You are on page 1of 11

6

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 – MODULE 5

Ang Pamamahala ni
Pangulong Diosdado P.
Macapal
(1961- 1965)
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang gabayan ka na maunawaan nang husto ang
mga paksa at matuto ng mga bagong kasanayan kahit wala sa loob ng paaralan.
Pagkatapos ng aralin sa modyul, ang mag-aaral ay inaasahang:

Mailalahad nang tama ang mga patakaran at progama sa panahon ni Pangulong


Diosdado Macapagal.
Mapahahalagahan ang mga suliranin sa pamamahala sa panahon ng
administrasyong Macapagal.
Makabubuo ng Problem- Effect- Cause- Solution (PECS)

MELC (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto)

Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa


pagtugon sa suliranin at hamong kinahaharap ng mga Pilipino mula 1946 -1972
 K to 12 BEC CG: AP6SHK-III-eg5

Tuklasin
Ang Pamamahala ni Pangulong Diosdado Macapagal
(1961-1965)

Source: Google Image

Si Pangulong Diosdado Macapagal ang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas at


ikalimang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Kahit siya ay kilala bilang “Poor Boy” mula sa Lubao, siya ay isang bar
topnotcher, isang respetadong abogado at epektibong manunulat. Kanyang ipinangako
ang New Era sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1
1. Paggamit ng pambansang lenggwahe (Filipino) sa mga passport, selyo, traffic
signs, pangalan ng bagyo, diploma ng eskwela at iba pang diplomatic credentials,

Source: Google Image

2. Paglipat ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 tungo sa Hunyo 12 (bilang parangal sa


proklamasyon ng kalayaan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12,1898)

3. Pagpafile ng pag-aari sa Sabah noong 22 ng Hulyo 1962, ang pagkakalikha ng


MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia) Organization na isang pagkakaisang
pang ekonomiya noong Agosto 5, 1963.

Source: Google Image

2
4. Isa rin sa mahalagang palatuntunan niya ay ang pagpasa ng Agricultural Land Reform
Code noong Agosto 8, 1963. Walong lalawigan ang inilagay niya sa ilalim ng batas na
ito. Ito ay ang Pampanga, Bulacan, Pangasinan, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales
at Cavite. Dahil dito tinagurian siyang “Ama ng Reporma sa Lupa”.

Source: Google Image

5. Humalili din siya bilang pangulo ng Constitutional Convention noong 1971 para sa
pagbabago ng saligang batas.
6. Sa ilalim ng pamahalaang Macapagal, naitatag ang mga bangko tulad ng Philippine
Veterans Bank, Asian Development Bank at Private Development Corporation of the
Philippines.

Ilan sa mga katiwaliang kaniyang nilayon na wakasan ang mga sumusunod:


1. Nepomotismo o pagtatalaga sa pamahalaan ng mga kamag-anak kahit na walang
kakayahan.
2. Panunuhol o pagbibigay ng salapi o regalo bilang kapalit ng hinihinging tulong.
3. Pagpupuslit sa bansa ng mga illegal na kalakal
4. Pag- iwas sa pagbabayad ng buwis
5. Pagpapayaman samantalang nasa puwestosa pamahalaan at
6. Pangingikil o paghingi ng salapi kapalit ng serbisyo.

Namatay siya sa atake sa puso, pneumonia at sakit sa kidney sa Ospital ng Makati


noong ika-21 ng Abril, 1997. (Palu-ay, et.al., 2010, pp. 220-222)

3
GAWAIN 1

Panuto: Kulayan ng dilaw ang kahon na nagpapakita ng suliranin o katiwaliang


nilayong mawakasan ng administrasyong Macapagal. Hanapin ang mga sumusunod na
salita sa loob ng kahon. Gawin ito sa malinis na papel.

Nepotismo Pagpupuslit Pangingikil


Panunuhol Pagpapayaman Pag-iwas

P A G P A P A Y A M A N
A A D S B A I H K L M A
N D G I N H H M B I P B
G F B P A G I W A S O G
I H S R U U G H N O L D
N J Y T T P O G A P J H
G G G Y R I U J Y G H J
I N E P O T I S M O M T
K R R O S A L K L H N Y
I E O R H K M L D I A I
L O H U N U N A P J T O

4
Gawain 2

Panuto: Bumuo ng Problem – Effect – Cause - Solution (PECS) tungkol sa mga


suliraning kinaharap ni Pangulong Diosdado Macapagal. Maaaring gamitin ang tsart sa
ibaba bilang gabay. Isulat sa malinis papel ang tamang sagot.

Problem Effect Cause Solution


(Suliranin) (Epekto) (Dahilan) (Solution)

Gawain 3 (Limang Puntos)


Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa mga patakaran at programa ni
Pangulong Macapagal at ang ambag nito sa ating lipunan o bansa. Isulat sa sagutang
papel ang tamang sagot.

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Rubric bilang gabay sa pagsulat ng maikling sanaysay sa Gawain 3

Pamantayan Iskor

1. Nakapagbibigay ng mga 4-5 programa ni Pangulong Macapagal 4-5


at 4-5 na ambag nito sa lipunan.

2. Nakapagbibigay ng mga 2-3 programa ni Pangulong Macapagal 2-3


at 4-5 na ambag nito sa lipunan.

3. Nakapagbibigay ng 1 programa ni Pangulong Macapagal at 1 na 1


ambag nito sa lipunan.

5
Tayahin
Panuto: Sagutin nang wasto ang pagsasanay. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
ito sa iyong sagutang papel.

1. Siya ang ikalimang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.


A. Carlos P. Garcia
B. Diosdado Macapagal
C. Ferdinand Marcos
D. Ramon Magsaysay

2. Kailan nilagdaan ang Agricultural Land Reform Code?.


A. Agosto 6,1963 C. Agosto 9, 1963
B. Agosto 8,1963 D. Agosto 8, 1973

3. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Hunyo 12 bilang parangal sa proklamasyon ni Hen.


Emilio Aguinaldo ng kalayaan sa Kawit, Cavite.
A. Araw ng Kalayaan
B. Araw ng Kapighatian
C. Araw ng Kapistahan
D. Araw ng Katapangan

4. Ito ay nilagdaang kasunduan sa pagitan nina Pangulong. Sukarno ng Indonesia,


Pangulong. Macapagal at Tunku Abdul Rahman ng Malaysia na magkaroon ng matibay
na pag-uugnayan at pagtutulungan ng tatlong bansa.
A. ASA B. ASEAN C. MAPHILINDO D. SEATO

5. Alin sa sumusunod na batas ang may layuning na bigyan ng sariling lupa ang mga
magsasaka at kasamang walang lupang sakahan?
A. Magna Carta of Labor
B. Agricultural Tenancy Act
C. Patakarang Pilipino Muna
D. Agricultural Land Reform Code

6
6. Alin sa sumusunod ang mga walong lalawigannna inilagay ni Pangulong Macapagal
sa Kodigo ng Reporma sa Lupang Pansakahan noong Agosto 8, 1963?

A. Pampanga, Bulacan, Pangasinan, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales at Cavite


B. Pampanga, Bicol, Pangasinan, Batangas, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales at Cavite
C. Pampanga, Bulacan, Pangasinan, Batangas, Nueva Viscaya, Tarlac, Zambales at
Cavite
D. Pampanga, Bicol, Pangasinan, Bataan, Nueva Ecija, Tarla, Zambales at Cavite.

7. Sinong pangulo ang naglipat ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 sa Hunyo
12?
A. Manuel Roxas
B. Elpidio Quirino
C. Ferdinand Marcos
D. Diosdado Macapagal

8. Anong taon ng panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal?


A. 1953-1957
B. 1957-1961
C. 1961- 1965
D. 1965-1969

9. Alin ang teritoryo ng Pilipinas na bahagi ng pag-aari ng Sultan ng Sulu na pinaupahan


lamang sa British East India Company?
A. Tawi-Tawi B. Scurborough C. Palawan D. Sabah

10. Anong taon namatay si Pangulong Macapagal dahil sa atake sa puso, pneumonia at
sakit sa kidney sa Ospital ng Makati?
A. Abril 12, 1997
B. Abril 21,1997
C. Abril 22, 1997
D. Mayo 21, 1997

7
Sagot sa Pagwawasto ng mga Gawain
Gawain 1

P A G P A P A Y A M A N
A A D S B A I H K L M A
N D G I N H H M B I P B
G F B P A G I W A S O G
I H S R U U G H N O L D
N J Y T T P O G A P J H
G G G Y R I U J Y G H J
I N E P O T I S M O M T
K R R O S A L K L H N Y
I E O R H K M L D I A I
L O H U N U N A P J T O

Gawain 2

Problem Effect Cause Solution


(Suliranin) (Epekto) (Dahilan) (Solusyon)
Reporma sa Lupa Nabigyan ng sariling Pag- aari ng lupa ng Batas sa Reporma sa
lupa ang mga mga magsasaka Lupang Sakahan
magsasaka

Katiwalian sa Kawalan ng mga Kaguluhan sa bansa at Hinimok niyang ang


pamahalaan mamamayan ng tiwala kahirapan ng mga namumuno sa
sa pamahalaan mamamayan kawani na mamuhay
ng simple at
maglingkod ng
mahusay

Kakulangan sa Kahirapan ng bansa Walang masyadong Nilikha niya ang EEA


hanapbuhay hanapbuhay ang mga o Emergency
mamamayan Empolyment
Administration

Pilipinismo Nagkaroon ng Pagtangkilik sa wikang Paggamit ng wikang


pagpapahalaga sa banyaga Filipino at paglipat ng
ating bayan Araw ng Kalayaan sa
Hunyo 12

8
Gawain 3(Pagpapasya ng guro 5 puntos)
Rubric sa Pagpupuntos sa Paggawa ng Maikling Sanaysay tungkol sa mga patakaran
at programa ni Pangulong Macapagal at ang ambag nito sa pag-unlad ng lipunan at
bansa

Pamantayan Iskor

1. Nakapagbibigay ng mga 4-5 programa ni 4-5


Pangulong Macapagal at 4-5 na ambag nito sa
lipunan.
2. Nakapagbibigay ng mga 2-3 programa ni 2-3
Pangulong Macapagal at 4-5 na ambag nito sa
lipunan.
3. Nakapagbibigay ng mga 1 programa ni 1
Pangulong Macapagal at 1 na ambag nito sa
lipunan.

Sanggunian

A. Aklat

Palu-ay, Alvenia P.., et.al.2010. Makabayan Kasaysayang Pilipino 5.Araneta


Avenue.cor. Ma. Clara St. Quezon City: LG & M Corporation.

e.g. pp. 220-222

MELC Araling Panlipunan 4, Department of Education, May 2020


B. Website
https://quizlet.com/4039012/panunungkulan-ni-diosdado macapagal-flash-
cards/

9
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maricel N. Carig


Tagasuri:
A. Pang Distrito: Dr. Baby Jean L. Collado Florence C. Mercurio
Miamy P. Licudo Marilou C. Sembran
Frederick V. Agayo

B. Pang Dibisyon:

Dr. Nelda S. Rabang Marlyne S. Asuncion


Dr. Lea C. Cacayan Luzviminda S. Dizon
Dr. Ma. Ruby L. Caballero Nida C. Bautista
Frederick V. Agayao Marissa S. Quinto
Myrna B. Paras Olivia L. Delos Santos
Analisa M. Mulato May Ann L. Aglosolos

Tagapamahala:

Dr. Danilo C. Sison


Mario S. Carino
Dr. Cornelio R. Aquino
Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

Sagot sa Pagwawasto ng Tayahin

1. B 6. D
2. A 7. A
3. A 8. C
4. D 9. D
5. D 10. B

10

You might also like