You are on page 1of 20

ARALIN 1 - KAHULUGAN, KATANGIAN, AT KALIKASAN NG PAGSULAT NG SULATING AKADEMIK

GAWAIN 1 (INDIBIDWAL NA GAWAIN)


Panuto: Bumuo ng tiglimang pangungusap tungkol sa bawat larawan. Ang mga pangungusap ay maaring nagtatanong,
nagbibigay ng opinyon, naglalahad, nagbibigay obserbasyon at pagpapahalaga. Bigyan ng pamagat ang bawat larawan.

EBALWASYON
Gumawa ng sariling paglalarawan sa pamamagitan ng pagsulat o pagguhit. Tatasahin dito ang iyong pagkamalikhain at
pagkamapanuri.

Paksa (Edukasyon, Politika, Kalikasan at Relihiyon)

PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 50%
Pagkamalikhain 20%
Orihinalidad 10%
Organisasyon 20%
Kabuuan 100%

ARALIN 2 – AKADEMIKONG SULATIN

Akademiko
 Nagbibigay ng ideya at impormasyon.
 Ang batayan ng datos ay obserbasyon, pananaliksik at pagbabasa.
 Ang mga tagapakinig ay mga iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad)
 Sa organisasyon ng ideya, ito’y planado at magkakaugnay.
 Obhetibo, nasa pangatlong panauhan

Di-Akademiko
 Nagbibigay ng sariling opinyon.
 Ang batayan ng datos ay sariling karanasan, pamilya at komunidad.
 Ang mga tagapakinig ay mga tao sa iba’t ibang publiko.
 Sa organisasyon ng ideya, hindi malinaw ang estruktura.
 Subhetibo, nasa una at pangalawang panauhan
GAWAIN 1
Panuto: Basahin at suriin ang mga siniping bahagi ng mga halimbawang sulatin. Kilalanin kung anong uri ito ng akademikong
sulatin at pagkatapos ay magbigay ng patunay sa pamamagitan ng pagbanggit tungkol sa katangian, anyo, layunin at gamit nito. Isulat
ang sagot sa patlang.

1. Sa tag-init ng taong 1963 unang namukadkad ang kanyang 2. Sa pagdating ng punumbayan at Chairman ng MCDC, Juan V.
buhay bilang makata. Nakasama niya sina Rogelio Mangahas at Toreja. Ipinaalam niya sa lahat ang hindi pagdating ng representative
Lamberto Antonio nang kumuha ng kursong edukasyon sa na taga Pag- ibig na isa sana sa Agenda ng Meeting. At sinabi din niya
University of the East at sila-sila ang nagpasimuno ng ikalawang na hihiling na sa taga-Pag-ibig ng isang araw kung saan sila ang
matagumpay na kilusang modernista sa panulaang Filipino. Noong magtatakda, upang mapaunlakan ang nais ng mga miyembro na-
1967, iniliabas ang unang koleksiyon niya ng tula, Makinasyon at maging aware sa mga serbisyo ng Pag-ibig Fund.
Ilang Tula. Sinundan ito ng sampu pang koleksiyon kabilang ang
bilingual na Selected Poems 1968-1985.Ang kanyang mga tula ay At ayon naman sa problema ng MCDC sa pondo,
inilimbag ng UP Press noong1998 sa dalawang tomong koleksiyon iminungkahi ng punumbayan ang paghahanap ng financial institution
na may pamagat na Una Kong Milenyum. na maaaring makatulong sa grupo upang maisagawa ang mga
-mula sa Bionote ni Virgilio Almario-- mahahalagang proyekto at activities. Ayon kay G. Cedeño ay meron
siyang kakilala sa UCPB na maaring makatulong sa MCDC, subalit
ayon kay Mayor ay mas maganda kung sa government institution
muna lumapit ang grupo.

- mula sa Katitikan Ng Buwanang Pulong ng


Municipal Development Cooperative Council ng Ibaan-

Sagot: _________________________________________ Sagot: _________________________________________


Patunay: _______________________________________ Patunay: _______________________________________

3. Mahigpit ang hawak ko sa armrest ng upuan ng eroplanong 4. Maraming beses nang nagbabakwit (evacuate) ang mga Lumad
patungong Amsterdam. Pinagpapawisan ako sa loob ng malamig at ng Sityo Han-ayan at iba pang karatig na lugar sa Diatagon,Lianga,
madilim na lugar.Taong 2005, huling araw iyon ng Hunyo. Kinausap Surigao del Sur. Pero kasinghirap pa rin ng unang pagkakataon ang
ako ng katabi ko.Isa siyang Pilipinong seaman. Tinanong niya kung kanilang dinaranas ngayon. Narito ang ilang larawan ng bagong
saan ako pupunta. “Oslo,” sabi ko.“Solo?” Tumango ako, oo nga, pagbakwit ng mga Lumad ng Lianga, gayundin ang lumang larawan
naisip ko. Unang pagkakataon kong pumunta sa Europa dahil ng pagbabalik nila sa kanilang lugar noong 2009.
magsasalita ako sa kumperensiya sa University of Oslo. Solo sa Oslo.
Marami akong agam-agam. Hindi ko alam ang lugar. Hindi gayon
kalaki ang pera kong dala. Kung marami akong pera, maari akong
maligaw, pero dahil tamang-tama lamang, hindi kasama sa plano ko
ang lumampas at maligaw.

- Mula sa Solo sa Oslo ni Will P. Ortiz

- mula sa “Pagbakwit ng Lumad sa Lianga– Noon at Ngayon” ni


Kenneth Roland A. Guda

Sagot: _________________________________________ Sagot: _________________________________________


Patunay: _______________________________________ Patunay: _______________________________________

5. Panahon ngayon ng pagbalikwas at hindi pagtakas; panahon ng


paggising at hindi pananahimik; panahon ng pagiging makatao at hindi
pagiging walang silbi…sapagkat tayo… tayo ang mga itinakda upang
muling isukbit ang mga sandatang dati nang isinalong ng panahon.
Tayo ang magpupunla sa bagong henerasyon ng pamanang
kalayaan.Tayo ang makabagong mga beterano ng digmaan na
magsasabuhay at pagyayamanin ang dakilang kasaysayan ng lahing
Pilipino…para sa isang lipunang malinis; para sa isang lipunang
payapa; at para sa mas ligtas na kinabukasan ng bansang Pilipinas.

Magandang hapon sa inyong lahat! Sagot: _________________________________________


- mula sa Sa Muling Pagsukbit ng Sandata Patunay: _______________________________________
ni: Leo C. Brizuela, Jr.
EBALWASYON
Panuto: Hanapin mula sa word puzzle ang mahiwagang salita sa direksyong pahalang, pababa o padayagonal na inilalarawan
sa bawat aytem. Bilugan ito pagkatapos.
R Z X G H Y K G T A L U M P A T I G P P
E K G J T R A V E L O G U E B J P Z A O
P Q A B S T R A K B L M D I A C O B N S
L S F T H I U T O T A S R N A S S E U I
E C B N I F B J K O K A O T E Y I O K S
K Q U S C T C H E A B M U E A E S F A Y
T I O G B K I A B A A F T S Y T Y U L O
I E D O I K T K A Z Y V Y I Q Q O F A N
B T D B O A A A A Q S A U S G F N F N G
O A K H N T L J B N N K G A J G G M G P
N L A G O N D A S A N G K F L F P S P A
G U K P T I U O S V A G D E G I A H R P
S U E O E T M Y L C Y S P G D U P W O E
A P S I L I A E O X S K E U S R E G Y L
N T L O E B T P M N A Q B G L U L W E I
A T O I K O A O P H Y W K W R O O F K S
Y K U A N A T J A T R D A R Q E N R T A
S L L O A M E M O R A N D U M R H G O R
A P I C T O R I A L E S S A Y T Q J Q O
Y B V A A N I R T B I A B S T R A K Q P

________1. Madalas itong makita sa likurang pabalat ng aklat.


________2. Ito ay binuo lamang ng 200 hanggang 300 na salita.
________3. Isinusulat ito sa paraang madulas bigkasin ang mga salita at may angkop na haba ang mga pangungusap.
________4. Makikita rito ang pangalan ng mga taong dumalo at di-dumalo sa ginanap na pagpupulong.
________5. Binubuo ito ng mga bahaging pamagat, proponent ng proyekto, kategorya ng proyekto, petsa, rasyonal, deskripsyon ng
proyekto, badyet na kakailanganin, at ang pakinabang ng proyekto.
________6. Malinaw na nakasaad dito ang tindig ng manunulat sa isang isyu.
________7. Inilalarawan dito ang kalakasan ng manunulat at kung paano niya ito napaunlad gayundin kung paano niya
napagtagumpayan ang kaniyang mga kahinan taglay.
________8. Gumagamit ito ng mga larawan kasabay ng teksto.
________9. Ibang tawag lakbay-sanaysay.
________10. Layunin nitong makapagbigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon o pook-
pasyalan.

TAKDANG ARALIN
Pumili ng isa sa mga tinalakay na sulating akademiko at subuking sumulat ng halimbawa nito. Isulat ang iyong awtput sa
iyong kwaderno.
RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

Pamantayan Puntos
Naisalang-alang ang mga katangian, anyo, gamit at layunin ng sulating napili 30
Wasto, maingat at angkop ang paggamit ng wika 30
Organisado ang estruktura 30
Malinis ang pagkakasulat 10
Kabuoan 100
PAGSULAT NG DYORNAL

Sa araw na ito, natutuhan ko ang tungkol sa


___________________________________________
___________________________________________.
Naniniwala ako na
___________________________________________
___________________________________________.
Magagamit ko ang kaalamang ito sa
________________________________________________
______________________________________.

ARALIN 3 – REPLEKTIBONG SANAYSAY

REPLEKTIBONG SANAYSAY
 Isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay (Michael Stratford, Pinagyamang
Pluma Filipino sa Piling Larang Akademik).
 Ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o
pangyayari (Kori Morgan, Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang Akademik).

Narito ang halimbawa ng mga paksang maaaring gawan ng repektibong sanaysay:

o Librong katatapos lamang basahin


o Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
o Pagsali sa isang pansibikong gawain
o Praktikum tungkol sa isang kurso
o Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
o Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamut
o Isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa West Philippine Sea
o Paglutas sa isang mabigat na suliranin
o Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
o At marami pang iba

PANGUNAHING BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

 Panimula- tandaang ito ay dapat na makapukaw sa atensiyon ng mga mambabasa. Maaaring gumamit ng kilalang pahayag
ng isang tao, tanong, anekdota at iba pa.

 Katawan – dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula.

 Konklusyon – dito muling binabanggit ang tesis o pangunahing paksa ng sanaysay. Ito ay nilalagom sa pamamagitan ng
pagbanggit kung paano magagamit ang natutuhan sa buhay sa hinaharap.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

 Magkaroon ng tiyak na paksa na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.


 Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip gaya ng ko, ako at akin.
 Bagamat ito ay nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay ito ng mga patunay o patotoo.
 Isaalang-alang ang paggamit ng pormal na salita at maayos na estruktura sa pagsulat nito.
 Ginagamit dito ang paraan ng pagpapahayag na pagsasalaysay at paglalarawan.
 Dapat na may maayos na daloy ng mga pangyayari
 Gumamit ng mga pandiwa at pang-uri upang mailarawan at maisalaysay nang maayos ang mga pangyayari, tao at
lugar.
 Dapat na may malinaw na pagsusuri sa mga karanasan sa buhay.

GAWAIN 1: HAVEY O WALEY


Basahin at suriing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Pagkatapos, isulat ang HAVEY sa patlang kung ito ay nagsasaad ng
wastong kaisipan kaugnay ng pagsulat ng replektibong sanaysay at WALEY naman kung hindi.

_________1. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan ng isang tao.
_________2. Gumagamit ng impormal na wika sa pagsulat ng isang replektibong sanaysay.
_________3. Sa pagsulat ng replektibong sanaysay, isinasalaysay at inilalarawan ng manunulat kung paano niya napaunlad ang
taglay
na kalaksan at kung paano niya napagtagumnpayan ang taglay na mga kahinaan.
_________4. Sa panimulang bahagi ng replektibong sanaysay nilalagom ng manunulat ang pangunahing tesis kung saan binabanggit
niya kung paano magagamit ang mga natutuhan sa buhay sa hinaharap.
_________5. Hindi na nangangailangan pa ng pananaliksik sa pagsulat ng replektibong sanaysay.

GAWAIN 2
Basahin at unawain ang bahagi ng halimbawang Replektibong Sanaysay na nasa ibaba. Suriin at itala ang mga katangiang
taglay nito batay sa talakay.

Bakit Ako Naging Manunulat?


Ni: Rene Villanueva

Mapapansin ng sinomang sumusubaybay, kung mayroon man,sa pagsulat ko ng mga personal na sanaysay, na paulit-ulit
ang pagtalakay ko sa paksang ito.Sa isang banda, indikasyon marahil ito ng matindi kong pagnanais na unawain ang sarili at
ipaliwanag talaga kung ano ang lakas na nagtutulak sa akin para mahalin nang husto ang pagsusulat. Para pahalagahan ito nang
higit sa aking asawa’t mga anak, higit sa aking pamilya at kaanak, higit sa kahit anopaman sa aking buhay. Maaaring sabihin ng iba
na napaka-OA naman, pero ganoon ko talaga pinahahalagahan ang aking pagsusulat. Masasabi kong ang akin pagsusulat ang buo
kong pagkatao.
Sa mga nakaraang sanaysay, lalo na sa librong (Im) Personal, tinalakay ko na kung paano at bakit ako nagsusulat; kung sino
ang mga unang nakaimpluwensiya sa akin para mahilig sa pagsusulat at sino-sino ang mga una kong guro sa pagkatha. Ngayo’y
gusto ko namang harapin ang isa pang aspekto ng pagiging manunulat ko: Bakit ako naging isang manunulat? Bakit sa dinami-dami
ng propesyon, dito ko piniling maggugol ng talino at panahon, ng buong buhay ko?
Siguro, dahil mula pagkabata, wala akong naging ibang interes kundi kuwento: makinig ng kuwento, mag-imbento ng
kuwento, magkuwento ng kuwento.
Sa pakikinig ng radyo ako unang nagkamalay kung paano bumuo ng kuwentong may epekto sa sinomang makarinig. Nang
matuto akong magbasa ng Liwayway at mahilig sa panonood ng sine, lalong tumindi ang hilig ko sa paghabi ng mga pangyayaring
sa isip ko lamang nagaganap; pero parang totoong-totoo!
Kalaunan pa ako magkakalakas ng loob na isalaysay sa iba ang mga kuwentong nasa isip ko. Para dito, pinagpraktisan ko
ang aking mga kababata. Ang mga laro ko sa La Loma noong mga 10 hanggang 12 taong gulang ako ay hindi mga karaniwang laro
ng bata. Mahilig ako sa taguan at habulan; pero hanggang doon lang. Mas gusto kong tipunin at kuwentuhan ang mga kalaro ko,
lalo ‘yung mga mas bata sa akin. Madalas, isa-isa ko silang pinasasalampak nang pabilog sa akin harapan at pinapaghahandang
makinig sa hahabihin kong mga kasinungalingan.

GAWAIN 3
Balikan ang halimbawang Replektibong Sanaysay sa itaas. Gumawa ng pagsusuri at pagtatala sa tulong ng talahanayan sa ibaba
at mga gabay na tanong.

BAHAGI PAGSUSURI-TALA
Paksa:
Ano ang paksa ng sanaysay?
Introduksiyon:
Paano sinimulan ng may akda ang sanaysay?
Katawan:
Ano-anong mahahalagang karanasan ang ibinahagi ng
may akda sa sanaysay?

Mayroon bang kaisahan ang katawan at may lohikal


bang daloy ang pagsasalaysay ng mga pangyayari?
Patunayan ang iyong sagot.
Katangian:
Ano-anong katangian ang nagamit ng may akda batay sa
mga dapat tagalayin ng sanaysay?
Kongklusyon:
(Bahagi lang ng kabuoan ang sanaysay sa itaas.

Paano ito dapat wakasan ng may akda?

GAWAIN 4
Ayon kay Socrates na isang kilalang pilosopo, ang pangunahing daan upang maging matagumpay sa buhay ay ang makilala
ang sarili (“Know thyself”). Sa pagkilala ng sarili ay mahalagang makagawian ang introspeksiyon o pagbubulay-bulay tungkol sa
sariling buhay. Kung susuriin mo ang iyong sarili sa kasalukuyan bilang isang mag-aaral, masasabi mo bang nahuhubog nga sa iyo
ang kasanayang dapat taglayin ng isang mag-aaral sa ika-21 siglo? Magbanggit ng mga paraan kung paanong lalo pang mahuhubog
sa mga kabataang tulad mo ang mga nasabing kasanayan.

Pagsusuri sa Sarili/Introspeksiyon: Mga Hakbang Kung Paano Lalong


___________________________________ Mahuhubog ang Sarili:
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
_______________________________. ___________________________________
_______________________________.

GAWAIN 5
Sumulat ng isang replektibong sanaysay batay sa naging karanasan mo sa nakaraang taong pag-aaral sa paraang Modular
Distance Learning dahil sa COVID-19 Pandemic. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagsulat na makikita sa ibaba. Isulat ito sa isang
malinis na papel.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng replektibong sanysay 5
Nakasusulat ng organisado, at mahusay na replektibong sanaysay 5
Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika 5
Mayroon itong isang tiyak na paksa 5
Kalinisan 5
Kabuoang Puntos 25

TAKDANG ARALIN
Magsaliksik ng isang replektibong sanaysay sa silid-aklatan o online. Suriin ang sanaysay na nasaliksik batay sa katangiang
dapat taglayin ng isang mabuting sanaysay na natalakay sa araling ito. Ihambing ang nasaliksik at sinuring halimbawa sa halimbawang
binasa sa araling ito.

 Pamagat ng Replektibong Sanaysay na Nasaliksik:


____________________________________________________________________________________

 May-akda/Sanggunian:
____________________________________________________________________________________

 Paksa:
____________________________________________________________________________________

 Buod:
____________________________________________________________________________________

 Pagsusuri sa kabuoan nito:


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA BAHAY


Gamitin nang makatotohanan ang iyong natutuhan sa araling ito. Sumulat ng isang replektibong sanaysay batay sa napili
mong paksa sa ibaba. Isaalang-alang ang pamantayn sa pagsulat.

Librong katatapos mo lamang basahin

Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik

Pagsali sa isang pansibikong gawain

Praktikum tungkol sa isang kurso

Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral


Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng replektibong sanysay 5
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kahika-hikayat na replektibong sanaysay 5
Nakasusulat ng replektibong sanaysay batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika 5
May isang tiyak na paksa ang replektibong sanaysay na nabuo. 5
Kabuoang Puntos 20

PAGSULAT NG DYORNAL

Isulat sa dyornal ang sagot sa tanong na ito:

Paano makatutulong ang kasanayan at kaalaman sa pagsulat ng isang repektibong sanaysay?

ARALIN 4 - PANUKALANG PROYEKTO

Ang panukalang proyekto ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang samahang tumutulong
sa mga nongovernmental organization (NGO), ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para
sa isang komunidad o samahan. Ayon naman kay Besim Nebiu, may akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang
panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.

Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto, kaya naman, masasabing ang
paggawa nito ay nangangailangan ng:
 Kaalaman
 Kasanayan, at
 maging sapat na pagsasanay.

Sa aklat nina Jeremy Miner at Lynn Miner na A Guide to Proposal Planning and Writing, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito
ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:

a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalng Proyeto


Bago simulan ang pagsulat ng isang panulang proyekto ay kailangan munang tiyakin ang pangangailangan o ang suliranin ng
pag-uukulan ng proyekto. Sa pamamagitan ng pagmamasid o obserbasyon maraming suliranin ang maaaring Makita sa paaralan,
pamayanan o kompanya.

b. Pagsulat ng Panukalang Proyekto


Sa pagsulat naman ng katawang bahagi ng panukalang proyekto, ito ay binubuo ng tatlong bahagi:

 LAYUNIN - makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinakaadhikain ng panukala.

Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2005), ang layunin ay kailangang maging S.I.M.P.L.E.:

Specific - nakasaad ang mga bagay na nais makamit o mangyare sa panukalang proyekto;
Immediate - nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matatapos;
Measurable - may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto.
Practical - nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin;
Logical - nagsasaad ng paraan kung paano makakmit ang proyekto; at ang panghuli
Evaluable - masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.
 PLANO NG DAPAT GAWIN - matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga gawain o plan of
action. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang mga
taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng gawain, kailangan din maging makatotohanan o realistic ang proyekto.

 BADGET - Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Isa sa
pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing sa
pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin. Maaaring
magsagawa ng bidding sa mga contractor na kadalasan ay may mga panukalang badyet na para sa gagawing proyekto.
Maaaring magkaroon ng tatlo o higit pang bidders na pagpipilian.

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandan sa paggawa ng badyet para sa panukalang proyekto ayon sa datos mula
sa modyul tungkol sa pagsulat ng panukalang proyekto na may pamagay na “Paghahanda ng Isang Simpleng Proyekto.”
(http://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/)

- Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensiya o sangay ng pamahalaan o institusyon na
mag-aaproba at magsasagawa nito.
- Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga ito.
- Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng pamahalaan, o maaaring kompanya na
magtataguyod ng nasabing proyekto ay kadalasang nagsasagawa rin ng pag-aaral para sa itataguyod nilang proposal.
- Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura o erasure sapagkat ito ay
nangangahulugan ng integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.

c. Paglalahad ng Benipisyo ng Proyekto at Makikinabang Nito


Nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila. Mahalagang maging
espisipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin. Halimbawa ng mga manginginabang
ay ang mga bata, kababaihan, mga magsasaka, mahihirap na pamilya, mga negosyante, at iba pa.
Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito ay maaaring ilahad
ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto.

Balangkas ng Panukalang Proyekto

Para mas maging payak ang balangkas ng panukalang proyekto maaaring gamitin ang mga sumusunod:

 Pamagat ng Panukalang Proyekto – kadalasan ito ay hinango mismong sa inilahad na pangangangailangan bilang tugon sa
suliranin.
 Nagpadala – naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
 Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama sa bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano
katagal gagawin ang proyekto.
 Pagpapahayag ng Suliranin – dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
 Layunin – naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala.
 Plano ng Dapat Gawin – dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para maisakatuparan
ang proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
 Badyet – ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagsasagawa ng proyekto.
 Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto – kadalasan ito rin ang nagsisilbing
konklusyon na kung saan nakasaad ang mga taong makikinabang ng proyekto at benipisyong makukuha nila mula rito.

GAWAIN 1
Basahin ang halimbawa ng panukalang proyekto. Suriin ito batay sa talahanayan-tseklist sa ibaba. Lagyan ng masayang
mukha (☺) kung nakitang maayos na nasunod ang mga dapat taglayin ng bahaging nakatala. Samantala, lagyan ng malungkot na
mukha (☹) kung hindi. Sumulat ng maikling paliwanag sa napiling sagot.

PANUKALA SA PAGSASAGAWA NG BREAKWATER


PARA SA BARANGAY BACAO

Mula kay Leah Grace L. Delgado


324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Baranggay Bacao
General Trias Cavite
Ika-11 ng Disyembre 2020

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunald na barangay ng bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay nanatiling
pamayanang agricultural bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito. Isa sa mga suliraning nararansan
ng Baranggay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking
problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ang mga pananim. Ang
pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na nangagaling sa bundok.

Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa
ilog. Kung ito ay maipapatayo tiyak na ‘di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat,
maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling
panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

II. Layunin
Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang
kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ariarian at hanapbuhay sa mga susunod na buwan.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw).
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng breakwater o pader (2 linggo).
▪Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kanikanilang tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang
gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng knoseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater (1araw).
▪ Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater
sa ilalim ng Mga Gastusin Halaga pamamahala ng
konseho ng 1.Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa isinumite ng Php 3, 200,00.00 Barangay Bacao
(3 Buwan). napiling contractor (kasama na rito ang lahat ng materyales at
5. suweldo ng mga trabahador) Pagpapasinaya
at pagbabasbas ng breakwater
2. Gastusin para sa pagpapsinaya at pagbabasbas nito Php 20, 000.00
(1 araw).
Kabuoang Halaga Php 3, 220, 000.00
IV. Badget

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito


Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapakipakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay bacao.
Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Hindi na makararanas ang mga
mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa pamumuhay.
Higit sa lahat, magkakaroobn nang kapanatagan ang puso ng bawat isa sa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad
aapaw ang tubig sa tulong ng ipapatayong pader.
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado
sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan ang pagkasira ng pananim ng mga magsasaka na karaniwang
pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito. Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Baranggay Bacao.
Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksyiyon sa pang tag-ulan.

Sanggunian: Ang Panukalang Proyeto, 68-70


Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang
Nina: Aileen Julian at Nestor B. Lontoc

Mukha
Bahagi ng Panukalang Proyekto Paliwanag
(☺) o (☹)

Pamagat
Pagpapahayag ng Suliranin
Layunin
Plano na Dapat Gawin
Badyet
Pakinabang

PAMANTAYAN PUNTOS
Organisasyon ng ideya 5
Wastong estruktura ng wika 5
Linaw ng paliwanag 5
Kabuoang Puntos 15

GAWAIN 2
Punuan ang talahanayan sa ibaba ng maaring maging datos/ nilalaman ng sitwasyon ayon sa bahagi ng panukalang proyekto na
dapat isaalang-alang:

Sitwasyon Layunin Panahon Suliranin Pakinabang


Operation Linis-Ilog
Project- BASA (Bata ay
Akayin at Sama-samang
ipakilala ang mga Akda)

EBALWASYON
GAWAIN 3

Nabigyan ka ng pagkakataong manguna sa paggawa ng isang proyektong sa tingin mo ay kailangang-kailangang maisakatuparan.


Pumili ng isang proyektong nais mong magawa o maipatupad maaaring sa inyong pamayanan o sa paaralan. Bilang unang hakbang
ay kailangang sumulat ka muna ng isang panukalang proyekto upang mahikayat mo ang kinauukulang suportahan kang maipatupad
ito.
Tandan ang mga natalakay sa araling ito para sa gagawing sulatin partikular ang pagiging matapat lalo na sa pagbibigay ng badyet
para sa proyekto. Isulat sa short bond paper. Maaaring sulat-kamay o printed.
Isaalang-alang ang pamantayan sa ibaba sa pagsulat.

PAMANTAYAN PUNTOS
Nakasulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang panukalang proyekto. 5
Makatotohanan at katanggap-tanggap ang panukalang proyektong naisulat. 5
Nakasulat ng panukalang proyektong baya sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika. 5
Nasalamin sa kabuoan ng sulatin ang pagsaalang-alang ng etika sa binubuong akademikong sulatin. 5
Kabuoang Puntos 20

TAKDANG ARALIN
Magtanong sa SK Chairman ng barangay tungkol sa panukalang proyekto nila sa barangay. Ihambing ang panukalang proyektong
nakalap sa halimbawang ginamit sa Gawain 1 gamit ang Compare and Contrast Diagram sa ibaba.

Panukalang Proyekto
ng SK Panukalang sa Pagpaapagawa ng
Breakwater

Pagkakatulad

______________________
______________________
______________________
______________________

Paaano nagkakaiba pagdating sa:

layunin

panahon

suliranin

badyet

plano

pakinabang
GAWAING PAMPAGKATUTO SA BAHAY
Maglahad ng mga paraang alam mong makakatulong upang lalong maging tapat at transparent ang pamahalaan sa
pagpapatupad ng mga proyekto para sa bansa. Isulat ang sagot sa kwaderno.

PAGSULAT NG DYORNAL
Isulat sa dyornal ang sagot sa tanong na ito:
Gamit ang Learners Response Journal, buoin ang di-tapos na pahayag bilang sariling pagninilay.

1. Pagkatapos ng aralin tungkol sa Panukalang Proyekto, natutuhan kong ________________________________________


kaya ______________________________________________________________________________________________________.

2. Bilang mag-aaral sa Senior High School, mahalagang matutuhan ko ang paaraan ng pagsulat panukalang proyekto upang
____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________.

ARALIN 5 – POSISYONG PAPEL

Ano ang posisyong papel?


Ayon kay Fleming banggit nina Julian at Lontoc (2017), ito ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang
kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o posisyon.

Layunin nitong mahikayat, maipakita at mapagtibay ang argumentong ipinaglalaban gamit ang mga ebidensiyang
magpapatotoo sa posisyong pinaniniwalaan. Ang pangangatwiran ang pinakagamitin sa pagpapahayag ng posisyong papael.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG PARA SA ISANG MABISANG PANGANGATWIRAN:

 Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.


 Dapat maging malinaw at tiyak ang pagmamatuwid.
 Sapat na katuwiran at katibayang makapagpapatunay.
 Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katuwiran upang makapanghikayat.
 Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.
 Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga inilahad na katuwiran.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso.


Naglalaman ng mga paniniwala at paninindigan ng may-akda. Makatutulong nang Malaki kung paksang tatalakayin ay
malapit sa iyong puso at lubos na nakaaantig ng iyong interes at maging ng maraming makakabasa nito.

2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.


Ang pagsasagawa ng panimulang pananaliksik ay naglalayong malaman kung may sapat na ebidensiyang makakalap
hinggil sa nasabing paksa. Kung makalipas ang ilang oras ng pananaliksik sa Internet ay wala kang makitang sapat na datos na
magsisilbing mga patunay at ebidensiya para sa iyong napiling posisyon, mas makabubuting pumili na lamang ng ibang paksa.

3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng thesis.


Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentrong ideya ng posisyong papel na iyong gagawin. Isa itong
matibay na pahayag na naglalahad ng pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa na handa niyang
patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos o ebidensiya. Kadalasang ito ay maikli lamang na binubuo ng isa o
dalawang pangungusap.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
Kailangang mabatid ang mga posibleng hamong maaaring harapin sa gagawing pagdepensa sa iyong napiling tesis o
posisyon hinggil sa isyu. Ilatag din ang mga kahinaan ng pinasusubaliang posisyon sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga
argumentong maaaring iharap dito upang mapagtibay ang kahinaan at kakulangan nito.

5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya.


Kapag ganap nang napatunayan na ang napiling posisyon ay may matibay at malakas na laban sa pinasusubaliang
posisyon ay maaari nang magsagawa nang mas malalim na pananaliksik. Maaaring isaalang-alang ang sumusunod na mga
sanggunian sa pangangalap ng mga katibayan batay sa kakailanganing impormasyon.

Uri ng Impormasyon Uri ng Sangguniang Maaaring Gamitin


Panimulang impormasyon at pangkalahatang kaalaman Talatinigan, ensayklopedya, handbooks
tungkol sa paksa
Mga pag-aaral hinggil sa paksa o isyu Aklat, ulat ng pamahalaan
Mapagkakatiwalaang artikulo Dyornal na pang-akademiko
Napapanahong isyu Pahayagan, magasin
Estadistika Sangay ng pamahalaan at mga organisasyon/samahan

Ayon kay Constantino at Zafra (1997), nauuri sa dalawa ang mga ebidensiyang magagamit sa pangangatwiran:

a. Mga Katunayan (facts)


Ito ay tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig,
naamoy, nalasahan, at nadama. Hindi kinakailangang ang mananaliksik mismo ang nkaranas o nakakita ng pangyayari para
magamit itong katibayan, maaari ding ito ay nasaksihan o naranasan ng ibang tao. Gayundin, dapat isaisip na hindi lahat ng
itinuturing na katotohanan ay unibersal at panghabampanahon. Ito ay maaaring mabago depende sa mga bagong tuklas na datos
o impormasyon batay sa pag-aaral o pananaliksik hinggil sa mga nabanggit na katotohanan kaya maging handa rin sa pagharap
sa mga hamong ito.

b. Mga Opinyon
Ito naman ay tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig hindi isa katunayan kundi sa ipinapalagay
lamang na totoo. Hindi ito katunayan kundi pagsusuri o judgement ng katunayan. Kung gagamiting ebidensiya ang opinyon sa
iyong sulating papel, kailangang manggaling ito sa taong may awtoridad na magsalita hinggil sa isang isyu o paksa. Gayunman,
ang isang simpleng mamamayan ay maaari ding masabing nasa awtoridad na magbigay ng ideya kung ang pinag-uusapang isyu
ay may direktang kinalaman sa kanyang buhay o ginagalawang lipunan. Samakatwid, mahalagang gamitin ng mananaliksik ang
matalinong pagpapasiya upang makakuha ng mga opinyong makapagpapatatag sa kanyang posisyon.

6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel.


Bago tuluyang isulat ang kabuoang sipi ng posisyong papel ay gumawa muna ng balangkas para dito. Narito ang pormat
na maaaring gamitin.

I. Panimula
Sa pagsulat ng panimula, mahalagang maunawaang ito ay may dalawang layunin. Una, upang ipakilala ang paksa at ang
tesis at pangalawa, upang maantig ang interes ng mga babasa nito.
 Ilahad ang paksa.
 Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong pag-usapan.
 Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon tungkol sa isyu.

II. Paglalahad ng Counterargument o mga argumentong tumututol o kumokontra sa iyong tesis


 Ilahad ang mga argumentong tungkol sa tesis.
 Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binabanggit na counterargument.
 Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na inilahad.
 Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginawang panunuligsa.
III. Paglalahad ng iyong posisyon o pangangatwiran tungkol sa isyu
 Nagpapahayag o naglalahad ng unang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
 Nagpapahayag o naglalahad ng ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag.
 Nagpapahayag o naglalahad ng ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag.

4. Kongklusyon
 Ilahad muli ang argumento o tesis.
 Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu.

GAWAIN 1
Magbigay ng sariling opinyon hinggil sa ibinigay na napapanahong isyu. Pumili kung sang-ayon ka o di sang-ayon sa isyu at
bigyan ito ng maikling paliwanag.
ISYU: Mas epektibo sa pagkatuto ng mag-aaral ang online learning kaysa sa modular learning

Sang-ayon

Di Sang-ayon

GAWAIN 2
Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na teksto na hango sa isang posisyong papel na isinumite ng kagawaran ng
Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED). Suriin ang mga
katangian nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga kasunod na tanong tungkol dito.

Teksto 1

Hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino


sa mga Kolehiyo at Unibersidad

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG
WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013

Paninindigan ng Kagawaran ng ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga


Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro ng
Malikhaing Pagsulat at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan.
Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang
Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang Hunyo 28 serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong
nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga asignaturang binabalangkas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive
Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagawan pa ito ng napakaraming guro
sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa’y
aangkinin lamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata namang
nakakiling ang Purposive Communication sa wikang Ingles.

CL Santos at GP Concepcion,Filipino sa Piling Larang Akademik. Pasig City: Department of Education – Bureau of Learning Resources, 2016, 64 – 67.
Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang teksto?
2. Ano ang posisyon ng may-akda tungko sa isyu? Magbigay ng patunay.

Teksto 2

Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at
unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming guro sa Filipino partikular na sa PUP ang mawawalan ng trabaho at mababawasan
ng kita.
Hindi pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na
isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing
mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng
asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito: “General education enables the Filipino to find
and locate her/himself in the community and the world, take pride in and hopefully assert his/her identity and sense of community and
nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and
addressing social problems in the general education program increasingly become more pressing.” Hindi ba’t ang asignaturang
Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay
nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang
identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Pilipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga kahingiang
panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-ambag ng kalinangan at karunungan sa
daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng mga asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan
ng malaking puwang na kung tutuusi’y hindi naman makatuwiran.

CL Santos at GP Concepcion,Filipino sa Piling Larang Akademik. Pasig City: Department of Education – Bureau of Learning Resources, 2016, 64 – 67.

Gabay na Tanong:
1. Ano-anong argumento ng pagtututol ang inilahad sa teksto?
2. Ibigay ang mga binanggit na patunay hinggil sa inilahad na argumento.

Teksto 3

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na tinaguriang “largest state
university in the country” na binubuo ng humigit kumulang 70,000 na mga mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa
katuwang ang iba pang mga organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignatura ng Kurikulum ng
Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.

Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga inilahad na punto tungkol sa isyu?
2. Bakit mahalagang panatilihin ang asignaturang Filipino sa antas kolehiyo?

Teksto 4

Pangunahing gawain ng PUP Kagawarang Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at pagpapaigting ng puwersa para huwag
isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga
Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may temang, “Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-
alis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12”
kasabay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto 28 – 30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon para
Kultura at mga Sining (NCCA) na kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino.
Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang wikang Filipino. Maghahain ito ng mga mungkahing asignaturang Filipino
sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba’t ibang mga unibersidad at kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na asignaturang Filipino
sa kolehiyo. Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang malinaw na puwang ng
asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang pinakamalaking
pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para mapanatili ang asignaturang Filipino
sa kurikulum ng kolehiyo.
Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nariyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na
pakikipagtalastasan ng mga Pilipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang
tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa
mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng wikang Filipino, tinanggal natin ang identidad natin bilang
Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad mo!

Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014

CL Santos at GP Concepcion, Filipino sa Piling Larang Akademik. Pasig City: Department of Education – Bureau of Learning Resources, 2016, 64 – 67.

Gabay na Tanong:
1. Ibigay ang mga plano ng gawain na binanggit sa teksto na makatutulong sa pagpapabuti ng isyu.
2. Kung ikaw ang tatanungin, sang-ayon ka ba sa pagtanggal ng asignaturanbg Filipino sa antas kolehiyo? Pangatuwiranan ang sagot.

GAWAIN 3
Sumulat ng isang posisyong papel upang maipakita ang katotohanan at katibayan ng iyong pagmamatuwid at mahikayat ang mga
kabataang tulad mong maganda at tama ang iyong pinaniniwalaang panig.

Paksang pagpipilian:

a. Gawing mandatory o sapilitan ang pagpapabakuna laban sa Covid- 19


b. Pagsasawalam-bahala ng pamahalaan sa mga hakbang na ginagawa ng China sa West Philippine Sea
c. Gawing mandatory o sapilitang pagpapatupad ng ROTC sa Senior High School

Pamantayan Puntos
Naisagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel 5
Nakasulat ng organisado, malikhain, at kahika-hikayat na posisyong papel 5
Nakasusulat ng posisyong papel batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika 5
Nakabatay sa pananaliksik at matibay ang ebidensiya ng posisyong papel na nabuo 5
Kabuoang Puntos 20

TAKDANG ARALIN
Magsaliksik ng isang halimbawa ng napapanahong posisyong papel sa internet. Suriin ang nasaliksik na halimbawa. Gamitin
ang balangkas na RAPS sa gawaing ito.

(Read) Pamagat ng Nabasang Posisyong Papel

(About) Tungkol Saan ang Posisyong Papel


(Point 1) Punto 1 (Point 2) Punto 2

(Summary) Buod ng Binasang Posisyong Papel

GAWAING PAMPAGKATUTO SA BAHAY


Maraming mga isyu ngayon ang direktang nakaaapekto sa mga kabataan. Ibigay ang iyong paninindigan sa ilang mga isyung ito
at maglahad ng mga punto kung paano ito nakatulong o nakakatulong para sa iyong kabutihan.

Ang aking paninindigan…


Paggamit ng tablet o iba pang gadget sa pag-aaral sa
halip na aklat sa paaralan

Ang aking paninindigan…


Pagdaragdag ng dalawang taon sa Basic Education (K to
12 Program, Senior HS)

Ang aking paninindigan…


Malayang paggamit ng internet at social media sa pag-
aaral at pagpapahayag

PAGSULAT NG DYORNAL
Isulat sa dyornal ang sagot sa tanong na ito:

Bakit mahalagang malaman ang tamang paraan ng pagsulat ng posisyong papel?


LEGAZPI CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Rawis, Legazpi City

Mga Aralin at
Gawain sa
Filipino sa Piling
Larang
(Akademik)
Inihanda ni:

Myla G. Tripulca
Guro ng Asignatura

You might also like