You are on page 1of 52

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN SA NUEVA ECIJA
Brgy.Rizal, Santa Rosa,Nueva Ecija 3101
____________________________________________________

HULWARANG KONTEKSTUWALISADONG
BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO 9
(Prototype Contextualized Detailed Lesson Plan in Filipino 9)

Pamantayan sa Baitang 9: Pagkatapos ng Baitang 9, naipamamalas ng


mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-
unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang
pagkakakilanlang Asyano.

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-
Silangang Asya.

Tema: Unang sa
Pamantayan Markahan:
Pagganap:Mga Ang
Akdang Pampanitikan
mag-aaral ng Timog-Silangang
ay nakapagsasagawa ng
Asya
malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang
Mga Kasanayang Pampagkatuto sa Bawat Domain
pampanitikan ng Timog-Silangang Asya
Code
F9PT-Ie-41 Nakatutukoy at nakapagpapaliwanag ng
magkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan
F9PN-Ie-41 Nakapag-uugnay ng sariling damdamin sa damdaming
inihayag sa napakinggang tula
F9PB-Ie-41 Nakapaglalahad ng sariling pananaw at naihahambing ito sa
pananaw ng iba tungkol sa pagkakaiba-iba o pagkakatulad ng
paksa sa mga tulang Asyano
F9PD-Ie-41 Nakasusuri mula sa youtube ng ilang halimbawa ng
pagbigkas ng tula, isahan man o sabayan
F9PU-Ie-43 Nakasusulat ng ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa
pagiging mamamayan ng bansang Asya
F9PS-Ie-43 Nakabibigkas nang maayos at may damdamin sa isinulat na
sariling taludturan
F9EP-Ie-13 Nakapagsasaliksik sa internet ng ilang halimbawa ng tula sa
Timog-Silangang Asya
F9WG-Ie-43 Nakapagpapahayag ng sariling emosyon/damdamin sa iba’t
ibang paraan at pahayag

UNANG SESYON
I. Layunin:

89
A. Nakatutukoy at nakapagpapaliwanag ng magkakasingkahulugang
pahayag sa ilang taludturan (F9PT-Ie-41)
1. Nakasusuri ng magkakakasingkahulugang pahayag sa ilang
taludturan sa binasang tula
2. Nakapagpapaliwanag ng magkakasingkahulugang pahayag ng
may 80 porsyentong kawastuhan
B. Nakapag-uugnay ng sariling damdamin sa damdaming inihayag sa
napakinggang bahagi ng tula (F9PN-Ie-41)
1. Nakabibigkas ng tula nang may damdamin
2. Nakapaglalahad ng mga taludtod na nakapagpapatunay ng
damdaming inilarawan sa bawat panahong binanggit sa tula
3. Nakapaglalarawan ng damdaming nakapaloob sa tulang binasa
nang may kaangkupan

II. Nilalaman:
A. Paksa: Tula: Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte
Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 38-49
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian:
a. K to12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino,Kagawaran ng
Edukasyon, Mayo 2016, p.167
b. Mga Pahina sa Gabay na Guro pp.21-22
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 38-49

III. Pamamaraan:
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
Magpakita ng limang taludtod na hinango sa iba’t ibang tulang
naglalarawan. Ipatukoy kung sino/ano ang inilalarawan sa bawat
taludtod.
Halimbawa: Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay
(halaw sa tulang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya)
Sagot: kamatayan
1. Isang panyong puti ang ikinakaway.
Sagot: panyong puti
2. Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga.
Sagot: dalagang Pilipina
3. Pagka’t ang salita’y isang kahatulan sa bayan, sa nayo’t mga
kaharian.
Sagot: salita

4. Wika rin ang buklod ng puso at diwa

Sagot: wika

90
5. Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi
Sagot: panday

Pokus na Tanong:
1. Paano nakatutulong ang paggamit ng magkakasingkahulugang
pahayag sa pagbuo ng tula?
2.Nakatutulong ba ito sa mabisang pagpapahayag ng sariling
damdamin?
(Paalala: Hayaang sumagot ang mga mag-aaral at tanggapin lamang
ang mga ito kahit na mali ang sagot.)

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin:


Sabihin: Nakapaskil sa isang bahagi ng silid ang connector box na
naglalaman ng iba’t ibang uri ng tula. Bibigyan ko kayo ng meta card
na may nakasulat na salita na nagbibigay kahulugan sa mga ito.
Pagkatapos ay idikit ang meta card sa tapat ng tamang uri ng tula.

Tulang Tulang Tulang Tulang


Naglalarawan Nanunudyo Pandamdamin Nagsasalaysay

Mapagkumbaba Nanunukso Umiibig Nagkukuwento

D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan #1
1. Paghawan ng sagabal: Sa pamamagitan ng kasunod na word
association, pahulaan sa mag-aaral kung tungkol saan ang tula.

Kultura

Pamana Regalo Buhay

Itanong: Batay sa mga salita, tungkol saan kaya ang nilalaman ng


tula?

2. Ipakilala ang may-akda

91
Patrocinio F. Villafuerte
Siya ay isang manunulat sa Filipino at
dating tagapangulo ng Departamento ng
Filipino sa Philippine Normal University.
Nagtapos ng Batsilyer sa Agham sa
Edukasyong Pang-elementarya at may
sertipikong gradwado, Masterado sa
Sining ng Pagtuturo sa Philippine Normal
College si Villafuerte. Siya rin ay may
titulong Masterado sa Sining sa Filipino,
Gawad Merito, na kaniyang natamo mula
Dreamerdonnell.wordpress.co
sa Manuel Luis Quezon University.
m
Si Villafuerte ay dating guro ng Filipino sa lahat ng antas—
elementarya, sekundarya, at kolehiyo. Siya rin ay manunulat ng
mga aklat, na ang karamihan ay teksbuk at sangguniang aklat, sa
Filipino.
• Si Villafuerte ay nakakamit ng mga sumusunod na mga
parangal:
• Ang kauna-unahang nagkamit ng Genoveva Edroza
Matute Professorial Chair in Filipino
• Nagkamit na ng dalawang Presidential Awards sa
Malacanang
• Nagkamit na ng dalawang Teacher of the Year Award
https://www.google.com/search=biw=1600

3. Pangkatin ang klase sa tatlo, pangalanan ang bawat pangkat


bilang:
Unang pangkat- Noon
Pangalawang pangkat- Ngayon
Pangatlong pangkat- Bukas

4. Ipabasa ang kasunod na tula sa pamamagitan ng tradisyunal na


paraan ng pagbigkas:
Pangk at Noon
Pangkat Ngayon
Pangkat Bukas

92
“KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan,
at Buhay ng Kinabukasan”
ni Patrocinio V. Villafuerte

NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,


isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang
paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay may patutunguhan.
Ang bawat paghakbang ay may mararating
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan
hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan
paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha
paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,
pangamba at panganib
mula pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t
kamalayan kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng
pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam
ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.

NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,


binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon
kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan
kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon
kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa
na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay
at pinayaman ng makukulay na karanasan
kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan,
ito ang regalo ng kultura
regalo ng kasalukuyan.

BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan


at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
93
diwang marangal ang ipupunla kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
5. Paglinang ng Talasalitaan
Bilugan ang kasingkahulugan ng may salungguhit na salita sa
loob ng taludtod.
Halimbawa: Sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,
binhing nakatanim ang maraming kultura.
Sagot:
Sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing
nakatanim ang maraming kultura .

a. Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton


b. Kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran

c. Nang may kasalong pagsubok at paghamon

d. Ang kulturang pinayayabong nang may halong sigla at tuwa


.
e. Ngayon sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago

6. Pagtalakay sa Kagandahan ng Tula:


a. Anong uri ng tula ang binasa?
b. Paano naiiba ang malayang taludturan sa tradisyunal na tula?

7. Paghambingin:
Sa kasunod na Venn Diagram, ipatala sa mag-aaral ang pagkakaiba
ng malayang taludturan sa tradisyunal na tula.

Malayang Tradisyunal
Taludturan na Tula
Pagkakatulad

Pagkakaiba
Pagkakaiba

94
F. Paglinang sa Kabihasaan:
1. Gamit ang word chart na gawa sa manila paper, ipatala ang mga
salita o simbolo mula sa taludturan na nagpapakita damdamin sa
kultura batay sa bawat panahon. Ipaliwanag ang mga salitang
naitala.
KULTURA
NOON NGAYON BUKAS

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:


pangamba pagkamulat Pagyayamanin

I. Pagtataya ng Aralin:
Dugtungang Pagsasalaysay
Dugtungan ang pahayag sa ibaba batay sa pagkakasunod-sunod sa
upuan.

“Habang binabasa ko ang tula, naramdaman ko ang, _____________


________________sapagkat_________________________.”
Halimbawa: kalungkutan sapagkat tila nalilimutan na ng mga
kabataan sa kasalukuyan ang ating sariling kultura.
IV. Mga Tala:
V. Pagninilay:

IKALAWANG SESYON

I. Layunin:
A.Nakapaglalahad ng sariling pananaw at nakapaghahambing ito sa
pananaw ng iba tungkol sa pagkakaiba-iba o pagkakatulad-tulad ng
paksa sa mga Asyano (F9PB-Ie-41)
1. Nakapaglalahad ng sariling pananaw tungkol sa pagkakaiba-iba o
pagkakatulad-tulad ng paksa sa mga Asyano
2. Nakapaghahambing ng pananaw ng iba tungkol sa pagkakaiba-
iba o pagkakatulad-tulad ng paksa sa mga Asyano
II. Nilalaman:
A. Paksa: Pagbibigay ng Sariling Pananaw at Paghahambing ng mga
Paksa ng Asyano
Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 38-49
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian:

95
a. K to12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino,Kagawaran ng
Edukasyon, Mayo 2016, p. 167
b. Mga Pahina sa Gabay na Guro pp.21-22
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 38-49
2. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo:
a. Murasaki Tanaka. Tula sa Magulang.https : //m.youtube. com
/watch?v =DxExggyUkq8
b. Shen Lu. Haiku. .https : //m.youtube. com /watch?v =vy1cR_CwBs
c. Motivates Muslim.Turing sa Amin mga Muslim. https : //m.youtube.
com /watch?v =TINib3wahKs
d. CD

III. Pamamaraan:
A. Balik-aral:
Isa-isahin ang mga salitang naglalarawan sa tulang, Kultura: Pamana
ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:


a. Magpanood ng isang video na nasa CD, mula dito ay kukunin ang
pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa paksang tinalakay sa video.
Paksa: Isang halimbawa ng tula sa Pilipinas, Japan at Saudi Arabia
 Pilipinas- Tula sa Magulang
 Japan- Haiku
 Saudi Arabia- Turing sa Amin mga Muslim
b. Pokus na tanong
Bakit kailangang malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
mga tulang Asyano?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:


1. Ipabasa ang halimbawa ng tulang, “Ang Pagbabalik”. Suriin ito ayon
sa pagkakabuo at ihambing ito sa tulang, “Kultura: Pamana ng
Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Bahagi ng Kinabukasan.”

“Ang Pagbabalik”
ni Jose Corazon de Jesus
Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!

Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas


Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag...
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;

96
Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
At ang buwan nama’y ibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok,


Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko,“Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”

Nang kinabukasang magawak ang dilim,


Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,
Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak...
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!

At ako’y lumakad, halos lakad takbo,


Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao...
“Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”

At ako’y tumuloy... pinto ng mabuksan,


Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”

2. Mga gabay na tanong:


a. Ano ang isinasalaysay ng may-akda sa tulang binasa?
b. Ano ang paksa ng tula?
c. Ano ang iyong pananaw sa mga paksang tinalakay sa mga
napakinggang tula? Paghambingin.

F. Paglinang sa Kabihasaan:
Pangkatang Gawain: Hatiin sa dalawang pangkat ang klase, ipatala

97
sa mag-aaral ang paksa, damdamin, pananaw, at mensahe tungkol
sa tulang binasa gamit ang kasunod na talahanayang nasa ibaba.
(Paalaala: Maaari pang humanap ng ibang mga tula sa iba’t ibang bansa
sa Asya, na magagamit sa bahagi ng aralin.)

Mga “Kultura: Pamana ng “Ang Pagbabalik”


Halimbawang Nakaraan, Regalo ng ni Jose Corazon de
Tula Kasalukuyan at Jesus
Buhay ng
Kinabukasan”
ni Pat V. Villafuerte
Paksa Halimbawa: Halimbawa:
Pagbabago ng Kultura Pagsasakripisyo at
biglang masakit na
pagpanaw ng kabiyak
na puso
Damdamin Halimbawa: Halimbawa:
Nalulungkot/ Nag- Pangungulila,
aalala panghihinayang at
paghihinagpis
Pananaw Halimbawa: Nasa atin Halimbawa:
pa rin ang kulturang Isinalaysay ang pait
iniwan ng ating mga ng nararamdaman ng
ninuno, subalit mag-asawa sa pag-
naaapektuhan ito ng alis ng kabiyak upang
kultura ng ibang bansa maghanapbuhay at
na siya namang madatnang sa pag-
tinatangkilik ng mga uwi ang bangkay ng
kabataan sa asawa
kasalukuyan

Mensahe Halimbawa: Kung hindi Halimbawa: Tungkol


pahahalagahan ang sa maligayang
sarili nating kultura pagbabalik ng lalaki
baka ito’y mawala at dala ang iba’t ibang
kalimutan na ng pananim at bigas
susunod na para sa kanyang irog
henerasyon. na babae ngunit sa di
inaasahang
katotohanan, siya ay
namatay

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay:


Itanong: Nararapat ba na sa pagsulat ng tula ay ipahayag ang iyong
pananaw sa isang tiyak na paksa? Kung ikaw ay isang manunulat,
anong paksa ang iyong tatalakayin? Ipaliwanag.

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay:

98
IKATLONG SESYON

I. Layunin:
A. Nakasusuri mula sa youtube ng ilang halimbawa ng pagbigkas ng tula,
isahan man o sabayan (F9PD-Ie-41)
B. Nakasusulat ng ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng bansang Asya (F9PU-Ie-43)
C. Nakabibigkas nang maayos at may damdamin sa isinulat na sariling
taludturan (F9PS-Ie-43)
II. Nilalaman:
A. Paksa: Pagsusuri ng Pagbigkas at Pagsulat ng Tula
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian:
a. K to12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng
Edukasyon, Mayo 2016, p.167
b. Mga Pahina sa Gabay na Guro pp.21-22
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 38-49
2. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo:
a. Shine.Tula.https://m.youtube.com/watch?v=T1iaRJhjY3Y
b. Marco Dalama.https://m.youtube.com/watch?v=FgEJkCEUv6M
c. CD
III. Pamamaraan:
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
Magpanood ng video na nagpapakita ng ilang paraan sa pagbigkas ng
tula. Ipatukoy kung ano-ano ang paraang ginamit sa pagbigkas ng tula.
Halimbawa:
Pagbigkas ng Isahang tula- Bulprisa Champion:Tula
Pagbigkas ng Sabayan/ Pangkatang tula-2018 Sabayang Pagbigkas
Itanong:
a. Ano ang napansin sa paraang ginamit sa pagbigkas ng tula?
b. Pokus na tanong:
Paano nakaaapekto ang paraan ng pagbigkas ng tula sa
pagpaparating ng sariling damdamin?

D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan#1:
Ipatala sa mga mag-aaral ang kanilang mga napansin sa tulang
napanood sa pamamagitan ng kasunod na talahanayan ng mga sagot.
Isahang Pagtula Pangkatang Pagtula

99
F. Paglinang sa Kabihasaan:
(Paalala: Ikonsiderang may alam na sa pagsulat ng tula ang mga mag-
aaral.)
1. Paglikha ng Tula
Panuto: Sumulat ng isang tula na nagpapahayag ng pagpapahalaga
sa pagiging mamamayan ng bansang Asya. Kinakailangang ito ay
binubuo ng dalawang saknong na may tig-aapat na taludtod.

PAMANTAYAN PARA SA SARILING LIKHANG TULA


Tulang Naglalarawan

Pagmamarka: 5-Mahusay 4-Katamtaman


3-Pagbutihin pa 2-Hindi nakita

PAMANTAYAN PAGTATAYA PUNA


NG GURO
Binubuo ng dalawang
saknong at apat na taludtod.
Kinakitaan ng tamang
sukat/bilang ng pantig sa
bawat taludtod.
Malikhaing nagamit ang
tugmaan upang malinaw na
makita ang
I. aliw-iw/indayog ng tula.
Pili ang mga salitang
ginamit. Tama ang
pagbaybay at pagkakahanay
ng mga salita.
Malinaw ang mensaheng
ipinararating sa tulang isulat.

Tono at aksyon

Kabuuan

Pagtataya:
Panuto: Itanghal sa klase ang sariling likhang tula batay sa pamantayang
itinakda. (Paalala: Pumili lamang ng ilang mag-aaral na magtatanghal at
ipaliwanag ang rubriks bago simulan ang gawain.)

PAMANTAYAN SA PAGBIGKAS
NAPAKAGALING! NAGAGAWA MAGSIKAP
(3) NA! (2) PA! (1)
TAMA ang Wala o halos May ilang May mga
BIGKAS walang mali. pagkakamaling pagkakamali
sa lahat ng hindi labis na ng
SALITA. nakaaapekto nakaaapekto

100
(Pronounciation) sa bisa ng sa bisa ng
pagsasalita. pagsasalita
DINIG na Dinig na dinig ng Dinig ng buong May mga
DINIG. buong silid-aralan silidaralan bahaging
(Volume) ang lahat o halos ang karamihan hindi marinig
lahat ng sinabi. ng sinabi. na
nakaapekto
sa bisa ng
pagsasalita.
May ANGKOP Nailagay sa isip at May mga Kailangan
na DIIN at damdamin ng sandali ng pang
DAMDAMIN. madla ang buo o matinding dagdagan ng
(Interpretation/ halos buong damdamin buhay
Non-verbal mensahe at at malinaw ang ang
Communication) emosyon ng akda. mensahe. pagsasalita.
Buo ang Buo ang May bahagya Matindi pa
KUMPIYANSA kumpiyansa at pang ang pag-
at NAAABOT kinakausap talaga pag-aalangan aalangan
ang bawat ang madla. at may at maliit pa
kausap. mga bahagi ng ang bahagi
(Confidence/ madlang ng madlang
Audience kailangan kinausap.
Rapport) pang abutin.
ALAM na ALAM Halatang Magaling/ May
ang SINASABI. magaling/ handa sa kailangan
(Mastery of naghanda sa malaki-laking pang
Content/Genre paksa/gawain. bahagi alamin/
Conventions) ng sinasabi. ensayuhin
sa
sinasabi.

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay:

IKAAPAT NA SESYON

I. Layunin:
A. Nakapagsasaliksik sa internet ng ilang halimbawa ng tula sa Timog-
Silangang Asya (F9EP-Ie-43)
B. Nakapagpapahayag ng sariling emosyon/ damdamin sa iba’t ibang
paraan at pahayag (F9WG-Ie-43)
1. Nakatutukoy ng wastong salita na ginagamit sa paglalarawan
II. Nilalaman:
A. Paksa: Gramatika/Retorika: Mga Salitang Naglalarawan ng mga
Pangyayari, Tao, at Lugar
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian:
a. K to12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng

101
Edukasyon, Mayo 2016, p.167
b. Mga Pahina sa Gabay na Guro pp.21-22
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 38-49
2. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo

III. Pamamaraan:
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:

Ipaskil sa pisara ang larawan ni Sitti Nurhaliza.

https://www.google.com/
search=sitinurhaliza&source
Itanong:
a. Ano ang masasabi niyo sa larawang nakapaskil? Ipaliwanag.
b. Pokus na tanong:
Paano nakatutulong ang pananaliksik sa paglalarawan ng
kababaihan
sa Timog-Silangang Asya?

E. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


#2:
Napatitingkad ang anumang akdang pampanitikan kapag wasto ang
gamit ng mga salitang naglalarawan? Nakapaglalarawan tayo ng tiyak
at angkop kapag alam natin ang gamit ng mga salita. Nakatutulong
nang malaki sa pagbibigay ng hugis, kulay, anyo sa mga bagay na
bumubuo sa ating kapaligiran ang wastong paggamit sa salitang
naglalarawan. Maaari ring tiyak na makapaglarawan sa katangian
at ugali ng isang tao o hayod ang paggamit ng angkop na salitang
naglalarawan. Samakatuwid, nakatutulong nang
malaki ang mga salitang naglalarawan upang bigyang katangian ang
isang bagay o ugali maging sa damdamin at mga pangyayari sa
ating kapaligiran. May mga salitang naglalarawan na maaaring
gamitin sa tao na hindi naman maaari sa bagay. May mga
pangyayari rin naman na kapag ginamit na ang salita sa pagbuo ng
taludtod ay nababago ang kahulugan o hindi gaanong napalilitaw ang
nais ipakahulugan at hindi nagiging matimyas ang salita. Halimbawa na

102
lamang ay sa salitang matangkad na bagamat ito ay tumutukoy sa taas
(height) ay hindi maaaring gamitin sa paglalarawan sa taas ng gusali.
Mga Halimbawa:
a. Nakatatakot ang magpatayo ng mga matatayog na gusali sa lugar na
may malambot na lupa tulad ng sa Baguio.
b. Matangkad ang aking panganay na anak sa kaniyang edad na labing
apat na taong gulang.

Ipaalala sa mag-aaral: Ang salitang “matatayog” at “matangkad” ay


parehong tumutukoy sa taas (height) ngunit hindi maaaring mapagpalit
ang gamit sapagkat hindi aakma ang nais na iparating. Hindi maaaring
maging matangkad na gusali at matayog na anak. Kapag ginamit ang
matayog sa anak upang ilarawan ang taas nito makapagbibigay ng
ibang paglalarawan sa anak.
Sabihin: Dahil mayroon na kayong dating pangkat na nahahati sa
tatlo, magsaliksik ng isang tula ng Timog-Silangang Asya na tungkol sa
kababaihan.

F. Paglinang sa Kabihasaan:
Panuto:Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salitang
naglalarawan upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Halimbawa: (Marupok, Mahina) ang upuang kinauupuan ng bata kaya
agad siyang bumagsak sa lupa. Sagot: Marupok
1. Napakasakit sa balat ang (matimyas, matingkad) na sikat ng araw.
Sagot: matingkad

2. Nakasisilaw ang (maliwanag, makinang) na ilaw na ikinabit ko sa


entablado.
Sagot: maliwanag
3. Hindi naging (malamyos, mabagal) ang pagkilos ni Sitti Nurhaliza
sa pagbibigay ng tulong sa mga mamamayan bilang balik-biyaya
sa kaniyang mga natanggap.
Sagot: mabagal
4. Hindi masamang magkaroon ng (matayog, matangkad) na
pangarap katulad ng ginawa ni Sitti Nurhaliza.
Sagot: matayog
5. Ang kultura natin ay hindi naman (huminto, humupa) sa pag-inog.
Sagot: huminto

I. Pagtataya ng Aralin:
Mula sa tulang nasaliksik, ang bawat pangkat ay lilikha ng isang skit na
gagamitan ng wastong salitang naglalarawan. Itanghal sa klase sa loob
ng tig-tatatlong minuto bawat pangkat.
Pamantayan sa Gawain:
Nailalahad nang wasto, kumpleto at nauunawaan ang mga konsepto

103
ng gawain/aktibiti (akma sa activity sheet)
Ang paglalahad ay kawili-wili at nakahihikayat ng pakikinig at
paggalang.
Angkop ang naging paraan ng paglalahad ng gawain.
Gumamit ng mga pantulong na kilos, props, kagamitan at mga
biswal na akma sa paglalahad.
Malakas at naiintindihan ang tunog/boses ng mga naglalahad.
Naging angkop ang mga kilos ng mga paglalahad.
Praktikal at akma ang mga ginamit na pangungusap.
May mata-sa-matang kontak ang mga nagsiganap tungo sa
awdyens. May kompiyansa at hindi nahihiya sa ginawa.
Naging makatotohanan ang pagkakaganap ng mga tauhang
ginaganapan/ginagaya. MAY TIWALA SA SARILI

Pamantayan sa Pagmamarka:

10 - Lahat ng kraytirya ay naisagawa/naipakita


8 - Dalawang kraytirya ang hindi naisagawa/naipakita
6 - Apat na kraytirya ang hindi naisagawa/naipakita
4 - Anim na kraytirya ang hindi naisagawa/naipakita
2 - Walang kraytirya ang naisagawa/naipakita.

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-aralin at Remediation:


Mula sa mga itinanghal na skit, magtala ng mga naglalarawang
salitang ginamit dito.

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay

IKALIMANG SESYON

I. Layunin:
A. Nakapagpapahayag ng sariling emosyon/ damdamin sa iba’t ibang
paraan at pahayag (F9WG-Ie-43)

II. Nilalaman:
A. Paksa: Pagsulat at Pagbigkas ng Tulang Naglalarawan
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian:
a. K to12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng
Edukasyon, Mayo 2016, p.167
b. Mga Pahina sa Gabay na Guro pp.21-22
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 38-49
2. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo
a. PBB7Day219:Maymay sumalang na sa acting audition ni Direk
Rory- http://bit.ly/Pinoy Big Brother Season 7

104
b. CD

III. Pamamaraan:
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
a. Pagpapanood ng isang video na nasa CD na naglalaman ng iba’t
ibang emosyon o damdamin sa paaraan ng pagpapahayag.
b. Pokus na Tanong: Paano nagiging epektibo ang paggamit ng
iba’t ibang emosyon o damdamin sa pagpapahayag?

I. Pagtataya ng Aralin:
1. Sabihin: Ngayong sapat na ang kaalaman mo sa pagpapatingkad ng
mga pahayag na gamit ang mga salitang naglalarawan, bubuo ka na ng
isang komentaryo. Ipakita mo ang iyong pagiging isang Novo Ecijano.
Isulat ang komentaryo sa paraang patula na mapaglarawan. Bigyang
pansin mo ang angkop na gamit ng mga naglalarawang salita upang
mapalutang ang uri ng tulang ito sa isang taong nakaimpluwensiya
nang lubos sa iyong pagkatao.

2. Sabihin: Nagbukas ka ng iyong facebook. Nabasa mong ang isa


mong kaibigan ay binati dahil kaarawan niya sa araw na iyon. Upang
maipadama mo rin sa kaniya ang kahalagahan niya sa buhay mo
bilang kaibigan, ay gagawan mo siya ng isang tulang mapaglarawan.
Tutulain at irerekord mo ito. Pagkatapos, i-upload mo kasama ng
iyong komentaryo ang video ng iyong pagtula.

Goal - Maibahagi sa alinmang social network ang personal


na pagbati
Role- blogger/ komentarista
Audience- Mga kaibigan sa ibang bansa at mga nasa friends’
list sa naturang social media na gagamitin sa
pagpo-post ng komentaryo ng mag-aaral
Situation- Nang magbukas ang mag-aaral ng kaniyang
account sa isang social media ay nakita niyang
ang taong kaniyang pinahahalagahan ay binabati
na ng mga kaibigan nito sa kaniyang kaarawan.
Performance- Babatiin din ng mag-aaral ang taong iyon sa
pamamagitan ng paghahandog ng isang tulang
mapaglarawan, gamit ang mga salitang
naglalarawan sa taludutrang mabubuo.
Pagkatapos ay bibigkasin ng mag-aaral ang
ginawang tula at irerekord ito upang mapanood ng
kaniyang mahal sa buhay na nasa malayo.
Standard: Sa bahaging ito ng aralin ay ipakikita na ng
guro ang pamantayang kanilang nabuo sa
pagmamarka ng ginawang komentaryo o
blog.

105
(Paalala: Maaaring gamitin ang kasunod na mga pamantayan, at
malayang makapagbibigay ng katumbas na bahagdan o puntos
ang guro.)
1. Maraming sumubaybay (bilang patunay na maganda ang
ginawang pagsulat at pagbigkas ng tula)
2. Makatotohanan ang ginawang tula
3. Taglay ang elemento ng tula
4. May kaangkupan ng mga salita

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay:

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN SA NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija, 3101

HULWARANG KONTEKSTUWALISADONG
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9
(Prototype Contextualized Detailed Lesson Plan in Filipino 9)

Pamantayan sa Baitang 9: Pagkatapos ng Baitang 9, naipamamalas ng


mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-
unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang
pagkakakilanlang Asyano.

106
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-
unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling


akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano

Tema:Ikalawang Markahan: Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya

Code Mga Kasanayang Pampagkatuto sa Bawat Domain


F9EP-IIa-b-15 Nakapagsasaliksik ng kulturang nakapaloob sa tanka
at haiku ng Silangang Asya
F9PB-IIa-b-45 Nakapagsusuri ng pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo
ng pagbuo ng tanka at haiku
F9PT-IIa-b-45 Nakapagbibigay kahulugan ng matatalinghagang salitang
ginamit sa tanka at haiku
F9PD- Nakapaghahambing ng sariling damdamin sa damdamin
IIa-b-45 ng bumibigkas batay sa napanood na paraan
ng pagbigkas ng tanka at haiku
F9WG-IIa-b-47 Nakagagamit ng suprasegmental na antala/hinto, diin
at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku
F9PN-IIa-b-45 Nakapagsusuri ng tono ng pagbigkas ng napakinggang
tanka at haiku
F9PU-IIa-b-47 Nakasusulat ng payak na tanka at haiku sa tamang anyo
at sukat
F9PS-IIa-b-47 Nakabibigkas ng isinulat na tanka at haiku
nang may wastong antala/hinto, at damdamin

UNANG SESYON

I. Layunin:
A. Nakapagsasaliksik ng kulturang nakapaloob sa tanka at haiku ng
Silangang Asya (F9EP-IIa-b-15)
B. Nakapagsusuri ng pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo
ng tanka at haiku(F9PB-IIa-b-45)
1. Nakasusuri ng mensaheng nakapaloob sa binasang
tanka at haiku nang may 80% kaangkupan
2. Nakapaghahambing ng tanka at haiku batay sa
tiyak na sukat ng mga ito

II. Nilalaman:
A.Paksa : Tula: Tanka nina Oshikochi Mitsune at Prinsesa Nukada at Haiku
ni Gonzalo K. Flores
Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pp. 91-92

107
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian
a. K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng Edukasyon,
Mayo 2016, p. 168
b. Panitikang Asyano Gabay ng Guro p. 43-45
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 91-92
2. Mga iba pang Kagamitang Pampagtuturo
a. https://www.google.com/search?q=cultures+of+japan,Feb.22,2019
b. https://m.youtube.com/watch?v=Ty8VF3oFalw,valeriyaKOROL,Feb.22,2019
c. CD
III. Pamamaraan:
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
1. Gamit ang powerpoint presentation magpakita ng mga
larawan na may kaugnayan sa bansang Hapon. dlp pix\larawan.pptx

2. Magkaroon ng talakayan patungkol sa mga larawan. Hayaang


magbahaginan ng opinyon ang mga mag-aaral gamit ang mga gabay
na tanong sa ibaba.
a.Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan?
b.Anong kultura ang mapapansin sa larawan?
c.Paano naipakita ang kultura ng bansang pinagmulan ng
tinalakay na akda? Ipaliwanag.
d. Pokus na Tanong:
1. Paano masasalamin sa tanka at haiku ang kultura ng
bansang Hapon?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:


Pagpapanood ng video presentation tungkol sa pagbigkas ng tanka
at haiku (orihinal na bersyon) dlp pix\tanka.mp4, dlp pix\haiku.mp4
Itanong :
a. Mayroon bang pagkakaiba ang tanka at haiku base sa inyong
napanood? Pangatwiranan.
b. Ano ang kahulugan ng simbolismong ginamit? Ipaliwanag.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan #1:
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay
bibigkasin ang mga halimbawa ng Tanka at ang ikalawang pangkat

108
naman ay ang Haiku. Pagkatapos bigkasin, magkaroon ng maikling
talakayan.

Tanka Haiku

Katapusan ng Aking Paglalakbay Tutubi


ni Oshikochi Mitsune ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson

Napakalayo pa nga Hila mo’y tabak


Wakas ng paglalakbay Ang bulaklak nanginig
Sa ilalim ng puno Sa paglapit mo.
Tag-init noon
Gulo ang isip.
Naghihintay Ako Anyaya
ni Prinsesa Nukada ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson

Naghintay ako, oo Ulilang damo


Nanabik ako sa ‘yo. Sa tahimik na ilog
Pikit-mata nga ako Halika, sinta
Gulo sa dampi
Nitong taglagas

Mga gabay na tanong:


a. Ano ang katangian ng tanka at haiku?
b. Ano-anong simbolismo ang ginamit sa bawat tula?
c. Paano nagkakahawig at nagkakaiba ang tanka at haiku?
d. Anong estilo sa pagsulat ng tanka at haiku ang nagpapahayag ng
kultura ng Silangang Asya?

F. Paglinang sa Kabihasaan:
1. Suriin Mo!
Suriin ayon sa paksa ang mensaheng nais ipabatid ng binasang
tanka at haiku. Kopyahin ang pormat sa ibaba sa sagutang papel.

Pamagat Paksa Mensahe


Tanka
Naghihintay Ako Pag-ibig Ang paghihintay sa taong
minamahal mo ay
nangangahulugan ng
pag-ibig.
Katapusan ng Aking
Paglalakbay
Haiku
Tutubi

Anyaya

109
Hikayatin ang mag-aaral na ibahagi ang kanilang sagot sa klase.
Pagtalakayanan.

2. Mula sa binasang Tanka at Haiku, isa-isahin ang pagkakaiba at


pagkakatulad ng mga ito batay sa kayarian. Kopyahin sa
sagutang papel ang graphic organizer.

Tanka at Haiku
Tanka Haiku
Pagkakaiba Pagkakaiba
___________ ___________
___________ ___________
___________ Pagkakatulad ___________
___________ __________________________ ___________
____ __________________________ ____

Sagutin ang gabay na tanong.


a. Ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tanka at haiku.

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay:

IKALAWANG SESYON
I. Layunin:
A. Nakapagbibigay kahulugan ng matatalinghagang salitang ginamit
sa tanka at haiku(F9PT-IIa-b-45)
B. Nakapagsusuri ng pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng
pagbuo ng tanka at haiku(F9PB-IIa-b-45

II. Nilalaman:
A.Paksa : Tula: Tanka ni Ki no Tomonori at Haiku ni Matsou Basho
Isinalin ni Vilma C. Ambat
Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
p. 95

B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:


1. Sanggunian
a. K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng Edukasyon,
Mayo 2016, p. 168
b. Panitikang Asyano Gabay ng Guro p. 43-45
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 95-96
2. Mga iba pang Kagamitang Pampagtuturo
a. CD

III. Pamamaraan:
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin:

110
1. Paano ipinakita ng tanka at haiku ang kultura ng bansang Hapon
batay sa mga halimbawang tinalakay ng nagdaang araw?
2. Paano nakatutulong ang tanka at haiku sa pagpapakilala ng kultura
ng bansang pinagmulan nito?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:


Pokus na Tanong:
Paano nagkakaiba at nagkakatulad ang estilo ng pagbuo ng tanka at
haiku?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


#1:
1. Ang guro ay magpaparinig ng sariling likhang odyo ng kaligirang
pangkasaysayan ng tanka at haiku.
dlp pix\kaligirangpangkasaysayan.m4a

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku


Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng
panitikang Hapon. Ginawa ang Tanka noong ikawalong siglo at ang
Haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin
ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na
tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya
ito na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang
ipinahahayag at inaawit nang nakararami.
Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa
makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang
mga manunulat na Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay
sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang
Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat.Sa pagitan ng
ikalima hanggang ikawalong siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon

ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan


ang tunog ng Hapon. Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na
ito na ang ibig sabihin ay “ hiram na mga pangalan”.
Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang
pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan
ng madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan,
ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng
panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin.
Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang
paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang
tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na
Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig
samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan
ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang
nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng
aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at
111
dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo
ang isang Tanka.
Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito,
noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng
Mga gabay na tanong:
a. Bakit kinahiligan ng mga Hapon ang pagsulat ng maiikling tula?
b. Ano ang kaugnayan ng Tsina sa pagsulat ng tula ng mga
Hapon?
c. Paano pinahahalagahan ng mga Hapon ang kanilang kultura?
d. Ano-ano ang katangiang nabanggit patungkol sa tanka at
haiku?

Mula sa napakinggang odyo maaaring magkaroon ng dugtungang


pagsasalaysay ang mag-aaral sa gabay ng guro. (opsyunal)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2:


1. Gumamit ng powerpoint upang ilahad ang estilo ng pagkakasulat ng
tanka at haiku.dlp pix\tanka at haiku.ppt

Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku


Parehong anyo ng tula ang tanka at haiku ng mga Hapon.
Maiikling awitin ang tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na
may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-
7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng
pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin.
Samantala, ang haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May
labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod.Maaaring ang
hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din
na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.
Karaniwang paksa ng tanka112 ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa.
Ang paksang ginagamit naman sa haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-
ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang tanka at
haiku.
Sabihin: Narito ang mga halimbawa ng Tanka at Haiku na mula sa Wikang
Nihonggo at isinalin naman sa Ingles at Filipino.

1. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Ang unang pangkat ay babasahin


ang tanka at haiku sa wikang Hapon, ang ikalawang pangkat naman ay
ang wikang Ingles at ang wikang Filipino naman ang sa ikatlong
pangkat.
Tanka ni Ki no Tomonori
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Hapon Ingles Filipino
Hi-sa-ka-ta no This perfectly still Payapa at tahimik
Hi-ka-ri no-do-ke-ki Spring day bathed in soft Ang araw ng tagsibol
Ha-ru no hi ri light From the spread-out Maaliwalas
Shi-zu ko-ko-ro na- sky Bakit ang Cherry
ku Why do the cherry blossoms Blossoms
Ha-na no chi-ru-ramu So restlessly scatter down? Naging mabuway

Haiku ni Bashō
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Hapon Ingles Filipino
ha-tsu shi-gu-re An old silent pond... Matandang sapa
sa-ru mo ko-mi-no A frogs jumps into the pond Ang palaka’y tumalon
wo splash! Silence again. Lumalagaslas
ho-shi-ge na-ri

Mga gabay na tanong:


a. Nanatili ba ang tiyak na bilang ng pantig ng tanka at haiku batay sa
pagkakasalin nito? Patunayan.
b. Ano ang mensahe ng tanka at haiku mula sa orihinal na bersyon
hanggang sa pagkakasalin?

c. Ano ang nais mong bigkasin sa tatlong uri ng pagkakasulat ng tula?


Ipaliwanag.
3. Paglinang ng Talasalitaan
Batay sa kultura ng mga Hapon, isulat sa loob ng kahon ang mga
salitang kaugnay ng kahulugan o ipinahihiwatig ng mga salitang nasa
biluhaba. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Cherry
palaka Blossoms taglagas

kahulugan kahulugan kahulugan

113
kaugnay o kono- kaugnay o kono- kaugnay o kono-
tasyong kahulu- tasyong kahulu- tasyong kahulu-
gan gan gan

F. Paglinang sa Kabihasaan:
Hatiin sa dalawang (2) pangkat ang klase at magsagawa ng isang
larong PILIIN MO.
Mekanismo ng Laro: Ihanda ang mga flashcard na naglalaman ng
mga katangian ng tanka at haiku na nakalagay sa isang kahon. Ang
pangkat 1 ay kinakailangang mapili sa kahon ang mga katangian ng
tanka at sa pangkat 2 naman ang haiku. Ang unang pangkat na
makapagdikit sa pisara ng kumpletong katangian ng napiling tula ang
itatanghal na panalo.

31 Pantig 17 Pantig Pag-ibig Kalikasan

5-7-5

Ika-15 siglo Ikawalong Siglo

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay:

7-5-5-7-7 7-5-5 7-7-7-5-5 IKATLONG


SESYON

I. Pagbabago Pag-iisa Layunin:


A. Nakapaghahambing ng sariling
damdamin sa damdamin ng bumibigkas batay sa napanood na paraan
ng pagbigkas ng tanka at haiku
(F9PD-IIa-b-45)
1. Nakapagpapaliwanag ng konotasyon at denotasyong

114
kahulugan ng mga salitang nakapaloob sa tanka, haiku at
tanaga
2. Nakapaghahambing ng sariling damdamin sa damdamin ng
bumibigkas sa napanood na paraan ng pagbigkas ng tanka,
haiku at tanaga
II. Nilalaman:
A.Paksa : Tula: Tanka nina Ki Tsurayuki at Oshikochi Mitsune at Haiku nina
Natsume Soseki at Matsou Basho
Isinalin nina Vilma C. Ambat at M.O. Jocson
Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pp. 97-98

B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:


1.Sanggunian
a. K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng Edukasyon,
Mayo 2016, p. 168
b. Panitikang Asyano Gabay ng Guro p. 43-45
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 97-98
2. Mga iba pang Kagamitang Pampagtuturo
a.CD

III. Pamamaraan:
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
1. Gamitin ang estratehiyang fish bowl. Bumunot ng salita mula sa bowl
at ibigay ang kahulugan.

Puso
Apoy

Bola

2. Pokus na tanong:
Bakit kailangang paghambingin ang sariling damdamin sa
damdamin ng bumasa ng tula?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:


Bigkasin ang tula.
Halimaw Taripa
Isinulat ni April R. Macaslam Isinulat ni April R. Macaslam
Dambuhalang makina Madla’y sadyang nabigla
Hatid mo ay pangamba Dibdib wari’y napiga
Bagong teknolohiya Batas na tila sigwa
Pag-unlad siyang nasa. Si Juan ang kawawa.

115
Itanong:
a. Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa tula.
b. Anong partikular na sektor ng lipunan ang inilalarawan ng
tula? Ipaliwanag.
c. Nailahad ba ng tula ang kultura ng lalawigan ng Nueva Ecija?

Kung may tanka at haiku ang Hapon, tayo naman sa Pilipinas ay


may tanaga. Ang halimbawa nito ay ang tulang binigkas ninyo. Ang
tanaga ay isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino na may layong
linangin ang lalim ng pagpapahayag ng kaisipan at masining na paggamit
ng antas ng wika. Binubuo ito ng tigpipitong pantig sa bawat taludtod ng
bawat saknong ( 7-7-7-7 ).

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong aralin #1:


Kolaboratibong Gawain: Ang klase ay papangkatin sa tatlo (3). Bawat
pangkat ay bibigkasin ang mga halimbawa sa ibaba sa iba’t ibang
paraan ng pagbigkas ayon sa damdaming nakapaloob sa
tula.Halimbawa: takot, galit at saya.
Haiku Tanaga
ni Natsume Soseki Tag-init
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat ni Ildefonso Santos

Sa kagubatan Alipatong lumapag


Hangi’y umaalulong Sa lupa, nagkabitak
Walang matangay Sa kahoy, nalugayak
Sa puso, naglagablab
Haiku Kabibe
ni Bashō ni Ildefonso Santos
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Kabibe ano ka ba
Ambong kaylamig May perlas maganda ka
Maging matsing ay nais Kung idiit sa tainga
Ng kapang damo Nagbubuntong hininga

Tanka
Hindi Ko Masabi Katapusan ng Aking Paglalakbay
ni Ki Tsurayuki ni Oshikochi Mitsune
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Isinalin ni M.O. Jocson

Hindi ko masasabi Napakalayo pa nga


Iniisip mo Wakas ng paglalakbay
O aking kaibigan Sa ilalim ng puno
Sa dating lugar Tag-init noon
Bakas pa ang ligaya Gulo ang isip.

116
Gabay na tanong:
a. Ipaliwanag ang konotasyon at denotasyon ng salitang nasa
talahanayan. Gawin ito pisara o manila paper na inihanda ng guro.

Denotasyon Konotasyon
umaalulong
damo
alipato
kabibe
bakas
nagkabitak

Inaasahang sagot
Denotasyon Konotasyon
umaalulong malakas, mahaba at malungkot na nakatatakot na
kahol ng aso pangyayari
damo halaman na may mahahaba at Marijuana
makikitid na dahon, madaling
tumubo at dumami at karaniwang
mababa lamang
alipato lumilipad na maliit na maliit na damdaming pagkagalit
piraso ng baga
kabibe lamang dagat nakabilang sa magandang dalaga
mollusk hal. tahong, tulya
bakas marka ng yapak ng tao o hayop, alaala ng nakaraang
palatandaan pangyayari
nagkabitak nabasag, nagkalamat nasira ang tiwala

Para sa letrang b at c gamitin ang estratehiyang Think-Pair-Share.


Sabihin: Mag-isip ng mga konsepto at ideya tungkol sa paksa ng aralin.
Humanap ng kapareha at paghambingin ang kanilang
kaisipang nabuo. Makipagbahaginan sa talakayan ng klase
tungkol sa paksa.
b. Paghambingin ang ilang halimbawa ng tanka, haiku at tanaga
batay sa sukat, tugma at pagbigkas.
c. May pagkakatulad ba ang pagsulat ng mga Pilipino ng tanaga sa
pagsulat ng tanka at haiku ng mga Hapon? Patunayan.
E. Paglinang sa Kabihasaan:
Ang guro ay magpapanood ng video ng pagbigkas ng tanka at haiku.
(bersyong salin sa Filipino)
a. Batay sa napanood na video sa pagbigkas ng tanka at haiku,
ano ang pagkakaiba ng pagbigkas mo sa paraan ng pagbigkas
ng nasa video?
b. Anong damdamin ang nangibabaw sa ilang halimbawa ng tanka,
haiku at tanaga na tinalakay? Ganito rin ba ang iyong
naramdaman? Bakit?

117
IV. Mga Tala:
V. Pagninilay:
IKAAPAT NA SESYON
I. Layunin:
A.Nakapagsusuri ng pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng
tanka at haiku (F9PB-IIa-b-45)

II. Nilalaman:
A.Paksa : Tula: Tanka nina Ki Tsurayuki at Oshikochi Mitsune at Haiku nina
Natsume Soseki at Matsou Basho
Isinalin nina Vilma C. Ambat at M.O. Jocson
Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pp. 97-98

B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:


1. Sanggunian
a. K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng Edukasyon,
Mayo 2016, p. 168
b. Panitikang Asyano Gabay ng Guro p. 43-45
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 97-98

III. Pamamaraan:
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin:
Pass the ball game: Sa gabay ng guro, magpapasahan ang mga mag-
aaral ng bola habang tumutugtog. Kapag huminto ang tugtog, ang
batang may hawak ng bola ang sasagot kung ano ang natutuhan niya sa
nagdaang aralin.

H. Paglalahat ng aralin:
1. Kahon ng Kaalaman. Itala sa loob ng kasunod na kahon ang
mahahalagang impormasyon na nakalap patungkol sa tanka at haiku.
Hanguin ang pormat sa sagutang papel.

Tanka

Panahon kung Paksa at tema Sukat


kailan naisulat
__________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________

Haiku

Panahon kung kailan Paksa at tema Sukat


naisulat
__________________ __________________
_____________________
__________________ __________________
_____________________ 118
2. Bunot ko, Sagot mo!
Maghanda ng palabunutan na ang nakasulat na tanong ay ang
mga nasa ibaba.
a. Ano ang karaniwang paksa ng tanka, haiku at tanaga? Ano ang
nais ipahiwatig nito?
b. May pagkakaiba ba ang pagbigkas ng tanka, haiku at tanaga?
Sa paanong paraan?
c. Paano naiiba ang tanka at haiku sa iba pang uri ng tula?
d. Kung ikaw ang susulat ng ganitong uri ng tula ano ang paksang
nais mong talakayin? Ipaliwanag.
e. Masasalamin ba sa halimbawa ng tanka, haiku at tanaga ang
kultura ng bansang pinagmulan nito? Ipaliwanag.
I. Pagtataya ng Aralin:
Piliin at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
1. Tulang binubuo ng labimpitong pantig.
a. tanaga b. haiku c. tanka
2. May bilang ng pantig na 7-7-7-5-5 at 7-5-5-7-7.
a. haiku b.tanka c.tanaga
3. Sa panahon na ito lumaganap ang haiku sa Pilipinas.
a. panahon ng Amerikano
b. panahon ng Espanyol
c. panahon ng Hapon
d. kasalukuyang panahon
4. Ang Kawazu ay salitang hapon na ibig sabihin ay palaka na
nangangahulugang?
a.taglagas b.taglamig c. tag-ulan d. tagsibol
5. Paksa na kapwa taglay ng tanka at haiku.
a. pag-asa b.pag-ibig c.pag-iisa d.kalikasan
6. Tulang may tatlumpo’t isang bilang ng pantig.
a. tanka b.haiku c.tanaga
7. Tulang binubuo ng tatlong (3) saknong na may bilang ng pantig na
5-7-5.
a.tanaga b.tanka c.haiku
8. Ginawa ang tanka noong anong siglo?
a. ika-8 b.ika-15 c.ika-10 d.ika-12
9. Maiikling awitin ito na puno ng damdamin.
a. haiku b. tanka c. tanaga
10. Tawag ito sa wastong antala at hinto na may katumbas na
sesura panulaang Pilipino.
a. Kireji b.Shigure c.Kana d.Kiru

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay:

IKALIMANG SESYON
I. Layunin:

119
A. Nakagagamit ng suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa
pagbigkas ng tanka at haiku(F9WG-IIa-b-47)
1. Nakapagsusuri ng wastong gamit ng suprasegmental na antala /
hinto, diin at tono sa mga sumusunod na salita

II. Nilalaman:
A.Paksa : Gramatika: Ponemang Suprasegmental
( tono/diin, antala /hinto )
Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pp. 98-101

B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:


1. Sanggunian
a. K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng Edukasyon,
Mayo 2016, p. 168
b. Panitikang Asyano Gabay ng Guro p. 44
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 98-101
2. Mga iba pang Kagamitang Pampagtuturo
a. https://m.youtube.com/watch?v=J8HsoSgwkeA,archieDimaculangan,Feb.22,2019
b. CD

III. Pamamaraan
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
Magpanood ng video na may kaugnayan sa pagbigkas.
dlp pix\pagbigkas.webm
Itanong:
a. Ano ang ipinahahayag ng mga tauhan sa napanood na video?
b. Pokus na tanong:
1.Paano nababago ang kahulugan ng salita kung naiiba ng diin, tono o
ang bilis o bagal ng pagbigkas dito? Ipaliwanag.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:


Bigkasin ang sumusunod na pangungusap.
1. Don, Luis Marco ang aking pangalan.
2. Don Luis, Marco ang aking pangalan.
3. Don Luis Marco, ang aking pangalan.
Mga gabay na tanong:
a. Ano ang napansin mo sa mga pangungusap?
b. May nabago ba sa kahulugan ng mga ito? Ipaliwanag.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong


Kasanayan#1:
Gumamit ng powerpoint presentation upang ilahad ang aralin.

120
Ponemang Suprasegmental
Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental,
malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais
ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang
kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa
pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas
at pagsasalita.
a. Diin – Ang diin, ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema
sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago
ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito.
Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
Mga halimbawa:
a) BU:hay = kapalaran ng tao b) LA:mang = natatangi
bu:HAY = humihinga pa la:MANG = nakahihigit;
nangunguna
b. Tono / Intonasyon - Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla,makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,
makapagbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit
na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2
sa katamtaman at bilang 3 sa mataas.
Mga halimbawa:
a) Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
b) talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag

C. Antala/Hinto - Bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na


maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.Maaaring
gumamit ng simbolo kuwit ( , ),dalawang guhit na pahilis (//) o gitling
(-)
Mga halimbawa:
a) Hindi/ ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay
ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si
Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Arvyl.)
b) Hindi ako, si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na
ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi
ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si
Joshua)
c) Hindi ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na
ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.)
F. Paglinang sa Kabihasaan:

121
Sabihin: Ngayong nalaman mo na ang mga kahalagahan ng mga
ponemang suprasegmental sagutin ang mga pagsasanay upang lalong
maging bihasa sa paggamit ng mga ito.
a. Pagsasanay 1. Bigkasin Mo
Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho
ang baybay subalit magkaiba ang bigkas.
1. / SA:ka/ - _______________ /sa:KA/- _______________
2. /BU:hay/- _______________ /bu:HAY/-______________
3. /ki:ta/ - _________________ /ki:tah/- _______________
4. /ta:la/ - _________________ /ta:la?/ - _______________
5. /ba.lah/ -________________ /ba.la?/- _______________
b. Pagsasanay 2. Tono
Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman
at bilang 3 sa mataas.Isulat sa sagutang papel.
1. kanina = _______, pag-aalinlangan
kanina = _______, pagpapatibay, pagpapahyag
2. mayaman = _______, pagtatanong
mayaman = _______, pagpapahayag
3. magaling = _______, pagpupuri
magaling = _______, pag-aalinlangan
4. kumusta = _______, pagtatanong na masaya
kumusta = _______, pag-aalala
5. Ayaw mo = _______, paghamon
Ayaw mo = _______, pagtatanong
c. Pagsasanay 3. Diin
Gamitin ang estratehiyang cabbage game ( binalot na papel na may
nakasulat na salita )
Habang tumutugtog ay paikutin ang cabbage kung sino ang
matapatan nito paghinto ng awit ang siyang babasa nang may diin.
Ipaliwanag ang pagpagbabago ng kahulugan.
Halimbawa: /SA:ka/ - bukid, /sa:KA/ - at saka (also)
1. /BA:ba/ - ______________ /ba:BA/ - _______________
2. /BA: ta/ - ______________ /ba:TA/ - _______________
3. /BA: ga/ - ______________ /ba:GA/ - _______________
4. /LA:bi/ - ______________ /la:BI/ - _______________
5. /BA:sa/ - ______________ /ba:SA/ - _______________
d) Pagsasanay 4. Hinto/ Antala
Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga
pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at
intonasyon.
1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.
2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.
3. Hindi siya ang kaibigan ko.

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay:

122
IKAANIM NA SESYON
I. Layunin:
A. Nakapagsusuri ng tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at
haiku(F9PN-IIa-b-45)
B. Nakagagamit ng suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa
pagbigkas ng tanka at haiku(F9WG-IIa-b-47)

II. Nilalaman:
A. Paksa : Tula: Tanka ni Oshikochi Mitsune at Haiku ni Matsou Basho
Isinalin nina Vilma C. Ambat at M.O. Jocson
Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pp. 97-98
Gramatika: Ponemang Suprasegmental
( tono/diin, antala /hinto )
Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pp. 97-102

B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:


1. Sanggunian
a. K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng Edukasyon,
Mayo 2016, p. 168
b. Panitikang Asyano Gabay ng Guro p. 43-45
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 97-98

2. Iba pang Kagamitang Panturo


a. CD

III. Pamaraan:
A. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
Pakinggan ang odyo ng pagbigkas ng tanka at haiku.
dlp pix\tankaathaiku.m4a

Mga gabay na tanong:


a. Wasto ba ang tono ng pagkakabigkas ng tula? Itama ang maling
pagbigkas.
b. Pokus na tanong
Suriin ang tono ng binigkas na tanka at haiku. Alin ang binigkas ng
mababa, katamtaman at mataas?

F. Paglinang sa Kabihasaan:
Muling bigkasin ang mga halimbawa ng tanka, haiku. Suriin kung saan
dapat mababa, katamtaman at mataas ang gagawing pagbigkas.

123
Haiku Tanka
Tutubi Katapusan ng Aking Paglalakbay
ni Gonzalo K. Flores ni Oshikochi Mitsune
Isinalin ni M.O. Jocson
Hila mo’y tabak Napakalayo pa nga
Ang bulaklak nanginig Wakas ng paglalakbay
Sa paglapit mo. Sa lilim ng puno Tag-init noon
Gulo ang isip.

I. Pagtataya ng Aralin:
Sabihin: Ngayong natutuhan mo ang pagkakaiba ng tanka at haiku sa
iba pang uri ng tula tulad ng tanaga at kung paano nakatutulong ang
ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula, ilipat mo sa isang
mahalagang gawain.

Pangkatin ang klase sa 8 pangkat na binubuo ng 6 na mag-aaral bawat


pangkat. Basahin ang sitwasyon sa loob ng kahon.Makiisa sa pangkatang
gawain sapagkat nakasalalay rito ang inyong tagumpay.

Masining na Pagbigkas
Magkakaroon kayo ng Grand Family Reunion bilang pagdiriwang
sa ika- 80 kaarawan ng inyong lolo. Napagkasunduan ng angkan na
magsagawa ng paligsahan sa pagtatanghal. Upang maging kakaiba sa
lahat, naisip ninyo na sariwain ang mga tanka at haiku na nasulat ng
inyong lolo noong panahon ng mga Hapones. Sa iyong pagtatanghal,
tiyaking masusunod mo ang mga pamantayan:
A. Wastong bigkas ................................................ 40%
B. Malinaw na pagbasa at interpretasyon ............. 40%
C. May damdamin ................................................. 20%
Kabuuan ........................................................... 100%

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay:

IKAPITONG SESYON
I. Layunin:
A. Nakasusulat ng payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat
(F9PU-IIa-b-47)
1. Nakasusulat ng orihinal na tanka at haiku batay sa tiyak na anyo
at sukat nito
2. Nakabubuo ng isang malikhaing video sa paglalahad ng sariling
likhang tanka at haiku

II. Nilalaman:
A. Paksa : Tula: Tanka ni Oshikochi Mitsune at Haiku ni Matsou Basho
Isinalin nina Vilma C. Ambat at M.O. Jocson
Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pp. 97-98

124
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian
a. K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng Edukasyon,
Mayo 2016, p. 168
b. Panitikang Asyano Gabay ng Guro p. 43-45
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 97-98

III. Pamamaraan:
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin:
Sa pamamagitan ng dugtungang pagsasalaysay magbalik-aral sa
tanka at haiku.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:


a. Pokus na Tanong:
1. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang sukat at anyo sa pagsulat
ng tanka at haiku ?

I. Pagtataya ng Aralin:
Pangkatin ang klase sa apat na may tigsasampu bawat pangkat.
Sumulat ng tigdadalawang tanka at haiku na nakabatay sa paksang
pag-ibig, ang bawat isa ay batay sa tiyak na anyo at sukat nito.
Pagkatapos makabuo ng sari-sariling tula ay lilikumin ng bawat lider ng
pangkat upang iayos sa isang malikhaing video bilang kalipunan ng
mga halimbawa ng tanka at haiku.

Pamantayan sa pagsulat ng tanka at haiku


Nilalaman…………………………………….30%
Kayarian ng tula……………………………..30%
Kaisahan……………………………………..20%
Kalinisan……………………………………..20%
Kabuuan…………………………………….100%

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay:

IKAWALONG SESYON
I. Layunin:
A. Nakabibigkas ng isinulat na tanka at haiku nang may wastong
antala/hinto, at damdamin (F9PS-IIa-b-47)
1. Nakasusulat ng orihinal na tanka at haiku na ang
paksa ay nakapaloob sa kultura ng Novo Ecijano
partikular sa usaping pag-ibig
2. Nakabibigkas ng orihinal na likhang tanka at haiku nang
may wastong antala, hinto at damdamin

125
II. Nilalaman:
A. Paksa: Tula: Tanka ni Oshikochi Mitsune at Haiku ni Matsou Basho
Isinalin nina Vilma C. Ambat at M.O. Jocson
Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pp. 97-98
Gramatika: Ponemang Suprasegmental
( tono/diin, antala /hinto )
Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,
pp. 97-102

B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:


1. Sanggunian
a. K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng Edukasyon,
Mayo 2016, p. 168
b. Panitikang Asyano Gabay ng Guro p. 43-45
c. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9, pp. 97-98

2. Iba pang Kagamitang Panturo


a. CD

III. Pamamaraan:
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
Magsagawa ng isang pampasiglang gawain. Bawat isa ay bubunot sa
inihandang palabunutan ng guro. Ang makabubunot ng mga papel na
may nakasulat na pangunahing uri ng hanapbuhay sa Nueva Ecija ay
iaarte ito sa harap ng klase (guessing game/ charade).
Itanong:
a. Bigyang patunay na ang mga hanapbuhay ay makikita sa lalawigan
ng Nueva Ecija.
b. Pokus na Tanong:
Paano mo ipapahayag ang iyong pag-ibig sa sariling bayan sa
pamamagitan ng pagbigkas ng tanka at haiku ?

I. Pagtataya ng Aralin:

Pagbuo at pagbigkas ng orihinal na tanka at haiku bilang awtput.


Panuto para sa pangkatang gawain.
1. Pangkatin ang klase sa 16 na pangkat na may tigtatatlong
miyembro.
2. Bawat pangkat ay bubunot ng paksa Tanka o Haiku na may nakasaad
na paksa patungkol sa kultura ng mga Novo Ecijano partikular sa pag-
ibig para sa:
a. minamahal (kasintahan)
b. hanapbuhay
c. pamilya
d. Diyos

3. Pagkatapos makabuo ng orihinal na tanka at haiku, bibigkasin ito ng


bawat pangkat sa harap ng klase nang may pagsaalang-alang sa
wastong paggamit ng antala/hinto at angkop na damdamin.

126
Pamantayan sa Pagsulat ng tanka at haiku
A. Orihinalidad .......................................... 40%
B. Kaangkupan ng mga salita ............. ….. 30%
C. Naayon sa Paksa ..................... …… .. 20%
D. Pagkamalikhain …………………………..10%
Kabuuan ............................................ 100%

Marka:
Napakahusay - 100-91
Mahusay - 90-81
Katamtaman - 80-75
Nagsisimula - 74-pababa

Pamantayan sa Pagbigkas
A. Orihinalidad .......................................... 40%
B. Bigkas (wastong gamit ng antala/
hinto at damdamin) ............. 40%
C. Kabuuang Pagtatanghal....................... 20%
Kabuuan ............................................ 100%

Marka:
Napakahusay - 100-91
Mahusay - 90-81
Katamtaman - 80-75
Nagsisimula - 74-pababa

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay:

127
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG MGA PAARALAN NG NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija 3101

HULWARANG KONTEKSTUWALISADONG
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9
(Prototype Contextualized Detailed Lesson Plan in Filipino 9)

Pamantayan sa Baitang 9: Pagkatapos ng Baitang 9, naipamamalas ng


mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip at pag-
unawa sa pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t
ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang
pagpapakilanlang Asyano.

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay masining na


nakapagtatanghal ng Kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang
Pampanitikang Asyano

Tema (Ikatlong Markahan) : Mga Akdang Pampanitikan ng Kanlurang Asya


Code Kasanayang Pampagkatuto sa Bawat Domain

F9PB-IIIa-50 Nakapagpapatunay na ang mga pangyayari sa binasang


parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan
F9PT-IIIa-50 Nakapagbibigay-kahulugan sa matatalinhagang pahayag
sa parabola
F9PN-IIIa-50 Nakahihinuha ng mga katangian ng parabula batay sa
napakinggang diskusyon sa klase
F9WG-IIIa-53 Nakagagamit nang wasto sa pangungusap ng
matatalinghagang pahayag
F9PU-IIIa-53 Nakasusulat ng sariling parabula tungkol sa isang
pagpapahalagang kultural sa Kanlurang Asya
F9PS-IIIa-53 Nakapagsasadula ng nabuong orihinal na parabula
F9PD-III-a50 Nakatutukoy at nakapagpapaliwanag ng mensahe sa
napanood na parabulang isinadula
F9EP-IIIa-20 Nakapagsasaliksik tungkol sa mahahalagang kultural sa
Kanlurang Asya

128
UNANG SESYON

I. Layunin:
A. Nakapagpapatunay na ang mga pangyayari sa binasang parabula ay
maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan (F9PB-IIIa-50)
1. Nakababasa ng isang parabula tungkol sa may-ari ng ubasan
2. Nakapag-iisa-isa ng mga pangyayari sa binasang parabula na
maaaring iugnay sa buhay sa kasalukuyan

II. Nilalaman:
A. Paksa: Parabula: Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan
Panitikang Asyano pp.194-197
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian
a. K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng
Edukasyon, Mayo 2016
b. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral pp. 194-197
2. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo
a. Bibliya, King James Version Tagalog - English Diglot Edition,
Mateo 20:1-16
b. https://www.youtube.com/watch?v=Zl0c4Vg6RyU
Daloy pahina 156

III. Pamamaraan:
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
1. Magpanood ng isang video clip na Wansapanataym tungkol sa
pagkainggit.
2. Itanong: Ano-ano ang pangyayari na iyong nagustuhan sa
napanood? Ipaliwanag.
3. Pokus na tanong: Paano mo iuugnay ang iyong napanood sa buhay
sa kasalukuyan?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:


1. Ipaguhit sa mag-aaral ang isang bagay na naging mahalaga sa
kanila dahil nakapulutan nila ito ng aral.
2. Pagkatapos gumuhit ay ipasalaysay sa klase ang mga pangyayari
kung bakit ito pinahahalagahan.
(Paalala sa guro: Hindi kailangang maging wasto ang kanilang sagot
at hindi rin sa bahaging ito tatalakayin ang aralin. Iwasan ang
pagpapaliwanag. Ito ay magsisilbing gabay lamang sa guro kung
ano ang magiging eskima ng mag-aaral tungkol sa parabula.)

D. Pagtalakay ng Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan:


1. Ipabasa ang parabulang “Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng
Ubasan” na makikita sa kasunod na pahina.

129
Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang
maagang-maaga upang humanap ng manggawa para sa kaniyang
ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa ng isang salaping pilak sa
maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang
ubasan. Lumabas siyang muli ng mag-iikasiyam ng umaga at nakakita
siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila
pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng
karampatang upa.
At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya ng mag-ikalabing
dalawa ng tanghali at ng mag-ikatlo ng hapon, at sa ganon din ang
ginawa niya. Nang mag-iikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli at
nakakita pa ng mga ibang wala rin ginagawa. Sinabi niya sa kanila, Bakit
tatayo-tayo lang kayo rito sa buong maghapon? Kasi po’y walang
magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi niya “ Kung
gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan.”
Nang gumagabi na, sinabi ng may ari ng ubasan sa kaniyang
katiwala, “tawagin mo na ang mga mangagawa at bayaran mo sila
magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang mga nagsimula
ng mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak.
Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila ng higit doon;
ngunit bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo
ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, “isang oras
lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman
pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?”
Sumagot ang may ari ng ubasan sa isa sa kanila, “kaibigan, hindi
kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin
mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran
ang nahuli nang tulad ng binayad ko sa iyo?”
“Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking
maibigan? Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang loob sa iba?”

2. Itanong sa mag-aaral:
a. Kung isa kang manggagawang maghapong nagtatrabaho at
nagtitiis sa nakapapasong init ng araw ngunit ang tinanggap na
upa ay kapareho rin ng isang oras mo sa paggawa, ano ang
mararamdaman mo? Tatanggapin mo ba ang ibinigay sa iyong
upa? Pangatwiranan.
b. Kung ikaw ang may-ari ng ubasan pare-pareho rin ba ang upa
na ibibigay mo sa kanila? Bakit?
c. May kakilala ka bang tao na katulad ng may-ari ng ubasan?
Ilahad.

F. Paglinang sa Kabihasaan:
Ipangkat ang klase sa tatlo, mula sa mga salitang nakasulat sa papel
pagsunod-sunurin ito upang mabuo ang mensahe ayon sa talinghaga.
Ang bawat grupo ay bibigyan ng isang minuto at pagkatapos
ipaliliwanag nila ito sa klase.

130
Ang nauuna ay nahuhuli ang
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay:
Itanong:
a. nahuhuli
Ano ang aral na ay natutuhan?
nauunaAno ang iyong gagawin upang
mapaunlad at mapahalagahan ito?

I. Pagtataya ng Aralin:
1. Magbigay ng limang kahalagahan o aral na itinuro ng parabulang
binasa gamit ang kasunod na grapiko at kuhanin sa mga pahayag
ang patunay nito.

Aral o Moral Patunay


Ang
_______________ _______________
Talinghaga
_______________ _______________
Tugkol sa May-
_______________ _______________
ari ng Ubasan
_______________ _______________
_______________ _______________

2. Banggitin sa klase
Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na
nagsasaad ng dalawang bagay (na maaaring tao, hayop, lugar o
pangyayari) para paghambingin. Ito ay makatotohanang pangyayaring
naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat.
Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na
pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa
patalinghagang pahayag. Ang parabula ay di lamang lumilinang ng
mabuting asal na dapat natin taglayin kundi binubuo rin nito ang ating
moral at espirituwal na pagkatao.

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-aralin:


 Itanong: Ano ang impluwensiya ng parabula sa buhay?
 Pagdalahin ang mag-aaral ng Bibliya.
 Humanap at magtala ng isang berso mula sa Bibliya na
kapupulutan ng aral.

IV. Mga Tala:


V. Pagninilay:

IKALAWANG SESYON

I. Layunin:
A. Nakapagbibigay-kahulugan sa matatalinhagang pahayag sa parabula
(F9PT-IIIa-50)
B. Nakahihinuha ng mga katangian ng parabula batay sa napakinggang
diskusyon sa klase (F9PN-IIIa-50)

131
II. Nilalaman:
A. Paksa : Parabula : Ang Talinghaga Tungkol sa Butil ng Mustasa
Panitikang Asyano pp. 194-196
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian
a. K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng
Edukasyon, Mayo 2016
b. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral pp. 194-196
2. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo
a. Bibliya, King James Version Tagalog - English Diglot Edition,
Marcos 4:30-41
b.
https://www.google.com.ph/search?dcr=0&tbm=isch&source=hp
&ei=O857XLGras5vASym6Nqbq&Q=aklat#img =vgzXNQK0QyUpqM
c.
https://www.google.com.ph/search?q=bedroom+mirror&tbm=
sch&hl=en&ved=2ahUKEwjyvceOhObgAhX0keYKHQCOCU
IQrNwCegUIARCOAg&biw=360&bih=566#imgdii=ih8de71RdildHM
d. https://www.google.com.ph/search?q=pencil+image&t
bm=isch&ved=2ahUKEwiT4aichebgAhULb48KHS7QC
e. https://www.google.com.ph/search?q=light+bulb+image&tbm
=isch&Ved=2ahUKEwi21lOWhubgAhWFL48KHSxcA_8q2cCegQ IABAC

III. Pamamaraan
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
1. Magpapakita ng mga larawan ang guro.

https://www.google.com.ph/search? https://www.google.com.ph/search?q=bedroom+
dcr=0&tbm=isch&source=hp&ei=O857 mirror&tbm=isch&hln&ved=2ahUKEwjyvceOh
XLGras5vASym6Nqbq&Q=aklat#imgrc bgAhX0keYKHQCOCUIQrNwCeg
=vgzXNQK0QyUpqM

132
https://www.google.com.ph/search?q=pencil https://www.google.com.ph/search?q=light+
+image&tbm=isch&ved=2ahUKEwiT4aicheb bulb+image&tbm=isch&Ved=2ahUKEwi21lO
gAhULb48KHS7QC WhubgAhWFL48KHSxcA_8q2-cCegQIABAC
a. Ipagawa ang sumusunod sa mag-aaral.
1. Ibahagi ang sariling opinyon batay sa larawang nakita.
2. Papiliin ng isang larawang nasa itaas na maiuugnay sa sarili
at ipapaliwanag ang dahilan sa pagpili nito.
3. Itanong: Paano naipakikita ng isang indibidwal ang kaniyang
sariling paglago ? Hayaan na ang mag-aaral ang tumuklas ng
sagot.
(Paalala: Hayaang ang mag-aaral ang tumuklas ng wastong
sagot, wag sabihing mali.)

B. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:


1. Pangkatin sa lima ang klase. Ipaskil ang bersikulo sa pisara. Mag-
uunahan ang mag-aaral sa paghahanap nito sa Bibliya at unahang
pumunta sa harap ng klase upang basahin ito.

Ito’y tulad sa butil ng binhi ng mustasa na pagkahasik sa lupa bagamat


siyang lalong pinakamaliit sa lahat ng mga binhi nangasa lupa.
(Sagot:Marcos 4:30-41)

Nararapat lang na tayo’y magsaya at magdiwang sapagkat patay na ang


kapatid mo, ngunit nabuhay, nawala, ngunit walang natagpuan.
(Sagot : Lucas 15:1-32 )

Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay


mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at
sa alabok ka uuwi. (Sagot: Genesis 3:19)

D. Pagtalakay ng Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1:


1. Ipabasa ang tekstong “Talinghaga sa Butil ng Mustasa” (Marcos
4:30-41)

Talinghaga sa Butil ng Mustasa


Gayundin, sinabi ni Jesus: Sa ano natin itutulad ang paghahari
ng Diyos o sa anong talinghaga natin ihahambing ito? 31 Katulad ito ng
binhi ng mustasa na itinatanim sa lupa. Ito ang pinakamaliit sa lahat ng
mga binhi na itinatanim sa lupa. 32 Kapag naitanim at lumago, ito ay
nagiging pinakamalaki sa mga gulay. Lumalago ang mga sanga nito na
anupa't ang mga ibon sa himpapawid ay makakapamugad sa lilim nito.
33
Nangaral sa kanila si Jesus ng salita sa pamamagitan ng maraming
talinghagang tulad nito, ayon sa kakayahan nilang makinig. 34 Hindi siya
nagsalita sa kanila maliban sa pamamagitan ng talinghaga.
-Mula sa Bibliya

133
F. Paglinang sa Kabihasaan :
1. Ipabigay sa mag-aaral ang mga katangian ng parabula batay sa
binasa sa pamamagitan ng kasunod na web map.

Parabula

2. Pokus na Tanong: Paano naiba ang parabula sa iba pang


akdang pampanitikan?

I. Pagtataya ng Aralin :
Ipasagot : Piliin sa hanay B ang kasingkahulugan ng salitang nasa
hanay A. Isulat sa papel ang letra ng sagot.

Hanay A Hanay B
1. nagbabanat ng buto a.kumukuha ng hindi kanya
2. kidlat sa bilis b.walang pera
3. lumago ang sanga c.suwail
4. makapal ang bulsa d.nagtatrabaho
5. butas ang bulsa e.nagugutom
6. kusang-palo f.tamad
7. malikot ang kamay g.napakabilis
8. magaan ang kamay h.mayaman
9. halang ang bituka i.umunlad
10. mahapdi ang bituka j.sariling sipag

IV. Mga Tala :


V. Pagninilay:

IKATLONG SESYON

I. Layunin:
A. Nakagagamit nang wasto sa pangungusap ng matatalinhagang
pahayag( F9WG-IIIa-53)
1. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang literal at metaporikal
na salita

II. Nilalaman:
A. Paksa: Gramatika: Literal at Metaporikal na Kahulugan
Panitikang Asyano pp. 201-202

134
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian
a . K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng
Edukasyon, Mayo 2016
b. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral pp. 201-202
2. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo
https://m.youtube.com/watch?v=xZrfLXn5B5A

III. Pamamaraan:
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
1. Magparinig ng awitin na may pamagat na “ Gising Na Kaibigan.”
Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong makita?
Nagawa mo na ba ang mga bagay na dapat mong ginawa?
Kalagan na ang tali sa paa
Imulat na ang iyong mga mata
Kay sarap ng buhay lalo na’t alam mo kung saan papunta

May mga taong bulag kahit dilat ang mata


May mga taong tinatalian sariling kamay at paa
Problema’y tinatalikdan
Salamin sa mata’y hindi makita

Kay sarap ng umaga lalo na’t kung ika’y gigising


Tanghali’y maligaya kung ika’y may makakain
Ang gabi ay mapayapa
Kung mahal sa buhay ay kapiling
Kay sarap ng buhay lalo na’t alam mo kung saan papunta

Gising na kaibigan ko
Ganda ng buhay ay nasa sa’yo
Ang oras daw ay ginto
Kinakalawang lang ‘pag ginamit mo

Kailan ka pa magbabago
Kailan ka pa matututo
Ang lahat ng ilog sa dagat patungo
Buksan ang isipan at mararating mo
Kay ganda ng buhay sa mundo.

135
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:
Ipapitas sa mag-aaral ang bunga ng mansanas na naglalaman ng
pahayag sa tulong ng presentasyon. Pagkatapos ay ipabasa sa klase
at ipapaliwanag.

Kalagan
ng tali Imulat
Taong sa paa ang mga
bulag mata
kahit dilat
ang mata

D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1:


Literal at Metaporikal na Kahulugan
Halimbawa: Ahas
Literal: 1. Ang mga mag-aaral ay nasindak nang makakita ng
ahas sa silid-aralan.
2. Napakalaki ng nahuling ahas sa Caranglan.
Metaporikal : 1. Ahas ka!
2. Ako ay nagtiwala nang lubos sa isang kaibigang ahas.

F. Paglinang sa Kabihasaan:
1. Ipasagot ang gawain. Ipabigay ang literal at metaporikal na kahulugan
ng mga salitang nasa talahanayan pagkatapos ay ipagamit sa
pangungusap.
Salita Literal na Metaporikal na Pangungusap Pangungusap

136
Kahulugan Kahulugan (1) (2)
(1) (2)
1.pilak
2.ilaw
3.buto
4.mata
5.tubig

2. Itanong:
Paano nakatutulong ang paggamit ng metaporikal na kahulugan sa
parabula?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay:


Ipasagot sa mag-aaral: Ibigay ang literal at metaporikal na
kahulugan sa pamamagitan ng paggamit ng salita sa
pangungusap.
1. bato 4. araw
a.literal a. literal
b.metaporikal b. metaporikal
2. pawis 5. bagyo
a.literal a. literal
b metaporikal b. metaporikal
3. apoy
a.literal
b.metaporikal

IV. Mga Tala :


V. Pagninilay:

IKAAPAT NA SESYON

I. Layunin:
A. Nakasusulat ng sariling parabula tungkol sa isang pagpapahalagang
kultural sa Kanlurang Asya (F9PU-IIIa-53)

II. Nilalaman:
A. Paksa: Panitikan: Pagsulat ng Parabula
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian
a. K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng
Edukasyon, Mayo 2016

137
b. Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral pp. 201-202
2. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo
a.
https://www.google.com/search?q=kaugalian+ng+kaunlarang
+asya&tbm=isch&ved
b. https://www.google.com/search?q=tradisyon+sa+kanlurang+
asya&tbm=isch&ved

III. Pamamaraan:
A. Pagbabalik-aral:
Banggitin: Gamit ang cabbage game mayroong bola na ipapasa
habang sinasaliwan ng musika. Kung sinoman ang matapatan ng
paghinto ng awitin ay sasagot sa tanong na makukuha.
Ang mga tanong ay nakapaloob sa bolang papel.
1. Ano-anong kultura ang nakuha sa Talinghaga Tungkol sa May-Ari
ng Ubasan?
2. Ano-anong kultura ang nakuha sa Butil ng Mustasa?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:


1. Magpakita ng iba’t ibang larawan.

https://www.google.com/
search?q=kaugalian+ng+kaunlarang+asya&tbm
https://www.google.com/search?q=tradisyon+sa+kanlurang+ asya&tbm=isch&ved

2. Ipasagot at ipagawa ang sumusunod.


a. Kilalanin ang nasa larawan.
b. Ano-anong kaugalian ang masasalamin sa mga larawan?
c . Pokus na tanong:
Paano mo mapahahalagahan ang sariling kultura?

H. Paglalahat ng Aralin:
1. Pangkatin ang klase sa lima. Ipalahad ang tungkol sa isang
sitwasyon na kinapapalooban ng karaniwang bagay na maaaring
hugutan ng magandang aral o magagandang kaisipan. Pagkatapos

138
ipabasa ang sitwasyon tungkol sa karaniwang bagay sa loob ng
limang minuto.
2. Ipaliwanag ang pamantayan sa pagsulat.Pagkatapos itanong sa
mga mag-aaral kung ano ang maaasahan sa kanilang gawain.
G- Makapulot ng aral mula sa isinulat na parabula
R- Isang manunulat
A- Mag-aaral ng Baitang 9
S- Pagsasayang ng papel ng mga mag-aaral para maipakita ang
pagpapahalaga sa bagay na ito sa pamamagitan ng pagsulat ng
parabula.
P- Makasulat ng isang parabula mula sa karaniwang bagay
S- Ang pamantayan ay:
Pamantayan 5 4 3 2 1
Masining
Maayos at makatotohanan
Malikhain ang pagsulat
Kabuuang Marka
Napakahusay - 11-15 Puntos Mahusay-husay - 0-5 Puntos
Mahusay - 6-10 Puntos

IV. Mga Tala :


V. Pagninilay:
IKALIMANG SESYON

I. Layunin:
A. Nakapagsasadula ang nabuong orihinal na parabula (F9PS-IIIa-53)
B. Nakatutukoy ng mensahe ng napanood na parabulang isinadula
(F9PD-IIIa-50)
C. Nakapagpapaliwanag ng mensahe ng napanood na parabulang
isinadula (F9PD-IIIa-50)
D. Nakapagsasaliksik tungkol sa mga pagpapahalagang kultural sa
Kanlurang Asya (F9EP-IIIa-20)
1. Nakapaglalahad ng kulturang makikita sa sariling bayan
tungkol sa karaniwang bagay

II. Nilalaman:
A. Paksa: Panitikan: Pagtatanghal ng Parabula
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
1. Sanggunian
a. K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Kagawaran ng
Edukasyon, Mayo 2016
b.Panitikang Asyano, Modyul ng Mag-aaral pp. 201-202
2. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo
https://www.youtube.com/watch?v=LGBe0jPBI8A

III. Pamamaraan:
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:
1. Magpanood ng isang video clip ng parabula.
2. Itanong:
a. Ano ang katangian ng mga tauhan?
139
b. Ano ang napansin sa pagsasadula ng mga tauhan?
c. Pokus na tanong:
Paano magiging mabisa ang pagtatanghal ng parabula?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:


1. Bago magtanghal ang mag-aaral, magbibigay muna ng input dito.
Sabihin: Kailangang damhin ang papel na gagampanan.
2. Bigyan ng lima hanggang sampung minuto ang mag-aaral upang
makapagsanay sa itatanghal na parabula.

D. Pagtalakay ng Konsepto :
Banggitin sa mag-aaral ang pamantayan.
Pamantayan Puntos
Iskrip 30%
Pagkakaisa 10%
Kulturang Pinalutang 25%
Pagkakaganap 25%
Dating sa Madla 10%
Kabuuang Puntos 100%

F. Paglinang sa Kabihasaan:
1. Sa bahaging ito,pagtanghalin ng parabula tungkol sa karaniwang
bagay na kapupulutan ng aral.
2. Habang nagtatanghal ang ibang grupo ay aalamin ang mensahe ng
napanood na parabulang isinadula ng kanilang kapuwa-kamag-
aaral.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay


Ibabahagi ng bawat grupong naatasan ang aral na kanilang nakuha
mula sa napanood sa iba.

IV. Mga Tala :


V. Pagninilay:

140

You might also like