You are on page 1of 1

Ang kahirapan sa Pilipinas ay isang tunay na laganap na problemang kailangan ng ibayong pansin ng

pamahalaa. Ayon sa isang artikulong inilathala sa Inquirer.net, 26 na milyong Pilipino ay nakararanas ng


kahirapan at 12 milyon sa mga ito ay nakararanas pa ng matinding kahirapan. Ang mga datos na ito ay
ayon sa isang istatistikang inilathala ng pamahalaan sa unang mahabi ng taong 2015. Sa laki at dami ng
bilang na ito, masasabing ang kahirapan ay hindi isang isyung nararanasan lamang ng iilan. Ang bilang na
ito ay kumakatawan na sa malaking bahagi o sa mayorya ng mga mamayang Pilipino kung kaya’t ito ay
isang isyung pambansa.

Isa pang dahilan kung bakit ang kahirapan ay may malaking epekto sa bansa ay ang epekto nito sa
mortality rate o bilang ng mga namamatay sa bansa lalong lalo na sa maternal maternity rate. Ang
papataas na bilang ng mga namamatay na ina at sanggol sa pagbubuntis at panganganak ay isang
matibay na pruwebang ang kahirapan ay isang mabigat na problema sa lipunan. Sa Isang artikulong
inilathala ng borgenproject.org, 75% ng mga mahihirap na kababaihan ay hindi nakatatanggap ng
maayos na natal care services at may mataas na tsansang mamatay o magsilang ng patay na sanggol. Sa
tindi ng epekto ng kaharipan lalo na sa buhay ay pagkamatay ng mga Pilipino, dapat talagang pagtuonan
pa ito ng pansin.

May mga nagsasabing ang kahirapan ay isang problemang pang indibidwal na dulot ng mga personal na
pagpili at pagdedesisyon. Maaaring may mga magsabing madaling makaiwas sa kahirapan kung
magsisikap lamang o mananatiling nagpupursige. Subalit , kabaliktaran nito ang katotohanan. Maraming
mga indibidwal, sa kabila ng pagsisikap at maayos na kredensyal, ay hindi nabibigyan ng maayos na
oportunidad. Ayon sa isang artikulong inilathala sa CNN Philippines, bumaba ang unemployment rate sa
Pilipinas ng hanggang 6.5% subalit ang underemployment ay tumaas ng 20.8 percent. Malaking bilang ng
porsyentong ito ay mga taong nasa service sector at minimum wage earners. Ito ay patunay lamang na
ang kahirapang nararanasan ng isang indibidwal ay hindi resulta ng mga maling personal na desisyon
kundi ng kakulangan ng oportunidad sa bansa at mga hakbang upang matapos ang kahirapan.

You might also like