You are on page 1of 12

10

LEARNING ACTIVITY
SHEET IN
ARALING PANLIPUNAN
ARALING PANLIPUNAN - GRADE 10

Quarter 4 – Lesson 1 - LAS 1: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong


pagkamamamayan.

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Regional Director : Gilbert T. Sadsad

Assistant Regional Director : Ronelo Al K.

Firmo Development Team of the LAS

Writer : Carlo M. Rempillo

Editors/Reviewers : Wilma Joy M. Del Monte, EdD


EPS 1 Araling Panlipunan – SDO Camarines Norte

Lay-out Artist :

Tagapamahala

Schools Division Superintendent : Nympha D. Guemo

Assistant Schools Division Superintendent : Maria Flora T. Pandes, EdD

Chief, Curriculum Implementation Division : Emma T. Soriano, EdD

Education Program Supervisor : Wilma Joy M. Del Monte, EdD


Name of Student: _
Learning Area: _ Grade Level:
Date: _

Alamin

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mamamayan sa isang bansa.


Ang mga pagbabagong panlipunan, tulad ng pagkakaroon ng mga imprastruktura,
pasilidad, komunikasyon, makabagong pamumuhay at pag-unlad ng ekonomiya ay
dulot ng sipag, talino at kakayahan ng mga mamamayan na nakatira sa isang
bansa. Sa yunit na ito, ating pag-aaralan ang kahalagahan ng pagiging aktibong
mamamayan. Ito ay naglalaman ng mga gawain, kaalaman at kasanayan upang
masuri at maunawaan ang kahalagahan ng pagiging aktibong mamamayan.
Makakatulong ito upang mapalalim ang iyong pag-unawa tungkol sa mga gampanin
ng isang mamamayan sa lipunan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan.

Sa araling ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga kasanayan na:

1. Naipaliliwanag ang mga katangian na dapat taglayin ng isang


akti- bong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping
pansibiko.
2. Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan.

3. Napahahalagahan ang papel ng mamamayan para sa


pagbabagong panlipunan.

Panimulang Gawain

Krosalita: Mula sa krosalita ay subukan mong hanapin, sa anomang


direksyon, ang mga salita na tumutukoy sa katangian na dapat taglayin ng isang
aktibong mamamayan, pagkatapos isulat ito sa sagutang papel kung ano ang siyang
tinutukoy nito.

F Q U E R T Y D E E G B R A L K
M A K A S A N D A I G D I G A N
P R O D U K S N A Y A B A K A M
M G K A R A N H A Y G D I T A N
O S S V J G G T F B W E R I D E
P I A O A H A R R I H L E N E R
Z T N P I I T A I T R I G G T X
S H A U M L J R E K Y B U F E R
E G A T M A O S D U I E L E R G
H B L O A A S T T D D R A R I U
P I L F K D E R U O S A R A O I
H F P A A S R O G R E T D F T J
T A P A T S A R E P U B L I K A
A M B T A U U F H F T L T T N L
M I R Y O T V H T L E Y U G I A
B P U F L R T U G R R G G A N E

1. Isang katangian na tumutukoy sa pagmamahal, pagtatagu-


yod at handang ipagtanggol ang kapakanan at interes ng
kaniyang bansa.
_ 2. Tumutukoy ang salitang ito sa pagmamahal sa kapwa
tao, iniisip ang kanyang kapakanan at kabutihan.
_ 3. Ang katangiang ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kaka-
yahan upang makatulong sa ekonomiya ng bansa sa pama-
magitan ng mga skills na magagamit niya sa kanyang
trabaho.
_ 4. Ito ay tumutukoy sa katapatang-loob at hindi pagtalikod
sa pagka-mamamayan ng isang bansa.
_ 5.Isang katangian ng aktibong mamamayan na isinasa-alang
alang ang kagalingan ng sariling bansa at ng buong
mundo.
Mahusay!
Natutuwa ako at nasagutan mo ng tama ang
ang panimulang gawain.

Pagkatapos mong alamin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang aktibong
mamamayan. Ikaw ay magiging mas handa para sa pag-unawa tungkol sa dalawang
pananaw ng pagkamamamayan: ang ligal na pananaw at lumawak na pananaw.

Suriin

Ligal at Lumawak na Konsepto ng Pagkamamamayan

Basahing mabuti ang sumusunod na mga talata upang lumawak ang iyong
kaalaman tungkol sa dalawang pananaw ng pagkamamamayan.

Ligal na Pananaw
Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o
katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado
ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. Tinatayang panahon ng
kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen. Ang
kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag
na polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen
na limitado lamang sa kalalakihan. Ang pagiging citizen ng Greece ay
isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin.
Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng
mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado. Ang isang citizen ay
inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga
pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko,
administrador, husgado, at sundalo.

Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming


pagbabago ang konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen. Sa
kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na
kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray
Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at
ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa
isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga
karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas
ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.

Dito rin makikita kung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at ang
kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen.
Bilang halimbawa, tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa ikaapat na
artikulo ng Saligang Batas ng1987 ng Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa
pagkamamamayan. Iniisa-isa rito kung sino ang maituturing na mamamayan ng
Pilipinas.

ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN

SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:


(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-
batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina
ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

SEK. 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng


Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano
mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang
Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa
Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na
mamamayan.

SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo


sa paraang itinatadhana ng batas.

SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng


Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o
pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.

SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang


pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

Sanggunian:
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. (1987, February 2). Ang Konstitusyon ng Republika
ng Pilipinas 1987.

Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang


indibiduwal. Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng
naturalisasyon sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1.)Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa;


2.)Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag maydigmaan, at
3.)Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
Sa puntong ito ay maliwanag na sa iyo ang konsepto ng
citizenship at ang tradisyonal na pananaw nito. Sa susunod na
talata ay iyong matutunghayan kung paano sa pagdaan ng
panahon ay lumawak ang konsepto ng pagkamamamayan.
Pansinin ang malaking pagkakaiba ng tradisyonal at ang pagiging
malawak na pakahulugan ng pagkamamamayan.

Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan


Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan.
Tinitingnan ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa
lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga
tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa
lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang
panlahat. Mangyari pa, tinitingnan ng indibiduwal na siya ay bahagi ng isang
lipunan kasama ang ibang tao.
Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa
lipunan ang isang mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan na may
mga karapatan at tungkuling dapat gampanan, inaasahan na siya ay
magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng
lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan
nito. Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng isang
mamamayan ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan.
Kaniyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating
sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin. Ang mamamayan
ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan
sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang
ipatutupad sa isang estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa pamahalaan ang
kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng
isang kolektibong pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.
Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating matukoy
ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan. Ayon kay Yeban (2004), ang
isang responsableng mamamayan ay inaasahang makabayan, may
pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may
pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong konsepto ng isang aktibong mamamayan?


2. Ano ang pagkakaiba ng ligal na pananaw at lumawak na pananaw?
3. Bakit mahalaga sa isang lipunan ang pagiging aktibo ng
mamamayan sa pagkakamit ng kaunlaran ng bansa?

Paghahalaw

Ngayon at alam mo na ang ibig sabihin ng Ligal at Lumawak na


pananaw ng pagkamamamayan, buuin ang talahanayan na nagsasaad ng
kanilang katangian bilang mga aktibong mamamayan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Lumawak na Pananaw
Dahilan ng Pagiging Dahilan ng Pagkawala ng
ng Pagkamamamayan
Mamamayan Pagkamamamayan
ayon kay Yeban (2004)

Tandaan Natin

Maituturing na ikaw ay isang aktibong mamamayan ng isang bansa kung


hindi lamang ang pagiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan.
Tayo ang bumubuo sa ating lipunan. Tayo ang nagpapagalaw, nagpapaunlad at
naka depende saatin ang ikauunlad nito. Kung kaya mahalaga ang papel ng isang
mamamayan sa lipunan.

Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat


gampanan,inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga
isyung kinahaharap ng lipunan sa pagpapabuti sa kalagayan nito.

Dapat ang bawat isa sa atin ay sumusunod sa mgaalituntunin at batas sa loob ng


tahanan, paaralan at maging sa pamayanan.

Ang pagkamamamayan, igigiit ng isangmamamayan ang kaniyang mga karapatan


para sa ikabubuti ng bayan.

Kaniyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa


mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin.
Paglalapat

A. Ako Bilang Aktibong Mamamayan

Magsulat ng limang katangian ng aktibong mamamayan sa bawat


pananaw ng pagkamamayan. Magbigay ng maikling paliwanag kung bakit ito
naging isang katangian ng aktibong mamamayan sa tingin mo ay nagpapakita ng
pagiging aktibong mamamayan.

Lumawak na
Ligal na Pananaw
Pananaw
1.
1.
2. Aktibong
Mamamayan 2.
3.
3.
4.
4.
5.
5.

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang iyong konsepto ng isang aktibong mamamayan?

2. Paano mo nasabing ang mga gawaing inilagay mo sa tsart ay


nagpapakita ng pagiging isang aktibong mamamayan?

3. Gaano kahalaga sa isang lipunan ang isang aktibong mamamayan?

B. I-Sanaysay mo na iyan!

Mula sa iyong mga natutunan sa paksa, madalas sa maraming pagkakataon, hindi


natin naipamamalas ang ating pagkamamamayan sa mga hamong panlipunan na
ating kinakaharap.

Ngayon, gumawa ka ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pagiging


aktibong mamamayan ng isang bansa at kung paano dapat harapin ang
nagbabagong lipunan. Maging malikhain sa paggawa nito.
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG SANAYSAY

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS

Organisasyon ng mga Lohikal at mahusay ang


ideya pagkakasunud-sunod ng
mga ideya; naipakita 10
ang debelopment sa
mga talata.

Nilalalaman Malinaw na naipahayag


sa sanaysay ang
gampanin ng isang 10
aktibong mamamayan sa
isang bansa.

Mungkahing Tugon sa Nailalahad ng maayos at


Paksa nakapagbibigay mungkahi
na dapat isabuhay ng 20
isang aktibong
mamamayan.

KABUUANG PUNTOS 40

Answer Key

Panimulang

Gawain

1. Makabayan

2. Makatao

3. Produktibo

4. Tapat sa Republika

5. Makasandaigdigan
Pagsusuri

Ang mga sagot ng mag-aaral ay nakadepende sa


kanilang pag-unawa sa teksto at kanilang karanasan.

Paghahalaw

Mga dahilan ng Pagkamamamayang Pilipino:

(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay


ng saligang-batas;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga
ina
ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

Mga dahilan ng pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino:

(1) ang panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas ng ibang bansa;


(2)tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag
maydigmaan; (3)nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

Lumawak na Pananaw ayon kay Yeban (2004)

(1) may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao;


(2) may pagpupunyagi sa mga bayani;
(3)gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang
mamamayan, (4)may disiplina sa sarili, at
(5) may kritikal at malikhaing pag-iisip.

Paglalapat

A. Ang sagot ng mga mag-aaral ay nakaayon sa ligal


at lumawak na pananaw na may kalakip na
paliwanag.

B. Ang sagot ng mga mag-aaral ay nakadepende sa husay ng


Paggawa ng sanaysay.
Mga Sanggunian

Department of Education. Araling Panlipunan Grade 10 Learners Module, 2017.

Department of Education. Araling Panlipunan – Ikalawang Markahan – Modyul 4;


Alternative Delivery Mode

Learning Activity Sheet in Araling Panlipunan Grade 3

https://www.scribd.com/document/390781298/Rubrik-Sa-Pagsulat-Ng-Sanaysay

http://clipart-library.com/

https://www.academia.edu/38373454/COT_3_pptx

You might also like