You are on page 1of 2

PAGE 1 ESP 10

GUARDIAN ANGEL ACADEMY


2 ND
QUARTERLY EXAMINATION (ESP10)

Name _________________________________ Grade and Section _________ Score _________

I. MULTIPLE CHOICE (STRICTLY NO ERASURES)


Panuto: Basahin mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamangsagot at ilagay ito sa patlang.

__________1. Ayon sa kaniya, anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga
susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang
buhay.
A. Sto. Tomas de aquino B. Ramon B. Agapay C. Max Scheler D. Herbert Taylor
__________2. Ito ay hindi nagbabago o nababaluktot, walang pinipiling panahon, lugar o tao.
A. Patas sa kinauukulan B.Kapaki-pakinabang C.Katotohanan D. Pagmamagandang-loob at Pagkakaibigan
__________ 3. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit
bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
A. Kusang loob B. Di-kusang loob C.Walang kusang loob D. Kilos-loob
__________4. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?
A. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang aralin ang kanilang guro.
B. Hindi pagsuot ni Mabel ng kanyang ID kaya hindi siya pinapasok.
C. Pagpasya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro.
D. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.
__________5. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
A. Ang pagnanakaw ng kotse. C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
B. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera. D. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.
__________6. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?
A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos C. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
B. Dahil sa kahinaan ng isang tao D. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob
__________7. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. Panliligaw sa crush. C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.
B. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko. D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na marking nakuha.
__________8. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
A. Paglilinis ng ilong B. Pagpasok nang maaga C. Pagsusugal D. Maalimpungatan sa gabi
__________9. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya na maaaring
ipalit sa kanyang pera. Ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling.
Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
A. Takot B. Kamangmangan C. Karahasan D. Masidhing damdamin
__________10. Alin ang nagpapahayag ng tunay na kahulugan ng makataong kilos?
A. Ito ay tumutukoy sa kusang-loob na pagkilos na maaaring gawin ng tao anuman ang kaniyang ninanais.
B. Ito ay boluntaryo, pinag-isipang mabuti, at malayang naisasagawa
C. Batayan ng makataong pagkilos ang batas moral na ginawa ng tao upang magkaroon ng kaayusan sa mundo.
D. Ito ay pagkilos na labag sa kalooban ng taong nagsasagawa ng kilos.
__________11. Kung ang tao ay may paniniwala na ang moralidad o ang pagsusuri sa tama o mali ay hindi pa tiyak dahil ang
moralidad ay naglalakbay patungo sa kaganapan, naaayon ang kaniyang paniniwala sa prinsipyo ng :
A. Hedonismo B. Komunismo C. Moral na Ebolusyonismo D. Moral na Positibismo
__________12. Alin sa sumusunod na mga gabay ang hindi nagpapakita ng makataong pagkilos?
A. May katapatan sa pag-iisip, gawa, at naninindigan sa katotohanan.
B. Maaaring gumawa ng kamalian sapagkat maaaring mapawalang-sala kung hindi sinadya ang nagawang krimen.
C. Isinasaalang-alang kung ang pagkilos ay para sa kabutihang panlahat o kapakinabangan ng nakararami.
D. Iniisip kung ang isasagawang kilos ay makakaapekto sa sarili at sa ibang tao.
__________13. Saan nakaugat ang likas na kalayaan ng tao sa kaniyang makataong pagkilos?
A. Pagkakaroon ng buong kamalayan o kaalaman sa pagkilos.
B. Sariling ideolohiya o paniniwala.
C. Pagsang-ayon sa kamalian para maitagao ang kahihiyan
D. Malayang nagagawa ang mga bagay na naisin
__________14. Alin ang paniniwala na nagsasabi na ang pinakamataas na kabutihan ay ang kasiyahan ng tao?
A. Hedonismo B. Komunismo C. Moral na Ebolusyonismo D. Moral na Positibismo
__________15. Kung ang isang kabataan ay naging biktima ng paghihiwalay ng magulang, paano ang tamang pagpapasiya at
pagkilos?
A. Magrebelde sa ginawa ng magulang
B. Mahirap tanggapin ang katotohanan ngunit baguhin ang takbo ng sariling buhay.
C. Gumamit ng droga para makalimot sa problema.
D. Sumama sa gimik ng barkada upang mapalitan ng saya ang lungkot na nadarama.
__________16. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang kinakikitaan ng tamang pagpapasiya?
A. Nagumon sa droga ang kapatid mo pero wala kang magawa.
B. Gusto mong mag-aral pero wala kayong pera at ayaw mo namang magtrabaho.
C. Produkto ka ng isang broken family pero pinipilit mong ibahin ang kuwento ng iyong buhay.
D. Pinili mo sundin ang payo ng mga kaibigan mo kaysa sa payo ng iyong mga magulang.
PAGE 2 ESP 10

__________17. Ang paghubog sa tamang pagpapasiya tungo sa makataong pagkilos ay nagangahulugan ng


A. Paggamit ng emosyon sa pagpapasiya
B. Paggamit ng kalayaan nang may kaakibat na pananagutan
C. Paggamit ng kaisipan batay sa personal na paniniwala
D. Pagsunod sa sinasabi ng ibang tao.
__________18. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?
a. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
b. Ito ang pinakatunguhin ng kilos.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
d. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
__________19. Mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng
isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama.
A. Kilos ng tao B. Makataong kilos C. Pagkukusang kilos D. Kilos-loob
__________20. Paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, paghikab.
A. Kilos ng tao B. Makataong kilos C. Pagkukusang kilos D. Kilos-loob
__________21. Kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa.
A. Kilos ng tao B. Makataong kilos C. Pagkukusang kilos D. Kilos-loob
__________22. Ayon kay______, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan: kusang-loob, di kusang-loob, at walang kusang-loob.
A. Sto. Tomas de aquino B. Ramon B. Agapay C. Max Scheler D. Herbert Taylor
__________23. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
A. Kusang loob B. Di-kusang loob C.Walang kusang loob D. Kilos-loob
__________24. kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
A. Kusang loob B. Di-kusang loob C.Walang kusang loob D. Kilos-loob
__________25. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi nya alam kaya't walang pagkukusa.
A. Kusang loob B. Di-kusang loob C.Walang kusang loob D. Kilos-loob
__________26. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Isip at Kilos-loob B. Paghuhusga at Pagpili C. Intensiyon at Layunin D. Sanhi at Bunga
__________27. Bakit hindi maaaring paghiwalayain ang panloob at panlabas na kilos?
A. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas.
B. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
C. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
D. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.
__________28. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay.
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
__________29. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban sa _______________.
A. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan.
B. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
C. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.
D. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang.
__________30. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
A. Layunin B. Kilos C. Sirkumstansiya D. Kahihinatnan

II.Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin mula sa kahon ang titik ng tamang sagot at ilagay ito sa patlang.

A. Takot B. Masidhing Damdamin C. Kasakiman sa kayamanan D. Kasibaan sa pagkain


E. Kahalayan F. Karahasan G. Kayabangan H. Katamaran I. Galit J. Inggit

__________31. Ito ay pagmamalaki na nakasentro lamang sa sarili.


__________32. Laging umaaasa sa ibibigay na biyaya ng iba.
__________33. Labis na pagkain
__________34. Ito ay nakatutok sa mga kasiyahang sekswal.
__________35. Ito ay labis na paghahangad ng kayamanan.
__________36. Ito ay nakaugat sa pagkawala ng respeto sa tao.
__________37. Ang taong mayroon nito ay hindi nasisiyahan sa mabuting kalagayan ng iba.
__________38. Ito ay pagkabagabag ng isang tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta.
__________39. Ito ay tumutukoy sa panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay.
__________40. Ito ang mga gawain na paulit-ulit na naisasagawa.

“ Exam is not for cheating it’s for learning ”


-Aldrin Jude

Inihanda ni:

MS. HAZEL AKIKO D. TORRES

You might also like