You are on page 1of 4

BUKIDNON NATIONAL HIGH SCHOOL

Malaybalay City Bukidnon

ARALING PANLIPUNAN 10
Worksheet 1
Ika-Apat na Kwarter
Pangalan: ________________________________ Baitang at Seksyon:____________________

ARALIN 1 - PAGKAMAMAMAYAN: KONSEPTO AT KATUTURAN

Konsepto ng Pagkamamamayan
Ang pagkamamamayan ay hindi lamang nangangahulugan bilang kasapi ng isang estado o lipunan,
bagaman ito ay mayroong kaakibat na mga gampanin at tungkulin na dapat maisagawa. Halimbawa na
lamang ng mga isyung panlipunan na napapanahon o mga isyung pangkasalukuyan. Nasa ating mga isip na
ang pagbibigay solusyon sa mga nasabing isyu ay tungkulin lamang ng ating pamahalaan subalit hindi natin
alam na kahit ang isang simpleng mamamayan ay mayroong karapatan o kakayahan na mabigyang
hakbang at solusyon ang mga ganitong isyung panlipunan. Ating alalahanin na kaya nating gumawa ng mga
hakbang na ikabubuti ng lahat kahit na tayo ay walang posisyon o kapangyarihan sa pamahalaan sapagkat
bilang miyembro ng isang estado nasa ating kamay rin ang susi upang ating makamit ang isang mapayapa at
matiwasay na bansa at pamumuhay.

Gawain 1: Awit-Suri
Panuto: Basahin/Awitin ang liriko ng awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon. Pagkatapos
ay gawin ang mga sumusunod na gawain sa ibaba.Nasa loob ng puzzle ang mga salitang naglalarawan sa
isang mabuti at aktibong mamamayan ayon sa awiting “Ako’y Isang mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon.
Bilugan ang mga salitang ito.

M A K A B A Y A N T M
A A D G T H A A D F A
P G S U I E A D I A K
A U F U G Y D A S O A
G R E F N H F D I T K
M A P A G U E R P E A
A A G T Y U R S L P L
H M S G R D A I I S I
A D G E G S T F N E K
L U I U E A F D A R A
U I R A P S D A D A S
N N J A F U G I O M A
M A T U L U N G I N N
N A M H I Y R B X A G
M A P A G B I G A Y I
M E I D S A F R S H F

Gawain 2: Katangian-Kahalagahan
Panuto: Gamit ang mga salitang nahanap sa Gawain 2: Awit-Suri, pumili ng 5 salita at ipaliwanag ang
kahalagahan nito kung bakit dapat taglayin ng bawat mamamayan ang mga ito at kung paano ito
makatutulong upang magkaroon ng isang mapayapa na bansa at matiwasay na pamumuhay.

KATANGIAN KAHALAGAHAN
1.

2.

3.

4.

5.

Inihanda ni: HARY L. TERO JR., LPT


Legal na Pananaw ng Pagkamamamayan

Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro
ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. Tinatayang panahon ng
kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga
lungsod-estado na tinatawag na polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang
pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan. Ang
pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin. Ayon
sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan
ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga
pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko, administrador, husgado, at
sundalo.
Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming pagbabago ang konsepto ng citizenship at ng
pagiging citizen. Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship bilang isang legal na kalagayan ng isang
indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng
isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado
kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, iniisa-isa ng
estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.
Dito rin makikita kung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at ang kanilang mga karapatan at
tungkulin bilang isang citizen. Bilang halimbawa, tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa ikaapat
na artikulo ng Saligang Batas ng1987 ng Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan. Iniisa-
isa rito kung sino ang maituturing na mamamayan ng Pilipinas.

ARTIKULO IV – PAGKAMAMAMAYAN

SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:


(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEK. 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na
wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang
pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1,
Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng
batas.
SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng
mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na
nagtakwil nito.
SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat
lapatan ng kaukulang batas.

Sanggunian:
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. (1987, February 2). Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987. Retrieved August 21, 2014, from Official Gazette: http://www.gov.ph/constitutions/ang-
konstitusyon-ng-republika

Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal. Unang dahilan ay kung siya
ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 1.) ang
panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas ng ibang bansa; 2.) tumakas sa hukbong sandatahan ng ating
bansa kapag may digmaan, at 3.) nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan


Jus sanguinis
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga
magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
Jus soli o jus loci
Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa
Amerika.

Ang pagkamamamayan ay ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o
estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang
umusbong ang konsepto ng citizen. Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming
pagbabago ang konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen. Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang
citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado. Tumutukoy sa
pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng
mga karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng
mga mamamayan nito.

Inihanda ni: HARY L. TERO JR., LPT


Gawain 3: Citizenship Map
Panuto: Kumpletuhin ang graphic Organizer sa ibaba batay sa iyong nabasang teksto tungkol sa
pagkamamamayan.

PAGKAMAMAMAYAN

Pagkamamamayan sa Panahon ng Pagkamamamayan sa Kasalukuyan:


Kabihasnan sa Greece:

Tungkulin ng isang citizen sa Greece: Ayon kay Murray Clark Havens

Buod ng Pagkamamamayan ayon sa Artikulo IV ng Saligang Batas ng 1987:

Konsepto ng Jus Sanguinis Konsepto ng Jus Soli

Pangkalahatang Kaisipan ng Pagkamamamayan:

Lumalawak na Pananaw ng Pagkamamamayan


Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan. Tinitingnan ngayon ang
pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado, bagkus,
maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang
pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa
lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat. Mangyari pa, tinitingnan
ng indibidwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang tao.
Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang mamamayan.
Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat gampanan, inaasahan na siya ay
magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na
layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito.
Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng isang mamamayan ang kaniyang mga
karapatan para sa ikabubuti ng bayan. Kaniyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas
upang iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin. Ang mamamayan ngayon ay
hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo ang
pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad sa isang estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa pamahalaan
ang kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong
pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.
Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating matukoy ang mga katangian ng isang
mabuting mamamayan. Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang
makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga
bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at
malikhaing pag-iisip.
Inihanda ni: HARY L. TERO JR., LPT
Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa ating bansa.
Ang mga gawaing ito ay maituturing na mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa sa atin.
Ngunit sa kabila ng pagiging simple ng mga ito ay maaaring magbunga ng malawakang pagbabago sa
ating lipunan.
1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.
2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay na smuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin
ang gawang-Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkod-bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga anak.

Sanggunian: Lacson, Alexander L. (2005). 12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country. Alay Pinoy Publishing House

Gawain 4: Pamprosesong Tanong:


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Anu-ano ang mga katangian na lumawak na pananaw at anu-ano naman ang nasa lumawak na
pananaw
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
2. Mayroon bang kaibahan ang mga katangian ng isang aktibong mamamayan batay narin sa iba’t
ibang pananaw? Ipaliwanag ang sagot.
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
3. Paano umusbong ang katangian ng isang aktibong mamamayan mula sa legal na pananaw
hanggang sa lumawak na pananaw?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________

Gawain 5: Photo Collage


Panuto: Pumili ng anim (6) gawain ng isang mamamayan na binigay sa tekstong binasa. Kunan ng larawan
ang sarili o ang kamag-aral habang ginagawa ang mga ito. Maaari kayong magcollaborate bilang isang
grupo o mag-share ng inyong mga larawan upang mabuo ang anim na larawan. I-print ang inyong
nagawang collage at idikit ito sa baba.

Inihanda ni: HARY L. TERO JR., LPT

You might also like