You are on page 1of 17

Esp 10

1. Ang pag-aaral ay maituturing na mahabang paglalakbay sa buhay.


Aling salik ng pagpapasya ang
makakatulong sa atin para maiwasan ang lubhang pagsisisi sa bandang
huli?
A. Sitwasyon ng paaralan
B. Mga payo o gabay ng ating mga magulang
C. Pagkakataong makapag-aral sa lungsod
D. Impormasyon sa mga pagsubok na maaring kakaharapin
2. Matiyagang nakikinig at binabalangkas ni Pedro sa kanyang kuwaderno ang mga
paliwanag ng kanyang mga guro sa bawat aralin araw-araw. Batid niya na hindi kaya
ng kanyang mga
magulang na bumili ng smartphone. Aling salik na pagpapasya ang lalong
nakatulong sa pagbuo ng
ganoong pasya?
A. Mga Gabay o pangaral ng mga magulang.
B. Sitwasyong kinakaharap ng kanyang pamilya.
C. Impormasyon tungkol sa kalagayan ng kanyang pamilya.
D. Lahat ng nabanggit
3. Ang pagsaalang-alang ng mga salik ng pagpapasya ay mabisang
paraan ng pag iwas sa mga maling pasya.
A. depende B. hindi naman C. siguro
D. tama
4. Bilang mag-aaral, ano ang kailangang mong gawin upang makamit ang
tunay na kalayaan?
A. Magpasa ng batas sa kongreso.
B. Manahimik at maglathala ng mga storya ng naging biktima ng pang
aapi sa
social media.
C. Gumawa ng plakard at magwelga sa kalsada o sa labas ng gate ng
paaralan.
D. Makipag-usap sa kaukulang tao at magbigay ng suhestiyon o panukala
tungkol sa isyo.
5. Ano ang pangunahing elemento sa pagtugon ng tunay na kalayaan?
A. Kalayaang pumili
B. Pagkamit ng hustisya
C. Responsibilad at pagsilbi
D. Karapatang bumili at magtinda
6. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang
paggalang ng kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging
karapat-dapat sa
kanilang pagkilala
D.Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian maayroon
kundi sa karangalan
bilang tao.
7. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-
loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa
tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.
A. emosyon
B. isip
C. kilos-loob
D. karunungan
8. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at
isakatuparan ang pinili
A. isip
B. damdamin
C. kilos-loob
D. pagkatao
9. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
A. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
B. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga particular
na mga bagay.
C. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan
nito ang kaniyang
nauunawaan.
D. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o
emosyon, paghuhusga at
Pagpapasiya.
10. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa
kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng
kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag
(calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
A. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.
B. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.
C. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.
D. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.
11. Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag
na Kaniyang obra maestro. Ano ang nais iparating ng kasabihan?
A. Kamukha ng tao ang Diyos.
B. Kapareho ng tao ang Diyos.
C. Ang tao ay nilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
D. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangian taglay Niya.
12. Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong
pangalagaan ang ating buhay
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-
aralain ang mga anak
C. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang
katotohanan, lalo na tungkol sa
Diyos at mabuhay sa lipunan
D.Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil
sa pagkakamali mas
yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
13. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
A. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya
upang magamit niya nang
tama ang kaniyang kalayaan
B. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan
ng tama at mali, ng mabuti at
masama sa kaniyang isip
C. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin
sa lahat ng pagkakataon
D. Lahat ng nabanggit
14. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo
ang
masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.”
Ano ang
ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
B. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
C. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog
ito upang
kumiling sa mabuti.
D.Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling
pagpapasiya.
15. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa paghahanda ng mga
kabataan sa tunay na tunguhin, kaligayahan at kaganapan bilang tao?

A. pagbibigay ng edukasyon
B. paghubog ng pananampalataya
C. paggabay sa mabuting pagpapasiya
D. paglalaan ng mga pangangailangan sa araw-araw
Answer Key
1b 9c
2b 10 b
3d 11 d
4d 12.d
5a 13.c
6d 14.C
7d 15. d
8c

You might also like