You are on page 1of 1

Ang ating bansang Pilipinas ay patuloy na nakararanas ng suliraning pagbubuntis sa

murang edad o tinatawag na teenage pregnancy. Hindi lang malaking isyu ang teenage
pregnancy sa pamilya at lipunan, kundi malaki rin ang epekto nito sa buhay ng batang
nagsisilang at isisilang. Base sa istatistika ng Philippine population Commission, ang taong 2019
ay ang ika-9 na magkakasunod na taon na patuloy na tumaas ang bilang ng isyung teenage
pregnancy. Ayon sa datos, 62,510 ang kabuuang bilang ng mga menor de edad na nagbuntis sa
taong 2019, bahagyang mas mataas ng 7% sa taong 2018. Sinasabi rin na tumaas ang bilang ng
teenage pregnancy sa bansa, dahil ang mga batang babae na nakatira sa mga dysfunctional homes
ay gumugugol ng mas maraming oras sa kanilang mga tahanan bilang resulta ng pandemyang
Covid-19 at sa gayon ay mas nalantad sa pang-aabuso. Sa taong 2020, tumaas ng husto ang
bilang ng teenage pregnancy sa bansa. 70,755 ang bilang na kalkulado sa isyu ayon sa datos, mas
mataas nanaman kumpara sa taong 2019 ng 15%. Ngayong 2021, hindi lingid saating kaalaman
na patuloy parin ang nagbabagang isyu. Ayon sa isang online forum na inorganisa ng University
of the Philippines (UP), mahigit 60,000 ang magiging kabuuan ng maagang pagbubuntis sa
katapusan ng taong 2021. Ayon sa bagong datos, 59% ng mga Pilipino ang naniniwala na ang
teenage pregnancy ang “pinakamahalagang problema ng kababaihan ngayon” sa Pilipinas. Tayo
na’t magising sa katotohanan, mahirap ang maging batang ina. Dagsa ang mga nakaabang na
mga responsibilidad. Wala itong maidudulot na kabutihan para sa atin sapagkat ito’y nakakasira
sa ating magandang kinabukasan. Gayunpaman, wala tayong karapatang husgahan ang mga
nakaranas na nito. Hindi natin alam ang buong kwento nila at wala tayong kamalayan sa
nararamdaman nila para balewalain ang kanilang damdamin.

You might also like