You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
MAYSUA NATIONAL HIGH SCHOOL
Maysua, Polangui, Albay
1st QUARTERLY EXAMINATION IN AP 10

I. PILIIN MO! Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama
ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B kung tama ang nilalaman
ng unang pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali ang nilalaman ng una
at tama ang ikalawang pahayag; at D kung parehong mali ang dalawang
pahayag.

1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa


isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang
maunawaan ang bumubuo, ugnayan at kultura ng isang lipunan.
2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga taong may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa Isang
lipunan makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamaagitan ng maayos
na interaksyon ng mga mamamayan.
3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa matatag
at organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa kabiguan
ng isang institusyong maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito.
4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary group.
B. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibidwal na may malapit at
impormal na ugnayan sa isa’t-isa.
5. A. Ang bawat indibidwal ay may posisyon sa isang social group. Ang
posisyong ito ay may kaukulang gampanin o roles.
B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa isang
social group ay nakapagdudulot ng isyu at hamon na makakaapekto sa bawat
isa sa nasabing grupo.

II. Pagtukoy! Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang konseptong
tinutukoy ng bawat pahayag.

1. Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong


komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
2. Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may pagkakatulad na katangian ng
nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa atin bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan.
3. Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan.
4. Tumutukoy sa organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
5. Isa sa mga halimbawa ng institusyon kung saan unang nahuhubog ang
pagkatao ng isang nilalang.
6. Isa rin itong institusyong panlipunan na nagdudulot ng karunungan,
nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na naghuhubog sa isang tao upang
maging kapakipakinabang na mamamayan.
7. Dito pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan
ng mga mamamayan.
8. Elemento ng lipunan na tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon, at mga
inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal.
9. Uri ng social group na tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng
mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang.
10. Uri ng status na nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang
pagsusumikap.

III. Hula Salita! Buuhin ang mga ginulong letra gamit ang pahayag na
ibinigay upang mahulaan ang salita.

ALYTERMA 1. Uri ng kultura na tumutukoy sa mga bagay na nakikita at


nahahawakan.
LIESFEB 2. Elemento ng kultura na tumutukoy sa mga kahulugan at
paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
UESVAL 3. Batayan ng lipunan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano
ang hindi.
MSNOR 4. Tumutukoy sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing
pamantayan sa isang lipunan.
LOOBMIS 5. Paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng taong gumagamit dito
gaya ng wika, at pagkumpas.

IV. Tama o Mali! Isulat mo ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap. Kung ito ay mali, itama ang salitang may salungguhit upang
maiwasto ang pahayag. Isulat mo ang iyong sagot sa patlang.

1. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga


mamamayan sa isang lipunan.
2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na tumutukoy sa mga asal,
kilos o gawi na nagsisilbing pamantayan ng pagkilos sa isang lipunan.
3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na katanggap- tanggap sa grupo
ng mga tao o lipunan sa kabuuan.
4. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay may kaukulang
kaparusahan o sanctions.
5. Ang kultura ay naglalarawan sa isang lipunan.

V. Hanapin sa kahon ang mga tinutukoy na salita sa bawat bilang.

Kalamidad Lindol El Niño Bagyo Tsunami


La Niña Storm Surge Volcanic Eruption

1. Ito ay serye ng malalaking alon na nililikha sa pangyayari sa ilalim ng dagat.


2. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari o kaganapang nagdudulot ng
kapinsalaan sa tao o sa komunidad na tatamaan nito.
3. Ito ay namumuong sama ng panahon na may kasamang malakas na hangin
at mabigat na ulan.
4. Ito ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan kapag
paparating ang bagyo sa baybayin.
5. Ito ay ang abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat na
nagdudulot ng kakaunting ulan sa rehiyon/lugar.

VI. Bilugan ang mga salitang binibigyang kahulugan sa mga aytem sa ibaba.

Q P O L U S Y O N I D
R U Q P O N M L K J E
P O A U S Y O N A B F
S T U R V W X Y Z C O
L K J I R H G F E D R
M M O P Q Y R S T U E
C B A K Z Y I X W V S
D E F K G H I N J K T
S O L A D W A S G E A
S O L I D W A S T E T
U V W G X Y Z A B C I
L K J I I H G F E D O
M N O N P Q R S T U N

1. Tumutukoy sa anuman uri ng bagay na maaaring hindi na kakailanganin pa


at hindi na nararapat gamitin.
2. Proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin, at iba pang materyales sa
pamamagitan ng pagpapasabog, paghuhukay, o pagbabarena.
3. Ang walang habas na pagputol ng mga puno sa kagubatan
4. Ang pagputol ng mga puno at pagsunog ng mga kagubatan.
5. Ang pagiging marumi ng kapaligiran na nagdudulot ng pagbabago sa natural
na kalagayan ng kalikasan.

VII. HULAAN MO? Tukuyin sa loob ng kahon ang tamang sagot mula sa
mga inilalarawan na pahayag sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

Climate change Polusyon Pagnipis ng Ozone Layer


Deforestation Problema Sa Solid Waste
Urbanisasyon Global Warming Pagkawala ng Biodiversity
Pagkasira ng Lupa Kaingin System
1. Mga puno’y pinuputol at sinusunog ko, kaya sila’y nagrereklamo. Dahil
pagtubo at paglaki nila’y pinipigilan ko.
2. Kaaway ako ng mga tao dahil sa salot ang presensya ko sa kapaligiran,
lason ako sa hangin, sa lupa at maging sa katubigan.
3. Ayaw kung manatili sa pook rural, gusto kong lumuwas ng Maynila dahil
marami akong kakaibang modernisasyong nakikita.
4. Sa sobrang taas ng temperatura ko,tinutunaw ko ang yelo sa bandang
hilaga at timog na bahagi ng mundo.
5. Maitim na usok ang binubuga ko,masamang epekto ang dulot nito, suson
ng stratosphere ay nasaktan ko.
6. Madalas na sinisira ang flora at fauna, ako ngayo’y nangangamba
pagdating ng panahon baka mauubos lahi nila,at di niyo na masisilayan pa.
7. Bakit di mo magawang ilagay ako sa tamang lalagyan? Munting bagay lang
ako di naman kabigatan, Pag ako’y bumara sa kanal, libu-libong tao ang
maapektuhan.
8. Lagi niyo akong inaabuso, ganung pinagtataniman niyo ako,kung ano-
anung kemikal ang tinatapon niyo, minsan sinisira pa ako ng mga minero.
9. Nagbago ka na di katulad ng dati, mainit palagi ang temperatura kahit sa
gabi.Buong akala ko buwan ng taglamig ngayon, bakit bigla na lamang
pumalit ang panahon.
10. Wala kayong pagmamalasakit sa kagandahan ko, dati’y kulay berde ang
kapaligiran ko, punong puno ng pananim at hayop ang makikita mo. Sa isang
kisap mata’y lahat ito’y naglaho dahil kinalbo mo.

VIII. TALASALITAAN. Tukuyin ang ankop na konsepto ng mga kahulugan


ng nasa ibaba ng kahon. Piliin lamang ang mga sagot mula sa loob ng
kahon.

-Hazard mapping - vulnerability assessment -Hazard assessment


-Disaster Management Plan -Capacity assessment

1. Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin


ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang
partikular na panahon.
2. Tinataya nito ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad
na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
3. Tinataya at sinusuri ang kakayahan at kapasidad ng komunidad na
harapin ang iba’t ibang uri ng hazard.
4. Ito ay tumataya sa mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap
sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na
nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang
pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
5. Isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na
maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman,
kabahayan na maaaring mapinsala.

You might also like