You are on page 1of 6

Pangalan: _________________________ Petsa: ________________ Marka: ________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pangunahing sanhi ng pagbabago ng klima sa kasalukuyan?

a. Pagtaas ng antas ng tubig sa karagatan


b. Pag-usbong ng renewable energy
c. Pag-aksaya ng enerhiya
d. Pagdami ng puno at halaman

2.Ano ang maaaring hakbang na maaaring gawin ng mga tao upang makatulong sa paglaban sa pagbabago
ng klima?
a. Magtapon ng basura kahit saan
b. Mag-recycle ng basura
c. Hindi magbukas ng ilaw at kagamitan kapag hindi ginagamit
d. Lahat ng nabanggit

3.“Tunay ngang naniniwala akong ang saloobing “ako muna” ang pinakamabilis na paraan upang sagipin ang
mundo.” Paano ka makakabuo ng sariling paninindigan sa pahayag na ito?
a. Kung tayo ay may disiplina sa sarili walang problema sa pagtulong.
b. Higit na mainam na huwag maging makasarili.
c. Sikapin mong magbago para sa bayan.
d. Walang mabuting maidudulot ang pagiging makasarili.

4.Anong uri ng talumpati ang inyong napanood na bidyu?


a. Nagpapakilala
b. Pangkabatiran
c. Pampasigla
d. Pampalibang

5.“Ang usapin hinggil sa pagbabago ng panahon”, ano ang nais ipahiwatig ng mananalumpati?
a. Ang ating mundo ay unti-unti ng nasisira.
b. Maraming kalamidad ang nararanasan.
c. Ang pagbabago ng klima dahil sa pagkasira ng ating planeta.
d. Ang kaligatasan ng tao sa pagbabago ng panahon.

6.Saan nakatuon ang pangunahing mensahe o punto ng talumpati? a. Sa pangalan ng nagsasalita


b. Sa kongklusyon
c. Sa mga detalye at halimbawa
d. Sa kabuuang paksang tinalakay

7. Paano maaaring maging mas epektibo ang pagpapahayag ng talumpati ukol sa pagbabago ng klima?
a. Ilahad ng may puso
b.Gumamit ng mas maraming teknikal na salita
c. Gumamit ng maraming pahayag ng takot
d. Makipagtulungan sa mga eksperto sa klima

8. Paano maaring maka-apekto ang pag-init ng klima sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao?
a. Pagbaba ng presyo ng mga produkto
b. Pagtaas ng mga natural na kalamidad
c. Pag-usbong ng bagong teknolohiya
d. Pagtaas ng bilang ng nagkakasakit

9. Ano ang tawag sa bahaging naglalaman ng mga pahayag na sumusuporta sa pangunahing punto ng
tagapagsalita?
a. Katawan ng talumpati
b. Pambungad
c. Kongklusyon
d. Sanggunian

10. Paano natin maisangkot ang mga kabataan sa usapin ng pagbabago ng klima?
a. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon sa paaralan
b. Sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga programa para sa kanila
c. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang boses sa lipunan
d. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa kanilang pananagutan
UNANG MAGLALAHAD

Ang Talumpati o “speech” ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na


pinapabatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng
mga tao.
Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.

BAHAGI NG TALUMPATI
1. Pamagat- inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang estratehiya
upang kunin ang atensiyon ng madla.
2. Katawan- nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
3. Katapusan- ang pangwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati.

IKALAWANG MAGLALAHAD

PARAAN SA PAGBIGKAS NG TALUMPATI


1. Isinaulong Talumpati- karaniwang binibigkas sa mga timpalak sa
pananalumpati. Ang nilalaman ay maaaring hindi gawa ng nagsalita.
2. Binasang Talumpati- ang talumpating binabasa ay maaaring gawa o di-gawa
ng nagsasalita. Habang binabasa ito sa harap ng madla, kinakailangan
ipadama sa madla ang katotohanang nilalaman niyon sa paraang maliwanag
at natural.
3. Talumpating Extemporaneous- ito ay talumpating hindi pinaghandaan
sapagkat hindi isinulat ng nagtatalumpati bago bigkasin sa madla. Sa isipan
lamang binubuo ng nagsasalita ang kabuuan ng talumpati upang maayos
niyang maihanay ang kaisipang nais niyang paratingin sa nakikinig.

1. Talumpating Impromptu- ito ay halos katulad ng extemporaneous na talumpati


sapagkat walang paghahanda. Ni sa isipan ay hindi siya nakabubuo ng
balangkas sapagkat ang ganitong talumpati kinakailangang tunay na malawak
ang kaalaman o karanasan ng nagsasalita upang hindi mag-apuhap o mangapa
sa sasabihin ng madla

IKATLONG MAGLALAHAD

MAHAHALAGANG SALIK SA PAGTATALUMPATI


1. TINIG – Napakahalaga ng tinig sa isang matagumpay na pagtatalumpati. Ang
paiba-iba ng boses ayon sa pangangailangan ang lalong nagbibigay-buhay sa
talumpati.
2. TINDIG- Mahalaga sa isang mananalumpati ang pagkakaroon ng isang “tindig-
panalo”. Ito ang pagtindig sa entablado na kakikitaan nang tikas at tiwala sa
sarili.
3. PAGBIGKAS- Ang bitaw ng bawat salita ay dapat may wastong diin at wastong
pagkakapantig-pantig upang mailahad ang mensahe nang buong linaw at
kaliwanagan.
4. PAGTUTUUNAN NG PANSIN- Mahalaga na mapanatili ang pagtuon ng
paningin (eye contact) sa mga tagapakinig upang madam ng mga ito ang
sinseridad ng mananalumpati.
5. PAGKUMPAS- Higit na maging epektibo ang paglalahad sapagkat ang galaw ng
mga kamay ay nakatutulong upang lalo pang maihatid ang damdamin sa mga
tagapakinig.
Unang Pangkat
BAKIT NAGING GANITO?
Sa panahon ngayon laganap na ang mga problema. Isa na rito ang mga kalamidad.
Ngayon nais magtala ka ng kalamidad na nararanasan ng bong mundo. Itala ang mga
dahilan nito. Gamitin ang tsart sa ibaba.(Ilalahad ang inyong sagot sa masining na paraan
maaaring sa pagtula, pagkanta, pagguhit, pagbabalita, radio drama, talk show, game show at marami pang
iba.)

MGA KALAMIDAD POSIBLENG DAHILAN


1.
2.
3.
4.
5.

Pangalawang Pangkat
Ang gawain naman na inyong gagawin ay pinamagatang “TANONG MO, SAGOT
MO!”
Batay sa pinanood na talumpati, bumuo ng limang katanungan at sagutan din ito.
(Ilalahad ang inyong sagot sa masining na paraan maaaring sa pagtula, pagkanta, pagguhit, pagbabalita,
radio drama, talk show, game show at marami pang iba.)

Pangatlong Pangkat
Ang gawaing ito ay pinamagatang “Mundo Mo, Sagip Mo!”

Sa iyong sariling pananaw tungkol sa lumalalang suliranin ng pagbabago ng klima, ano


ba ang maaari mong magawa o maitulong upang maisalba ang ating mundo?
(Ilalahad ang inyong sagot sa masining na paraan maaaring sa pagtula, pagkanta, pagguhit, pagbabalita,
radio drama, talk show, game show at marami pang iba.)

You might also like