salitang inyong nakita sa loob ng kahon? 2.Paano ninyo ilalarawan ang bawat bahagi o elemento ng maikling kuwentong inyong naisa-isa? 3. Gaano kahalaga ang mga elementong ito sa isang akda? Ipaliwanag. GAWAIN 2:DIAGRAM NG MGA ELEMENTO Ang mga dokyu film ay isa ring uri ng akdang pasalaysay at mayroon ding elementong katulad ng isang maikling kuwento. Sa tulong ng diagram sa ibaba,Suriin ang napanood na dokyu-film batay sa mga elemento ng maikling kuwento. Ang bawat elemento na nasa diagram ay may kaakibat na tanong. Sasagutin ng maswerteng mag_x0002_aaral na mabubunot ang tanong na iyon. Ilarawan ang mga tauhan sa napanood na dokyu-film. Ibuod ang akda ayon sa tamangpagkakasunod_x0002_ sunod ng mga pangyayari. Saan naganap ang mga pangyayari sa inyong napanood? MAIKLING KUWENTO Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli at masining na paraan. Karaniwang ang isang kuwento ay natatapos sa isang upuan lamang. Ito ay nagdudulot ng mga aral sa buhay. Ang maikling kuwento ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw- araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari, at may isang kakintalan. Genoveva Edroza- Matute Elemento ng Maikling Kuwento Tauhan ang nagbibigay-buhay sa isang maikling kuwento. ang tauhan ay maaaring maging mabuti o masama. Tagpuan Ang panahon at lugar kung saan naganap ang maikling kuwento. Banghay Ito ang maayos at wastong pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari. Mga Bahagi ng Banghay Simula Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sabahaging ito. Dito ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kuwento. Tunggalian Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kanyang haharapin. Kasukdulan Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang pinakamaaksyon. Sa bahaging ito, unit-unting magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi. Kakalasan Sa bahaging ito, bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay ng daan sa wakas. Wakas Ang kahihinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring masaya o malungkot. GAWAIN 3: CONCEPTUALIZE THROUGH KEY WORDS Gamit ang mga susing salita sa ibaba, bumuo ng mga pangungusap na maglalahad ng pangkalahatang konsepto ng tinalakay. GAWAIN 4: SUM ACCORDING TO ITS ELEMENTS Basahin ang komiks sa ibaba at suriin ito at ibuod batay sa mga natalakay na elemento ng isang maikling kuwento. Takdang -Aralin