You are on page 1of 26

Formatted: Font: 12 pt

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan –Modyul 1
Gamit at Tunguhin ng
Isip at Kilos-Loob

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Formatted: Font:

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul
2
Gamit at Tunguhin ng
Isip at Kilos-Loob

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7
Alternative Delivery Mode

Ikalawang Markahan – Modyul 1: Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Development Team of the Module
Author/s: Ma. Christine Y. Delante
Reviewers: Emma B. Cabibil, Lydia D. Malabas, Jemeris D. Tubigon, Ailen C. Brioso, Rochelle J.
Anino
Illustrator and Layout Artist: Mary Glydel P. Florin

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District In-charge
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address:
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul 1 ukol sa Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1 Formatted: Line spacing: Double

Subukin ---------------- 2

Tuklasin ---------------- 6

Suriin ---------------- 7

Pagyamanin ---------------- 9

Isagawa ---------------- 10

Tayahin ---------------- 11

Karagdagang Gawain ---------------- 14

Susi sa Pagwawasto ---------------- 15


Modyul
Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
1

Alamin

Binabati kita, ikaw ay espesyal sa mundong ito! Hindi lahat ay


nabibigyan ng pagkakataong mabuhay kaya ikaw ay kasama sa plano ng
Panginoon. Ibig sabihin ikaw ay may kakayahan o katangian na
nagpapabukod-tangi sa iyo sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil ikaw ay may
taglay na isip at kilos-loob. Sa yugto ng iyong pagbibinata o pagdadalaga
ngayon, mahalagang magabayan ka ng tama. Handa kana bang alamin?
Tuklasin mo!
Sa nakaraang modyul, natutunan mo ang iba’t ibang tungkulin ng isang
kabataan. Ang hamong ito ay hindi madali. Subalit, mahalaga ito patungo sa
susunod na yugto ng iyong buhay at paghubog ng iyong pagkatao.
Ang susunod na ating tatalakayin ay tungkol sa isip at kilos-loob ng
tao. Bakit sinasabing ang katangiang ito ang siyang nagpapabukod-tangi sa
tao? Bakit itinuturing na ang pagsunod sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-
loob ay maghahatid sa tao sa kanyang kaganapan bilang tao? Gamitin natin
ang ating isip at kilos-loob. Handa ka na ba?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang kaalaman,
kakayahan at pag-unawa sa sumusunod:

a. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.


(EsP7PS-IIa-5.1)
b. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip
at kilos-loob. (EsP7PS-IIa-5.2)
c.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang


pinaka-angkop na sagot at isulat ang titik sa iyong dyornal notbuk. Formatted: Indent: Left: 0.5"

1. Ang isip ng tao ay may limitasyon. Ang pahayag ay


a. Tama, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao.
b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi ito kasim perpekto ng Maylikha.
c. Mali, dahil hindi nagpapahinga ang isip.
d. Mali, dahil walang limitasyon ang isip ng tao sa anomang gusto niya.

2. Nahuli ng kanyang guro si Rolly na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa


oras ng pagsusulit. Nang ipatawag ng guro si Rolly ay palaging
nagmamatuwid na nararapat sisihin ang kanyang kaibigan. Nagawa niya
lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit at panunumbat. Ang kahihinatnan
ng kilos ni Rolly ay
a. Nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
b. Nakabatay sa kakayahan ng kapwa na tanggapin ang pagkakamali.
c. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng
kilos para sa kanyang sarili. Formatted: Indent: First line: 0.5"

d. Lahat ng pagpipiliang pahayag sa a, b at c.

3. Ang mga sumusunod ay kapangyarihan ng isip maliban sa


a. mag-alaala c. isakatuparan ang pinili
b. mangatwiran d. umunawa sa kahulugan ng buhay

4. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?


a. mag-isip c. magpasya
b. umunawa d. magtimbang ng esensya ng mga bagay

2
5. Ang sumusunod na pahayag ay tungkol sa kilos-loob maliban sa
a. Ito ay kusang naakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
b. Ito ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
c. Ito ay ugat ng mapanagutang kilos.
d. Ito ay ang kapangyarihang mangatwiran.

6. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang sumusunod ay tatlong mahahalagang


sangkap ng tao maliban sa
a. damdamin c. kamay o katawan Formatted: Number of columns: 2

b. isip d. puso

7. Ano ang tunguhin ng isip ng tao? Formatted: Indent: Left: 0"

a. kabutihan c. karangalan Formatted: Number of columns: 2

b. katotohanan d. kalayaan Formatted: Left

8. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang


a. kabutihan c. karangalan Formatted: Number of columns: 2

b. katotohanan d. kalayaan Formatted: Left

9. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob ng tao?

a. a. umunawa c. c. ugnayan Formatted: Numbered + Level: 1 + Numbering Style: a, b, c,


… + Start at: 1 + Alignment: Left + Aligned at: 0.25" +
b. b. pandama d. d. kumilos o gumawa Indent at: 0.5"
Formatted: Number of columns: 2
Formatted: Numbered + Level: 1 + Numbering Style: a, b, c,
… + Start at: 1 + Alignment: Left + Aligned at: 0.25" +
Indent at: 0.5"
10. Paano mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina.
b. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at
pamimili.
c. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob.
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng
karanasan.

3
11. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay
a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan.
b. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
c. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama.
d. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin.

12. Itinuturing ang tao na ’kawangis ng Diyos”. Ang sumusunod ay


kasingkahulugan ng ”kawagis” maliban sa
a.katulad b. kahawig c. kakambal d..kamukha

13. Nakasalalay sa tao na pag-aralan at alamin ang higit na mabuti upang ito
ang kanyang piliing gawin. Ang pahayag ay
a. Tama, dahil hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri.
b. Mali, dahil lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri.
c.Tama, dahil lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri.
d. Mali, dahil hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri.

14. Ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan ay kailangang gawin ang


sumusunod maliban sa
a. sanayin b. gawing ganap c. paunlarin d. kilalanin

15. Ito ay instrumento sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.


a. kamay o katawan b. isip c. puso d. damdamin

Noong nakaraang aralin ay iyong natutunan ang tungkol sa walong


tungkulin ng isang kabataan sa lipunang kanyang ginagalawan. Ngayon,
susubukan natin kung ano ang iyong natutunan.

2
Ang mga larawan na iyong makikita ay ang mga tungkulin ng isang
kabataan.
Panuto: Hanapin ang angkop na larawan sa bawat tungkulin. Titik lamang
ang isulat sa iyong dyornal notbuk.
Mga tungkulin Mga larawan

1. Ang Tungkulin sa Sarili


2. Ang Tungkulin Bilang Anak
3. Ang Tungkulin Bilang Kapatid
A. paglilinis ng bakuran
4. Ang Tungkulin Bilang Mag-aaral
5. Ang Tungkulin sa Aking
Pamayanan
6. Ang Tungkulin Bilang
Mananampalataya B. pag-aaral
7. Ang Tungkulin Bilang Konsyumer
ng Media
8. Ang Tungkulin sa Kalikasan

C. pagpapalakas ng katawan

D. paggamit ng gadgets

E. pag-aaruga sa kapatid

F. pagsisimba

3
G. pagtutulungan

H. paglilinis ng bahay

Tuklasin

Sa pagpapatuloy ng ating aralin, basahin ng mabuti ang parabula sa


ibaba at sagutin ang mga tanong sa susunod na pahina. Isulat sa dyornal
notbuk.
Ang Mabuting Samaritano
(Lucas 10: 25-37)
“Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na
walang hanggan?” Ito ang tanong ng isang dalubhasang lumapit kay Hesus
upang Siya’y subukin.
“Ano ba ang nakasulat sa Kautusan?” ang sagot ni Hesus.
“Ibigin mo ang Diyos at ang iyong kapwa,” sabi ng lalaki. “Ngunit sino
ang aking kapwa?”
Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol
sa isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang
siya ng mga tulisan. Kinuha ang lahat ng gamit ng manlalakbay, pati ang
damit sa kanyang katawan!
Siya ay binugbog at iniwan sa daan na halos walang buhay.
Nagkataong dumaan ang isang pari. Siguradong siya ay tutulong sa sugatang
lalaki. Ngunit hindi! Nang makita ang taong duguan, lumihis siya at
nagpatuloy sa kanyang paglakad sa kabila ng daan.

4
Pagkatapos ay may isa na namang parating. Siya ay Levita- ang mga
taong tumutulong sa pari sa templo. Nilapitan at tiningnan ang taong
nabugbog, ngunit siya ay nagpatuloy din sa paglalakad at hindi tumulong.
Ngunit may isang Samaritanong dumaan. Galit ang mga Hudyo sa
mga Samaritano. Ang mga nakikinig kay Hesus ay hindi inakala na isang
Samaritano ang magiging mabait sa kwento. Ngunit ang Samaritano ay
naawa at huminto para tumulong. Ang Samaritano ay lumuhod, at nilagyan ng
gamot at benda ang sugat ng lalaki. Pagkatapos ay isinakay niya ang lalaki sa
kanyang asno. Sa isang bahay-panuluyan, inalagaan ng Samaritano ang
lalaki buong gabi. Kinabukasan, nagbayad ang Samaritano sa may-ari ng
bahay-panuluyan upang alagaan ang lalaki hanggang sa siya’y maging
mabuti muli.
Nang matapos ang kwento ni Hesus, “Sino kaya sa tatlo ang naging
tunay na kapwa sa taong nasaktan?” Ang sagot ng dalubhasa, “Ang kanyang
kapwa ay ang Samaritano na tumulong sa kanya.” “Sige ganoon din ang
iyong gawin,” ang sabi ni Hesus. Ang kapwa ay ang sino mang
nangagailangan. Maari nating maipakita ang ating pagmamahal sa
pamamagitan ng pagtulong sa mga taong nangangailangan. Iyan ay kalugod-
lugod sa Diyos.

Mga Pamprosesong Tanong: Formatted: Font: Bold, Font color: Auto, English (Philippines)
Formatted: Font: Bold
1. Ano ang ginawa ng Mabuting Samaritano?

2. Bakit pinamagatan ang parabula ng Mabuting Samaritano?

3. Dapat bang tumulong sa kapwa kahit di mo kakilala? Bakit? Formatted: Font: (Default) Arial
Formatted: Numbered + Level: 1 + Numbering Style: 1, 2,
Ipaliwanag. 3, … + Start at: 1 + Alignment: Left + Aligned at: 0.25" +
Indent at: 0.5"

5
Suriin

Sa simula pa lang, karangalan na ng tao na nakikibahagi siya sa


karunungan ng Diyos dahil itinuturing ang tao na ”kawangis ng Diyos”, ibig
sabihin ang tao ay binigyan ng kakayahan na makaalam at magpasya nang
malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatwiran ay tinatawag na isip. Ang
kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na
kilos-loob.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang
sangkap: ang isip, ang puso, at ang kamay o katawan.
Isip. Ito ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang
diwa (essence or meaning) at buod (summary) ng isang
bagay. Ito ay may kapangyarihang maghusga,
mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at umunawa ng
kahulugan ng mga bagay. Kaya’t ang isip ay tinatawag na
katalinuhan(intellect), katwiran (reason), intelektuwal na kamalayan
(intellectual consciousness), konsensiya (conscience)atintelektuwal na
memorya (intellectual memory) batay sa gamit nito sa bawat pagkakataon.
Puso. Isang maliit na bahagi ng katawan na
bumabalot sa buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito
ng lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay. Dito
nanggagaling ang pasya at emosyon. Sa puso hinuhubog
ang personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan at kabutihan
ng tao ay dito natatago.
Kamay o katawan. Ang kamay o ang katawan
ay sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw,
paggawa at pagsasalita (sa bibig o pagsusulat). Ito ang
karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang
kilos o gawa. Mahalagang bahagi ng pagkatao ang
katawan, dahil ito ang ginagamit upang ipahayag ang
nilalaman ng isip at puso sa kongkretong paraan. Sa
pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang
kalooban. Ito rin ang instrumento sa pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.

6
Ngayon naman, mahalagang malaman ng tao kung ano ang gamit at
tunguhin ng isip at kilos-loob. Ito ay makakatulong din sa iyo bilang isang
nagdadalaga o nagbibinata para mahubog ang iyong kakayanan na
gumamawa ng tama at makabuluhang desisyon sa pagharap ng mga hamon
sa buhay.
Tunghayan ang talahanayan sa ibaba:
Isip Kilos-loob
Gamit Pag-unawa Kumilos o gumawa
Tunguhin Katotohanan Kabutihan
Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan.
Patuloy ang kanyang pagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang
naaayon sa katotohanan na natutuklasan. Dahil ang isip ng tao ay may
limitasyon at hindi ito kasing perpekto ng Maylikha, siya ay nakadarama ng
kakulangan.
Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino, ang kilos-loob ay kusang
naakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Ang tunguhin ng kilos-loob ay ang
kabutihan. Ito ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip. Kaya,
naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-loob dahil hindi nito nanaisin o
gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o nauunawaan. Ang kilos-loob
ang siyang ugat ng mapanagutang kilos tungo sa kaganapan ng tao.
Halimbawa:
“Nakita mo na ang tamang tawiran ay malayo pa sa iyong
kinaroroonan. Nagmamadali kang makapasok sa paaralan. Mayroong mas
malapit na tawiran ngunit mayroong nakalagay na "bawal tumawid". Sa
paggamit ng isip at kilos - loob, mas pipiliin mo na dumaan sa pedestrian lane
kaysa tumawid na lamang sa pinakamalapit na tawiran na hindi naman tama.”
Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang
mabuti. Ngunit hindi lahat na mabuti ay magkakapareho ng uri kaya,
nakasalalay sa tao na pag-aralan at alamin ang higit na mabuti upang ito ang
kanyang piliing gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay
kailangang sanayin at paunlarin upang gawing ganap ang kakayahang ito.

7
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat sa iyong
dyornal notbuk.
May nakita kang wallet sa daan na
naglalaman ng malaking halaga ng pera at I.D. ng
may-ari. Nagkataon naman na matindi ang inyong
pangangailangan sa pamilya. Wala na kayong
pambili ng bigas. Naubos na rin ang tulong mula sa
lokal na pamahalaan at hindi pa nakabalik sa trabaho ang iyong mga
magulang dahil sa CoViD-19. Kung gagamitin mo ang pera, sasapat na ito
para sa pangangailangan ninyo sa loob ng isang buwan. Nalungkot ka para
sa may-ari, pero gusto mong makatulong sa iyong pamilya. Nagdesisyon
kang huwag ito isauli at gamitin muna.
1. Nagpapakita ba ng wastong paggamit ng isip at kilos-loob ang
nakapulot ng wallet sa kwento? Bakit?

2. Kung sakaling ikaw ang nakapulot ng wallet sa kwento, paano mo


maipapakita ang iyong isip at kilos-loob na nagpapabukod tangi sa
iyo? Ano ang gagawin mo? Ipaliwanag.

8
Isaisip

Kung laging susundin ng tao ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-


loob,, maabot ng tao ang kanyang tagumpay at kaganapan ng pagkatao.
Anong konsepto ang naunawaan mo mula sa iyong binasa?
Panuto: Sagutin ito sa iyong dyornal notbuk gamit ang graphic organizer.

Ang tao ay ______________ na nilalang dahil siya ay may:

Kilos-loob na Formatted: Tab stops: 0.5", Left + 4.04", Left


Isip na
____________________
______________________

Ang gamit ng kilos-loob ay


Ang gamit ng isip ay
_______________________
______________________

Ang tunguhin ng isip ay Ang tunguhin ng kilos-loob


_______________________ ay
________________________
______

Kaya, nararapat na ______________, _______________, at _____________ ang isip

at kilos-loob upang mabigyan ng halaga ang kakayahang ito ng tao.

9
Isagawa

Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, paano mo maipapakita na


ang iyong kilos ay nagpapakita ng mapanagutang pagamit ng isip at kilos-
loob. Suriin mo ang iyong sarili. Sundin ang halimbawa sa ibaba para
maipakita ang iyong nalalaman.
Panuto: Suriin kung alam o ginagawa mo ang mga ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng tsek () o ekis (×) sa tapat nito. Gabay mo
ang halimbawang ibinigay.
Alam Ginagawa
Tungkulin Natutunan
ko ko
Halimbawa: Sumusunod lang ako
Pumili ng musikang  × sa uso at mga gusto
pakikinggan. ng aking mga kaibigan

Alam Ginagawa
Tungkulin Natutunan
ko ko
1. Wastong paggamit ng
computer, internet, at iba
pang gadgets.
2. Mag-aral nang mabuti
para magkaroon ng
matataas na marka.
3. Pumasok nang maaga
o sa takdang oras sa
paaralan.

10
Tayahin

Upang masukat ang iyong kaalaman, handa kana bang tayahin ang
iyong pag unawa tungkol sa isip at kilos-loob? Kung handa kana, tingnan
suriin ang mga panuto sa ibaba.
A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot
gamit ang titik lamang sa iyong dyornal notbuk.
1. Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi pagpaalam sa iyong mga
magulang, ikaw ay kanilang pinagalitan. Ano ang dapat mong gagawin?
a. Magtampo dahil ngayon lang naman ito nangyari at hindi na uulitin.
b. Humingi ng tawad, magpaliwanag at mangakong hindi na uulitin.
c. Iiyak at magalit sa magulang at hindi na uulitin ang ginawa.
d. Manahimik at balewalain ang magulang at hindi na uulitin ang ginawa.
Formatted: Indent: Left: 0.25", No bullets or numbering

2. Ang lahat ng pahayag ay tungkol sa katangian o kahulugan ng puso


maliban sa
a. sa pamamagitan nito naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang
kalooban
b. dito hinuhubog ang personalidad ng tao
c. maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao.
d. dito nanggagaling ang pasya at emosyon ng tao
Formatted: Indent: Left: 0.25", No bullets or numbering

3. Mahaba ang pila sa may paradahan ng dyip, nakita mong malapit na sa


unahang pila ang iyong bestfriend at niyaya ka niyang pumuwesto na sa
kanyang likuran upang mapadali ang iyong pagsakay. Tama ba na
susundin mo siya?
a. Tama, lalapitan muna kaagad para mapadali ang iyong pagsakay sa
dyip.
b. Mali, dahil maraming nakakita at baka magalit sila.
c. Tama, dahil nauna naman siya sa pila kaya ok lang na sumabay sa
kanya.
d. Mali, dahil marami pang nauna sa iyo at nararapat lamang na sila ang
mauna.

11
a. binigyan ang tao ng magandang hanap-buhay para maging malaya
b. binigyan ang tao ng kakabambal na mga layunin at kalayaan.
c. binigyan ang tao ng kakayahan na mag-isip at magpasya nang malaya.
d. binigyan ang tao ng kapangyarihan tuklasin ang kalayaan.
Formatted: Indent: Left: 0.25", No bullets or numbering

6.5. Alin sa sumusunod ang tunay na gamit at tunguhin ng isip?


a. pag-unawa at katotohanan
b. pag-unawa at kabutihan
c. kumilos o gumawa at katotohanan
d. kumilos o gumawa at kabutinan
Formatted: Indent: Left: 0.25", No bullets or numbering

7.6. Alin sa sumusunod ang tunay na gamit at tunguhin ng kilos-loob?


a. pag-unawa at katotohanan
b. pag-unawa at kabutihan
c. kumilos o gumawa at katotohanan
d. kumilos o gumawa at kabutihan
Formatted: Indent: Left: 0.25", No bullets or numbering

8.7. May iniinom kang bottled water, nang maubos ito wala kang makitang
basurahan kaya’t sabi ng kaibigan mo itapon mo na lang ito sa iyong
dinadaanan. Ano ang dapat mong gagawin?
a. Itapon nalang sa dinaraanan.
b. Itago nalang muna sa bag.
c. Hayaan ang kaibigan ang magtapon.
d. Hayaan nalang sa isang tabi.

8. Ang isip ng tao ay may limitasyon. Ang pahayag ay


a. Tama, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao.
b. Mali, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga.
c. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi ito kasim perpekto ng Maylikha.
d. Mali, dahil walang limitasyon ang isip ng tao sa anumang gustong
isipin.

12
9. Ang sumusunod na pahayag ay tungkol sa kilos-loob maliban sa
a. Ito ay ang kapangyarihang mangatwiran.
b. Ito ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
c. Ito ay kusang naakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
d. Ito ay ugat ng mapanagutang kilos.

10. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay


a. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama.
b. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin.
c. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
d. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan.

B. Tama o Mali (11-15) Panuto: Basahin ang mga sumusunod na


pangunugsap. Tukuyin kung tama o mali ang pangungusapIsulat ang
TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at MALI
naman kung hindi. Isulat Gawin ito sa iyong dyornal notbuk ang iyong
sagot.
11. Ang pangunahing tunguhin ng isip ay kabutihan.
12. Ang gamit ng isip ay pag-unawa.
13. Ang pangunahing tunguhin ng kilos-loob ay katotohanan.
14. Ang gamit ng kilos-loob ay kumilos o gumawa.
15. Ayon kay Santo Thomas de Aquino, may tatlong sangkap ang tao.

Karagdagang Gawain

Para mas matatandaan ang iyong mga natutunan mula isip at kilos-loob,
may mga sitwasyong inihanda sa ibaba na maari mong basahin at unawain
para mailapat ang iyong mga natutunan sa mas personal na paraan.
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at pumili ng isa para ilapat ang
iyong mga natutunan mula sa modyul na ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong
dyornal notbuk.
Mga Sitwasyon:

13
1. Pakiramdam mo ikaw ang pinag-uusapan at pinagtatawanan ng
dalawa mong kaklase. Nasabi mo ito sa iyong kaibigan at ang sabi niya
komprontahin ninyo pagkatapos ng klase.
Formatted: Justified, Indent: Left: 0.5", No bullets or
numbering
2. Mahaba ang pila sa counter kung saan ka magbabayad ng iyong Formatted: Justified

pinamili na grocery at nagmamadali ka pa naman. Nakita mong malapit


na sa unahang pila ang iyong kamag-anak at tinawag ka niyang
pumuwesto na sa kanyang likuran upang mapadali ang iyong
pagbabayad.

Gabay na tanong: Formatted: Font: Bold, English (Philippines)


Formatted: Font: Bold
Ano ang iisipin at gagawin mo?

Binabati kita sa iyong pagtatapos sa modyul na ito! Nawa’y naging


maliwanag sa iyo na ang isip at kilos-loob na taglay ng tao ay siyang
napapabukod-tangi sa iyo sa lahat ng nilikha ng Diyos.
Ang isip at kilos-loob ang magsisilbing gabay mo sa panibagong yugto
ng iyong buhay bilang nagdadalaga o nagbibinata upang nasusuri mo ng husto
ang mga pagpapasyang gagawin. Ito ang magdadala sa iyo sa tagumpay at
kaganapan ng iyong pagkatao.

14
15
Sanggunian

Mga Aklat

DepEd, Division of Ilgan City, EsP 7 Learning Module. Modyul 5, Accessed


June 1, 2020
Schools Division of El Salvador City, Edukasyon sa Pagpapakatao 7,
Essential Learning Competencies, A Compilation

Online

Angeles, Loida. “ISIP AT KILOS LOOB:” Prezi.com,


prezi.com/_b8umwkys006/isip-at-kilos-loob/. Accessed June 17, 2020.
https://prezi.com/_b8umwkys006/isip-at-kilos-loob/
https://brainly.ph/question/2393621?source=aid1412026
https://www.yumpu.com/en/document/read/14086907/the-good-samaritan-
tagalog-pda-bible-for-children
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-learning-material-in-
edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q2?from_action=save
Quarter 2 Week 2 (Modyul 5)
Accessed June 1, 2020
Formatted: Indent: First line: 0"

16
Formatted: Font: 12 pt

Parasamgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.govph

17
Formatted: Indent: First line: 0"
Formatted: Font: (Default) Bookman Old Style, Bold

Parasamgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.govph

You might also like