You are on page 1of 22

Filipino 8

Ikatlong Markahan

MGA EKSPRESYONG
HUDYAT
NG KAUGNAYANG LOHIKAL
BALIK-ARAL
MGA GABAY NA TANONG:

1. Ano ang binibigyang-diin sa pinanuod/binasang dokumentaryo?


2. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinapanuod/binabasa
ang dokumentaryo?
3. Nagsisilbing daan ba ang dokumentaryong pantelebisyon upang maihatid
ang mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa? Pangatuwiranan ang
iyong sagot.
4. Batay sa iyong pananaw, bakit may mag-aaral na umaabot ng high school
nang hindi nakababasa at nakapagsusulat? Pangatuwiranan.
5. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang pamahalaan sa ganitong
sitwasyon?
MGA EKSPRESYONG HUDYAT NG
KAUGNAYANG LOHIKAL
May mga konseptong may kaugnayang lohikal na
nakabubuo ng isang makahulugang pahayag. Halimbawa
nito ang ugnayang sanhi at bunga na tinatawag ding
pangatnig na pananhi. Kapag pinagsama ang dalawang ito,
nakalilikha ng pangungusap na nagpapahayag ng
ugnayang lohikal.
Halimbawang pangungusap:
Dinala si Mang Ben sa bahay-ampunan kaya nalungkot siya
nang labis
Mapapansin na matatagpuan sa unahan ang sanhi/dahilan ng
pangyayari at ang bunga/resulta ay may isang salungguhit.

Maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang


paraan.Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na
sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o
sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga
pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.
May pangungusap ding nagpapakita ng ugnayang paraan at layunin.
Halimbawang pangungusap:
Nagpapakahirap si Bing sa pagtatrabaho upang guminhawa ang kanilang buhay
at mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak.

Sa pangungusap, ang mga salitang may iisang salungguhit na tumutukoy sa


paraan ay ang sugnay na makapag-iisa samantalang ang sugnay na ‘di-makapag-
iisa na tumutukoy sa layunin kung bakit nagpapakahirap si Bing.
Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang o nang sa
ganoon upang maihudyat ang layunin.
Bukod sa ugnayang paraan at layunin, may tinatawag ding ugnayang paraan at resulta.
Halimbawang pangungusap:
Dahil sa pagbisi-bisita ni Jay sa kaniyang lolo, nabigyan niya ng kaligayahan ang
matanda.
Ang sugnay na ‘di-makapag-iisa ay tumutukoy sa paraan samantalang ang may isang
salungguhit ay ang resulta o bunga ng ginawa ni Jay.
Sa relasyong ito, ginagamit ang pang-ugnay na dahil sa upang maihudyat ang paraan.
Tandaan na maaaring gamitin ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal sa
pagsulat ng sanaysay.
 Sa paglalahad ay mahalagang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay ng mga pangyayari. Kailangang lohikal na maipakita ang
ugnayan o relasyon upang madaling maunawaan ang mensahing nais iparating
ng nagsasalita. Ang paggamit ng ng mga pangatnig, pang-abay at iba pang
ekspresyong tatalakayin ay makatutulong upang maipakita ang ugnayan ng mga
pahayag.

1. Dahilan at Bunga
Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi
naman ng bunga ang resulta nito.
Mga pang-ugnay: Sapagkat, Pagkat, Dahil, Kasi, Kaya
Halimbawa: Nagsumikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya
gumanda ang kanyang buhay.
2. Paraan at Layunin
Isinasaad sa ugnayang ito kung paano makakamit ang
layunin gamit ang paraan.
Mga Pang-ugnay: upang, para, nang
Halimbawa: Upang hindi mahawa ng Covid-19,
mahigpit niyang sinusunod ang mga health protocol.
3. Paraan at Resulta
Nagsasaad kung paano ngakuha ang resulta.
Ang pang-ugnay na SA ang karaniwang ginagamit sa
ganitong pahayag.
PANUTO: BASAHIN ANG MGA PANGUNGUSAP AT HANAPIN
ANG MGA GINAMIT NA EKSPRESYONG HUDYAT NG
KAUGNAYANG LOHIKAL.
1. Nagpunta si Ken sa Tarlac para bisitahin ang kaniyang lolo at lola.
2. Naglinis ng bahay si Kelly upang maging maayos ito sa paningin ng
kaniyang bisita.
3. Marunong makiharap sa bisita si Popoy kaya marami ang natutuwa
sa kaniya.
4. Nagtungo sa bukid si Bryan para bigyan ng miryenda ang kaniyang
tatay.
5. Dahil sa pagtitipid ni Thea, nakaipon siya ng pambili ng pangarap
niyang smart phone.
PANUTO: DUGTUNGAN ANG PANGUNGUSAP AYON SA
HINIHINGING EKSPRESYONG HUDYAT NG KAUGNAYANG
LOHIKAL. sa kaya kasi upang dahil

1. ________ sa Covid-19, nagbago ang Sistema ng Edukasyon sa


Pilipinas.
2. Unti-unti ng nakabangon ang ekonomiya ng ating bansa
________pagtutulungan ng lahat.
3. Sinisigurado ni Andrea na matapos sa takdang oras ang mga
gawain sa modyul _________ hindi mangarag kapag pasahan na ng
awtput.
4. __________ palabas ako sa aming bahay, biglang dumating si
tatay.
BALIK-ARAL
IBIGAY ANG MGA
EKSPRESYONG
HUDYAT NG
KAUGNAYANG LOHIKAL
KAHUSAYANG GRAMATIKA

Ang Kahusayang Gramatikal ay tumutukoy sa


kahusayan ng pagpili ng wastong baybay at
bigkas ng mga salita gayundin ang paggamit ng
wastong balarila sa pangungusap

- bahagi rin nito ang pagpili ng mga angkop na


salitang gagamitin sa pagpapahayag
May mga bantas na ginagamit
kasama ang mga salita sa pagbibigay
ng kaisipan at ideya. Ang mga bantas
na ito ay madalas na nagagamit sa
paraang pasulat. Ang kaalaman sa
bantas ay nagpapahiwatig rin ng
PAGGAMIT NG MGA BANTAS
Tuldok (.) -
a) ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos, sa mga
salitangdinadaglat at pagkatapos ng mga tambilang at titik
Halimbawa:
Si Kylene ay isang magandang binibini.
b) Sa pangalan at salitang dinaglat.
Halimbawa:
Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic Christian
Living”.
PAGGAMIT NG MGA BANTAS
Tandang Pananong (?) - ginagamit sa katapusan ng mga
pangungusap na patanong at sa bahaging pag-aalinlangan
at ito'y inilalagay sa panaklong.

Halimbawa:
Ano ang pangalan mo?
Sasama ka ba?
PAGGAMIT NG MGA BANTAS
Tandang Padamdam (!) - ginagamit sa katapusan ng mga salita
o pangungusap na pandamdam o nagpapahayag ng matindi o
masidhing damdamin.

Halimbawa:
a)Mabuhay ang Pangulo!
(b) Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
(c) Aray! Naapakan mo ang paa ko.
PAGGAMIT NG MGA BANTAS
GITLING (-) - maikling guhit na inilalagay sa
pagitan ng dalawang pantig na pinaghahati, sa
pagitan ng tambalang salita, o sa dalawang
salitáng pinagkakabit.

Halimbawa:
hawak-hawak, paulit-ulit, dahan-dahan
PAGGAMIT NG MGA BANTAS
Kudlit (') - ginagamit na pananda ng nawawalang letra o
mga letra sa dalawa o mahigit pang salitang magkasunod.

Halimbawa:
Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.
Ako’y isang mamamayang Pilipino at may tungkuling
mahalin at pangalagaan ang aking bayan.
PAGGAMIT NG MGA BANTAS
Kuwit (,) - ginagamit pagkatapos ng panawag at sa magkasunod na mga salita
o parirala na nasa loob ng pangungusap.

Halimbawa:
Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy.
Shana, saan ka nag-aaral ngayon?
Oo, uuwi ako ngayon sa probinsiya.
Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa
mabaho at malansang isda”.
GAWAIN:PUNAN NG TAMANG BANTAS.

IPINAGMAMALAKI KONG MAGIGING GURO AKO

Masayang nagkita__kita ang magpipinsan upang dumalo sa pista sa


kanilang probinsya. Nagkamustahan sila habang nagkakatuwaan sa
pananghalian__
_Kuya Daniel__ anong kurso ang kukunin mo sa kolehiyo__”, ang
tanong ng sampung taong gulang na si Eunice.“Wow__ Ang galling
mo siguro sa Matematika__ Kuya Daniel__.
“Ano naman ang kursong kukuhanin mo__ Kuya Nestor”, ang
tanong naman ni Ronnel sa isa pang pinsan na katulad ni Daniel ay
nagtapos ng hayskul noong Marso.
__Magiging titser ako__, ang pagmamalaking sagot ni
Nestor.
“Akala ko ba gusto mong maging inhenyero__”, ang
pagtataka ni Daniel.
“Naisip kong mas gusto ko palang magturo” __ sagot
ni Nestor.
“Hinahangaan talaga kita Kuya Nestor__ Ako man

You might also like