You are on page 1of 17

Balik-Aral

Panuto: Isulat ang kahulugan ng mga sumusunod na


salita at ibigay ang mga naging partisipasyon nila sa
pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.
1.USAFFE- _______________________
2.HUKBALAHAP- _______________________
3.Gerilya- _______________________
4.Kempeitai- _______________________
5.Makapili- _______________________
 Sino ang kilala
ninyong bayani na
Malaki ang
ginampanan sa ating
kalayaan?
Ano ang napansin mo sa
larawan? Ano sa palagay
mo ang katangiang
ipinapakita ng mga nasa
larawan? Pangatwiranan
ang iyong sagot.
Ang Pagmamahal ng mga Pilipino sa Bayan sa Panahon ng Digmaan
Dumanas ng matinding hirap ang mga Pilipino sa pananakop ng mga
dayuhan sa Pilipinas. Marami ang nasawi, nawalan ng tirahan at kabuhayan
dahil sa digmaan. Dahil dito, ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang
pagmamahal sa bayan at nag-ibayo naman ang katapangan ng mga kilusan at
iba pang samahan ng mga Pilipino na naglalayong mapalaya ang Pilipinas sa
mga dayuhang mananakop.
Maliban sa mga gerilya at Huk, marami ring mga Pilipino ang
nagpamalas ng kabayanihan sa panahon ng digmaan. May mga
Pilipino ring nagbuwis ng kanilang buhay alang-alang sa
pagmamahal sa bayan.
Malaki ang ginampanan ng mga sibilyan sa pakikibaka
laban sa mga Hapones. Sila ay nakibaka sa pamamagitan ng
pagiging espiya laban sa mga Hapones. Kinupkop, ginamot at
pinapakain nila ng lihim ang mga sugatang gerilya.
Ginamit naman ng mga kababaihan ang kanilang
kagandahan upang linlangin ang mga Hapones. Ang
mga kabataan ang naging tagapagdala ng armas at
mensahe maipagpatuloy lamang ang operasyon ng
samahan. Upang matustusan ang mga
pangangailangan ng mga kasapi ng gerilya,
tumulong ang iba pang sibilyan sa pamamagitan ng
paglalaan ng tulong materal at pinansyal.
Sa pagbabalik ni Heneral Douglas MacArthur, sumugod ang mga Amerikano
sa iba’t ibang panig ng bansa hanggang sa nagapi ang mga Hapones at sumuko
sila sa mga Amerikano. Sa panahong ito, muling itinatag ang Pamahalaang
Komonwelt.
Hindi lamang naghintay ang mga Pilipino sa pagbabalik ng mga
Amerikano para palayain ang Pilipinas sa kamay ng mga dayuhan. Kasama
ang mga Pilipino sa mga nakipaglaban sa mga Hapones noong bumalik ang
mga Amerikano. Buong tapang silang nakipaglaban para sa kalayaan na
kanilang inaasam.
Iba’t iba man ang ipinamalas na kagitingan, kabayanihan,
katapangan at masidhing pagmamahal sa bayan sa panahon
ng digmaan, maituturing na napakalaki ang naging ambag
ng bawat isa makamit lamang ang kalayaan. Hindi
pumayag ang mga Pilipino na patuloy na yurakan ng mga
Hapones ang kanilang dangal ng walang kalaban laban.
Hindi naging sagabal ang kakulangan nila sa armas at
kagamitang pandigma maisulong lamang ang kanilang
karapatan.
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba upang mas mapalalim mo pa
ang pagkakaunawa mo sa iyong binasa.
1. Ano ano ang iba’t ibang paraan ng pagmamahal sa bayan ang
ipinamalas ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan?
2. Paano ipinamalas ng mga sibilyan ang kanilang kagitingan sa panahon
ng mga Hapon?
3. Ano anong mga katangian ang ipinakita ng mga Pilipino upang
makamit ang Kalayaan?
Panuto: Sagutin ng Oo o Hindi ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang tamang sagot
sa patlang bago ang bilang.

__________1. Malaya bang nagagawa ng mga Pilipino ang kanilang nais sa


panahon ng mga dayuhang mananakop?
__________2. Sumuko ba kaagad ang mga Pilipino noong panahon ng
digmaan?
__________3. Nakipaglaban din ba ang mga sibilyang Pilipino sa digmaan?
__________4. Nagpatuloy ba sa paglaban ang mga Pilipino kahit nasakop na
ng mga dayuhang ang Pilipinas?
__________5. Ipinakita ba ng mga Pilipino ang kanilang
pagmamahal sa bayan?
Pangkatang Gawain
Ibigay ang iyong reaksiyon hinggil sa aralin sa
pamamagitan ng mga sumusunod .
Pangkat 1 gumuhit ng isang poster
Pangkat 2: sumulat ng islogan
Pangkat 3 sumulat ng tula
Pangkat 4 gumawa ng isang awit
Pangkat 5 bumuo ng isang dula dulaan
Kung ikaw ay nabuhay noong
panahon ng mga Hapones,
paano mo ipakikita o
ipamamalas ang
pagmamahal sa bayan?
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali kung ito ay di-
wasto.
1. Dumanas ng matinding hirap ang mga Pilipino sa pananakop ng mga dayuhan sa Pilipinas.
2. Maliban sa mga gerilya at Huk, marami ring mga Pilipino ang nagpamalas ng kabayanihan
sa panahon ng digmaan.
3.Malaki ang ginampanan ng mga sibilyan sa pakikibaka laban sa mga Hapones
4. Kasama ang mga Pilipino sa mga nakipaglaban sa mga Hapones noong bumalik ang mga
Amerikano.
5. Naging sagabal ang kakulangan sa armas at kagamitang pandigma maisulong lamang ang
kanilang karapatan.
 
Panuto: Isulat ang W kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at DW kung ito ay di-
wasto.
_____1. Ginamit ng mga kababaihan ang kanilang katalinuhan upang linlangin ang mga
Hapones.
_____2. Ang mga sibilyan ay nakibaka sa pamamagitan ng pagiging espiya laban sa mga
Hapones.
_____3. Hindi naging sagabal ang kakulangan nila sa armas at kagamitang pandigma
maisulong lamang ang kanilang karapatan.
_____4. Maliban sa mga gerilya at Huk, marami ring Pilipino ang nagpamalas ng
kabayanihan sa panahon ng digmaan.
_____5. Malaki ang ginampanan ng mga sibilyan sa pakikibaka laban sa mga Hapones

You might also like