Danan

You might also like

You are on page 1of 8

Pangalan: Stephanie T.

Danan

Pangkat/Taon: 12-HUMSS

Pagresolba ng Kahirapan

Ano nga ba ang kahirapan? Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na
problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga
pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?
Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya
sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming
trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino.Ano nga ba ang dahilan ng
kahirapan? Ang pagiging korap ng mga politiko ang isa sa mga dahilan kung bakit
naghihirap ang bansa. Isa pa rito ang nangyaring pork barrel scam o kilala rin bilang
Priority Developemnt Assistance Fund (PDAF) scam noong Hulyo ng 2013.Idagdag pa
ang paglobo ng populasyon ng Pilipinsa na hindi mabigyan bigyan ng
solusyon.Kadalasan kung sino pa yung mahirap,sila pa yung nagpapalobo ng
populasyon.

Ayon kay Aquino, bagama't maraming trabahong nakaabang sa mga kabataan,


tulad na ng sa mga call center, kakaunti lang ang mga nakakapasok rito dahil sa
kakulangan ng skills. "Limang porsiyento lang ng mga nag-aaply sa call center ang
natatanggap dahil sa kakulangan ng mga skills na dapat sana'y natutunan na nila sa
paaralan."

Masalimuot ang usaping kahirapan sa ating bansa. Kung tatanungin natin ang
mga mayayaman ang tiyak na sasabihin nila’y “marami kasi sa atin ang tamad”. At
hindi naman natin sila masisisi sa ganitong pananaw dahil umagang-umaga pa lamang
nakikipag-inuman na ang ibang mga kalalakihan sa barangay, walang kusang
magbanat ng buto, at naghahangad na lamang ng biglaang kita na parang “instant
coffee”. Ang iba sa halip na maghanap ng kapakipakinabang na trabaho ay
nagbabakasakali sa sugal, at habang natatalo ay lalong nagpipilit na makabawi
hanggang sa malulong sa sugal at magkabaon-baon sa utang na lalong
nagpapalugmok sa kahirapan.

Isa sa mga solusyon sa kahirapan sa ating bansa ay ang pagbibigay ng sapat na


trabaho sa mga mamamayan. Patuloy naman ang 4Ps o Pantawid Pamilya Pilipino
Program sa ilalim ni Pangulong Duterte.

Ang bilang ng magiging anak ay dapat ibatay sa kinikita.Ang isang tao ay di


muna dapat mag-asawa kung hindi pa sapat ang kanyan kinikita.

You might also like