You are on page 1of 16

Ang unang termino ni Ferdinand E.

Marcos
Noong Enero 30, 1965, nanumpa si Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-6 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sa kanyang talumpati sa kanyang unang pasinaya, ipinahayag ng Pangulo ang kasadlak-sadlak na kalagayan ng Pilipinas: The Filipino, it seems, has lost his soul, his dignity, and his courage. We have come upon a phase of our history when ideals are only a veneer for greed and power, (in public and private affairs) when devotion to duty and dedication to a public trust are to be weighted at all times against private advantages and personal gain, and when loyalties can be traded. Our government is in the iron grip of venality, its treasury is barren, its resources are wasted, its civil service is slothful and indifferent, its armed forces demoralized and its councils sterile., We are in crisis. You know that the government treasury is empty. Only by severe self-denial will there be hope for recovery within the next year.[1] At kanyang ipinangako: This nation can be great again. This I have said over and over. It is my articles of faith, and Divine Providence has willed that you and I can now translate this faith into deeds.[2] Noong Enero 24, 1966, sa kanyang kauna-unahang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa sa Kongreso, tinanggap ng Pangulong Marcos na ang bansa'y nasa tuktok ng isang panlipunang bulkan na malapit ng pumutok, na ang mga guguling-gobyerno'y labis na nakahihigit sa kinikita nito, na ang Philippine National Bank ay malapit nang bumagsak at laganap ang krimen sa bansa. Binalangkas ni Marcos ang layunin ng kanyang pangasiwaan: 1. . Mabigyan ng pampasigla ang pagpapaunlad ng pamayanan at proyekto ng pagawaang-bayan tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at tulay. 2. . Isakatuparan ang palatuntunan ng reporma sa lupa.; 3. . Pagkakaroon ng kasapatan sa produksyon ng palay at magpasimula ng pag-iiba-iba ng pananim upang mapaunlad ang pag-aani.;

Disyembre 30, 1965- Panunumpa ni G. Ferdinand Edralin Marcos bilang ika-10 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Ang Unang Pamilya Mula sa kaliwa:Imee, Irene, Pangulong Marcos,ang Unang Ginang, at si Bongbong.

Mga Suliranin
Tangi sa palaki na palaking paghihirap ng kalagayang-pangkabuhayan, ang pangasiwaang Marcos at nasusuong sa mga mabibigat na suliranin. Nangunguna sa mga ito'y ang paglubha ng kalagayang pangkatahimikan at kaayusan ng bansa na humantong sa mga sumusunod: 1. Paglaganap ng krimen bunga ng pagkalahatang paghihikahos at pangkabuhayang paghihirap at ang paggitaw ng naitatag na krimen; 2. Patuloy na katiwalian sa pamahalaan lalung-lalo na ang mga taong nagpapairal ng batas, na karamiha'y gumagamit ng kanilang kapangyarihan sa paggawa ng pagmamalabis o sa pagtangkilik ng krimen; at 3. Pagkakaroon ng mga pribadong hukbo ng mga mayamang tinatangkilik ng mga pulitiko.

Ang mga kalagayang tulad nito'y nagdulot ng pagkaligalig at di-kasiyahan sa mga kabataan at mga mag-aaral sa mga institusyon ng karunungang may kaalaman at bihasa sa mga bagay na pampulitika. Nagtatag ang mga ito ng mga samahang demokratikong tagapamagitan sa mga publiko at pribadong paaralan; pati kolehiyong katoliko, upang mag-udyok ng pagkakaroon ng tiyak na reporma sa kabuuan ng tunay na kayariang demokratiko. Kasama rito ang kabataangdenteesi galamay ng lihim na Partido Komunista ng Pilipinas (Communist Party of the Philippines), na lalong kilala sa tawag na "Kabataang Makabayan" na gumagamit ng karahasan upang makapagtamo ng mga reporma.

Digmaang Biyetnam
Noong Oktubre, 1965 sinabi nila kay pangulong Marcos na mahigit sa 10,450 mga sundalong Pilipino na dinala sa Timog Biyetnam at lumaban agad sa mga Hilagang Biyetnames at mga Viet Cong sa panahon ng Digmaang Biyetnam.

Demonstrasyon ng mga Estudyante


Ang unang demonstrasyon ng mga estudyante'y napukaw ng isang pangpurok na pagpupulong (summit conference) na idinaos sa Maynila noong Oktubre, 1966, ng mga pinuno ngEstados Unidos, Australya, Thailand, Timog Vietnam,Timog Korea, Nueva Selanda, at Pilipinas. Ang layunin ng pagpupulong na ito ay upang yumari ng isang nagkakaisang paninindigan sa digmaan sa Timog Silangang Asya at upang pagtibayin ang pakikipagtulungan ukol sa pangkabuhayan , panlipunan, at kultura sa pagitan ng mga bansa sa Asya-Pasipiko. Nang hapon ng Oktubre 24, 1966, ang Kabataang Makabayan na sinasamahan ng ibang pangkat estudyante ay nagtanghal ng isang pagtutol na demonstrasyon sa harapan ng pangulo ng Estados Unidos na si Lyndon B. Johnson. Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga demonstrador at mga pulis malapit sa embahada ng Estados Unidos. Dinakip ang 41 demonstrador at pinaratangan ng panliligalig at pananalakay.

Mga Nagawa sa Loob ng Unang Termino


Kapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mga unang apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod: 1. 2. . Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya; . Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan;

3. . Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyan ng tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan; 4. . Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan); 5. . Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon na ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo sapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sa pangasiwaang kanyang sinundan; 6. . Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalang palay' o "miracle rice'; 7. . Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa; 8. . Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at 9. . Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sa pamamagitan ng pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos.

Halalan ng 1969
Nanindigan ang reeleksyonistang Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang pagnanais na makapagtamo ng bagong kapasyahan ng mga botante sa halalan ng 1969. Sa pagtulong ng Unang Ginang, Imelda Marcos, na kanyang itinuturing na kanyang "lihim na sandata", si Marcos ay naging unang Pangulong reeleksyonista pagkatapos ng digmaan. Tinalo niya ang kandidato ng mga Liberal, si Sergio Osmea, Jr. sa napakalaking kalamangan.

Disyembre 30, 1969 - Pasinaya sa Pangalawang termino ni Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Radikalisasyon ng mga Estudyante


Sa mga unang buwan ng pangalawang panunungkulan ng Pangulong Marcos ay nagkaroon ng serye ng mga demonstrasyon ng mga estudyante at mga malalaking pagtitipon, na karamiha'y humahantong sa karahasan at panggugulo. Sa simula, ang mga demonstrasyo'y idinaraos bilang protesta laban sa pagtaas ng matrikula at ibang bayarin sa paaralan.Tinugon ito ng mga namamahala sa mga pamantasan sa pagtitiwalag sa mga namumunong estudyante at di-pagtanggap sa kanila sa alin mang pamantasan. Namagitan ang pamahalaan sa kanilang alitan sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga tuntunin at regulasyon tungkol sa pagtataas ng matrikuka na nangangailangan ng pagsangayon ng pamahalaan. Ang mga lider estudyante ay muling tinanggap sa mga paaralang kanilang pinili. Ngunit di naglaon, panibagong isyu ang lumitaw. Lumabas sa kalye ang mga mag-aaral at mga kapanalig. Sa gayo'y nagsimula ang "parliament of the streets." Sa pagbunsod sa mga kahilingan para sa mga reporma sa pamahalaan at mga protesta laban sa pagkakaloob ng kapangyarihan sa namumuhunan at mga oligarkiya, ang mga demonstrador ay madaling bumaling sa mga bagay na pangkaisipan (ideolohikal) tulad ng pasismo, piyudalismo, at imperyalismo. ito ang kanilang naging sigaw na panlaban. Noong Enero 26, 1970, ang araw ng pagbbukas ng regular na sesyon sa Kongreso, ang Pambansang Pagkakaisa ng mga Mag-aaral na pinamumunuan ni Edgar Jopson ay nagtipun-tipon at nagdaos ng malaking demonstrasyon sa labas ng Kongreso. Ang mga estudyante ng mga pribadong paaralan sa Maynila, kasama ang ilang sa kanilang mga gurong-tagapayo ay nangaroon upang ipahayag ang kanilang petisyon para sa pagdaraos ng isang Kumbensyong Konstitusyonal ng taong 1971. Tulad ng hinihingi ng tradisyon, dumalo ang Pangulong Marcos sa Kongreso upang magtalumpati tungkol sa kalagayan ng bansa. Kasama niya ang Unang Ginang. Pagkatapos ng mga seremonya at habang lumalabas sa gusali ng Kongreso ang Pangulo at ang Unang Ginang patungo sa kanilang sasakyan, nagsimula ang kaguluhan. Ang binabalak na mapayapang demonstrasyon ay naging isang panggulong walang taros. May 70 estudyante ang nasaktan at may ilang nangapinsala ring alagad ng batas Marcos.

Sigaw ng Unang Sikapat


Ang demonstrasyon ng mga estudyante noong Enero 30, 1971 ay lalong higit na madugo at marahas at ito'y tinaguriang "Labanan sa Mendiola" na mas higit na kilala sa tawag na "First Quarter Storm" o Sigwa ng Unang Sikapat. Marahil napag-alab sa kabangisan ng mga pulis sa naunang demonstrasyon sa harapan ng Kongreso, ibinaling ng lalong masugid na mga aktibistang estudyante ang kanilang pagkapoot sa Malakanyang. Pagkatapos ng maagang demonstrasyon sa may Kongreso , nagtungo ang mga estudyante sa Malakanyang at pagkaraan ng kanilang maaapoy na talumpati ay pinagpilitan nilang makapasok sa loob ng paligid ng Palasyo. Naghagis sila ng "pillboxes" at mga sarilinggawang bomba (Molotov) sa bakuran ng Palasyo. May ilang nakaagaw ng isang trak na

pamatay-sunog at ito'y ibinangga sa isang trangkahan ng Malakanyang hanggang sa mabuksan ito. Nagpaputok ng mga teargas ang mga tanod Pampanguluhan ng Palasyo sa mga nanggugulo at ang mga ito'y gumanto ng mga bato at patpat at sariling-gawang bomba. Napilitang magsiurong ang mga estudyante hanggang sa daang Mendiola habang hinahabol ng mga pangkat ng mga sandatahan ng pamahalaan. Ang labanan ay tumagal hanggang makalipas ang hatinggabi nang ang mga estudyante'y naghiwa-hiwalay sa University Belt sa daang Claro M. Recto. Nang sumunod na araw, napalathala sa mga pahayagan na apat na demonstrador ang nakitlan ng buhay at marami pang nasugatan. Ipinahayag ng Panguilong Marcos sa pamamagitan ng radyo at telebisyon na ang mga pangayayari sa Mendiola ay isang binalak na pagsalakay sa pamahalaan, isang panghihimagsik na may layuning pabagsakin ang pamahalaan. Ngunit tiniyak niya sa mga tao na ang kaguluha'y nasugpo na.

Pag-aaklas ng mga Tsuper ng Jeep


Noong Marso 3, 1970 nagdaos ng isang pag-aaklas ang mga nagmamaneho ng pampublikong jeep ng Maynila at mga karatig-pook. Ang dahilan ay upang tuligsain ang panghuhuthot ng mga pulisya at upang hilingin na pagtibayin ng lupon ng PalingkurangBayan ang pagtataas ng 5 sentimo sa pamasahe ng jeep. Matagumpay ang kanilang pagaaklas; nangako ang pamunuan ng pulisya na parurusahan ang mga tiwaling alagad ng batas; at sinang-ayunan ng Lupon ng Palingkurang-Bayan ang kanilang petisyon sa pagtataas ng pamasahe sa jeep. Noong Marso 23, at Marso 24, 1970, ang mga estudyante at mga pasahero ay nagdaos ng isang panlabang demonstrasyon na tumututol sa pagkataas ng bayad sa jeep at bus. Binato nila ang mga sasakyang pampubliko at lumikha ng malalaking siga sa daan.

Ang Pagbomba sa Liwasang Miranda


Ang Liwasang Miranda o Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila ay siyang kinaugaliang pook ng malalaking pampulitikang pagtitipun-tipon at pagpupulong. Doon ipinakikilala at ipinapahayag ang mga kandidatong pambansa at ng Maynila. Doon idinaraos ang mga "miting de avance" o pangwakas na malaking pagpupulong, bilang pinakatampok sa mga kampanyang pampulitika. May malaking pagtatangi ang Pangulong Magsaysay sa naturang pook kahit na kailanman at siya'y pinipilit na magpasiya ukol sa isang bagay na pampulitika, kanyang itinatanong "Maipagtatanggol na natin ito sa Plaza Miranda?" Sa pagsunod sa isang pampulitikang kaugalian, nagdaos ang oposisyong Partido Liberal ng kanilang pagpapahayag na pagtitipun-tipon sa Plaza Miranda noong ika-21 ng Agosto, 1971. Ito'y binalak upang ipakilala sa bansa ang mga kandidato ng Partido Liberal para Senador at mga kandidato para sa Maynila mula Punong-Lungsod hanggang sa mga konsehal. Nang mag-iika-9:00 ng gabi ng araw ding iyon, habang ang walong kandidato ng Partido Liberal sa pagkasenador, dalawampu't dalawang kandidato ng Maynila at gayon din ang iba pang mga kilalang lider ng partido ay magkakasamang nagkakatipon sa tanghalan, dalawang granada ang inihagis buhat sa karamihan ng tao at magkapanunod na sumabog. Ang isa'y bumagsak sa tanghalan kasabay ng pagsabog, at isa'y tumama sa gilid ng tanghalan at

sumabog din pagkahulog sa lupa. Libu-libong tao sa pook na iyon at higit na marami pa na nanoood sa telebisyon ang nakasaksi sa pambobomba. Ang pambobomba at halos lumipol sa pamunuan at mga kandidato ng oposisyon. Nagaagaw-buhay nang damputin sina Senador Jovito Salonga at Sergio Osmea, Jr. at KinatawanJohn Henry Osmea. May malubhang tama sina Senador Gerardo Roxas at ang kanyang maybahay na si Judy, Kinatawan Ramon Mitra, at kandidato para punonglungsod Ramon Bagatsing. Sina Senador Eva Estrada Kalaw, Kinatawan Eddie Ilarde at kandidato para sa pangalawang punong-lungsod Martin Isidro at ang kanyang maybahay ay pawang may malubhang tama rin. Ang ibang kandidato ng Partido Liberal sa pagkasenador ay di-gaanong nagtamo ng kapinsalaan Namatay noon din ang isang potograpo na nagtratrabaho sa isang pahayagan at maraming mga manonood ma sama-sama sa harapan ng entablado ang pawang nangasawi. Sa simula, ang Pangulong Marcos ang itinuturong siyang may pakana sa kalagim-lagim na pangyayari sa Plaza Miranda ngunit makalipas ang ilang taon lumitaw ang mga testigo na nagdidiin kay Jose Maria Sison at sa pinamumunuan niyang kilusan, ang Partido Komunista ng Pilipinas- Bagong Hukbong Bayan, bilang may utak sa pagpapasabog.

Ang Pagsususpindi ng Pribelehiyo ng "Writ of Habeas Corpus"


Ilang oras pagkaraan ng pagpapasabog ng bomba sa Plaza Miranda, ipinalabas ng Pangulong Marcos ang Proklamasyon Bilang 889 na sumususpindi sa pribelihiyo ng writ of habeas corpus (pangangalaga sa sinuman laban sa di-salig-batas at pagbibinbin sa bilangguan) upang mapanatili ang kapayapaan , mapangalagaan ang mga mamamayan at mapanatili ang kapangyarihan ng pamahalaan. Ginawa na minsan ng Pangulong Elpidio Quirino ang pagsususpindi ng pribelehiyo ng writ of habeas corpus noong dekada 50 upang sugpuin ang mga Huks. Ang pagpigil sa writ ay humantong sa pagtatamo ng mga sumusunod na layunin: 1. Pagsansala sa paglaganap ng terorismo mula sa mga lalawigan hanggang sa pook ng Maynila; 2. Pagtatamo ng impormasyon tungkol sa organisasyon ng mga komunista, misyon, pinagmumulan ng pantustos, kagamitan, lihim na tagakalap ng balita at mga bagong kasapi; 3. Pagdadakip sa ibang pinuno ng mga kilusang makakaliwa. Noong Enero 7, 1972 ganap na binawi ni Pangulong Marcos ang kautusang nagsususpindi sa pribelehiyo ng writ of habeas corpus.

Ang Malaking Baha ng 1972


Noong kalagitnaan ng 1972, malalaking baha ang nagpalubog sa halos lahat ng Kalagtitnaang Luzon at lungsod ng Maynila. Ang pag-apaw ng tubig na umabot ng may isang buwa'y sumira ng mga pananim at humantong sa pagtaas ng bilihin mga panindang

pagkain hindi lamang sa mga binahang pook kundi gayun din sa buong Luzon at sa karamihan pang mga pook sa bansa. Bigas, asukal at iba pang mga pangunahing pangangailanga'y nawala sa mga pamilihan. Pinangasiwaan ng pamahalaan ang halaga ng pagbibili ng bigas na nakatingal sa kanilang kamalig. Ipinag-utos ding ipagbili ang mga bigas at asukal na nakatago sa mga bodega ng mga mapagsamantalang negosyante sa isang nakatakdang halaga sa ilalim ng babalang ang mga ito'y kukumpiskahin ng pamahalaan. Bunga ng kautusan ng Pangulo'y muling lumabas ang mga bigas at asukal sa pamilihan at mga tindahan na nagpapatunay na ang kakapusan, lalo na sa Maynila ay gawa-gawa lamang.

BATAS MILITAR
Patuloy na Panliligalig
Hindi naglaon pagkaraan bawiin ang suspensyon ng karapatan sa writ ang paghupa ng tubig na likha ng baha noong taong 1972, ang kapayapaan at kaayusan ng bansa ay lumubha ng lumubha. Dumarami ang mga nagaganap na krimen. Isa lamang pangkaraniwang pangyayari ang mga mapangahas na panloloob sa mga bangko kung araw kahit na katanghaliang tapat. Lumitaw ang mga nagbibili ng proteksyon at ang pangangasiwa ng mga bisyo at halos lantaran na. Pinasasabugan ng mga maninindak ang mga pamilihan sa kabayanan (Greater Manila Terminal Food Market sa Taguig), mga gusali ng bayan (Manila City Hall at Court of Industrial Relations), ang embahada ng Estados Unidos, mga pribadong gusali (Philamlife Building sa Ermita, sangay ng Security Bank and Trust Company sa kalye Espaa sa Maynila, at ang Arca Building sa lungsod ng Pasay), ang tanggapan ng JUSMAG sa lungsod Quezon, mga gusaling naglilingkod sa pangangailangan ng madla (Meralco), ang kapaligiran ng Kombensyon Konstitusyonal at ang pangunahing tipunan ng tubig sa Kamaynilaan. Naghari ang isang nakasisindak na panahon sa lungsod ng Maynila. Nagsimula ang paghihimagsik sa maraming pook sa Kahilagaang Luzon, pook ng Bicol at sa ilang panig ng Mindanao. Karamihan dito'y ipinapalagay na likha ng impluwensya ng mga komunistang grupo at ng Moro National Liberation Front, isang pangkat ng mga Muslim, na pinamumunuan ni Nur Misuari, na naglalayong ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas at magtatag ng nagsasariling Republika ng Bansang Moro.

Ang Pagpapahayag ng Batas Militar


Dahil sa lumalalang suliranin sa kapayapaan at kaayusan sa bansa, isinailim ni Pangulong Marcos ang buong bansa sa Batas Militar sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 na kanyang nilagdaan noong Setyembre 21, 1972. Nagpalabas din ang Pangulo ng mga kautusan at atas upang maisakatuparan at magawa ang layunin ng Batas Militar, ang isalba ang Republika at ireporma ang mga institusyong panlipunan, pangkabuhayan at pampulitika ng bansa. Binigyang-diin ng Pangulo na ang proklamasyon ng Batas Militar ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng pamahalaang militar. Magpapatuloy ang pamahalaang sibil. Ang mga opisyales at mga kawaning pambansa at pamahalaang lokal ay magsasagawa ng kanilang tungkulin tulad nang dati.

Ayon sa Pangulo, walang dapat ipangamba ang mga taong walang kinalaman sa pagsasabwatan upang ibagsak ang pamahalaan sa pamamagitan ng marahas na pamamaraan. Sa isang pahayag sa radyo't telebisyon, winika ng Pangulo: Buhat nang ipahayag ng Kataas-taasang Hukuman ang kapasyahang ito (Lansang vs. Garcia, 42 SCRA 449) lalong lumala ang panganib at lalong lumubha o lumaki ang rebelyon. Napatigil ang gawaing pambansa. Ang mga pangunahing pook na pangkabuhayan ay hindi makakilos. Hindi makapaglapat ng katarungan ang mga hukuman... lumalaganap at palaki nang palaki ang mga paglabas sa batas at pag-iral ng krimen... na di-maabot ng kakayahan ng pulisyang pambayan at mga maykapangyarihang sibilyan Patuloy ang paghahamok ng mga pangkat ng hukbo at ng mga kumakalaban sa pamahalaan sa Isabela, Zambales, Tarlac, Camarines Sur, Quezon, at sa pulo ng Mindanao, ang Timog Lanao, Hilagang Lanao, Timog Zamboanga at Cotabato. Tinuligsa ng mga kritiko ang mga dahilang inilahad ni Marcos na nagbibigay-katwiran sa pagpapahayag ng batas militar. Sinabi ng mga ito na ang katotohanan ay nilikha ni Marcos ang mga kaguluhan at panliligalig upang magkaroon siya ng dahilang magpahayag ng batas militar at mapanatili ang sarili sa kapang.

Pagbabago sa Pamahalaan
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamahalaan mula ng ipahayag ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Ang Kongreso na siyang bumabalangkas at gumagawa ng mga batas ay binuwag. Naalisan ng tungkulin ang mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang lehislatibo. Gumawa siya ng mga Kautusang Pampanguluhan (presidential decree), Kautusang Pangkalahatan (General Order) at Liham Pagpapatupad (Letter of Instruction). Ang mga ito ang mangangasiwa sa Pamahalaan at lahat ng mga sibilyang kapangyarihan. Ang Kautusang Pampanguluhan ay may bisa at lakas tulad ng mga batas na ipinapalabas ng dating Kongreso. Bukod tangi ang pagpapairal ng Batas Militar sa Pilipinas. Hindi tulad ng ibang mga bansa na nagpapairal ng Batas Militar. Hindi ang hukbo ang nangangasiwa sa pamahalaan kundi ang mga pinunong sibilyan rin.

Saligang Batas
Kabilang ang pagbabago ng Saligang Batas sa mga pagbabagong naganap sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Marcos. Iminungkahi ang pagpapalit ng Saligang Batas (ng 1935) sa dalawang kadahilahanan: 1. Nayari ang Saligang Batas ng Pilipinas ng taong 1935 habang ang bansa ay kolonya pa ng Estados Unidos at nangangailangan ng pagpapatibay ng Pangulo ng Estados Unidos. Sa gayon, ito'y yari ng impluwensyang Amerikano. 2. Hindi na napapanahon ang mga tadhana ng lumang Saligang Batas sa paglutas ng mga suliranin at pagtugod sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.

Alinsunod sa kahilingan ng madla, pinagtibay ng Kongreso noong Agosto 24, 1970 ang Batas Republika (Republic Act) Bilang 6132 na nanawagan para sa isang Kombensyong Konstitusyonal sa taong 1971.

Halalan ng mga Delegado sa Kombensyong Konstitusyonal


Ginanap noong Nobyembre 10, 1970 ang halalan ng 320 delegado sa Kombensyong Konstitusyonal. Ang halalang ito ang sinasabing isa sa mga pinakamaayos sa kasaysayan ng Pilipinas sa panahong iyon. Nakakarami sa mga nahalal na delegado ang manananggol, mangangalakal, mga tao sa industriya, at manggagamot. Mayroon ding mga guro, mga ministro, mga puno ng paggawa, mga kilalang kababaihan at mga mamamahayag. Dalawang delegado, sina Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal ang naging Pangulo ng Pilipinas. Ang tatlo'y kasapi ng Kombensyong Konstitusyonal noong taong 1934 - sina Salvador Araneta, Jose P. Arruego, at Miguel Cuaderno. Higit na tatlumpu ang mga dating Senador at kinatawan at dalawa ang dating Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman. Apat naman ang mga pari at madre.

Ang pagpatay kay BenignoNinoyAquino

Nitong nakaraang linggo, ginunita ng bansa ang ika-22 taong anibersaryo ng pagpaslang kay dating Senador Benigno Ninoy Aquino, Jr. Pulitika ang napagusapan, dahil sa pagpunta ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa misang inorganisa at dinaluhan nina dating Pang. Cory Aquino at Senate Pres. Frank Drilon parehong nananawagan na magbitiw na si Arroyo. Hindi na maitago ang desperasyon ng kampo ni Arroyo sa pagkapit-tuko sa kapangyarihan: Lahat ng pagkakataon para mamulitika ay pinapatos. Kung anuman, bilang batang lumaki at nagka-muwang noong dekada 1980, marami akong alaala kay Ninoy. Naaalala ko ang pagkamangha ng tatay ko sa dami ng taong nagtipon sa Sto. Domingo Church para ilibing si Ninoy noong 1983. Grabe

ang kapal ng tao, masayang sabi niya pagkauwing pagkauwi sa bahay namin noon sa Batangas City. Pero pinakamalinaw sa alaala ko ang paglalaro namin ng kapatid kong sumunod sa akin. Ginagaya namin ang eksena sa tarmac noong 1983. Naghahalili kami sa pagiging si Ninoy at ang tauhan ng airport. Bababa si Ninoy sa amin sa hagdan, naka-senyas ng L ang dalawang kamay, habang may kumakanta ng Magkaisa ni Virna Lisa. Puputok ang baril at mabubuwal siya. Tatakbo ang isa sa amin para kaladkarin ang namatay. Palitan kami, paulit-ulit, hanggang marumi na kami at malinis na ang sahig. Sa pagbabalik-tanaw ko ngayon, naiisip kong tapos na ang People Power ng 1986 noong naglaro kami ng ganito ng kapatid ko. Kinakanta na namin ang Magkaisa at paulit-ulit na naming napanood sa telebisyon ang mga eksena sa pagpatay kay Ninoy. Tiyak, hindi namin unawa kung gaano ka-halaga sa kasaysayan ng bansa ang kamatayang iyon. Pero napakalakas ng dating at tama ng eksenang iyon na paulit-ulit pinalabas sa telebisyon. Parang napakadakila at napakasarap mamatay para sa bayan. The Filipino is worth dying for, sabi nga niya. Kilala siya sa maraming bagay. Ang dapat papalit kay Marcos bilang pangulo. Tradisyunal na pulitiko. Nagpasuko kay Luis Taruc noong dekada 50. Tsismis na siya ang nag-areglo ng pagkikita ni Jose Ma. Sison at Bernabe Buscayno noong 1969 para itayo ang New Peoples Army, pero hindi raw totoo. Pero higit sa anupaman, nasa kamatayan ang buhay ni Ninoy, wika nga. Ang halaga niya ay nasa pagmulat at pag-udyok sa mga Pilipino para kumilos at patalsikin ang kinamuhiang diktador na matagal na nagpahirap sa sambayanan at nagpakasasa sa kapangyarihan. Katarungan para kay Aquino! Katarungan para sa lahat ng biktima ng pampulitikang panunupil! (Justice for Aquino! Justice for all victims of political repression!) Ito ang panawagan noon, para rin kina Jopson, Escandor, Dulag at iba pa. Naiisip ko ito ngayon habang pinapanood ang proseso ng impeachment kay Arroyo sa Kongreso. Nanggagalaiti ang mga maka-administrasyong kongresista sa tinatawag na Amended Lozano Complaint dahil sinisisi nito si Arroyo sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa, pati na ang masaker ng mahigit 10 katao sa Hacienda Luisita. Sinasabi nilang walang kasalanan si Arroyo sa pagpaslang sa mahigit 40 lider-aktibista, abogado, taong-simbahan, tanggol ng karapatang pantao ngayong taon. Ayon sa mga ulat, sa buong bansa nagaganap ang pagpaslang. Sa kaso ng Hacienda Luisita, sinasabing pangulo lang ang may kapangyarihang magpadala ng sundalo sa welga. Mababahala talaga ang mga kongresistang maka-administrasyon. Ito ang aral ng pagpatay kay Ninoy: kikilos ang taumbayan laban sa pangulong mamamatay-tao.

Edsa Revolution

Masasabi ring naging inspirasyon ang Power Revolution upang gayahin sa iba't ibang panig ng mundo. Subali't ang kabaliktaran lamang, naging mapayapa ang "rebolusyong" ito sa Pilipinas. Gugunitain ang ika-25 taong anibersaryo ng EDSA Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2011. Napapanahon ang paggunita ng okasyong ito kung saan napatalsik ang sinasabing diktatorya ni President Ferdinand Marcos noong 1986. The Philippines was praised worldwide in 1986, when the so-called bloodless revolution erupted, called EDSA People Powers Revolution. February 25, 1986 marked a significant national event that has been engraved in the hearts and minds of every Filipino. This part of Philippine history gives us a strong sense of pride especially that other nations had attempted to emulate what we have shown the world of the true power of democracy. The true empowerment of democracy was exhibited in EDSA by its successful efforts to oust a tyrant by a demonstration without tolerance for violence and bloodshed. Prayers and rosaries strengthened by faith were the only weapons that the Filipinos used to recover their freedom from President Ferdinand Marcoss iron hands. The Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) stretches 54 kilometers, where the peaceful demonstration was held on that fateful day. It was a day that gathered all Filipinos in unity with courage and faith to prevail democracy in the country. It was the power of the people, who assembled in EDSA, that restored the democratic Philippines, ending the oppressive Marcos regime. Hence, it came to be known as the EDSA People Powers Revolution. The revolution was a result of the long oppressed freedom and the life threatening abuses executed by the Marcos government to cite several events like human rights violation since the tyrannical Martial Law Proclamation in 1972. In the years that followed Martial Law started the suppressive and abusive yearsincidents of assassination were rampant, particularly those who opposed the government, individuals and companies alike were subdued. The Filipinos reached the height of their patience when former Senator Benigno "Ninoy" Aquino, Sr. was shot and killed at the airport in August 21, 1983, upon his return to the Philippines from exile in the United States. Aquinos death marked the day that Filipinos learned to fight. His grieving wife, Corazon CojuangcoAquinoshowed the Filipinos and the world the strength and courage to claim back the democracy that Ferdinand Marcos arrested for his personal caprice. Considering the depressing economy of the country, Ninoys death further intensified the contained resentment of the Filipinos. In the efforts to win back his popularity among the people, Marcos held a snap presidential election in February 7, 1986, where he was confronted with a strong and potent opposition, Corazon Aquino. It was the most corrupt and

deceitful election held in the Philippine history. There was an evident trace of electoral fraud as the tally of votes were declared with discrepancy between the official count by the COMELEC (Commission on Elections) and the count of NAMFREL (National Movement for Free Elections). Such blatant corruption in that election was the final straw of tolerance by the Filipinos of the Marcos regime. The demonstration started to break in the cry for democracy and the demand to oust Marcos from his seat at Malacaang Palace. The revolt commenced when Marcos' Defense Minister Juan Ponce Enrile and the Armed Forces Vice-Chief of Staff command of Fidel V. Ramos, both withdrew their support from the government and called upon the resignation of then President Marcos. They responsibly barricaded Camp Crame and Camp Aguinaldo and had their troops ready to combat against possible armed attack organized by Marcos and his troops. The Catholic Church represented by Archbishop Jaime Cardinal Sin along with the priests and nuns called for the support of all Filipinos who believed in democracy. Radyo Veritasaired the message of Cardinal Sin that summoned thousands of Filipinos to march the street of EDSA. It was an empowering demonstration that aimed to succeed peacefully with the intervention of faith. Nuns kneeled in front of tanks with rosaries in their hands and uttering their prayers. With the power of prayers, the armed marine troops under the command of Marcos withdrew from the site. Celebrities expressed their support putting up a presentation to showcase the injustices and the anomalies carried out by the Marcos administration. Finally, in the morning of February 25, 1986, Corazon Aquino took the presidential oath of office, administered by the Supreme Court Associate Justice Claudio Teehankee at Club Filipino located in San Juan. Aquino was proclaimed as the 11th President of the Republic of the Philippines. She was the first lady president of the country. People rejoiced over their victory proving the success of the EDSA Peoples Power Revolution, the historic peaceful demonstration. Although in 2001, there was an attempt to revive People Power in the efforts to oust then President Joseph Estrada, it was not as strong as the glorifying demonstration in 1986. The bloodless, People Power Revolution in EDSA renewed the power of the people, strengthened the meaning of democracy and restored the democratic institutions of government. Continue to the 5th Republic (1986) up to the Present Time. Its been 38 years since former

president and dictator Ferdinand Marcos signed Proclamation No. 1081, placing the entire Philippines under Martial Law (which he announced on national TV on the 23rd, much to the surprise of everyone)! From the Foundation for Worldwide People Power (FWWPP), the makers of Beyond Conspiracy: 25 Years after the Aquino Assassination, comes a documentary that was critically-acclaimed for its coverage about one of the darkest episodes in Philippine history when the whole nation suffered under the unmitigated oppression by the Marcos authoritarian rule. Narrated by Mr. Joonie Gamboa. Heres an excerpt from a review written 11 years ago (1997) by Mr. Hermie Garcia of The Philippine Reporter website: _____________________ Batas Militar A Must See For All The two-hour long video was produced by Foundation for Worldwide People Power (FWWPP) headed by Eugenia Apostol, the founding publisher of The Philippine Daily Inquirer . The extensive film footage and pictures of actual events that took place from 1972 when Marcos declared martial law, to the EDSA uprising of 1986 that toppled the dictatorship, bring back to life the monumental tyranny and deception, the unprecedented violence and unparalleled greed that no one ever imagined could possibly emanate from one man. Tens of thousands were arrested and imprisoned without court charges, thousands were tortured and hundreds summarily executed. More than a year ago, ten thousand victims of human

You might also like