You are on page 1of 2

AP REVIEWER

1. ITALYANO- tanging lahi ng mga mangangalakal na europeo na pinayagan ng mga turkong ottoman na dumaan at
mangangalakal sa Asya.
2. CONSTANTINOPLE- pinakamahalagang gampanin nito ay ito ang nagsilbi bilang pangunahing rutang pangkalakalan mula
Europa hanggang asya.
3. AKLAT NA THE TRAVELS OF MARCO POLO- sa aklat na ito inilarawan ang karangyahan at kayamanan ng Asya.
At dahil din sa aklat na ito nahikayat ang mga kanluraning pasyalan ang narrating ni Marco Polo.
4. MERKANTILISMO- prinsipyong pang ekonomiya na kung saan ay naniniwala ang mga bansa sa Europa na ang sukatan ng
kapangyarihan at kayamanan ay kabuuang dami ng ginto at pilak ng isang bansa.
5. RENAISSANCE- nagbigay diin sa pagbabalik ng interes sa mga kaalamang klasikal ng Griyego-Romano.
6. SPAIN- bansang Europeo na hindi nakarating sa India.
7. LANGIS- dahilan kung bakit pinag interesan ng mga Europeo ang kanlurang Asya.
8. GREECE AT ITALY- mga bansang hindi kasali sa nagpaligsahan sa paggalugad at pagtuklas.
9. MOLUCCAS- dito matatagpuan ang mahahalagang pampalasa o spices.
10. KOLONYALISMO- tumutukoy sa direktang pamamahala ng isang makapangyarihang bansa sa iba pa sa layuning
mapakinabangan ang mga likas na yaman nito at matugunan ang iba pa nilang pangangailangan.
11. VASCO DA GAMA- Siya ang nakatuklas ng India gamit ang pasilangang ruta.
12. SISTEMANG MANDATO- patakarang pinairal ng mga Kanluranin sa kanlurang asya na kung saan pansamantala silang sasailalim
sa kamay ng mga kanluranin habang tinutulungan silang makapagsarili at makapagtatag ng pamahalaan.
13. PRINSIPE HENRY “THE NAVIGATOR” – Siya ang nagsilbing inspirasyon ng mga Europeo na maghanap ng bagong lupain.
14. NASYONALISMO- ito ay ang pagkakaroon ng damdaming Makabayan na maipakita sa matinding pagmamahal sa inang bayan.
15. SATI O SUTTEE- ito ay ang pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama s alibiing ng namatay na asawa.
16. RACIAL DISCRIMINATION- pagbabago sa India sa ilalim ng mga ingles na hindi katanggap tanggap para sa mg aHindu.
17. PAGBOYKOT- hindi pagtangkilik sa lahat ng mga produktong ingles ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu bilang pagtutol sa
pamahalaang Ingles.
18. AMRITSAR MASSACRE- pangyayaring naganap noong April 13, 1919 na kung saan ay pinagbabaril ng mga sundalong Ingles
ang mga Indian sa gitna ng isang selebrasyon, ito rin ang nagpaigting sa damdaming nasyonalismo sa India.
19. PAG-AALASA NG MGA SUNDALONG SEPOY NOONG 1857- ito ay dahil ginamitan ng mga labis na mantika na nagmula sab aka
at baboy ang mga bagong cartridge ng mga ripleng ipinagamit sa kanila.
20. NASYONALISTA- sila ang namuno at nagpamalas ng pagiging Makabayan at nagpunyagi upang matagumpay na matamo ang
inaasam na Kalayaan ng kani-kaniyang mamamayan at bansa.
21. AGGRESSIVE NATIONALISM- halimbawa nito ay ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.
22. PASSIVE RESISTANCE- pamamaraang ginamit ng mg aHindu sa ilalim ng pamumuno ni Mohandas Gandhi upang ipakita ang
pagtutol sa pananakop ng mga Ingles.
23. PAGTATAG NG SISTEMANG MANDATO NG MGA KANLURANIN SA KANLURANG ASYA- ito ang hakbang na ginawa ng mg
akanluranin sa kanlurang asya matapos ang unang digmaang pandaigdIG.
24. MUHAMMAD ALI JINNAH- tinaguriang “ama ng Pakistan” at nagtatag ng Muslim League.
25. Ayatollah Khomeini- Lider ng bansang Iran na hayagang bumatikos sa pagpanig at pangangalaga ng Shah sa interes ng mga
dayuhan tulad ng US.
26. AMRITSAR MASSACRE- matapos itong maganap ay lalong sumidhi ang damdaming nasyonalismo ng mga Indian upang
makamit ang kanilang Kalayaan.
27. “ MAS MALAKAS ANG PWERSA NG WALANG KARAHASANG LUMALABAN, MALAYA SA POOT AT WALANG ARMAS NA
KAILANGAN”- ITO AY PAHAYAG NA Gandhi na ang ibig sabihin ay Ang mapayapang pakikipaglaban ay mas mabisa kaysa sa
karahasan.
28. MOHAMMED ALI JINNAH- lider nasyonalista na naguna sa isang samahan upang magkaroon ng sariling estado ang mga
Muslim sa India.
29. PAGLAHOK SA GAWAING POLITIKAL- Karapatan na natamo ng mga kababaihan bunga ng pagbibigay s akanila ng pantay na
Karapatan.
30. HUDYO- sila ay nagsagawa ng pagkilos upang bumalik sa lupaing pangako na kinilala bilang Israel.
31. IMPLIKASYON SA INDIA NG GINAWANG PANANAKOP NG MGA INGLES- ito ang nagsilbing dahilan ng masidhing
nasyonalismo upang makamit ang Kalayaan.
32. PANGKULTURAL-aspeto ng pamumuhay ng mga asyano na may kaugnayan sa relihiyon tulad ng Buddhismo, Islam at
kristiyanismo.
33. NEOKOLONYALISMO- isang makabagong paraan ng pananakop sa pamamagitan ng pagtulong sa maliliit na bansa subalit
mayroong nakakubling layunin.
34. MAHABHARATA AT RAMAYANA- dalawang kilalang epiko na nagmula sa India.
35. MASJID- kilalang arkitekturang muslim na nagpapahayag ng sining islamik.
36. SUMIGLA ANG KALAKALAN SA PAGITAN NG KONTINENTE NG EUROPA AT ASYA- pinakamahalagang pangyayari na naidulot ng
krusada.
37. KRUSADA- Ito ang nagpasigla sa kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya na nagbunsod upang higit na magkainteres ang mga
Europeo na makarating sa Asya.
38. IMPERYALISMO- tawag sa pamamaraan ng pagkakaroon ng sariling pamahalaan ng bansa ngunit ag mga patakaran at
kautusan ay idinidikta ng mga imperyalistang bansa lalo na sa mg apatakarang panlabas.
39. KOLONYA: direktang pagkontrol
Protectorate: may sariling pamahalaan ngunit pinangangalagaan ng imperyalistang bansa
40. MALAYANG PAKIKIPAGKALAKALAN- pangunahing hangarin ng imperyalismong kanluranin sa Asya.
41. DULOT NG KOLONISASYON SA MGA ASYANO- nagging masidhi ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon
ang sariling kaunlaran ng bansa.
42. PAGSUPORTA SA PANDAIGDIGANG SAMAHAN- nararapat gawin upang maiwasan ang hidwaan , di pagkakaunawaan at
digmaan sa pagitan ng mga bansa.
43. NAHATI ANG SIMPATYA NG MGA MAMAMAYAN SA DALAWANG ESTADO, AT ISINILANG ANG BANSANG PAKISTAN- epekto sa
katayuan ng bansa at mamamayan ng mahati ng India sa dalawang estado
44. PAKISTAN- bansa sa Timog asya kung saan natatag ang WOMEN’S ACTION FORUM” na nangangalaga sa mga Karapatan ng
mga kababaihan.

You might also like