You are on page 1of 4

MGA ELEMENTO NG

MAIKLING KUWENTO
MGA ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO:
1. TAUHAN- Ang nagbibigay-buhay sa akdang maaring maging
masama o mabuti.
2. TAGPUAN- Ang panahon o lugar na kung saan naganap ang
mga pangyayari sa akda. Malalaman ditto kung ang kuwento
ay naganap ba sa panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga,
tanghali at gabi; s lungsod o lalawigan; sa bundok o sa ilog.
3. BANGHAY- Maayos na pagbabanghay at pagkasuno-sunod
ng pangyayari.
a. Panimulang Pangyayari- Ang kawilihan ng mga
mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito
matutunghanyan ang pagpapakilala ng tauhan at tagpuan.
b. Tunggalian- Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangungahing
tauhan sa mga suliraning kaniyang kakaharapin.
c. Kasukdulan- Ito ang pinakamataas at kapana-panabik na bahagi ng
kuwento. Sa bahaging ito, unti-unting nabibigyang solusyon ang
suliranin.
d. Pababang Pangyayari- Sa bahaging ito, nalulutas ang suliranin at
natatamo ng pangunahing tauhan ang layunin. Ito ang nagbibigay ng
daan sa wakas ng kuwento.
e. Resolusyon- Sa bahaging ito, nagkakaroon ng kuwento ng isang
makabuluhang wakas na maaaring ang kinahinatnan ay masaya o
malungkot.
MABANGIS NA LUNGSOD
TALASALITAAN:
Lumutag-pagbubakas ng isang bagay upang palawigin ang kanyang
ibabaw na lugar, lapad o haba.

You might also like