You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF CALAMBA CITY
CASTOR ALVIAR NATIONAL HIGH SCHOOL
Sgt. Alviar St., Masili, Calamba City, Laguna

UNANG PANAHUNAN
MGA AKDANG PAMPANITIKAN: SALAMIN NG MINDANAO

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento mula sa Mindanao (PB)

LAYUNIN:
Nailalahad ang mga elemento ng maikling kuwento

PAKSA: ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO

SANGGUNIAN: Pinagyamang PLUMA Wika at panitikan para sa Ikapitong Baitang

ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO

Ang akdang iyong binasa ay isang maikling kuwentong naglalahad ng kaugalian at


kulturang katutubo sa Mindanao. Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikang
nagsasalaysay sa madali,maikli at masining na paraan. Karaniwang ang isang kuwento ay
natatapos basahin sa isang upuan lamang. Ito ay nagduudulot ng aliw at karaniwang kapupulutan
ng mga aral sa buhay. Ayon nama kay Genoveve Edroza- Matute, ang maikling kuwento ay isang
maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang
tauhan, may isang pangyayari at may isang kakintalan.

Ang isang maikling kuwento o anumang akdang pasalysay saan mang lugar ito nagmula
ay dapat na nagtataglay ng sumusunod na mga element:

 Tauhan- Ang nagbibigay-buhay sa maikling kuwento. Ang tauhan ay maaaring maging


mabuti o masama.

Sgt. Alviar Street, Brgy. Masili, Calamba City


(049)-508-0230
castoralviarnhs588@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF CALAMBA CITY
CASTOR ALVIAR NATIONAL HIGH SCHOOL
Sgt. Alviar St., Masili, Calamba City, Laguna

 Tagpuan- Ang panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling kuwento. Malalaman dito
kung ang kuwento ay nangyari bas a panahon ng tag-ulan,tag-init,umaga,tanghali at gabi;sa
lungsod o lalawigan, sa bundok o sa ilog.
 Banghay- Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
 Simula – Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito
ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuan iikutan ng kuwento.
 Tunggalian- Dito makikita ang pakikipangtunggali ng pangunahing tauhan sa mga
suliraning kanyang kahaharapin.
 Kasukdulan- Ito ang pinakmataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang
pinakamaaksiyon. Sa bahaging ito nabibigyang-solusyon ang suliranin at ditto
malalaman kung magtatagumpay baa ng pangunahing tauhan o hindi.
 Kakalasan- Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwneto.Ito ay nagbibigay ng
daan sa wakas.
 Wakas- Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwentong maaaring masaya o
malungkot.

GAWAIN
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Anong katangian mayroon ang isang maikling kuwento? Isa-isahin ang mga ito.
2. Nakita mob a ang mga katangiang ito sa akdang iyong binasa. Magbigay ng mga patunay.
3. Ano-ano ang mga elementong bunubuo sa isang maikling kuwento. Ilahad ang bawat isa.
4. Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang mahusay na pagkakahabi ng mga element ng kuwento para
maging epektibo ito?

GAWAIN
1. Ito ang pinakamadulang bahagi ng maikling kwento kung saan makakamtan ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
a. Kakalasan c. kasukdulan
b. Tunggalian d. wakas

Sgt. Alviar Street, Brgy. Masili, Calamba City


(049)-508-0230
castoralviarnhs588@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF CALAMBA CITY
CASTOR ALVIAR NATIONAL HIGH SCHOOL
Sgt. Alviar St., Masili, Calamba City, Laguna

2. Bahagi ng maikling kwento na siyang ginuguhitan ng mga pangyayari sa kwento.


a. Simula c. gitna
b. Banghay d. wakas
3. Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya.
a. Suliranin c. tunggalian
b. Kakalasan d. kasukdulan
4. Isa itong anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan.
a. Epiko c. maikling kwento
b. Dula d. sanaysay
5. Ito ang problemang kakaharapin ng tauhan sa kuwento.
a. Suliranin c. tunggalian
b. Kasukdulan d. kakalasan
6. Tinatawag na tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento.
a. Tama b. Mali
7. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon
kung kailan naganap ang kuwento.
a. Tama b. Mali
8. Ang paksa ang pinakamensahe ng kuwento.
a. Tama b. Mali
9. Ang kasukdulan ang tulay sa wakas.
a. Tama b. Mali
10. Ang maikling kuwento ay may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling panahon, may isang
kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
a. Tama b. Mali

REPLEKSYON:
Sa araling ito natutuhan ko na ______________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Sgt. Alviar Street, Brgy. Masili, Calamba City


(049)-508-0230
castoralviarnhs588@gmail.com

You might also like