You are on page 1of 14

6

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 – MODULE 1

Mga Pangunahing Suliranin at


Hamong Kinakaharap ng mga
Pilipino mula 1946 hanggang
1972

0
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mahalagang oportunidad sa pagkatuto sa ika-anim na baitang ng Araling
Panlipunan.

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa:

1. Mga suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at naging pagtugon sa mga suliranin.


2. Ugnayang Pilipino-Amerikano sa konteksto ng kasunduang militar na nagbigay daan sa
pagtayo ng base military ng Estados Unidos sa Pilipinas.
3. “Parity Rights” at ang ugnayang kalakaran sa Estado Unidos.
4. Epekto ng “Colonial Mentality” pagkatapos ng ikalawang digmaang pangdaigdig.

MELC (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto) Nasusuri ang mga pangunahing


suliranin at hamong kinakaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972.

K to 12 BEC CG: (AP6SHK-llla-b-l)

Matapos mong basahin at sundin ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Matalakay ang mga suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at naging pagtugon sa


mga suliranin.
2. Matalakay ang ugnayang Pilipino-Amerikano sa konteksto ng kasunduang militar na
nagbigay daan sa pagtayo ng base military ng Estados Unidos sa Pilipinas.
3. Maintindihan ang “Parity Rights” at ang ugnayang kalakaran sa Estado Unidos.
4. Maipaliwanag ang epekto ng “Colonial Mentality” pagkatapos ng ikalawang digmaang
pangdaigdig.

1
Tuklasin

Suliraning Pangkabuhayan

Natatandaan mo ba ang pinsalang dulot ng digmaan sa panahon ng Hapones?


Pagmasdan ang larawang nasa ibaba.

Upang mapabuti ang


kabuhayan ng bansa, sinikap ng
pamahalaan na magpatupad ng mga
patakaran at programa sa mga
mamamayan.
Picture Source: MESOSA V

Maraming Pilipino noon ang walang palagiang hanapbuhay. Ang edukasyon ng


mga mamamayan ay hindi angkop sa papasukang hanapbuhay. Kulang sila sa mga
kasanayang kinakailangan sa mga gawaing nais nilang pasukan. Maging ang mga magsasaka
ay nawalan ng lupang masasaka.

Isa sa mga ito ay ang pamamahagi ng


lupa sa mga maliliit na magsasaka.
Nagkaroon ng batas tungkol sa reporma
sa lupa. Dito nabigyan ng pansin ang mga
Picture Source: MESOSA V
hinaing ng mga magsasaka.

Pinabuti ang sistema ng edukasyon.


Binigyan ng pansin ang pagtuturo ng
mga kursong bokasyonal at teknikal,
gayundin and kagandahang-asal at
pagmamahal sa kulturang Pilipino.
Picture Source: MESOSA V

2
Nagpatayo ang pamahalaan ng mga
karagdagang paaralan upang higit na
maraming mag-aaral ang makapasok ng libre.

Picture Source: MESOSA V

May mga pribilehiyo na inihandog sa


mga batang mahihirap ngunit matatalino.

Picture Source: MESOSA V

Inilunsad din ang programa sa


pagpaplano ng pamilya upang
masugpo ang paglaki ng populasyon.

Picture Source: MESOSA V

Nagpahiram ang pamahalaan ng mga


puhunan sa mga mangangalakal upang
magamit sa pag-angkat ng mga makinang
Picture Source: MESOSA V
pang-industriya.

3
Ang mga Base Militar ng Estados Unidos sa Pilipinas

Ang base militar ay isang pasilidad na direktang pagmamay-ari, pinapamahalaan at


para sa hukbong sandatahan. Naging malapit ang ating bansa sa paniniwala ni Pangulong
Manuel Roxas na ang katatagan ng bansang Pilipinas ay nakasalalay sa pakikipag-ibigan sa
Estados Unidos.

Ipinagpatuloy ang kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos tungkol sa Base Militar


na pinirmahan noong Mayo 14, 1947 kung saan binigyan ang Amerika ng karapatang upahan
ang mga base militar sa loob ng 99 na taon. Bukod sa kasunduang Tulong na Militar (Military
Assistance Agreement) na unang nilagdaan noong Marso 21, 1947, ay nilagdaan pa ang isa
pang kasunduan noong Agosto 30, 1951. Ito ang Kasunduan sa Pagtatanggol sa isa’t isa
(US-RP Mutual Defense Treaty).

Nakapagpatupad si Pangulong Carlos P. Garcia ng ilang pagbabago sa mga base


militar ng Estados Unidos. Ang pagtaas ng bandilang Pilipino na katabi ang bandilang
Amerikano sa mga base militar simula noong araw ng Mayo 1957. Ang pagbabalik ng
Amerikano sa Pilipinas ng daungang pangmilitar sa Maynila na dating kontrolado nila. Ang
pagpapaikli sa 25 taon na pag-upa sa mga base militar sa halip na 99 taon. Ang pag-alis ng
karapatan ng mga Amerikano sa pagkontrol sa Olongapo.

Nagkaroon din ng ng mga limitasyon sa mga instalasyong militar ng Estados Unidos


sa bansa. Kabilang dito ang Clark Air Base Sangley Point Naval Base, Subic Base at Camp
John Hay.
Napagkasunduan ng mga Pilipino at Amerikano na maglagay ng mga missile sa
dalawang base bilang panangga sa sinumang dayuhan na sasalakay sa dalawang bansa.

May mga suliraning naging balakid sa ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ito ang
di makatarungang pakikitungo ng mga Amerikano sa mga manggagawang Pilipino sa mga
base militar, di-pantay na paggawad ng katarungan sa mga Pilipino at Amerikanong
nagkasala sa loob ng base, at ang pagbibintang na nagnanakaw ang mga Pilipino sa mga base.

4
“Parity rights” at ang ugnayang kalakalan sa Estados Unidos

Itinakda ng Bell Trade Act ang pagpapataw ng buwis sa anumang produktong


nanggagaling sa Pilipinas patungong Estados
Hindi nakapagluluwas ng
Unidos pagkalipas ng 1954. Limang porsyento ng maraming kalakal ang ating bansa
dahil sa malaki ang pinsalang natamo
buwis ang ipapataw taon-taon hanggang marating
nito sa digmaan laban sa Japan. Dahil
ang 100% sa taong 1974. Itinakda rin nito na may sa dami ng kalakal na mula sa Amerika,
mas malaki ang dolyar na lumalabas sa
kota o takdang dami rin ng asukal, bigas, tabako,
Pilipnas kaysa kinita nito. Nakalipas na
abono, lubid, langis ng niyog, at butones na perlas ang walong taon nang makayanan ng
mga Pilipino ang magluwas ng
na mailuluwas ng Pilipinas sa Amerika, samantalang
maraming produkto sa Amerika. Ngunit
makapagluluwas ang Amerika nang walang takda o malaki na ang ipinataw na buwis ng
mga ito.
dami o kota.

Hindi naging makatarungan ang


Parity Rights - isang tadhana Bell Trade Act sa mga Pilipino. Hindi pantay
sa Batas Bell na nagbigay ng
karapatan sa mga Amerikano sa ang Parity Rights o ang karapatan ng mga
pagtotroso, pagpapaunlad ng lahat Pilipino at Amerikano sa paglinang ng mga
ng lupang agrikultural at likas na
yaman, gayundin sa pamamalakad ng likas na yamang pinagkukunan at
mga paglilingkod na pambayan ng pamamalakad ng mga paglilingkod na
Pilipinas.
pambayan. Maraming pinuno ng Pilipinas ang
tumutol dito, ngunit kung hindi nila ito
tatanggapin, hindi ipagkakaloob ng Amerika ang tulong na pinansiyal para sa bansa. Dahil sa
kondisyong ibinigay, sumang-ayon na rin ang mga Pilipino kaya’t kinailangang amyendahan
ang Saligang Batas ng 1935 tungkol sa paglinang ng likas na yaman ng bansa.

Colonial Mentality o Isip Colonial

Naging mala-kanluranin ang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino. Nasanay sila sa

paggamit ng mga bagay na yari sa Amerika. Naging ugali ng mga Pilipino ang pagtangkilik

sa mga produktong gawa sa Amerika at napabayaan ang sariling atin. Inisip nila na ang mga

5
bagay na yari sa Amerika, pati na ang mga gawain at ugaling Amerikano o nabibilang sa

maputing lahi ay higit na maganda at mabuti kaysa sa sariling atin. Nagkaroon sila ng colonial

mentality.

Nagkaroon ng pagbabago sa kultura ng mga Pilipino. Nagbago ang pagpapahalaga ng

mga Pilipino. Naiba ang pakikitungo sa mga magulang. Nawala ang pagmamano sa

nakatatanda. Ang pagbati ng “Hi” ang ipinalit nila sa pagmamano. Ang pagbubuklod ng mag-

anak na Pilipino ay naging maluwag. Sumulat sa wikang Ingles ang maraming Pilipino.

Nagbago rin ang pananamit ng mga Pilipino. Bestida ang naging kasuotan ng mga babae.

Ang mga sapatos nila ay may mataas na takong at may handbag. Amerikana, polo shirt, at

kurbata naman ang naging kasuotan ng mga lalaki. Ang ilan sa ating mga pangalan tulad ng

John, Charles, Mary, at Ann ay galing din sa mga Amerikano. Ang ilan sa mga pagkain ay

nabago rin. Nadagdag ang steak, hotdog, corned beef at softdrinks.

Suriin
Gawain 1
Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat ang wastong letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

HANAY A HANAY B

________1. Nabigyan ng pansin ang mga


magsasaka a. Edukasyon

________2. Nagkaroon ng kursong bokasyonal


b. Pagpapautang sa mga
mangangalakal
________3. Pangunahing suliranin sa kabuhayan
ng bansa c. Pagpaplano ng Pamilya

________4. Naging suliranin ng mga pabrika at


pagawaan d. Pilipino

________5. Binigyan ng gobyerno ng kabuhayan e. Reporma sa Lupa

6
Gawain 2
Panuto: Isulat ang S kung sang-ayon at DS kung di-sang-ayon sa ipinapahayag sa pagtatatag
ng base militar ng mga Amerikano. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Ang pagkakaroon ng base militar sa bansa ay hindi patas para sa mga Pilipino.
_____ 2. Lumago ang negosyo sa mga pamayanang nakapalibot sa mga base militar.
_____ 3. Nakatulong ang base militar ng Amerika sa seguridad ng bansa.
_____ 4. Makatarungan ang pakikitungo ng mga Amerikano sa mga manggagawang
Pilipino.
_____ 5. Pantay ang paggawad ng katarungan sa mga Pilipino at Amerikanong nagkasala sa
loob ng base.
Gawain 3
Panuto: Hanapin sa word puzzle ang mga salitang may kinalaman sa aralin. Maaring
bilugan o kulayan ang iyong mga sagot gamit ang isang malinis na papel.

7
Bell Trade Act Buwis Pilipinas Batas

Parity Rights Estados Unidos Kalakal

Karapatan Produkto Porsyento

Gawain 4
Panuto: Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang mga salita. Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.

1 I K A
Inuming may halong tsa-a.

2 T A C T
Uri ng pabango na yari sa Amerika.

3 O A H
Pangalang panlalaki na hango sa Amerika.

4 P T K L K
Mahalaga ang ( ) ng sariling atin.

5 L L N L
Isip kolonyal sa wikang Ingles.

6 D K
Bagay na ginagawa upang maibenta.

8
Tayahin 1
Panuto: Lagyan ng tsek () kung Tama ang pinapahayag at ekis (x) naman kung Mali. Isulat
sa sagutang papel ang tamang sagot.

_________1. Malaking kabawasan sa kita ng pamahalaan ang pagtangkilik sa mga


tindahang ukay-ukay.

_________2. Mas matibay ang mga produktong galing sa China.

_________3. Ang pagtatangkilik ng mga produktong Pilipino ay nagpapahiwatig ng


pagkamakabansa.

_________4. Nagsisikap ang mga prodyuser na mapabuti ang uri ng kalakal upang
mahigitan pa ang mga yari sa ibang bansa.

_________5. Tataas ang produksiyon kapag bumili ng sariling produkto na gawa sa


Pilipinas.
Tayahin 2

Panuto: Basahin ang pangungusap at bilugan ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel
ang tamang sagot.

1. Naisabatas ito upang ang isang magsasaka ay magkaroon ng lupang masasaka.


A. Programang Pilipino Muna C. Pagpaplano ng Pamilya
B. Reporma sa Lupa D. Pagpapa-utang sa mga Mangangalakal

2. Sino ang mag-aaral na pina-paaral ng libre?


A. Mga naninirahan sa liblib na lugar. C. Mga batang mag-aaral sa elementarya
B. Mga mahihirap ngunit matatalino D. Mga madaling matuto sa mga aralin

3. Ano ang pinakakailangang gawin ng mga mamamayan at pamahalaan upang malutass


ang iba’t ibang suliranin ng bansa?
A. Maging disiplinado
B. Nararapat na gumawa ng programa ang pamahalaan ukol sa suliranin ng bansa
C. Ang mga mamamayan ay kailangang sumuporta sa programang makakatulong sa
paglutas ng mga suliranin
D. Wala sa nabanggit

9
4. Anu-ano ang mga kabutihang naidudulot ng pagtangkilik sa ating salering produkto?
I. Nagdudulot ng mas madaming hanap-buhay sa loob ng bansa.
II. Nagpapalakas sa mga local na industriya at negosyo.
III. Nakatutulong upang magkaroon ng mas malaking kita ang pamahalaan.
IV. Napauunlad at naipakikilala ang kulturang Pilipino.
A. I, II at III C. III, IV at I
B. II, IV at I D. Lahat ng nabanggit

5. Ano ang kabutihang dulot ng pagtatayo ng Base Militar sa Pilipinas?


I. Tumaas ang seguridad ng bansa.
II. Lumago ang turismo sa lokasyon kung saan naitayo ang mga base.
III. Naging matapang ang mga Pilipino.
IV. Naging pala-ibigan ang mga Pilipino.
A. I at II C. I at III
B. III at IV D. II at IV

Tayahin 3
Panuto: Gumawa ng isang poster tungkol sa pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa Estados
Unidos. Maaring gawin sa ibaba o sa hiwalay na papel.

10
Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang gabay.
Pamantaya
n 4 3 2 1
Nilalaman Naglalaman ng May isa o dalawang May ilang mali sa mga Karamihan sa
wastong mali sa mga ibinigay ibinigay na datos o ibinigay na
impormasyon. na datos o impormasyon. datos o
impormasyon. impormasyon
ay mali.
Paglalahad Lubhang malinaw Malinaw at Hindi gaanong Malabo at
at nauunawaan ang nauunawaan ang malinaw at hindi
pagkakalahad ng pakakalahad ng mga nauunawaan ang maunawaan
mga larawan. larawan. pakakalahad ng mga ang
larawan. pakakalahad ng
mga larawan.
Ebidensiya May sapat na May ilang May isa o dalawang Walang
ebidensiyang ebidensiyang naipakita. ebidensiyang naipakita. ebidensiyang
naipakita. naipakita.
Paghihikayat Nakahihikayat nang Nakahihikayat ang Bahagyang Hindi
lubos ang iginuhit. iginuhit. nakahihikayat ang nakahihikayat
iginuhit. ang iginuhit.

SAGOT SA PAGWAWASTO NG MGA GAWAIN


Gawain 1: Gawain 2

1. E 1. DS
2. A 2. S
3. C 3. S
4. B 4. DS
5. D 5. DS
Gawain 3:

11
Gawain 4:

1. M I L K T E A

2. V I C T O R I A ' S S E C R E T

3. J O N A T H A N

4. P A G T A N G K I L I K

5. C O L O N I A L M E N T A L I T Y

6. P R O D U K T O

SAGOT SA PAGWAWASTO NG TAYAHIN


Tayahin 1

1. 
2. X
3. 
4. 
5. 

Tayahin 2

1. B
2. B
3. C
4. D
5. A

Tayahin3 (5 puntos)
Diskresyon ng guro.

12
SANGGUNIAN:
A. Aklat

Eleanor D. Antonio, Emilia L. Banlaygas, Evangeline M. Dallo. 2015.


Kayamanan: Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 6. Quezon City,
Philippines: REX Publishing.

Department of Education. Revised 2010 by Learning Resource Management and


Development System (LRMDS). Pangkabuhayan sa Panahon ng Ikatlong
Republika.

MESOSA V, Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas.

B. Website
Base militar. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National
Commission for Culture and the Arts. Retrieved from

https://philippineculturaleducation.com.ph/base-militar/
Google/Pics and Arts

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Carolina C. Fernandez / Loretto C. Viray


Tagasuri:
A. Pang Distrito Marilou C. Sembran
Dr. Baby Jean L. Collado Florence C. Mercurio
Miamy P. Licudo
Frederick V. Agayo
B. Pang Dibisyon
Dr. Marilex A. Tercias Marlyne S. Asuncion
Dr. Nelda S. Rabang Luzviminda S. Dizon
Dr. Lea C. Cacayan Nida S. Bautista
Dr. Ma. Ruby L. Caballero Marissa S. Quiloto
Frederick V. Agayo Olivia L. Delos Santos
Myrna B. Paras Mary Ann L. Aglosolos
Analisa M. Mulato
Tagapamahala:
Dr. Danilo C. Sison
Mario S. Cariño
Dr. Cornelio R. Aquino
Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

13

You might also like