You are on page 1of 63

Pasulat o Pasalitang Paggamit

ng Panandang Anaporik at
Kataporik at Pagsulat ng Ulat-
Balita
Ikatlong Markahan: Modyul 8 at 9
BALIKAN
Magbigay ng maikling
buod ng pelikulang
“Heneral Luna.”
TUKLASIN
Basahin ang tanong sa
bawat bilang at hanapin
ang sagot sa loob ng
kahon.
D M A S I P A G G M O N M
G R S L N F S F X A T W S
B O E J L D V M P L U A K
I N M A S A Y A F U K D A
S G D E D D A S S N W M L
T D M G M H S I H G K A E
I J A K A H A G R K A G P
D W N U T L X L O O F A E
A Y O L A T O A E T S N M
E Q K Q L Y I J A E R D D
R T R M I C R G F G E A B
S L P A N G A R A P W C F
C S G V O L E V I T L O G
1. Si Juan ay madalas maglinis
ng kanilang bahay at
tumutulong din siya sa
kaniyang magulang. Anong
katangian ang ipinapakita ni
Juan?
2. Masaya at ____ na
nagtungo si Nina sa
kaniyang magulang upang
ibalita sa mga ito ang
pakakatanggap niya sa
trabaho.
3. Nararamdaman ng
isang tao kapag
nakatatanggap siya ng
regalo.
4. Palaging
nakakasama sa mga
nangunguna sa klase si
Gino, siya ay ____.
5. Maraming
humahanga kay
Maria dahil siya ay
may_____ ugali.
6. Nawawala ang
alagang aso ni Boyet
kaya ngayon siya ay
_______.
7. Tawag sa
kasuotan ng mga
babae ______.
8. ____ ni Jun ang
makapunta sa
ibat-ibang bansa.
9. Uri ng pagkain
na nagmula sa
manok.
10. Dito
nagmula ang
itlog.
D M A S I P A G G M O N M
G R S L N F S F X A T W S
B O E J L D V M P L U A K
I N M A S A Y A F U K D A
S G D E D D A S S N W M L
T D M G M H S I H G K A E
I J A K A H A G R K A G P
D W N U T L X L O O F A E
A Y O L A T O A E T S N M
E Q K Q L Y I J A E R D D
R T R M I C R G F G E A B
S L P A N G A R A P W C F
C S G V O L E V I T L O G
Tukuyin sa hanay B
ang kahulugan ng
mga sumusunod na
salita.
Hanay A Hanay B
1. Sagupaan A. Tumutukoy sa taong
nananampalataya o
naniniwala
2. Deboto B. Laging handa
3. Alisto C. Grupo o samahan
4. Koponan D. Pasado na
5. Kasado E. Labanan
Edukasyon dapat
ilagay sa sentro ng
COVID-19 recovery:
UNESCO
Dapat pahalagahan ang edukasyon
pagdating sa pag-recover ng mga bansa mula
sa COVID-19 pandemic, sabi ngayong Lunes ng
United Nations Educational, Scientific and
Cultural Organization (UNESCO).
Ayon kay UNESCO Assistant Director for
Education Stefania Giannini, aabot sa 24
milyong kabataan sa buong mundo ang
nanganganib na mag drop out bunsod ng
epekto ng pandemya sa sektor ng edukasyon.
May higit 20 bansa ang nagpapatupad ng
school closure habang nagpapatupad naman ng
reduced academic schedule ang iba, ani Giannini.
"The future of the generation is under severe
threat. Prolonged and repeated school and
university closures are increasing learning losses
and taking a rising toll on the mental health of
students," ani Giannini sa isang online forum
kasabay ng pagdiriwang ng International Day of
Education.
Iginiit din ni United Nations Secretary
General Antonio Guterres na dapat
protektahan ang edukasyon upang maiwasan
ang isang "generational catastrophe."
"Even before the pandemic, some 258
million children and adolescents were out of
school... in 2021, we must seize all
opportunities to turn this situation around,"
aniya.
Para sa Department of Education ng Pilipinas,
naging tapat ito sa pagtugon sa pangangailangan
ng edukasyon sa bansa sa gitna ng pandemya.
"We continued even as face-to-face teaching
and class sessions were not allowed. And now we
are strengthening the technologies side of
education so that we not only cut down on costs
but also become much more efficient in keeping in
touch, in keeping abreast with all the
development," ani Education Secretary Leonor
Briones.
Dahil bawal ang face-to-face classes,
nagpatupad ang DepEd ng distance learning,
kung saan nag-aaral ang mga estudyante mula
sa kanilang mga bahay sa pamamagitan ng
mga module, online class, TV at radyo.
Nasa 25 milyong estudyante ang nag-enroll
sa basic education schools nitong school year,
base sa datos ng DepEd, mas mababa ng 2
milyon kompara sa bilang noong nakaraang
academic year.
Aminado si Education
Undersecretary Nepomuceno
Malaluan na may pagsubok sa
pagbibigay ng de kalidad na
edukasyon, pero tinutugunan
naman ito ng "Sulong Edukalidad"
program ng ahensiya.
Pag-unawa
sa Binasa
1. Ano ang
isinasaad sa balita?
2. Sang-ayon ka ba sa
isinusulong na ito?
3. Ano ang iyong saloobin sa
umiiral na New Normal na
edukasyon sa bansa?
4. Ano ang iyong maibabahagi sa
layunin ng ating pamahalaan
tungkol sa pagsulong ng edukasyon
sa gitna ng pandemya?
5. Ano ang maaaring susunod na
hakbang ng ating gobryerno sa
pagsulong ng edukasyon sa bansa?
Paano mo ito nasabi?
SURIIN
Anapora at
Katapora
Anapora
Ang panghalip ay nasa
hulihan bilang pananda
sa pinalitang
pangngalang binanggit
sa unahan.
Mga halimbawa;
- Sina Peter at Hector ay kapwa
huwarang mag-aaral sa Paaralang
Elementarya ng ABC. Sila ay mga
masisipag na mag-aaral.
- Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng
pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na
kayamanan ng isang bansa.
Katapora
Panghalip na ginagamit sa
unahan ng teksto o pahayag
bilang pananda sa pinalitang
panggalan sa hulihan ng
teksto o pahayag.
Halimbawa;
- Patuloy nilang binabalikan ang
Bantayan Beach Resort sa dahil ang
mga turista’y totoong namamangha sa
kagandahan nito.
- Ito ay isang dakilang paaralan. Ang
Paaralang Elementarya ng ABC ay may
makulay na kasaysayan.
ISAGAWA
Gumawa ng isang diyalogong iskrip na
nagpapakita ng anaporik at kataporik na
pamamaraan ng pagsasalita. Maaaring
ang paksa ay tungkol sa mga usaping
pantahanan o pampaaraalan.
Mga Pamantayan Puntos sa Puntos ng
Sarili Guro
Makatotohanan ang iskrip sa paksang napili

Maayos at wasto ang pagkakagamit ng mga


salitang nagpapakilala ng anaporik at kataporik
Nakapupukaw ng interes sa mga
mambabasa ang iskrip
Kabuoang Puntos
10 – Napakahusay 4 – Kailangan pang paghusayan
8 – Mahusay 2 – Magsanay upang humusay
6 – Katamtamang Husay
Ikaanim na
Maikling
Pagsusulit
A. Isulat ang pahayag na
nagtataglay ng panghalip.
Pagkatapos ay tukuyin
kung ito ay nasa anyong
ANAPORA o KATAPORA.
1. Sina Bonifacio at
Sulayman ang mga
bayaning Pilipino. Sila
ay mga dakilang
Manileño.
2. Ito ay isang dakilang
lungsod. Ang Maynila
ay may makulay na
kasaysayan.
3. Patuloy na dinarayo ng
mga turista ang Dos
Palmas Resort sa Palawan
dahil sila'y totoong
nagagandahan dito.
4. Si Chloe Verhinks ay isa
sa mga dayuhang turista na
pumunta sa Dos Palmas
Resort dahil ayon sa kaniya,
paborito niya itong
pasyalan.
5. Patuloy nilang dinarayo
ang Dos Palmas Resort sa
Palawan dahil ang mga
turista'y totoong
nagagandahan dito.
6. May agarang bisita
si Genesis kaya hindi
siya magkamayaw sa
paghahanda.
7. Nakalimutang iligpit ni
Maria ang kaniyang
sinampay kaya sising-sisi
siya dahil nabasa ito ng
ulan.
8. Nahuli sa klase sina
Maria at Nicole kanina
kaya pinagsabihan
sila ng guro.
9. Nagsumikap siya sa
kaniyang pag-aaral
kaya naman si Maru ay
nakaahon sa
kahirapan.
10. Nagtungo ang
Ikapitong Baitang sa
Marikina Museum upang
makita nila ang ilan sa mga
kasaysayan ng Marikina.
11. Sila ay may malasakit sa
kalikasan. Ang Samahan ng
Magbubukid ay may layuning
panatilihin ang kaayusan at
kalinisan ng bawat ilog sa
kanilang barangay.
12. Ang Bayanihan to Heal as One
Act ay mas pinalawig pa. Ito ay
batas na nagbibigay ng
karagdagang karapatan sa pangulo
upang malabanan ang pandemya
(COVID-19) sa Pilipinas.
13. Ang matatanda ay
maraming
pangangailangan. Ibigay
natin sa kanila ang mga
pangangailangang ito.
14. Tayo ay dapat na maging
magandang halimbawa.
Alagaan natin ang ating
kalikasan. Ang mga kabataan
na tulad natin ang dapat
magpasimula nito.
15. Ang PhilHealth ay
ahensyang handang tumulong
sa taong nagpostibo sa COVID-
19. Sila ang tumutustos sa
pinansiyal na pangangailangan
ng maysakit.
Sagot:
1. Sila - Anapora
2. Ito - Katapora
3. Sila - Anapora
4. Niya - Anapora
5. Nilang - Katapora
6. Siya - Anapora
7. Siya - Anapora
8. Sila - Anapora
9. Siya - Katapora
10. Nila - Anapora
11. Sila - Kataporik
12. Ito - Anaporik
13. Kanila - Anaporik
14. Tayo - Kataporik
15. Sila - Anaporik

You might also like