Professional Documents
Culture Documents
WEEKLY HOME LEARNING PLAN Kinder - Quarter1 - Week6
WEEKLY HOME LEARNING PLAN Kinder - Quarter1 - Week6
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
Pinagkuartelan Elementary School
Ipakikilala sa mag-aaral ang mga bahagi sa loob ng ating katawan na may mahusay na proporsyon
(symmetrical).
Tandaan: Hikayatin ang mag-aaral na gumamit ng magagalang na pananalita sa lahat ng oras.
Basahin, pag-aralan at unawain ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Discussion (Informal
Conversation) na mababasa sa pahina 4 ng modyul.
Tandaan: Ang simetrya ay kapag ang isang bagay o mga hugis ay ginupit sa kalahati, mukhang itong
eksaktong pareho sa magkabilang panig.
Sa parteng ito ng modyul ay masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng bata ang konsepto ng aralin
sa pamamagitan ng isang pagsasanay (Gawain 2: Self-Portrait) ang kaniyang gagawin sa pah.5-6 ng
modyul.
Tandaan: Gabayan ang mag-aaral sa pagguhit ng iba’t-ibang bahagi ng mukha.
Sabihin: Ang larawan ng iyong sarili ay ipinapakita na ang iyong mga mata, ilong, tainga, labi, ang
mga braso, katawan at binti ay may eksaktong hugis sa magkabilang panig. Ito ay tinatawag na
simetriko sapagkat ang magkabilang panig ng mga hugis ay eksaktong pareho.
Tandaan: ibigay ang mga tanong sa mag-aaral ng isa-isa. Ang mga katanungan ay maaring magbigay
daan sa susunod na aralin.
Ipakikilala sa mag-aaral ang pangunahing mga hugis (parisukat, parihaba, bilog at tatsulok).
Tandaan: Hikayatin ang mag-aaral na gumamit ng magagalang na pananalita sa lahat ng oras.
Sundan ang kabuuan ng talakayan sa pahina 7-8 ng modyul.
Basahin, pag-aralan at unawain ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Discussion (Informal
Conversation) na mababasa sa pahina 9-10 ng modyul.
Tandaan: Ang parisukat, parihaba, bilog at tatsulok ay may mga simetriko na bahagi.
Kapag ang isang linya ay inilalagay upang hatiin ang hugis at panatilihing eksakto ang magkabilang
panig pareho, iyon ay simetriko na hugis.
Sa parteng ito ng modyul ay masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng bata ang konsepto ng aralin
sa pamamagitan ng isang pagsasanay (Gawain 4: poster of Shapes) ang kaniyang gagawin sa pah.10-
11ng modyul.
Tandaan: Ihanda ang mga kinakailangang kagamitan bago dumako sa bahaging ito ng aralin.
Basahin, pag-aralan at unawain ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Discussion (Informal
Conversation) na mababasa sa pahina 14 ng modyul.
Tandaan: Maaari nating makita dito ang kahalagahan ng bawat bahagi ng katawan. Kung ang isa ay
nawawala, makakaapekto ito sa ating mga paggalaw. Lahat ng bahagi ng ating katawan ay mahalaga,
kaya dapat nating alagaan ang mga ito.
Sa parteng ito ng modyul ay masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng bata ang konsepto ng aralin
sa pamamagitan ng isang pagsasanay (Gawain 6: Mama Says) ang kaniyang gagawin sa pah.15-16 ng
modyul.
Tandaan: Hayaan ang mag-aaral ng maghugas ng kaniyang mga kamay bago simulant ang gawain 6.
Tandaan: ibigay ang mga tanong sa mag-aaral ng isa-isa. Ang mga katanungan ay maaring magbigay
daan sa susunod na aralin.
Sabihin: Ang ating mga mata, tainga, kamay, binti at paa ay mga bahagi ng katawan na gumana ng
magkapares.
Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong anak ng buong ngiti at may pagmamalaki.
Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod pang mga aralin
Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:
Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong tagapayo sa
itinakdang araw na pagbabalik nito.
Basahin, pag-aralan at unawain ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Discussion (Informal
Conversation) na mababasa sa pahina 18-19 ng modyul.
Tandaan: Muli, ang bawat bahagi ng katawan ay may mahalagang gamit sa ating pang-araw-araw na
buhay. Ang pangangalaga sa kanila ay napakahalaga. Magpasalamat din tayo sapagkat mayroon tayong
kumpletong mga bahagi ng katawan.
Sa parteng ito ng modyul ay masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng bata ang konsepto ng aralin
sa pamamagitan ng isang pagsasanay (Gawain 8: Body Pairs) ang kaniyang gagawin sa p.19 ng
modyul.
Tandaan: Gabayan ang bata habang siya ay naghuhulma gamit ang playdough o clay.
Tandaan: ibigay ang mga tanong sa mag-aaral ng isa-isa. Ang mga katanungan ay maaring magbigay
daan sa susunod na aralin.
Sabihin: Mayroong 4 na bahagi ng ating katawan na gumagana nang magkapares. Nagtutulungan silang
gumana nang maayos. Ang ating mga bahagi ng katawan ay nagtutulungan upang makagawa tayo ng
maayos sa araw-araw.