You are on page 1of 8

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 6

W5 School Sampaguita Village Elementary School Quarter 3

Teacher Date April 19-23, 2021

I. LESSON TITLE

Pagtugon ng mga Pilipino sa patuloy na mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan sa


kasalukuyan.

II. MOST ESSENTIAL LEARNING


COMPETENCIES (MELCs)
Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa mga pagtugon ng mga Pilipino sa patuloy na
mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan sa kasalukuyan.

III. CONTENT/CORE CONTENT Naiisa-isa ang pananaw tungkol sa mga pagtugon ng mga Pilipino sa patuloy na mga suliranin,
isyu at hamon ng kasarinlan sa kasalukuyan.

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

A. Introduction

Panimula Sa araling ito ay makapagbibigay ka ng iyong sariling pananaw tungkol sa mga pagtugon
ng mga Pilipino sa patuloy na mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan sa kasalukuyan.

Bilang isang mag -aaral ikaw ay inaasahang;

a. Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at


hamon sa kasalukuyan.

b. Naipaliliwanag ang mga isinagawang pagtugon ng mga Pilipino sa patuloy na mga


suliranin, isyu at hamon sa kasarinlan.

c. Napapahalagahan ang mga pagtugon ng mga Pilipino sa patuloy na mga suliranin, isyu
at hamon ng kasarinlan sa kasalukuyan.

Sadyang nagdulot ng malaking kapinsalaan ang nagdaang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig sa bansa. Bunga nito ay sadyang napakaraming suliranin ang kinaharap ng
Ikatlong Republika. Higit na naapektuhan ang kalagayang pangkabuhayan nito. Paano kaya
hinarap ng mga Pilipino ang mga suliraning ito? Paano tinanggap ng mga nahalal na pinuno
ng bayan ang hamong kanilang kinaharap upang mapatatag at maisaayos ang kabuhayan ng
bansa?
Mga Pagtugon na Isinagawa Upang Mapabuti ang Kalagayan ng Bansa

Ang pamahalaan ng Ikatlong Republika ay tumagal ng dalawamput limang taon. Ito ay


pinamahalaan ng anim na pangulong nagsumikap na masolusyunan ang mga suliraning
pangkabuhayang kinaharap ng bansa. Bawat isang pangulo ay nagsagawa at naglunsad ng
mga programa at patakaran para sa ikasusulong ng ekonomiya. Narito ang ilang
mahahalagang hakbang na isinagawa ng Republika upang mapabuti at maisaayos ang
kalagayan ng pamumuhay ng mga tao.

Nasyonalisasyon ng Tingiang Pangangalakal

Upang mapigilan ang pamamayani ng mga dayuhan sa pagpapatakbo ng komersiyo at


kabuhayan ng bansa ay isinagawa ang isang batas. Pinagtibay ng Kongreso ang batas hinggil
sa nasyonalisasyon ng tingiang pangangalakal (Retail Trade. Ito ay nagtatadhana na ang
makapangangalakal lamang nang tingian ay ang mga korporasyon o samahang ganap na
Pilipino.

Pagpapabuti ng Sistema ng Edukasyon

Sa pamamagitan din ng edukasyon ay sinikap ng pamahalaang linangin sa mga


kabataang Pilipino ang damdaming nasyonalismo at pawiin ang kaisipang kolonyal nang sa
gayon ay Makita nilang sila ang dapat na maging panginoon sa sariling bayan. Nagtayo rin ng
mga paaralang pampamayanan o community schools ang pamahalaan. Sa mga paaralang ito
ay itinuro ang mga pag-aaral na bokasyunal, depende sa uri ng komunidad na kinabibilangan
ng mga mamamayan. Sa pamamagitan nito ay lubos na napaunlad ang pamumuhay ng mga
tao particular na iyong mga nasa rural na pook o probinsya.

Pagpapataas ng Produksyon partikular ang Pagsasaka

Upang mapaunlad ang kalagayan ng mga magsasaka ay bumuo ang pamahalaan ng


mga reporma sa lupa. Sa pamamagitan ng Kodigo sa Reporma sa Lupa (Land Reform
Code)na inilunsad ni Pangulong Macapagal, ay napahalagahan at napangalagaan ang
karangalan ng maliliit na magsasaka at nailigtas sila sa masasamang kinagawiang pinaiiral sa
mga sakahan. Gayundin lumikha ang pamahalaan ng pagkakataon sa mga lupang sakahang
makapagbigay ng lalong malaking kita at lalong malaking produksyon sa pamamagitan ng
pagpapabuti ng irigasyon at paggamit ng makabagong paraan ng pagsasaka. Kaya sinasabing
sa huling bahagi ng dekada 60 ang Pilipinas ay puma-pangalawa na sa bansang Hapon sa
pangkaunlarang kalagayan ng ekonomiya.

Pagpapabuti sa Sistema ng Pananalapi ng Bansa

Upang matiyak ang pagsulong ng ekonomiya at ang katatagang pananalapi ng bansa ay


itinatag noong Enero 3, 1949 ang Bangko Sentral ng Pilipinas. Ito ay kinikilalang charter ng
ekonomiya ng bansa. Una sa lahat, dahil ito ang nagpapanatili ng katatagang halaga ng piso.
Upang maisagawa ang bagay na ito, ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay pinagkalooban ng
kapangyarihang panatilihin ang pandaigdigang halaga ng piso at ang katumbas na halaga nito
kontra sa pera ng ibang bansa. Sa pangkalahatan, ito ay tumatayong tagapayo ng pamahalaan
pagdating sa mga usaping pinansiyal ng bansa.

Ang Patakarang Pilipino Muna

Isa sa pinakatanyag na programang inilunsad ng pamahalaan upang mapaunlad ang


kabuhayan ng bansa ay ang patakarang Pilipino Muna. Ito ay ipinatupad ni Pangulong Garcia
sa bisa ng Resolusyon Blg. 204 noong Agosto 21, 1958. Ang patakarang ito ang nagbigay ng
karapatan sa mga Pilipinong magbukas ng mga kalakal bago ang mga dayuhan. Dahil dito, isa
sa mga programang ipinatupad sa bansa ay ang ganap na pagsasarili ng Pilipinas sa larangan
ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagpapairal ng patakarang Pilipino Muna na ang ibig
sabihin ay kailangang tangkilikin muna at paunlarin ang mga industriya at kabuhayang
Pilipino bago ang sa ibang mga bansa.

Ref: Magandang Pilipinas 6, Lakbay ng Lahing Pilipino

Tanong:

1. Isa-isahin ang mga dahilan ng suliraning pangkabuhayan ng bansa noong panahon ng


Ikatlong Republika? Sa iyong palagay, alin sa mga ito ang higit na nakaapekto sa
kabuhayan ng bansa?

2. Sang-ayon ka ba sa paraan ng pagtugon ng ating pangulo sa mga suliranin, isyu at


hamon na hinaharap ng ating bansa?

3. Sa mga naging pagtugon ng mga Pilipino, alin sa mga programang ito ang higit na
naibigan mo at bakit?

B. Development

Pagpapaunlad Marahil ay maraming katanungan ang naglalaro sa iyong isipan higgil sa ating bagong
aralin. Ngunit bago ka magpatuloy ay subukan mo munang sagutin ang gawaing na sa ibaba.

Loop-A-Word

Hanapin sa ibaba ang mga naging pagtugon ng mga Pilipino sa patuloy na suliranin,
isyu at hamon ng kasarinlan. Bilugan ang bawat sagot na mahahanap mo at ibigay mo ang
iyong sariling pananaw tungkol dito.

A L A G A I N A A M A A B A O

N A S Y O N A L I S A S Y O N

O C D G H H O P E R A A S E A

Y T Y U I O P Q W E R A S D D

S D F G H J K L Z X C V B U N

K M N B V C X Z A S D F G K H
U E P A G S A S A K A R O A O

D A S D F G H J K L L Q W S R

O Z X C V B N M H G D S A Y A

R G H J K K K U I S A A S O S

P I L I P I N O M U N A H N S

P A N A N A L A P I H U I K S

1. _______________-______________________________________________

2. _______________-______________________________________________

3. _______________-______________________________________________

4. _______________-______________________________________________

5. _______________-______________________________________________

Pagpapakita ng 1 piraso ng tingting at 1 buong walis tingting

1. Alin ang higit na makakalinis ng kalat, ang isang pirasong tingting o ang maraming
tingting na pinagsama-sama upang makabuo ng walis?

2. Bakit higit na makakalinis ang pinagsama-samang tingting?

3. Ganoon din ba ang dapat na gawin ng mga Pilipino sa pagharap ng mga suliranin?
Ipaliwanag (dapat sama-sama, tulong-tulong)

C. Engagement
Pakikipagpalihan
Pagkatapos mong malaman ang mga pagtugon na isinagawa ng mga Pilipino upang mapabuti
ang kalagayan ng bansa. Linangin mo pa ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng paggawa ng
mga sumusunod na Gawain.

Gawain 1

Panuto : Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Anu-ano ang mga bahaging dapat gampanan ng mga mamamayan sa pagtataguyod


ng kaunlaran ng bansa?

2. Batay sa mga naging pagtugon na isinagawa ng mga Pilipino, ano ang masasabi
ninyo sa paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa mga suliranin, isyu at hamon ng
kasarinlan sa kasalukuyan?
3. Sa iyong palagay, makatutulong kaya sa pagsulong ng bansa kung muling
ipatutupad ang patakarang “Pilipino Muna”?Bakit?

Gawain 2

Panuto : Ibigay ang iyong sariling pananaw tungkol sa Konseptong matatagpuan sa loob ng
kahon. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Mahalaga ang pagtutulungan ng pamahalaan at pamayanan sa pagpapabuti at


pagpapaunlad ng bansa.

__________________________________________________________________

Gawain 3

Panuto : Sumulat ng isang payak na talata tungkol sa iyong magagawa bilang mag-aaral
upang makatulong sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon na kinkahakarap ng ating
bansa sa kasalukuyan. Gawing Gabay ang Rubrics na matatagpuan sa ibaba.

Rubrics sa paggawa ng Payak na Talata


D.Assimilation Isaisip Natin
Paglalapat
Mga hakbang na isinagawa ng pamahalaan ng Ikatlong Republika upang mapabuti ang
kalagayan ng bansa.

● Nasyonalisasyon ng tingiang pangangalakal

● Pagpapabuti ng sistema ng edukasyon

● Pagpapataan ng produksyon partikular ang pagsasaka

● Pagpapabuti ng sistema ng pananalapi sa bansa

Isa rin sa paraang isinagawa ng pamahalaan upang isulong ang kabuhayan ng bansa ay
ang paglulunsad ni Pangulong Carlos P. Garcia ng patakarang “Pilipino Muna” noong
Agosto 21, 1958

Bilang isang mag-aaral paano mo mabibigyan ng pagtugon ang patuloy na mga


suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan sa kasalukuyan?

V. ASSESSMENT

(Learning Activity Sheets for Para sa Pagtataya, ito ay iyong gagawin sa Ikatlo at ikaanim na lingo ng aralin.
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on Weeks 3
and 6)

VI. REFLECTION Matapos mong mapagdaanan ang maraming pagsubok na humamon sa kakayahan upang
maging ganap ang pagkatuto at kabatiran tungkol sa tinalakay na aralin, ngayon ay magagawa
mo ng ihayag ng buong pagmamalaki:

● Ang aking natutuhan sa aralin ay __________________.

● Mga bagay na ayaw mong makalimutan sa _______________.

● Gusto mong subukan mula sa iyong natutuhan ay _____________.


Prepared by: Checked by:

You might also like