You are on page 1of 2

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP) 9

Name: ______________________________ Grade & Section: _____________________

I. PAGPIPILI:
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap/ katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Ano ang ibig sabihin ng “kabutihang panlahat?”


A. Masasabing ito ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan.
B. Ito ay isang pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan.
C. Ito ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng
kasapi ng isang lipunan.
D. Lahat ng nabanggit

_____2. Ito ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat.


A. Pamilya B. Sambayanan C. Komunidad D. Lipunan

_____3. Alam mo na mahalaga sa pakikipagkapuwa ang pagmamahal. Ano ang gagawin mo?
A. Igagalang mo ang mga mayamang tao.
B. Igagalang ang mga guro mo ngayon sa Baitang 9.
C. Tulungan mo ang mga taong makapagbigay ng anomang kapalit s aiyo.
D. Tulungan mo ang mga nangangailangan na hindi ka naghihintay ng gantimpala.

_____4. Aling sitwasiyon ang hindi nagpapakita ng kabutihang panlahat?


A. Pina-iiral ang 4 P’s upang makatulong sa mga kababayang naghihirap sa buhay.
B. Isinakripisyo ng mga bayani ang kanilang buhay upang makamtan ang kalayaan.
C. Nag-aaral ka upang makapagsilbi sa iyong lipunan bilang doktor.
D. Ibinabahagi mo ang iyong mga sagot sa iyong katabi.

_____5. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga


interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar.
A. Pamilya B. Sambayanan C. Komunidad D. Lipunan

_____6. Ano ang tunay na tunguhin ng kabutihang panlahat?


A. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng lahat ng tao
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

_____7. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng tunay na “kapayapaan”?


A. Ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng kaguluhan.
B. Ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan ng
kaguluhan.
C. Magkakaroon ng kapayapaan kung wala nang naghihirap.
D. Magkakaroon ng kapayapaan kung matitino ang mga namumuno.

_____8. Ang mga sumusunod ay nakakahadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat


MALIBAN sa isa. Alin ang hindi kabilang?
A. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang
bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
B. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
C. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay ang
diyalogo, pagmamahal at katarungan.
D. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa
ng iba.

_____9. Bakit kailangan ng bawat isa sa atin na kumilos upang makamit ang kabutihang panlahat?
A. Dahil ayaw natin makaroon ng mga tamad sa lipunan.
B. Dahil may kani-kaniya tayong kakayahan, katayuan at kinalalagyan sa lipunan
C. Dahil hindi tayo mabubuhay na mag-isa lamang.
D. Dahil may karapatan tayong kumilos

_____10. Misyon ng tao ang pagpapanatili ang kabutihang panlahat. Alin dito ang hindi totoo?
A. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
B. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
C. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya.
D. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan.

II. SANAYSAY. (5 PUNTOS BAWAT ISA)


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (Ang iyong kasagutan ang dapat hindi bababa sa
tatlong pangungusap.)

1. Paano makakamit at mapananatili ang kabutihang panlahat? Bakit ba mahalagang ito ay makamit at
mapanatili?

2. Ano ang iyong pananaw ukol sa kasabihang “Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa
kaniyang sarili lamang”.

3. Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, magiging madali ba o mahirap ang pagkamit ng tunay na
layunin ng lipunan?Ipaliwanag

4. Ano ang pangarap mo sa buhay? Paano mo kaya ito maaabot?

For we are taking pains to do what is right, not only in the eyes of the Lord but also in the eyes of man.
2 Corinthians 8:21

You might also like