You are on page 1of 7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO G10

QUARTER 4- ASSESSMENTS AND PERFORMANCE TASKS


Week 1

1. Nitong nakaraang taon, lumabas ang alegasyon na ang mga miyembro ng Philippine Health Insurance
Corporation (PhilHealth) ay nagkaisang magbulsa ng humigit kumulang na 15-bilyong piso mula sa
pagpapatong ng sobrang pondo sa proposal para sa iba’t ibang proyekto ng nasabing ahensiya. Sapagkat
tumutukoy ito sa kawalan ng moral na kalinisan, ito ay matatawag na:
a. Kickback c. Korapsyon
b. Kolusyon d. Nepotismo

2. Ikaw ay boboto sa darating na eleksyon sa 2022. Sino sa sumusunod na kandidato ang hindi dapat
iboto dahil sa kanilang aksyong may kaugnayan sa bribery o panunuhol?
a. Si Senator Rhizza Cuevas na nagbibigay ng 1000 pesos na ayuda kada pamilyang nasalanta ng Bagyong
Ulysses.
b. Si President Elmer Dizon na inihalal bilang mga sekretraya ng iba’t ibang ahensiya ang kaniyang mga
kamag-anak nang hindi ipinadaan sa tamang proseso.
c. Si Presidential candidate Peppa Pig na umiikot sa mga presinto ng botohan upang magbigay ng t-shirt
kung saan naka-print ang kaniyang pangalan at mayroong naka-stapler na 500 pesos sa loob nito.
d. Lahat ng nabanggit

3. Ang global warming at climate change ay dalawang terminolohiyang pareho at walang pinagkaiba ang
dalawang ito. Ang pangungusap na ito ay:
a. Tama
b. Mali, dahil ang global warming ay nagdudulot ng climate change.
c. Mali, dahil ang climate change ay nagdudulot ng global warming.
d. Wala sa naibanggit

4. 95% ng mga coral reef ng ating bansa ay naglaho na ayon sa mga pag- aaral. Malaking bahagi nito ay
isinisisi sa mapanirang pangingisda. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng nakapipinsalang epekto
ng malabis at mapanirang pangingisda?
a. Dahil sa masaganang daloy ng mapanirang pangingisda, nagtayo ng negosyo si Aling Hannah sa tabing
dagat.
b. Namalengke si Aling Nena ng isdang hindi niyang namalayang may halong kemikal dulot ng
mapanirang pangingisda. Nang kaniyang ihain ito at napagsaluhan ng kaniyang pamilya, sila ay nalason
sa isdang kanilang kinain.
c. Sumisisid si Carlo sa tabing dagat upang isagawa ang muro-ami. Dudurugin niya ang coral reef nang
bigla siyang tinangay ng malakas na alon. Kinabukasan, nakita ang naanod niyang bangkay sa tabing-
dagat.
d. Naglalayag ang dalawang barko sa karagatan nang biglang naisipan ng mangingisdang maghagis ng
dinamita sa tubig. Hindi nito namalayan, kaniyang nahagis ang dinamita sa kabilang barko. Dahil dito,
sumabog ang kabilang barko.
5. Dalawang supertyphoon, ang Rolly at Ulysses ang naranasan ng Pilipinas nitong nakaraang taon. Sa
maraming bahagi ng Pilipinas, nagdulot ito ngmatinding pagbaha. Alin sa mga sumusunod ang
pangunahing sanhi ng matinding pagbaha?
a. Malakas talaga ang pag-ulan dahil sa climate change kaya madalas ang pagbaha.
b. Agad-agad gumuguho ang lupa dahil marami na rito ang ginawang minahan at quarry.
c. Dahil sa iligal na pagputol ng puno, walang nagpapataba at nagpapatibay sa ating lupain kaya
nagbabara ang mga kanal at gumuguho ang lupa.
d. Dahil sa pagkaubos ng species ng halaman, kakaunting uri na lamang ng mga halaman ang
nagpapatibay at nagpapataba sa lupa kaya hindi na ito makapit.

6. Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita ng labis na


pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang
mga pagpapahalaga. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng nakapipinsalang epekto ng komersiyalismo
sa kalikasan?
a. Dahil sa komersiyalismo, hindi na iniisip ng mga tao ang kapakanan ng kanilang kapuwa.
b. Dahil sa komersiyalismo, dumarami ang demand o suplay sa produksyon dahil sa kagustuhan at
pangangailangan ng mga tao.
c. Dahil sa komersiyalismo, ang nagiging basehan ng mga tao sa kapangyarihan at tagumpay ay pera at
ang kayang bilhin nito.
d. Lahat ng nabanggit

7. Binili ni Aling Puring Samia ang 1000 ektaryang lupain sa Nueva Ecija para gawing subdivision. Dahil
lubog sa utang ang mga magsasaka rito, kanilang ibinenta ang lupain kay Aling Puring. Ang lupaing ito ay
isang malaking bahagi ng plantasyon ng bigas sa Rice Capital ng Pilipinas. Alin sa sumusunod ang HINDI
nakapipinsalang epekto ng sitwasyong ito?
a. Maraming Pilipino ang matutuwa dahil mayroong subdivision.
b. Malaking bahagdan ng pinagkukunan ng bigas ang mababawasan.
c. Posibleng gumuho ang lupang karatig nito dahil sa maraming ipatatayong residensyal na estruktura sa
subdivision na ito.
d. Wala sa nabanggit

8. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa nakapipinsalang epekto ng iligal na pagputol ng kahoy?


a. Tuwing tag-init, aasahan na ito ay magdudulot ng kakulangan sa supply ng tubig.
b. Mababawasan ang polusyon dahil walang punong may dahon na malalagas sa paligid.
c. Lalago ang produksyon ng papel, kahoy, at iba pa dahil sa kahoy na nakuha mula sa ilegal na pagputol
ng kahoy.
d. Tuwing gabi, mababawasan ang mga kaso ng aksidente dahil mas maluwag ang mga highway dahil sa
kawalan ng puno.

9. Ang City of San Fernando, Pampanga ay tinaguriang isa sa mga “Most-Business Friendly City” sa buong
Pilipinas. Dahil dito, maraming lupain ang inilaan para sa pagpapatayo ng mga gusali para sa mga
establisimyento. Bilang konsehal ng San Fernando, ano ang iyong magagawa para sa bayan mo?
a. Ipasara ang mga establisimento at ipagawang taniman ang lupain nito.
b. Mag-post sa social media para malaman ng lahat ang nangyayari sa City of San Fernando, Pampanga.
c. Iwasan ang pagtatangkilik sa mga lokal na produkto para malimitahan ang mga tumatayong negosyo
sa lokal.
d. Umapela sa lokal na pamahalaan na magsagawa ng ordinansa na kailangang magtanim ng halaman
ang bawat establisimyentong kukuha ng mayor’s permit.

10. Ikaw ay boboto sa darating na eleksyon nitong 2022. Nakita mo ang isang kandidato para sa pagiging
Presidente. Inabutan ka niya ng limandaang piso ngunit kabayaran nito ang pagboto sa kaniya. Ang
sitwasyon na ito ay halimbawa ng:
a. Kickback c. Nepotismo
b. Korapsyon d. Panunuhol
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO G10
QUARTER 4- ASSESSMENTS AND PERFORMANCE TASKS
Week 2

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag ng mga sumusunod. Gawin ito sa sagutang
papel.
1. Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng kapangyarihang gawin ang nararapat sa kalikasan na may
kaakibat na pananagutan.
2. Lahat ng bagay sa mundo ay magkakaugnay.
3. Ang Sampung Utos para sa kapaligiran ay listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin sa
pangangalaga sa kalikasan.
4. Ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may
pagkakapantay-pantay.
5. Ang tao ay nilikha ng Diyos sa kanyang wangis na tagapagdomina ng lahat ng kanyang nilikha.
6. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng pamumuhay
para sa modernisasyon at pag-unlad nito.
7. Binubuhay tayo ng kapaligiran.
8. Ang kalikasan ay isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao.
9. Makakamit ang kaunlaran at kabutihang panlahat kung may paninindigan sa tamang paggamit
ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.
10. Ang likas na yaman sa mundo ay hindi nauubos at walang hangganan.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO G10
QUARTER 4- ASSESSMENTS AND PERFORMANCE TASKS
Week 3

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na isyu ang HINDI kabilang sa mga isyung may kaugnayan sa sekswalidad?

a. Pagpapatiwakal c. Prostitusyon

b. Pakikipagtalik bago ikasal d. Pornograpiya

2. Si Lira ay 10 taong gulang. Palagi siyang binibigyan ng laruan at pagkain ng kanilang matandang
kapitbahay na may gulang na 55. Ginagawa ito ng matanda dahil sa lihim na pagnanasa nito sa bata.
Dahil nagpapakita ng motibo ng pagkagusto kay Lira, ang matanda ay maituturing na ____________.

a. Exhibitionist c. Pedophile

b. Sugar daddy d. Mapagkawanggawa

3. Ang pakikipagtalik ay normal para sa kabataang nagmamahalan. Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil sila ay tunay na nagmamahalan.

b. Mali, dahil wala pa sa hustong gulang.

c. Tama, dahil may kalayaan at karapatan silang maipahayag ang kanilang nararamdaman sa bawat isa.

d. Mali, dahil bata pa sila at hindi pa kasal.

4. Ang pagbebenta ng sarili ay tama kung may mabigat na pangangailangan sa pera. Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil ito ay easy money.

b. Mali, dahil maaari naming ibenta ang sarili kahit hindi matindi ang pangangailangan.

c. Tama, dahil ito na lamang ang tanging paraan upang kumita ng malaking halaga.

d. Mali, dahil nakapagpapababa ito ng dignidad at ang pakikipagtalik ay gampanin lamang ng mag-
asawa.

5. Ang pansekswal na kakayahang kaloob ng Diyos ay tumutugon sa mga layuning ___.

a. magkaroon ng anak at pagkabuklod ng mag-asawa

b. makadama ng kasiyahan at magkaanak

c. magkaisa at maipahayag ang pagnanasa

d. maging independent at magkaroon ng sariling pamilya

6. Ang mga sumusunod ay epekto ng pagkahumaling sa pornograpiya MALIBAN sa ________

a. nakapag-iiba ng asal ng tao


b. nagdudulot ng pang-aabuso sa sarili

c. nagpapakita ng pagrespeto tungo sa pakikipag-kapuwa

d. nagkakaroon ng hindi malusog na pakikipag-ugnayan sa asawa

7. Ano ang marapat gawin ng kabataang tulad mo upang maging mabunga at mabuti ang iyong
pagpapasya at makaiwas sa pagkasangkot sa mga isyung moral tungkol sa sekswalidad?

a. Gawing pribado at sarilinin ang pinagdadaanan.

b. Kumunsulta lamang sa kasintahan dahil siya lamang ang makakaintindi na iyong pinagdadaanan.

c. Piliin lagi ang may mas mababang pagpapahalaga upang hindi magsisi sa gagawing pagpapasya.

d. Maging bukas sa dinaranas na krisis at paligiran ang sarili ng mga mapagkakatiwalaang tao tulad ng
pamilya at kaibigan.

8. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa ___

a. Pre-marital sex c. Prostitusyon

b. Pornograpiya d. Sexual abuse

9. Masama bang maituturing na mali ang pagkasangkot ng tao sa prostitusyon?

a. Oo, dahil ito ay ilegal na gawain.

b. Hindi, dahil malayang pinili ito ng tao.

c. Hindi, dahil dito madaling kumita ng pera.

d. Oo, dahil ang katawan ng tao ay itinuturing na templo ng Banal na Espiritu marapat lang na ito ay
ituring na sagrado.

10. May problema sa pamilya ang iyong nobyo. Niyaya ka niyang makipagtalik dahil nais niyang
maramdaman ang iyong pagmamahal at upang maibsan ang lungkot at problema na kaniyang
nararamdaman. Ano ang iyong gagawin?

a. Aawayin siya dahil sa kanyang asal.

b. Papayag dahil nais mo siyang i-comfort.

c. Paliliwanagan siya na hindi iyon ang solusyon sa problema

d. Sasama at papayag sa gusto niya baka makipaghiwalay ito sa iyo

II. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong: Paano mo mapapanatiling dalisay ang iyong sekswalidad.
Magbigay ng limang gawain o utos na iyong susundin upang mapangalagaan ang iyong sekswalidad. (10
pts.)

SAMPUNG UTOS NG PAGIGING DALISAY O MALINIS

Bilang isang Responsableng Kabataan ay: ______________________________________________


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO G10
QUARTER 4- ASSESSMENTS AND PERFORMANCE TASKS
Week 4
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad tungkol sa sekswalidad ng pahayag at MALI
kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti, malaya, at may kamalayan.


2. Nararapat na gamitin ng tao sa masama ang kaniyang kakayahang sekswal kabilang na ang
kaniyang katawan.
3. Ang tao ay may isip na magbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto at pumili
nang malaya.
4. Ang taong nahaharap sa maling paggamit ng kaniyang sekswalidad ay nagpapakita ng
paggalang sa kanyang dignidad at kapuwa.
5. Ang babae at lalaking pinagbuklod ng kasal lamang ang may layuning mapag-isa at magkaroon
ng anak.
6. Lahat ng tao ay may dignidad anoman ang kaniyang gulang, anyo, at antas ng kalinangan.
7. Ang tao ay malayang gamitin ang kaniyang sekswalidad nang may pananagutan at naaayon sa
mabuti.
8. Ang pagkakaroon ng dignidad ang nagbibigay sa tao ng karapatang umunlad nang hindi
nakasasakit ng iba.
9. Kung nais ng taong igalang siya ng kaniyang kapuwa, kailangang matuto rin siyang igalang ang
kaniyang sarili at kapuwa.
10. Ang sekswalidad ang nagdadala sa taong makamit at madama ang tunay na pagmamahal.

Panuto: Sa panahon ngayong marami sa ating kapuwa ang nakararanas ng pang-aabusong


sekswal, gumawa ng isang panalangin para sa mga taong naging biktima ng ganitong uri ng
karahasan. Ipaloob din sa panalangin nawa ay mailayo ka at iyong kapwa kabataan sa
ganitong gawain at wala nang makaranas pa ng sekswal
na pang-aabuso. Gawin ito sa iyong sagutang papel. (10 puntos)

You might also like