You are on page 1of 6

FILIPIN

O: Buwaya at ang Pabo


Ang
ISANG
Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa pampang ng Ilog
Pasig. Siya ay mabangis at ubod ng sakim. Sa kadahilanang ito, walang ibang hayop ang

PABULA
magkalakas ng loob na siya’y lapitan.
Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato, napag-isipan niyang
mag-asawa na. Pasigaw niyang sinabi,
“Ibibigay kong lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.”
Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makiring pabo ang dumaan sa
kanyang harapan. Inulit banggitin ng pilyong buwaya ang kanyang kahilingan. Nakinig
ng mabuti ang makiring pabo, at sinumulang suriin ang anyo ng buwaya.
Sabi niya sa kanyang sarili,
“Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya. Naku! Kung mapapasaakin lamang
ang lahat ng mga perlas at diyamante, ako ang magiging pinakamasayang asawa sa
buong mundo.”
Bumaba ang pabo sa bato na kung saan naroroon ang buwaya. Sinabing muli ng
pilyong buwaya ang kanyang pag-aalok ng kasal nang buong pagpipitagan, gaya ng
gawi ng isang mapagkunwari.
Inakala ng pabo na ang malalaking mata ng buwaya ay dalawang magagandang
diyamante at ang magaspang na balat nito ay gawa sa perlas, kaya tinanggap niya ang
alok nitong pagpapakasal.
Inanyayahan ng buwaya ang pabo na umupo sa kanyang bibig, upang sa gayon ay hindi
daw madumihan ng putik ang maganda nitong plumahe. Sinunod naman ng
mangmang na ibon ang kahilingan ng buwaya.
Ano sa palagay ninyo ang nangyari? Ginawang masarap na hapunan ng sakim na
buwaya ang kanyang bagong asawa.
Aral:
 Iwasang maging alipin ng kayamanan. Ang pagiging mukhang pera ay parang
lason sa katawan na nakamamatay.
 Mas mabuti pang makapangasawa ng mahirap kaysa taong mayaman na huwad
ang kalooban.
 Huwag manloko ng kapwa. Pakatandaan na kung ano ang iyong itinanim ay siya
mo ring aanihin. Kung nagtanim ka ng kasamaan sa iba, balang araw ay babalik rin
sa iyo ang pangit na itinanim mo.
 Maging matalino sa bawat desisyong iyong gagawin. Pag-isipan itong mabuti at
ng makailang ulit bago gumawa ng mga bagay na maari mong pagsisihan sa
bandang huli.
 Huwag maakit sa panlabas na kaanyuan. Maging mapanuri at kilalaning maigi
ang taong nais pakasalan.
AP:
LARAW
ANG
TUMUTU
LONG SA
KOMUNI
DAD
ESP:
LARAW
ANG
NAGPAP
ASALAM
AT SA
DIYOS
MTB:
TALAMB
UHAY NI
Jesse Robredo
JESSE M.
ROBRED
Si Jesse Manalastas Robredo ay isang politikong Pilipino na
naglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at
Pamahalaang Lokal (DILG) sa administrasyon
O
ni Pangulong Benigno Aquino III mula 2010 hanggang sa kanyang
kamatayan noong 2012. Dati ring kasapi si Robredo ng Partido
Liberal.
Simula noong 1988, naglingkod nang anim na taning si Robredo
bilang alkalde ng Lungsod ng Naga sa Camarines Sur, mula 1988
hanggang 1998, at muli mula 2001 hanggang 2010, noong siya'y
ipinili ni Pangulong Aquino bilang Kalihim ng Interyor at
Pamahalaang Lokal. Bilang pagkilala sa kaniyang tungkulin bilang
alkalde ng Lungsod ng Naga, ginawaran si Robredo ng Gawad
Ramon Magsaysay para sa Panunungkulan sa Pamahalaan noong
2000, ang unang alkalde mula sa Pilipinas na ginawaran ng
ganitong parangal.
Noong 18 Agosto 2012, ay nag Crash ang eroplanong sinasakyan
ni Kalihim Robredo sa may pampang ng Lungsod ng Masbate.
[2]
 Nakatakda siyang umuwi sa Naga upang dalawin ang kaniyang
anak na lalahok sa isang paligsahan sa paglalangoy. Ayon sa DILG,
sumaklolo ang piloto ng eroplano sa Paliparan ng Masbate upang
humiling ng pahintulot na magsagawa ng pangkagipitang paglapag
ng eroplano. Gayunpaman, hindi naabutan ng eroplano ang
paliparan at lumapag ito sa dagat.[3][4] Nakunan naman ang bangkay
ni Robredo noong 21 Agosto, tatlong araw makatapos ang
aksidente, sa lalim na 54 metro (180 talampakan) sa ilalim ng antas
ng dagat.
HEALTH:
TSART NG
MGA
KEMIKAL
NA
DELIKAD
O SA
KALUSUG
AN
San Juan Elementary School
Mga San Juan, Oas, Albay
SY 2019-2020

proyek
to sa
iba’t-
ibang
Asigna
tura
th
para 4 Quarter
sa Ipinasa ni:

BENJO S. BIGAS
Ikalaw Grade II-Orchid

ang Ipinasa kay:

ARMENDA GENERAL

Baitan Guro

You might also like