You are on page 1of 7

MAIKLING KWENTO Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang

pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento." Mula sa: http://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento Ito ay anyo ng panitikang nagsasalaysay nang tuluy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng isang kakintalan o impresyon sa isipan ng mambabasa. Ang kasukdulan o ang bahagi ng kwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapanabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon ang kaisipang maiiwan ng mambabasa. Ito ay isang maikling salaysay na tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay. Sa pamamagitan ng masining na pagsasama-sama ng mga pahayag at pangyayari, nailalarawan ang pagkakasunud-sunod ng mga ito, pati na ang kilos, pagtutunggali o galaw. Mula sa: http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_maikling_kwento MGA SALIK NG MAIKLING KWENTO KANANGHAYAN - tumutukoy sa banghay o pangkakabalangkas ng mga panyayaring dapat na maging maayos ang pagkakaugnay upang maging marikit matatag at kapanipaniwala. KAKINTALAN - ang tuon ng maikling kataha ay lagi nang may iang panig ng buhay na nais ihatid o ikintal sa isipan ng mambabasa. Ang hangarin ito ay maaaring maganap nang maayos sa pag-alinsunod ng paglalahad sa paningin lamang ng isa sa mga tauhan ng katha, kadalasa'y ng pangunahing tauhan. KAPANAUHAN - ito'y tumutukoy sa di-tuwirang paglalarawan ng tauhan na dapat isagawa ng kalikasan ng mga tauhan sa pmamagitan ng kani-kanilang kilos at pananalita. KAGANYAKAN - ito ang pang-unang suliranin na kailangang maipahiwatig kaagad sa simula pa lamang ng kwento. At upang ang mga mambabasa ay maganyak anaman na magmalasakit sa suliranin ng pangunahing tauhan, kailangang ang naturang suliranin ay hindi lamang maging mahalaga sa pangunahing tauhan kundi sa mga mambabasa na rin. KASIYANGAAN - hinggil ito sa sariling bikas ng manunulat o sa kaniyang kakayahan sa paraan ng pagsulat. PAKSADIWA - Tumutukoy ito sa paksadiwa ng katah na bilang kaluluwa ng kuwento ay kailngang makapagdulot ng kasiyahan sa mambabasa.

KAHIMIGAN -ito ay ang kamalayan ng isipan o ang nangngibabaw na damdamin. ito'y maaaring malungkot o masay, dibdiban o mapanuyo, mahinhin o magaso. pinagmulan: Aguilar, R. L., et al. Sining ng kumunikasyon, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin sa isang upuan lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para matapos. MGA BAHAGI AT SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO: 1.SIMULA a.) Mga Tauhan -- dito nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papael na gaganapan ng bawat isa, maaring bida, kontrabida o suporta. b.) Tagpuan -- dito nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. c.) Suliranin -- kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. 2. GITNA a.) Saglit na Kasiglahan -- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. b.) Tunggalian -- bahaging kababasahan ng pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning kakaharapin na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan. c.) Kasukdulan -- pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. 3. WAKAS a.) Kakalasan -- bahagingh nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. b.) Katapusan -- kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Mula sa: http://answers.yahoo.com/question/index?qid=20060617055833AAEKVXu Ang mga bahagi at sangkap ng isang maikling kuwento sa filipino: Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na

pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Gitna Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. Wakas Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento. Mula sa: http://pinoykultura.com/20100221/bahagi-ng-maikling-kwento/ ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO 1. TAUHAN Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan. Uri: BILOG: nagbabago ang katauhan LAPAD: hindi nagbabago ang katauhan PROTOGONISTA:mabait/ pangunahing tauhan ANTAGONISTA: masama 2. TAGPUAN/PANAHON Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari. 3. SAGLIT NA KASIGLAHAN Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan 4. SULIRANIN O TUNGGALIAN Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, tao laban sa tao/lipunan. 5. KASUKDULAN Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin. 6. KAKALASAN Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.

7. WAKAS Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan. MGA URI NG MAIKLING KWENTO: 1. KWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARANG MAROMANSA- sa ganitong kwento, ang pagkawili ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan. 2. KWENTO NG MADULANG PANGYAYARI- sa uring ito, ang pangyayari ay totoong kapuna-punaat makabuluhan at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga taong nasasangkot. 3. KWENTO NG KABABALAGHAN- nabubuo ang ganitong uri ng kwento dahil sa pniniwala ng mga tao sa mg bagay-bagay na kataka-taka. 4. KWENTO NG KATUTUBONG KULAY- ang binibigyang diin ng awtor sa ganitong uri ng kwento ay ang tagpuan. 5. KWENTO NG TALINO- ang pang-akit sa ganitong kwento ay wala sa tauhan ni sa tagpuan kundi sa mahusay na pagkakabuo ng balangkas. 6. KWENTONG SIKOLOHIKAL- maraming nagsasabi na ito na marahil ang pinkamahirap sulating uri ng kwento. 7. KWENTO NG PAG-IBIG- dito pag-ibig ang nangingibabaw na katangiang kumukuha ng interes ng mambabasa. 8. APOLOGO- isng uri ng kwentong ang layunin ay hindi lumibang sa mga mambabasa kundi ang mangaral sa kanila. 9. KWENTOG PANGKAISIPAN- ang pinkamahalaga sa uring ito ay ang paksa, diwa at kaisipan ng kwento. 10. KWENTO NG PAGKATAO- ang nangingibabaw sa kuwentong ito ay ang katauhan ng pangunahing tauhan. Mula sa: http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_mga_uri_ng_maikling_kwento TUNGGALIAN NG MAIKLING KUWENTO tao vs tao tao vs lipunan tao vs kalikasan tao vs diyos tao vs sarili Read more: http://wiki.answers.com/Q/Uri_ng_tunggalian_sa_maikling_kwento#ixzz1RhmaaV9S MGA BAHAGI NG ISANG KUWENTO Ang isang maikling kuwento o katha ay dapat na magkaroon ngsimula, tunggalian, kasukdulan at wakas. Ang mga pormal na bahaging ito ng isang kuwento ay isang mukha o kabuuan ng buhay, at ang buhay, anumang uri, ay may simula, pakikipagtunggali, kasukdulan at wakas.

ANG BANGHAY AT TUNGGALIAN Ang isang maikling kuwento, tulad ng drama at nobela, ay kumikilos dahil sa galaw ng mga tauhan. Ang galaw ng mga tauhan ang siyang pinagmumulan ng mga kawil-kawil na pangyayari sa kuwento. Ang banghay ay ang magkakaugnay na pangyayaring lumilikha ngisang tunggalian, oisikal o sikolohikal, na ang pangunahing layunin ay lumikha ng isang kaisang kintal. MGA BAHAGI NG BANGHAY

1. Panimulang galaw. Nagsisimula ito sa isang nakakaakit na kalagayan. Kailangang ito ay kagyat na makapukaw ng interes sa mga bumabasa sapagkat malaki ang bahagi nito sa kawilihan nilang magpatuloy sa pagsusubaybay sa pangyayari. 2. Tumitinding galaw. Ang tumitindi o tumataas na galaw ay binubuo ng mga pangyayaring maglulundo sa kasukdulan. Ang bahaging ito ng kuwento ay maaring hatiin sa saglit na kasiglahan at suliranin o mga suliraning lulunasan 3. Kasukdulan. Ito ang pinakamakulay at pinkamakintal na bahagi ng kuwento. Tiyak ang kilos o galaw sa bahaging ito ng tauhan. Ang pangayayari sa bahaging ito ay hindi na nangangailangan ng anumang paliwanag. Malinaw nang naibabalangkas ng mga naunang magkakaugnay na pangyayari ang kasukdulan. 4. Kalinawan o kakalasan. Ito ang panghuling bahagi ng kuwento. Kung minsan, ang kasukdulan at ang kakalasan ay pinag-iisa na lamang ng manunulat. Gaya ng ibinabadya ng katawagan, ang kakalasan o kalinawan ng kuwento ay nagsasaad ng paglinaw ng pangyayari o pagpapakita ng kakalasan ng napasidhing damdamin. MGA TAUHAN Ang dami o bilang ng mga tauhan sa kuwento ay dapat na umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng mga tauhang magpapagalaw sa isang kuwento sapagkat ang pangangailangan lamang ang siyang maaring magtakda nito. Sa maikiling kuwento, ang mga bumubuhay na tauhan karaniwan ay mga sumusunod: 1. pangunahing tauhan 2. katunggaling tauhan 3. kasamang tauhan at 4. may-akda Pangunahing Tauhan Ang pangunahing tauhan sa isang maikling kuwento ay iisa. Ito ay ibinabatay sa tungkuling ginagampanan ng tauhan sa katha. Sa pangunahing tauhan umiikot ang kuwento, mula sa simula hanggang sa katapusan. Katunggaling Tauhan Ang mga pangyayari ay bunubuhay sa pamamagitan ng tunggalian sa loob ng isang kuwento. Ang tunggaliang ito karaniwan ay kinakatawanan ng mga tauhang pangkuwento. Kasamang Tauhan Gaya ng ipinapahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay kasamaan ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing tungkulin niyon sa kuwento ay ang maging kapalagayang loob ng tauhan. Ang May-akda Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi nang magkasama sa loob ng katha. Bagamat ang naririnig lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

DIYALOGO Ang pananalita o diyalogo ay bumubuhay sa kuwento, nagbibigay dito ng diwa, nagpapasulong sa pangyayari at nagpapatindi ng damdamin. Anumang uri ng salitang buhat sa bibig ng isang tauhan, maging siya'y isang tao o isang binigyang katauhang bagay o hayop, ay maituturing na diyalogo o panalitang pangkuwento. TEMA AT DAMDAMIN TEMA Ang tema sa isang maikling kuwento ay ang pangkalahatang kaisipang nais palitawin ng manunulat. Karaniwang ito ay kaugnay ng isang panlahat na ideya na sumusibol sa kabuuan ng mga pangyayaring pangkuwento. Ang tema kung gayun ay isang koseptuwal na saligan sa pagsulat ng maikling kuwento. Dalawa ang paraan sa pagkakaroon ng pang-ideyang balanngkas. Maaring may isang panlahat na temang nais na palitawin ang manunulat. Nais niyang ipaghalimbawang paksain ang temang hustisya sosyal. Nasa kanya ang kabuuang masaklaw na balangkas. Kapag nasa kanya na ang ideya, iisipin na lang niya ang sitwasyong iakma sa tema. DAMDAMIN Ano ang damdamin sa loob ng isang kuwento? Ito ba ay katulad din ng mga pangkaraniwang damdamin ng tao gaya ng lungkot, poot, pag-ibig, kasakiman at kagitingan? Ano ang tungkulin ng damdamin ng damdamin sa loob ng isang kuwento? Ang damdamin ay isang sangkap na malaki ang bahagi sa pagbubuo ng kintal sa mambabasa, sapagkat ito ang tagapagkulay ng mga pangyayari sa loob ng isang maikiling katha. Maaring ang mga tauhan ay kumikilos, nagsasalita at may nilalayon ngunit hindi ito sapat upang magkatugon sa hinihingi ng sining. Kailangang ang mga galaw, pangungusap at nilalayon ay magkaroon ng kulay o damdamin. PANINGIN Ang paningin sa maikling kuwento ay tumutukoy sa pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang katha. Sa pamamaraan ng pagsasalaysay ang paningin ay kaugnay ng nagsasalaysay sa kuwento, kung sino ang nakakakita at kung gaano ang nakiikita ng bumabasa ang nililikhang naglalahad, ang lugar at ang panahong sumasaklaw sa paglalahad, ang taong pinaglalaharan nito, ang relasyon ng naglalahd at ng pangyayaring inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng naglalahad. Apat ang karaniwang paraan ng pagpapahayag ng kuwento ayun sa paningin ng nagpapahayag. Ang mga ito ay ang: 1. Paningin ng unang tauhan. Ang ganitong paglalahad ng isang kuwento ay karaniwang tungkol sa karanasan ng nagsasalaysay--niako. Ang ako ay kumakatawan sa tauhang nagsasalaysay kaya ang kuwento ay lumilitaw na personal niyang karanasan at iyon ay mula sa kanyang pananaw lamang. 2. Paningin sa pangatlong panauhan. Ang pagsasalaysay ng paninging ito ang siyang pinakapalasak. Ang mga pangyayari sa ganitong uri ng paningin ay dumaraan sa panauhang siya na maaring sinuman. 3. Paninging laguman. Sa ganitong uri ng paningin, inihahayag ng awtor ang pangyayari sa pamamagitan ng pag-aangkin niya sa isa sa mga tauhan ng kuwento at sa pagsasanib dito ng kanyang pagtatambal na ito ng dalawang paningin ay nakatutulong upang higit na maging malaya ang awtor sa pagdadala ng mga pangyayari sa kuwento.

4. Panlahat na paningin. Sa ganitong uri ng paningin, ang mga pangyayari ay dumaraan sa paningin ng awtor na maaring magpalipat-lipat sa katauhan ng iba't ibang tauhan sa kuwento. Sa paraang ito, ang awtor ay maaring makabatid sa lahat na pangyayari. TAGPO Ang tagpo ay isang mahalagang balangkas ng mga pangyayari na siyang bubuo at magtatayo sa maikling katha. Karaniwan, ang isang kuwento ay binubuo ng marami at magkakaugnay na tagpo. Ang tagpo sa isang kuwento ay siyang katapat ng isang eksena sa pelikula at dramang pangtanghalan. Ang mga tagpo ay kasangkapan upang maipakita ang mga pisikal na pangyayari sa kuwento. Nagpapatipid sa gagamiting salita sa kuwento. Nabibigyan ng mga tagpo ang awtor ng laya na mabisang matalakay ang mga makulay at mataas na bahagi at damdamin sa kuwento. SIMBOLO Ang simbolo ay isang makasining na sangkap na ang layunin ay kumakatawan sa isang uri ng damdamin, bagay, paniniwala, o kaisipan. Katulad ng mga sangkap na panretorika, ang simbolo ay may tungkuling magkintal ng isang bagay sa isip ng mambabasa upang iyon ay maging ganap na bahagi ng kanyang pang-unawa. Kagaya ng mga tayutay o talinhaga, ang pangunahing layunin ng simbolo ay ang magkintal ng mga imahe o larawan. Sa isang maikling kuwento lalo na, makakatulong nang malaki ang mga simbolo upang makapagdulot ng kaisahang kintal o diwa. Mula sa: http://atbp.tripod.com/atb/la.html

You might also like