You are on page 1of 4

Q4 – WEEK 1

NOTRE DAME OF JARO, INC.

Msgr. Lino Gonzaga St., Jaro, Leyte
notredame.jaro@yahoo.com.ph
S.Y. 2021-2022
ISKOR:
Araling Panlipunan 10 K-
U-
Pangalan: P-
_______________________________________________________________
__________________________________________
Baitang/Seksyon: _________________________________________ Petsa:
____________________________________________
ARALIN 1: Pagkamamamayan: Konsepto At Katuturan
LAYUNIN: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagmamamayan
MATERYAL: Books, Self-Learning Module, Laptop
REFERENCES:
Mactal, Ronaldo B, PhD. PADAYON 10 (Mga Kontemporaneong Isyu) K to 12, Phoenix Publishing
House, Inc. 2018
Panimula:
Sa pagsisimula ng iyong pagtalakay sa modyul na ito, pagtutuunan mo ng pansin ang
gawaing pupukaw sa iyong interes. Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong nalalaman
tungkol sa konsepto ng pagkamamamayan at bahaging ginagampanan nito sa kasalukuyan.
Motivation:
1. Sa iyong palagay, bakit kailangan ng legal sa proseso sa lahat ng bagay?
_______________________________________________________________________________________

TALAKAYAN:
Legal na Pananaw

Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang
miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. Tinatayang panahon
ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng
mga lungsod-estado na tinatawag na polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan. Ang
pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin. Ayon sa
orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan ng
estado. Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga
pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko, administrador, husgado, at
sundalo.

Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming pagbabago ang konsepto ng citizenship at ng

pagiging citizen. Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng isang
indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng
isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado
kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, inisa-isa ng
estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.

Dito rin makikitakung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at ang kanilang mga karapatan at
tungkulin bilang isang citizen. Bilang halimbawa, tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa ikaapat

1|Page
na artikulo ng Saligang Batas ng1987 ng Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan. Iniisa-
isa rito kung sino ang maituturing na mamamayan ng Pilipinas.
Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan

Jus sanguinis
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang.
Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.

Jus soli o jus loci

Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa
Amerika.

ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN

SEKSYON 1. Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas:

(1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito;
(2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas;
(3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Filipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEK. 2. Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas mula pa sa
pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang
kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging mamamayang Pilipino ayon sa
Seksyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mga mamamayan.
SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng
batas.
SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-
asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng
batas, na nagtakwil nito.
SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat
lapatan ng kaukulang batas.

PAGTATALA:
GAWAIN 1: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang mga batayan ng pagiging isang mamamayang Pilipino?

________________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang dahilan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal?

3. Gaano kahalaga ang isang mamamayan sa lipunang Pilipino?

2|Page
Values Integration:
Ang katayuan at kalagayan ng isang indibidwal bilang kabahagi ng lipunan o estado ay
importante dahil dito naibabatay ang kasaysayan ng lipunan.

CONTACT INFORMATION:
Email Address: terradobsed@gmail.com
Messenger Account: Via Terrado Cañeda
Mobile Number: 09518336812

_________________________________ GNG. VIA T.

CAÑEDA
PANGALAN NG MAGULANG/GUARDIAN AT LAGDA/PETSA GURO SA A.P. 10

3|Page
4|Page

You might also like