You are on page 1of 3

REVIEWER SA ARALING PANLIPUNAN 7

DINASTIYANG MING – panahon kung saan ito ang namumuno noong unang
marating ng mga Portuguese ang Silangang Asya. Ito rin ang pangalawa sa
pinakahuling dinastiya na namuno sa China.
VASSAL STATES – mga bansa mula Korea hanggang Timog Silangang Asya na
nagbabayad ng tributo sa emperador ng Dinastiyang Ming bilang pagkilala sa
kapangyarihan nito.
TRIBUTO – ito ay kabayaran ng isang bansa sa isa pang bansa bilang
patunayan na ito ay nagpapasailalim sa kanyang kapangyarihan.
ZHENG HE – nagsagawa ng pitong eksplorasyon sa Aprika at Asya
 Kasama nito ang halos 27,000 tripolante na binubuo ng mga mandaragat,
doktor, sundalo, karpintero, tagatuos (accountant), tagasalin at iba pa.
 Namahagi ng mga regalong ginto at pilak upang maipakita ang
superyoridad ng mga tsino sa ibang bansa.
 Napagtanto ng mga ilang tsinong opisyal at iskolar na ito ay magastos at
pagsasayang ng pera ng pamahalaan kung kaya’t ito ay ipinatigil ng
sumunod na emparador.
ISOLATIONISM / POLICY OF ISOLATION - ito ang pagpataw ng restriksyon sa
paglalakbay at pakikipagkalakalan sa ibang bansa upang malimitahan ang
pakikipag-ugnayan mula sa labas ng bansa.
 Dahil sa pagdating ng mga mangangalakal at kristiyanong misyonero
mula sa Europa na may dalang maraming mga ideya at kalakal mula sa
Kanluran.
 Hindi kagustuhan ng emperador ang malaking impluwensiya ng mga
Europeo.
CANTON, NINGBO, MACAO – mga lugar kung saan maaaring
makipagkalakalan ang mga dayuhan
PORTUGAL – unang nakapagpatayo ng trading port sa MACAO
GREAT BRITAIN at NETHERLANDS – nagsasagawa ng pakikipagkalakalan sa
CANTON ngunit may superbisyon ng pinuno
CHINA BILANG “MIDDLE KINGDOM” – sentrong kultural ng daigdig ng 2,000
taon. Angat sa lahat ng mga bansa
MGA PALATUNTUNIN SA KALAKALAN SA CHINA – 1) Makipagkalakalan sa
mga takdang daungan lamang; 2) Magbayad ng tribute; at 3) Magsagawa ng
ritwal na kowtow
KOWTOW – ito ay ritwal ng pagbibigay-galang sa emperador ng Tsina sa
pamamagitan ng pagluhod sa harapan nito at pagdikit ng noo o ulo sa lupa o
sahig ng siyam na beses
EMPERADOR KANG XI – unang pinuno sa dinastiyang Qing
EMPERADOR QIAN LONG – apo ni Emperador Kang Xi na nagpatuloy sa
pagpapalawak sa bansnag China
DUTCH – higit na nakatanggap ng pabor mula sa dinastiyang Qing
LORD GEORGE MACARTNEY – personal na nag-abot ng mensahe kay
emperador Qian Long
GEORGE III – Hari ng Great Britain
ORASAN, SALAMIN SA MATA, BARIL – mga dalang kalakal ng Portuguese
patungong Japan
DAIMYO - isang pinunong piyudal na nagmamay-ari ng lupa at mga
panginoong militar, sa sinaunang Hapon
ODA NOBUNAGA – pinakakilalang Daimyo sa Japan
SEPPUKU – ritual suicide sa Japan
TOYOTOMI HIDEYOSHI – pinakamahusay na Heneral
JESUITS, FRANCISCANCS, AT DOMINICANS – mga misyonero na
nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Japan
FRANCIS XAVIER – unang misyonero na nakapagbinyag ng Krisyanismo sa
mga Hapones
PAGPAPASOK NG MGA BRITON NG OPYO BANSANG TSINA – malaki ang
interes ng mga British sa kalakalan ng Tsina.
PAGSIKLAB NG DIGMAANG OPYO - pagsira ng mga Tsino sa mga opyong
kinakalakal ng mga Briton.
TREATY OF NANKING – kasunduan pagkatapos ng unang digmaang opyo
JAPAN, CHINA, KOREA – mga bansang nagpatupad ng Isolationism
OPEN DOOR POLICY – pagpapawalang bisa sa lahat ng restriksyon sa
kalakalan
TIMOG-SILANGANG ASYA – interes ng mga dayuhan dahil dito nagmumula
ang spice trade
BAGONG IMPERYALISMO, COMERCIAL COLONIALISM, FACTORY FORT
SYSTEM – mga yugto ng kolonyalismo sa Timog-Silangang Asya
ALFONSO DE ALBUQUERQUE – nanguna sa madugong pag-agaw sa Malacca,
Indonesia
DEATH MARCH – paglalakad ng mga Pilipino at Amerikano mula Bataan
hanggang Tarlac
EKSEKUSYON NG GOMBURZA – napagbintangang nagpasimula ng pag-aalsa
sa Cavite
MARIANO GOMEZ, JOSE BURGOS, JACINTO ZAMORA – Mga Paring Martyr
GOMBURZA – nagbigay daan sa pagkatatag ng kilusang propaganda sa
Pilipinas
SUPORTA NG FRENCH KAY BAO DAI – upang hikayatin ang suporta ni Ho Chi
Minh
MGA KILUSAN SA INDONESIA
 BUDI UTOMO – nagtataguyod sa pagsasaayos ng kalagayan ng mga
katutubo sa Indonesia
 SAREKAT ISLAM – pagprotekta sa interes ng mga Indonesian laban sa
mga mangangalakal na Tsino
 PERSERIKATAN NASIONAL INDONESIA (INDONESIAN NATIONALIST
PARTY) – pagkamit ng Kalayaan sa mga Dutch
SUKARNO – unang pangulo ng Indonesia
VIETNAM – pinakamatagal na nakipaglaban para sa Kalayaan ng kanilang
bansa
HO CHI MINH – nagtatag sa Viet Minh / League for Independence of Vietnam
GENEVA AGREEMENTS – paghahati sa Vietnam gamit ang 17th parallel
Bao Dai – Pinuno ng Timog Vietnam
Ho Chi Minh – Pinuno ng Hilagang Vietnam
1975 – Pagiging isang bansa ng Vietnam
NASYONALISMO SA INDONESIA – pamamahala ng mga Dutch sa mga
posisyon sa pamahalaan
THAKIN - binubuo ng mga radikal na mag-aaral na nagtatag ng isang pagkilos
upang makamit ang kalayaan ng Myanmar.
AUNG SAN – tagapagtatag ng Dobama Asiayone “We Burmese Association”
Aung San Suu Kyi – tagapagtaguyod ng demokrasya sa Myanmar / Burma
TAIPING REBELLION – nangangahulugang great peace
BOXERS - tawag sa kanila ng mga dayuhang nakakita sa kanila habang
nagsasanay ng martial arts
PILIPINAS – unang bans ana nakalaya pagkatapos ng ikalawang digmaang
pandaigidig
WAR PLAN ORANGE - pagsasanib pwersa ng mga Pilipino at sundalong
Amerikano sa Bataan at Corregidor
MUTSUHITO – nahirang na bagong emperador sa Japan sa edad na 15 taon
UNITED STATES, JAPAN, SPAIN – mga bansang sumakop sa Pilipinas
VIETNAM, BRUNEI, MALAYSIA, PILIPINAS, MYANMAR – mga bansang
nasakop sa Timog-Silangang Asya

You might also like