ang higit ninyong kinasasabikang panoorin? Dula Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Inilalarawan ng dula ang buhay gamit ang wika,damdamin,at sining.Kaiba ito sa iba pang uri ng akdang pampanitikan na binabasa lamang. Ayon kay Arrogante, ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay na ipinamamalas sa tanghalan. Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahagi ng buhay. Mayroon anim na elemento ng dula o drama ayong kay Aristotle,isang Griyegong pilosopo at paham. 1.Banghay Tumutukoy sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa dula. 2.Karakter o tauhan ang nagpapakilos sa dula dahil sa kanilang aksiyon at diyalogo. 3.Tema o kaisipan Ang pangunahing idea na nais iparating ng mandudula. 4.Diksiyon o wika Ang nagpaparating ng kuwento gamit ang mga salita,diyalogo,at direksiyon sa entablado. 5.Awit o musika Tumutulong sa pagsasaad ng damdamin o emosyon ng dula. 6.Espektakulo Tumutukoy sa lahat ng makikita o elementong biswal sa dula. Dulang Panlansangan Ilan sa mga kilalang dulang panlansangan sa bansa na laganap pa din sa kasalukuyan ay ang mga sumusunod: 1. Tibag ito ay isinasagawa tuwing Buwan ng Mayo tungkol sa paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo. 2. Senakulo inilalarawan dito ang simula ng lahat- ang paglalang kay Eba at Adan, ang pagsilang kay Jesus, ang kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. 3.Panunuluyan ito ay isinasagawa tuwing sasapit ang Pasko, bago mag-misa de gallo. Sina Maria at Jose ay naghahanap ng bahay na masisilungan at mapagsisilangan kay Jesus. 4. Moriones dulang panrelihiyong ginagamit sa mga lansangan sa lalawigan ng Mindoro at Marinduque tuwing mahal na araw. 5. Santacruzan dulang panlansangan at panrelihiyon kung saan isang marangyang parada ng mga sagala at konsorte ang nagaganap. Gabay na Tanong
Ilarawan ang mga gawi at kilos
ng mga kalahok sa napanood na dulang panlansangan. GAWAIN 2: PATALASTAS Gumawa ng isang patalastas na maaaring pasulat o pasalita tungkol sa kahalagahan ng pagtangkilik sa mga dulang panlansangan. Ipaliwanag ang nabuong gawain.