You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DISTRICT OF BULAKAN
TALIPTIP ELEMENTARY SCHOOL
Taliptip, Bulakan, Bulacan

ARALING PANLIPUNAN 6
“MGA PANGUNAHING SULIRANIN AT HAMONG KINAHARAP NG MGA PILIPINO
MULA 1946 HANGGANG 1972 (IKALAWANG BAHAGI)”

Pangalan: Marka:
Baitang/Seksyon: Petsa:

I. PANIMULA

Sa pagdaan ng iba’t ibang administrasyon, ano nga ba ang patuloy na naging mga pangunahing
suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972?

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


• Inaasahan na maipamamalas ng mag-aaral ang mga sumusunod:
• Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946
hanggang 1972

III. TALAKAYAN

Mga Pangunahing Suliranin at Hamong kinaharap ng mga Pilipino


mula 1953 hanggang 1961

PANGULONG RAMON F. MAGSAYSAY


• Laganap pa rin ang kahirapan
• Usapin ang reporma sa lupa
• Kailangang palakasin ang pambansang ekonomiya
• Patuloy ang rebelyon ngunit medyo naging payapa ng bahagya sa pagsuko ni Luis Taruc na lider
ng Huk
• Nanatiling mahina ang kita ng bansa dahil sa mga hindi pantay na kasunduan sa Amerika
• Hindi natapos ang maraming programa dahil sa aksidente at maagang pagkamatay

PANGULONG CARLOS P. GARCIA


• Pangunahing kritisismo sa pamahalaan ang paratang na katiwalian at korapsiyon
• Pagtaas ng presyo ng bilihin
• Hindi pa rin natatamo ang katiwasayan ng bansa
• Sinubukan ang Austerity Program upang makatipid sa paggasta, maiayos ang paggawa at
mapalaki ang pamuhunang kapaki – pakinabang
• Paglaki ng kakulangan sa reserbang salapi ng bansa
• Humina ang kalakalan ng Pilipinas at Amerika

1|P age
• Paghahabol ng Pilipinas sa mga pananagutan ng Estados Unidos sa bansa ngunit tinanggihan
lamang tayo at lalo pang binawasan ang tulong
• Di – makatarungang pakikitungo ng mga Amerikano sa mga Pilipino lalo na sa mga base militar
na pinaikli ni Pang. Garcia sa 25 taon imbes na 99 ang pananatili sa bansa
• Matinding hamon sa pamahalaan ang pagiging matapat at pagbibigay ng kasiya – siyang
paglilingkod sa taong – bayan

IV. GAWAIN

A. Isulat sa sagutang papel ang tamang letra ng sanhi mula sa hanay B na tutukoy sa tamang bungang
pangyayari na nasa hanay A.

Hanay A Hanay B
1. karapatang magmay – ari ng sariling lupa a. nagpatuloy dahil hindi kinaya ng
pamahalaan na mapigilan ito
2. Filipino First Policy o Patakarang Pilipino b. dahil sa pagsuko ni Luis Taruc
Muna
3. huminang kalakalan ng Pilipinas at c. upang makapagtipid sa paggasta ang
Amerika pamahalaan
4. diwang makabayan d. dahil binuksan niya ang palasyo ng
Malacañang sa karaniwang mamamayan
5. paglahok ng Pilipinas sa SEATO e. sapagkat walang pagkakaisa, ito’y sinikap
na muling buhayin ni Pang. Garcia sa mga
Pilipino
6. natigil ang magandang simulain ng bansa f. sapagkat aksidenteng sumabog ang
eroplanong sinasakyan na pumatay kay
Pang. Magsaysay
7. Nakapagbagong buhay ang maraming Huk g. dahil pinaghigpit ni Pang. Garcia ang pag –
noong 1954 aangkat ng produkto sa Amerika
8. isinulong ang Austerity Program h. dahil sa Land Reform Act of 1955 ay
nabigyan ng pagkakataon ang mga
magsasaka
9. kinilalang Kampeon ng Masang Pilipino si i. bunsod ng Manila Pact at para mapalawak
Magsaysay ang pakikipag – ugnayan sa ibang bansa
10. patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin j. dahil sa lumalaking populasiyon
k. upang mabigyan muna ng pagkakataon ang
Pilipinong mangangalakal na mapaunlad
ng bansa

B. Panuto: Piliin ang tamang akronim para sa pangulong gumawa ng nasabing hakbangin para sa suliranin ng
bansa. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

MAG – Ramon F. Magsaysay


GAR – Carlos P. Garcia

_______ 1. Hinikayat ang mga mamamayan na mamuhay ng payak.


_______ 2. Inidolo ng masa dahil sa pakikinig sa reklamo ng taong bayan o mamamayan.
_______ 3. Nagkaloob ng Commission on National Integration sa pangkat ng mga katutubo o indigenous
peoples tungo sa pagkakaisa.
2|P age
_______ 4. Upang mapaigting ang katarungan, nagpaikli sa 25 taon na
pag – upa ng mga base militar sa halip na 99 taon.
_______ 5. Nagpataas ng bandilang Pilipino sa tabi ng bandilang Amerikano sa mga base militar.
_______ 6. Nanguna sa paglahok ng Pilipinas sa SEATO bunsod ng
Manila Pact.
_______ 7. Nakapagpasuko sa mga Huk at kay Luis Taruc.
_______8. Sumikat ang Barong Tagalog na kilala bilang damit ng mahihirap dahil sa madalas niyang
pagsusuot nito.
_______ 9. Mas nabigyan ng karapatan ang mga manggagawa
at magsasaka.
_______10. Pagpapatupad ng Filipino First Policy o Pilipino Muna upang mabigyang pagkakataon ang
mga Pilipinong mangangalakal sa pagpapaunlad ng kabuhayan.

V. SANGGUNIAN
Gregorio, Sheila P. et al. (2021). Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 2: Mga Pangunahing
Suliranin at Hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972. Pilipinas. Kagawaran ng
Edukasyon. pp. 6 - 16

3|P age
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DISTRICT OF BULAKAN
TALIPTIP ELEMENTARY SCHOOL
Taliptip, Bulakan, Bulacan

FILIPINO 6
“PAG-IISA-ISA NG MGA ARGUMENTO SA BINASANG TEKSTO”
SUSI NG PAGWAWASTO

Gawain A:

1. H
2. K
3. G
4. E
5. I
6. F
7. B
8. C
9. D
10. A

Gawain B:
1. GAR
2. MAG
3. MAG
4. GAR
5. GAR
6. GAR
7. MAG
8. MAG
9. MAG
10. GAR
11.

Inihanda ni:

MARIA LUISA P. MARTIN


Teacher III

Noted:

ARMIDA SJ. SANTOS


Principal I
4|P age
5|P age

You might also like