You are on page 1of 2

MGA URI NG DULA

1. TRAHEDYA – Ang dulang ito ay karaniwang nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan o maging sa
kamatayan kaya nagwawakas sya ng malungkot.

2. KOMEDYA – Layunin ng dulang ito na magbigay sigla at kaaliwan sa mga manonood.

3. MELODRAMA O SOAP OPERA – Layunin ng dulang ito na mamiga luha sa mga manonood na parang
wala nang masasayang nangyari sa buhay ng mga tauhan kundi puro nalang problema ang nangyayari sa
araw-araw.

4. PARSA – Ang layunin ng dulang ito ay magbigay kasiyahan sa mga manonood sa pamamagitan ng kilos
at pananalita.

5. SAYNETE – Ang dulang ito ay nakatuon sa kaugalian ng lahi ng isang grupo o pangkat. Itinuturing itong
panlibangan sa huling taon ng pananakop ng kastila.
6. TRAGIKOMEDYA – Isang dulang magkahalo ang trahedya at katatawanan. May mga eksena kung saan
ang mga pangyayari ay nakakatawa at nakalulungkot rin o nakakaiyak dahil sa huli nasasawi o
namamatay ang bida.
7. PARODYA – Ito naman ay mapanudyo o mapang-asar ginagaya ang mga kakatwang kilos, pagsasalita
at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o kaya’y pambabatikos.

8. PROBERBYO – Ito ay may pamagat na hango sa bukambibig na salawikain, ang kuwento'y pinaiikot
dito upang magsilbing huwaran ng mga tao sa kanyang buhay.

9. DALIT – ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria. Ito ay
isinasagawa sa buwan ng Mayo,layunin nito para sa papuri,pagsamba o panalangin sa Diyos.

10. SANTA CRUZAN – Isang dulang itinatanghal sa lansangan, ito ay prosisyon ng mga debotong katoliko
para sa pag-alala at pag-alay ng bulaklak kay Birheng Maria na ina ni Kristo. Ang partisipasyon sa
pagdiriwang ay ang mga naggagandahang mga dilag kung tawagin ng iba ay Sagala. Itinatapat ang
pagdiriwang tuwing Mayo kaya tinawag itong Flores de Mayo o ang pag-aalay ng bulaklak kay Birheng
Maria tuwing Mayo. Isinasalarawan din sa pagdiriwang na ito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna
Elena, ang ina ni Constantino. Kung saan hahanapin ang krus sa mula sa Herusalem at dadalhin sa Roma.

11. SENAKULO – Isang dulang itinatanghal sa lansangan, ito ay pagdiriwang ng mga debotong katoliko
tuwing sasapit ang Abril o Semana Santa. Nagsasalaysay ito ng buhay, kamatayan at ang muling
pagkabuhay ni Kristo. Inilalarawan ng mga debotong katoliko ang pangyayari kay Kristo sa pamamagitan
ng pagpapahirap at pagpako sa sarili.

12. SALUBONG – Isang dulang itinatanghal sa lansangan, ito ay pagtatanghal ng pagtatagpong muli ni
Birheng Maria nang nabuhay na magmuli ang kaniyang anak na si Kristo. Ginaganap ito tuwing huling
araw ng isang linggong pagdiriwang ng Semana Santa.
13. TIBAG – Isang dulang itinatanghal sa lansangan, tulad ng Santa Cruzan ito rin ay ipinagdiriwang
tuwing buwan ng Mayo. Isang pagtatanghal ng paghahanap ni Reyna Elena sa krus na pinagpakuan kay
Kristo na mula sa Herusalem at dadalhin sa Roma.

14. MORO-MORO – Isang dulang itinatanghal sa lansangan, ito ay hidwaan sa pagitan ng mga Kristiyano
at Muslim. Ito ay natatangi sa lahat dahil tanging ang Pilipinas lamang ang nagsasagawa ng ganitong dula
sapagkat parte ng ating kasaysayan ang hidwaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.

15. KARILYO – Ito ay pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng
isang kumot na puti na may ilaw.

16. SARSUWELA – Isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong yugto, at
nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at iba
pa.

17. DUNG-AW – Ito ay binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa,
magulang at anak.

18. KARAGATAN – Isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa
gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.

19. DUPLO – Ito ay larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay.
Isinasagawa sa ika-9 na araw ng pagkamatay.

Mga Taga-ulat:

Anie Rose M. Ayaon

Arlyn Cedel A. Tesara

Lemuel L. Basit

Angelo B. Quileste

You might also like