Ito ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang
bagay na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa
a. takot
b. gawi
c. masidhing damdamin
d. karahasan
6. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay na, kung walang paraan upang
maitama ang kamangmangan, ang isang gawa ay hindi itinuturing na makataong kilos at
walang pananagutan.
a. Ang gawa ng isang taong itinuturing na wala sa matinong pag-iisip.
b. Ang kilos na nagawa dahil sa takot na mapagalitan.
c. Pagbibigay ng limos sa pulubi.
d. Pagkakaroon ng dahilan sa paggawa ng isang kilos.
7. Nasaksihan mo ang mga balita sa telebisyon ukol sa deskriminasyon sa mga nagkasakit ng
COVID 19. Dahil sa takot, hindi mo ipinagtapat na may nakasalamuha kang nagpositibo sa
sakit. Mapananagot ka ba sa iyong pagsisinungaling?
a. Oo, sapagkat ang pagsisinungaling ay masama.
b. Oo, sapagkat maari kang makaapekto sa iba sa iyong ginawang pagsisinungaling.
c. Oo, subalit may kabawasan sa pananagutan sanhi ng takot na nararamdaman.
d. Hindi, wala kang kasalan sa ginawang pagsisinungaling dahil sa pagnanais na
protektahan ang sarili.
8. Anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang ipinapakita sa pahayag na ito?” Ang pagkatakot
ay isang halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin. May mga pagkakataong kumikilos tayo
nang may takot o di kaya ay dahil sa takot kaya nagawa natin ang isang bagay”.
a. kusang-loob
b. di-kusang-loob
c. walang kusang -loob
d. salik
9. Isang kaklase mong siga ang pinipilit kang kumuha ng pagkain sa kantina. Binantaan ka niya
na aabangan sa labas kung hindi mo siya susundin. Sa pagtanggi mo ay pinitik niya ang iyong
tenga kaya napilitan ka na sundin siya. Sa pagkakataong ito, ay may pananagutan ka sa
ginawa mo subalit upang maiwasan ito, kailangan mo munang mag-isip ng paraan o gagawin
mo ang inuutos nya. Sa sitwasyon,anongsalik ang nakaapekto sa iyong kilos?
a. takot
b. karahasan
c. gawi
d. masidhing damdamin
10. Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang pananagutan ng isang
tao ngunit hindi ito nawawala.Ang pahayag ay:
a. Tama, sapagkat ang isang gawi bago nakasanayan ay mula sa kilos na may
pananagutan at pakukusa sa taong gumawa.
b. Tama, sapagkat sa anumang kilos ang tao ay may kapanagutan,Mabuti man o
masama
c. Mali, sapagkat sinadya at kinusa ang kilos na nagawa.
d. Mali, sapagkat ang makataong kilos ay niloob,sinadya at ginawa nang may
pagkukusa.

B. Tapusin ang pinasimulang pangungusap upang mabuo ang mahalagang konsepto ayon sa
mga salik na nakaapekto sa pananagutan ng makataong kilos.

11-15. (5puntos)

Nakaaapekto ang ________________________________ sa pananagutan ng tao sa

________________________________________________ Matapos mapatunayan na


nakakaapekto ang mga salik na ito sa kahihinatnan ng aking kilos, napagtanto ko na
_________________________________.

RUBRIC:
5- malinaw na naipahayag ng tama ang mahalagang konsepto nabuo mula sa pahayag at
nakapagbigay patunay sa pahayag.
4- di-gaanong naipahayag ng tama ang mahalagang konsepto sa pahayag at nakapagbigay ng
patunay sa pahayag.
3- Naipahayag ang konsepto hinahanap ngunit walang patunay na naibigay.
2- Mali ang konseptong nabuo sa inaasahang tamang sagot.

Inihanda ni:

JOSEPHINE B. MENDOZA

You might also like