You are on page 1of 35

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
Abigail S. Laggui
Unang
Markahan –
Modyul 1:
Layunin ng
Lipunan:
Kabutihang
Panlahat
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
A.Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat
B.Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa
kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan.
C.Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at
mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang
magpapatatag sa lipunan.
D.Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang
pamayanan o sektor sa pangangailagang pangkabuhayan,
Panuto: Basahin mong mabuti ang mga
pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?

A. Kabutihang Panlahat C. Katiwasayan


B. Kapayapaan D. Kasaganaan
Panuto: Basahin mong mabuti ang mga
pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?

A. Kabutihang Panlahat C. Katiwasayan


B. Kapayapaan D. Kasaganaan
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga
elemento ng kabutihang panlahat?

A. Kapayapaan
B. Katiwasayan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan at kapakanang panlipunan ng lahat
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga
elemento ng kabutihang panlahat?

A. Kapayapaan
B. Katiwasayan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan at kapakanang panlipunan ng lahat
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi hadlang sa pagkamit ng
kabutihang panlahat?

A.Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad


B.Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan
C.Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang
naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
D.Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang
panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para pagkamit
nito.
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi hadlang sa pagkamit ng
kabutihang panlahat?

A.Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad


B.Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan
C.Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang
naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
D.Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang
panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para pagkamit
nito.
4. Alin sa mga sumusunod na elemento ng kabutihang
panlahat ang nangangahulugan ng pagkakaroon ng
katahimikan, kapanatagan, o kawalan ng kaguluhan sa
lahat ng aspekto ng buhay?

A. Kapayapaan C. Kabutihang Panlahat


B. Paggalang D. Katarungan
4. Alin sa mga sumusunod na elemento ng kabutihang
panlahat ang nangangahulugan ng pagkakaroon ng
katahimikan, kapanatagan, o kawalan ng kaguluhan sa
lahat ng aspekto ng buhay?

A. Kapayapaan C. Kabutihang Panlahat


B. Paggalang D. Katarungan
5. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:

A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay


B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay
nakatuon sa ating kapuwa.
C. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais
na makapag-isa
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa
pagiging panlipunan
5. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:

A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay


B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay
nakatuon sa ating kapuwa.
C. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais
na makapag-isa
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa
pagiging panlipunan
May mga bagay-bagay o pangayayari sa iyong
paligid noon na hindi mo binibigyang pansin
dahil bata ka pa. Ngunit sa paglipas ng panahon,
dumarating talaga ang pagkakataong mas
mahalaga para sa isang kabataang katulad mo ang
maging mapagmatyag sa mga pangyayari sa iyong
paligid.
Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa
lipunan; isa ito sa itinalagang likas na katangian ng mga
nilikha ayon sa Likas na Batas. Kung kaya, ang ating
pagiging kasama-ng-kapuwa ay isang pagpapahalaga
na nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating
pagkatao (Dy, M.,1994). At ang pagiging kasama-
ng-kapuwa ay makakamit lamang kung makikilahok
at makikipamuhay ka sa lipunan.
◦ Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat sa iyong
kuwaderno.

◦ 1. Ano ang kahulugan ng lipunan?


◦ 2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? Paano ito makakamit?
◦ 3. Ano ang maaari mong gawin upang makatutulong sa pagkamit
ng tunay na layunin ng lipunan?
◦ Gawain 2: Tsart

◦ Ano-ano ang mga kinakaharap na suliranin sa ngayon ng ating:


1. Pamilya
2. Paaralan
3. Simbahan
4. Komunidad
5. Bansa
Sa yugtong ito, mahalagang tandaan na ang tunay na paggalang sa
dignidad ng tao ay nangangailangan ng pagkamit sa kabutihang
panlahat. Ganap lamang na masasabing tunay na kinikilala ang
dignidad ng tao kung nananaig sa lahat ng pagkakataon ang
kabutihang panlahat.

Nararapat magmalasakit ang lahat upang lumikha o sumuporta sa


mga institusyong panlipunan at paunlarin ang kalagayan ng buhay ng
bawat indibidwal na sumasalamin sa lipunan.
Sa lipunan, nagkakaroon ang tao ng pagkakataong maipakita
ang pagmamalasakit, ang tumulong at magtulungan sa panahon ng
pangangailangan. Naipapakita ang pagmamalasakit na ito sa
pagdamay at bukas-palad na pagtulong sa kapuwang walang
hinihintay na kapalit. Dahil dito, umuusbong ang pagtitiwala sa
kapuwa na siyang dahilan ng sama-samang pagkilos tungo sa
isang mithiin.

Nangingibabaw sa pagkakataong ganito na hindi lamang ang


personal na kabutihan ng indibidwal ang nilalayon ng lipunan kundi
ang kabutihang panlahat
Ayon naman kay John Rawls, ang kabutihang panlahat ay
ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa
kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan. Binibigyang
linaw din na ang kabutihang panlahat ay tumutukoy sa kabutihang
naaayon sa moralidad ng tao sa Likas na Batas Moral.
MGA ELEMENTO NG
KABUTIHANG
PANLAHAT
1. ANG PAGGALANG SA
INDIBIDWAL NA TAO.
Dahil ang kabutihang panlahat ay
nagpapahalaga sa kalikasan ng tao,
hindi ito lubos na iiral kung hindi
kikilalanin at pahahalagahan ang
kaniyang dignidad. Sa dignidad,
nakakabit ang iba’t ibang karapatang
kailangang igalang at dapat matamasa
ng lahat ng tao sa lipunan.
2. ANG TAWAG NG
KATARUNGAN O KAPAKANANG
PANLIPUNAN NG PANGKAT.

Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng


panlipunang tungkuling kailangang
maibigay sa mga tao.
3. ANG KAPAYAPAAN.
Kalimitang sinasabi na ang
kapayapaan ay ang pagkakaroon ng
katahimikan, kapanatagan o kawalan ng
kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay
tulad ng isip, kalooban, pamilya,
lipunang ginagalawan at iba pa. Ang
kapayapaan ay resulta ng
pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan at kawalan ng kaguluhan.
MGA HADLANG SA
PAGKAMIT NG
KABUTIHANG PANLAHAT
1. Nakikinabang lamang sa
benepisyong hatid ng kabutihang
panlahat, subalit tinatanggihan ang
bahaging dapat gampanan upang
mag-ambag sa pagkamit nito. Ang
mahalaga sa iba ay ang pakinabang
na kaniyang makukuha sa kabutihang
panlahat na nagmumula sa malasakit
at pagsasakripisyo ng iba.
2. ANG INDIBIDWALISASYON O
ANG PAGGAWA NG TAO NG
KANIYANG PERSONAL NA
NAISIN.

Nais ng taong maging malaya sa


pagkamit ng pansariling tunguhin
nang walang ibang nanghihimasok o
nakikialam sa kaniya
3. Ang pakiramdam na siya ay
nalalamangan o mas malaki ang
naiaambag niya kaysa sa nagagawa
ng iba.

Upang mapanatili ang kabutihang


panlahat hinihingi sa ilan ang mas
malaki at mabigat na pananagutan
kaysa sa iba.
MGA KONDISYON SA
PAGKAMIT NG
KABUTIHANG PANLAHAT
Joseph de Torre (1987):
1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong
makakilos nang malaya na ginagabayan ng diyalogo,
pagmamahal, at katarungan.
2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na
mapangalagaan.
3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad
patungo sa kaniyang kaganapan.
Pagyamanin Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang kahulugan ng lipunan?


2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? Paano ito makakamit?
3. Paano ka makatutulong na makaiwas sa problema ng lipunan at ng bansa katulad ng
pandemya, kalamidad o bagyo?
4. Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, magiging madali ba o mahirap ang pagkamit
ng tunay na layunin ng lipunan? Ipaliwanag.
5. Paano malalampasan ang mga balakid sa pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan?
Magbigay ng halimbawa sa bawat isa at ipaliwanag ito.
B. Bilang kabataan, ikaw ang pag-asa ng ating bayan. Paano
ka makakatulong para maiwasan ang pandemyang ating
kinakaharap sa panahon ngayon? Paano mo maisasabuhay
ang Kabutihang Panlahat? Isulat ang iyong mga sagot gamit
ang Fishbone Organizer na nasa ibaba.
C. Ipaalam Ko! Bilang isang kabataan, ano ang nagawa mo
para sa bansa o sa iyong komunidad? Mayroon ka bang
kayang gawin ngunit hindi mo pinagsisikapang gawin?

Panuto: Gumawa ng ISLOGAN na magpapahiwatig ng halaga


ng bawat isa para sa kabutihan ng lahat. Ilagay ito sa kahon sa
ibaba.
Halimbawa
: Pagpapahalaga sa Kalikasan, Aking Paninindigan

You might also like