You are on page 1of 8

ARALIN 15

Ang mga Pagbabago sa Silangan


o Hilagang-Silangan at Timog-Silangang
Asya

Pagbabago sa Sistemang Politikal


Silangan o Hilagang-Silangang Asya

Noong Oktubre 1, 1949, ang kabuoan ng China ay nasakop na ng mga komunista


at itinatag ni Mao Zedong ang People's Republic of China. Samantala, itinatag
naman ng pangkat nasyonalistan Chiang Kai-Shek ang Republic of China sa
Taiwan. Ang pamahalaan ng People's Republic of China ay binubuo ng State
Council, National People's Congress. administratibong ehekutibo, lehislatura,
kontrol, husgado, at eksaminasyon. Ang pamahalaan ng Japan ay naging
constitutional monarchy. Sa ilalim ng sistemang ito, ang emperador ng bansa ang
naghahari ngunit walang anumang kapangyarihan o ginagampanang katungkulan
sa pamahalaan. Siya ay nagsisilbing simbolo lamang ng estado na nagbibigkis sa
nakaraan at kasalukuyang kasaysayan ng bansa. Itinatag naman ng mga
mamamayang Korean ang Republic of Korea (South Korean), isang demokratikong
pamahalaan. Ito ay binubuo ng tatlong sangay: ehekutibo, lehislatibo, at
hudikatura. Democratic People's Republic of Korea o DPRK o North Korea ay
nagtatag ng rehimeng komunismo sa tulong ng Soviet Union. Ang pamahalaan ng
North Korea ay napangingibabawan ng Korean Worker's Party o KWP. Ang
Mongolia ay naging isang semi- presidential representative democratic republic
kung saan ang nahalal na pangulo ay namamahala kaagapay ng punong ministro
at gabinete.
Timog-Silangang Asya

Ang Pilipinas ay pinagkalooban ng kasarinian ng United States noong Hulyo 4,


1946 at nagtatag ng isang demokratikong republiez Ang Saligang Batas ng 1935 na
nagtatag ng Komonwelt ng Pilipinas.
Karanasan at Bahaging Ginampanan ng Kababaihang Asyano Tungo sa
Pagkakapantay-pantay
Ang mabilis na pag-unlad ng ekonomiya at pag-usad ng kalagayang panlipunan at
pampolitikal sa Asya ay nagbunsod ng malaking pagbabago sa estado ng
kababaihan sa lipunang Asyano.

Silangan o Hilagang-Silangang Asya

Sa tradisyonal na kulturang Tsino na lipunang patriarchal, hindi patas ang


pagtingin sa kababaihan at kalalakihang Tsino. Ang ideang pagpapalaya sa
kababaihan mula sa kaisipang patriarchal ay hindi sinang-ayunan ng Partido
Nasyonalista. ang samahang pangkababaihan na All-China Democratic Women's
Boundation o All-China Women's Federation na nabuo noong 1949. Layon ng
kilusang ito ang pagtataguyod at pangangalaga sa karapatan ng kababaihan, at
higit sa lahat, upang mapalaya ang kababaihan sa tradisyonal na pamantayan ng
lipunang patriarchal.
Kaiba sa kilusang nasyonalista, pinasimulan ni Mao Zedong ang kampanya para sa
pagpapabagong-buhay ng kababaihang Tsino. Pinasimulan niya ang kampanya sa
pamamagitan ng propagandang "Women Hold Up Half the Sky. Ito ay nagsimula
sa pagpapalabas sa kababaihan sa kani-kanilang tahanan upang maklisa sa lakas-
paggawa ng China. Ang pangyayaring ito ay nasundan ng ilan pang batas na
ikinabuti ng kalagayan ng kababaihan sa bansa na ipinatutupad pa rin hanggang
sa kasalukuyan.
Marriage Law of 1950 - hindi lang ipinagbawal ng batas na ito ang labis na paniniil
at pagmamaliit sa kababaihan, bagkus, binigyan din ng batas na ito ng karapatan
ang kababaihang magdesisyon tungkol sa kanilang pag-aasawa, tulad ng pagpili sa
kung sino ang gusto nilang mapangasawa at kung kailan nila nais na mag-asawa.

Marriage Law of 1980 - ipinagpatuloy nito ang pagbabawal sa pakikiapid


(polygamy, bigamy, at mercenary marriage). Tinitiyak ng batas na ito ang pagsang-
ayon ng kababaihan at kalalakihan. Ang dating legal na polygamy at pagkakaroon
ng iba pang kinakasama ng mga Tsino na lalaki ay marin nang ipinagbabawal.

Law of Protection of Rights and Interests of Women of 2005 sa pamamagitan ng


batas na ito, ang karahasan o domestic violence laban sa kababaihan ay tuluyan
nang naging krimen.

National Working Committee


on Children and Women
 NWCCW itinatag ng State Council ang organisasyong ito noong Pebrero 22,
1990, na siyang namamahala, sumusubaybay, at nagsusulong sa
pagpapatupad ng mga karapatan ng kabataan at kababaihan.
 Employment Promotion Law and Labor Contract Law (2007) - tinitiyak ng
batas na ito ang pagkakaroon ng legal na karapatan at kondisyon ng
kababaihan sa paghahanapbuhay.
 PRC Law on the Protection of Women's Rights: Article 40- mahigpit na
ipinagbabawal ng batas na ito ang sexual harassment sa kababaihan.
China Women's Development Program (2011-2020) inaatasan ng batas na ito ang
mga tanggapan na magpatupad hi ng mahigpit na batas na may kinalaman sa
sexual harassment upang maiwasan ang pang-aabuso sa kababaihan.
Bukod sa mga tinalakay, patunay rin ng pagpapahalaga ng China sa kababaihan
ang sapilitang pagbibigay ng taunang eksaminasyong pangkalusugan sa
kababaihang nabibilang sa lakas- paggawa ng bansa. Kabilang dito ang mga batas
para sa ikabubuti ng mag-inang Tsino na Maternal and Child Care Law.

Samantala, ang karapatang pangkababaihan sa Edo, Japan ay limitado lamang.


Walang tunay na karapatan at kapangyarihan ang kababaihan bukod sa limitado
ring karapatang pang-edukasyon na tinatamasa lamang ng mga asawa at anak ng
mga samurai na estriktong ipinagbabawal ang paggamit ng kanilang pinag-aralan
sa politika o pamahalaan. Ipinagbawal din sa kanila ang pagsulat ng hiragana at
panitikan at ang pakikiisa sa mga transaksiyong pang-ekonomiya.

Ang United Nations at ang


Kampanya Laban sa
Diskriminasyon ng Kababaihan
Ayon sa United Nations, kailangang maipatupad ang pantay na pananagutan sa
pagitan ng kalalakihan at kababaihan; na kailangan ang pantay na karapatan ng
kababaihan sa lahat ng aspekto ng buhay: sa edukasyon, hanapbuhay, politika,
kalusugan, at nutrisyon.

Si Aung San Suu Kyi ng Myanmar ay habambuhay na hindi malilimutan ng mga


Asyano dahil sa kaniyang pakikipaglaban para sa pagpapanatili ng kalayaan at
demokrasya sa kaniyang bansa. Kahanga-hanga rin ang ipinamalas na tapang at
lakas ng loob ni Corazon C. Aquino nang siya ay nanilbihan bilang pangulo ng
Pilipinas nang bumagsak ang rehimen ni Ferdinand E. Marcos, Sr. Gayundin ang
pagpapakita ng galing at determinasyon ni Gloria Macapagal Arroyo nang palitan
niya si Joseph Estrada matapos ang pag-aalsa ng mga mamamayan noong EDSA II
sa Pilipinas.
ARALIN 16

Kontribusyon ng Silangan o
Hilagang-Silangan at Timog-
Silangang Asya

Larangan ng Seramiks at
Pagpapalayok

Ang mga seramik at palayok sa Silangan o Hilagang-Silangang Asya ay repleksiyon


ng mayamang kulturang Tsino. Sa mahabang panahon ng kasaysayan ng mga
Tsino, ang kagamitang gawa sa seramiks at earthen ware (terracotta o clay na
pinainitan sa apoy), ay naging gamit na ng mga Tsino sa paglikha ng mga
pangunahing bagay na gamit sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Nakatulong
din ang kagamitang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan sa dahilang ito
ang isa sa mga naging pangunahing produktong iniluluwas ng mga Tsino sa
Europe. Maraming uri ng proselana ang nailuwas sa Europe noong panahon ng
dinastiyang Qing at Ming. Noong 2012, natuklasan sa yungib ng Xianrendong
Jiangxi, China ang ilang piraso ng seramik. Matapos itong suriin, napag-alamang
ito ang pinakamatandang seramik sa daigdig na tinatayang may 20,000 taon na.
Ito ay pinangalanang Xianrendong Cave Pottery.

Samantala, pumapangalawa naman dito ang Cache of Yuchanyan Cave mula sa


lalawigan ng Hunan. Sa China rin nagmula ang kauna-unahang porselana na
natuklasang gawa pa noong panahon ng dinastiyang Ming. Ang puti at asul na
porselana ay nagmula sa Japan, samantalang ang mga celadon naman ay
nanggaling sa Korea at China. Ang mga porselana, bago ang dinastiyang Ming, ay
naaadornohan ng mga dragon, bulaklak, at iba pang simbolong naaayon sa feng
shui. Sa panahon ng Ming, ang mga ito ay naaadornohan na ng mga simbolong
may kaugnayan sa Confucianism, Taoism, at Buddhism.

Mayaman din ang kalakhang rehiyon ng Timog-Silangang Asya sa mga katutubong


seramiks at palayok, Ang mga bansang Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand,.
bansang insular ng rehiyon tulad ng Brunei, Timor Leste, Indonesia, Malaysia,
Pilipinas, at Singapore ay karaniwang gumagawa lamang ng tinatawag na
utilitarian earthenware o kagamitang gamit sa pagluluto, imbakan ng pagkain o
tubig, at bilang sisidlan ng mga yumao.

Larangan ng Musika
at Sayaw

Ang musika at sayaw sa Silangan o Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya ay


naglalarawan sa kani-kanilang kultura, relihiyon, at tradisyon. Ang talch'um, fan
dance, at drum dance ang tradisyonal na sayaw ng Korea. Ang talch'um ay
isinasayaw ng nakamaskara na sinasabayan ng pag-awit. Karaniwan itong
isinasayaw sa mga ritwal sa pamayanan katulad ng pagbibigay-proteksiyon sa tao
at pagkakaroon ng masaganang ani. Isinasadiwa rin nito sa ibang pagkakataon ang
kabiguan na nadarama ng mga mamamayang kabilang sa mababang antas ng
lipunan laban sa mga yangban bunsod ng di-pantay na trato ng mga ito sa
kanilang antas noong panahon ng dinastiyang Choson. Ang fan dance naman na
nalinang noong panahon ng Dinastiyang Joseon ay sinasayaw gamit ang abaniko.
Ito ay isinasayaw rin sa ritwal ng mga shaman upang itaboy ang masasamang
espiritu at upang maghatid ng kasaganaan. Ang mga sumasayaw nito ay
pinagkakalooban ng pamahalaan ng Korea ng titulong "Human Cultural Assets,"
ang pinakamataas na karangalang ipinagkakaloob sa mga tradisyonal na sining ng
bansa.
Samantala, ang kabuki, Noh Mai, Bon Odori, at Nihon Buyō ay ilan lamang sa mga
tradisyonal na sayaw ng mga noHapones. Ang mga ito ay sinasayaw sa iba't ibang
okasyon o pagdiriwang. Ang Nihon Buyo ay isang uri ng sayaw na nagpapahayag
ng iba't ibang emosyon. Ang Odori naman ay sinasayaw bilang parangal sa
kaluluwa ng namatay na mahal sa buhay. Tulad ng Nihon Buyo, ang Noh Mai ay
naghahayag din ng kuwento na karaniwang sinasayaw nang nakasuot ng maskara
at peluka. Samantala, ang kabuki ay kilalang klasikong sayaw ng mga Hapones.
Ang mga mananayaw nito ay karaniwang puno ng makeup o mga palamuti sa
mukha.

Karaniwan namang sinasayaw sa China ang Court o Palace Dance. Ito ay


sinimulang sayawin noong panahon ng mga Han at higit na pinalawig ng mga
emperador ng dinastiyang Qin. Ang sayaw na ito ay isa ring pagpapahiwatig ng
kapangyarihan ng buong korte ng emperador.

Ang dragon dance naman ay sumisimbolo sa dignidad, talino, at kapangyarihan ng


lipunang Tsino kasama na ang kapangyarihang manakot. Ito ay representasyon
din ng kagandahang-loob ng emperador na ang tanging hangad ay mabuting
kapalaran at kasaganaan para sa kaniyang nasasakupan. Samantala, ang lion
dance ay simbolo ng masaganang kapalaran, talino, at Kapangyarihan. Ito ay
karaniwang sinasayaw tuwing bagong taon at iba pang mahahalagang
selebrasyon.

Sa pulo ng Java nag-ugat ang malalim na damdaming nasyonalismo ng mga


Indonesian. Tulad ng naganap sa ibang bansa sa Asya, ang kabataang nagtamo ng
edukasyong Kanluranin sa Indonesia ang siya ring nagsimulang magtatag ng unang
samahang nasyonalista sa bansa. Isa sa mga samahang ito ang Budi Utomo, na
nangangahulugang "dakilang pagpupunyagi" o "glorious endeavor." Layunin ng
samahang ito na ibangon ang kalagayan ng mga magbubukid na Javanese. Si
Wahidin Sudirohusodo, repormador ng edukasyon sa Indonesia ang nagtatag ng
samahang ito noong 1908.

You might also like