You are on page 1of 8

SCHOOL Oroquieta City Central Grade Level SIX

Elementary School
GRADE 6
TEACHER Marycris B. Omagbon Quarter 4
DAILY LESSON
SUBJECT Araling Panlipunan DATE May 25, 2022
PLAN

LAYUNIN
(OBJECTIVE)

A.PAMANTAYANG Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mas malalim na pagunawa at pagpapahalaga


PANGNILALAMAN sa patuloy na pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon ng mga hamon ng
nagsasarili at umuunlad na bansa
(CONTENT STANDARDS)

B.PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakapagpakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing


makatutulong sa pag-unlad ng bansa bilang pagtupad ng sariling tungkulin na
(PERFORMANCE STANDARDS)
siyang kaakibat na pananagutan sa pagtamasa ng mga karapatan bilang isang
malaya at maunlad na Pilipino.

C.MGA KASANAYAN SA Nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan tungo sa pagtugon sa mga
PAGKATUTO hamon ng malaya at maunlad na bansa(AP6TDK-IVe-f-6)
(LEARNING COMPETENCIES)  Pampulitika (Hal., usaping pangteritoryo sa Philippine Sea, Korupsyon)

 Pangkabuhayan (Hal., globalisasyon)

II. NILALAMAN Mga Kontemporyong Isyu ng Lipunan

(CONTENT)

III. KAGAMITANG PANTURO


(LEARNING RESOURCES)

A. SANGGUNIAN (References)

1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro Curriculum Guide sa Araling Panlipunan 6

2.Mga Pahina sa Kagamitang

Pangmag-aaral

3.Mga Pahina sa textbook

4.Karagdagang kagamitan mula Internet

sa postal ng Learning
Resources

B. IBA PANG KAGAMITANG Projector, Larawan, Activity Cards, Videoclip


PANTURO

A. BALIK-ARAL SA
NAKARAANG ARALIN AT/O
PAGSISIMULA NG BAGONG
ARALIN. Ang aralin na ito ay inihanda upang malaman mo ang mga pampulitika at
(Reviewing previous lesson/ pangkabuhyang isyung kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.
presenting the new lesson)

(ELICIT)

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN NG A. Gamit ang objective board, basahin at ipaliwanag ng guro ang layunin ng aralin.
ARALIN. Layunin: Nasusuri ang mga pampulitika at pangkabuhayang isyu ng
lipunan tungo sa pagtugon sa mga hamon ng Malaya at maunlad na
(Establishing a purpose for the lesson) bansa

- Pampulitika (Hal., usaping pangteritoryo sa Philippine Sea, Korupsyon)


- Pangkabuhayan (Hal., globalisasyon)

B. Ipakita ang isang larawan tungkol sa isyu o problema ng ating bansa na kasalukuyang
hinaharap.

Tanong:

Ano-ano ang iyong mga obserbasyon o nakikita sa mga pangyayari ng iyong paligid
kaugnay sa pandemyang ito?

Gawin ito sa loob ng 4 na minute (reflective approach)7

Ang pandemyang COVID 19 ay hindi lamang kinakaharap nating mga Pilipino sa ngayon
kundi maging sa buong mundo. Ito ay nagdudulot ng pagbagsak ng ating ekonomiya at
matinding kahirapan dahil sa maraming mga tao ang nawawalan ng hanapbuhay.

(Health)

Isa lang ang COVID 19 sa mga kontemporaryong isyu ng ating bansa sa ngayon.

Alam mo bang marami pang kontemporaryong isyu ang kinakaharap ng ating


bansa sa kasalukuyan?

C. PAG-UUGNAY NG MGA (The teacher demonstrates knowledge in ICT Integration by providing a videoclip to
provide additional information relevant to the topic.)
HALIMBAWA SA BAGONG
ARALIN.
Pagpapakita ng isang videoclip tungkol sa mga suliraning kinaharap..
(Presenting examples/instances of

the new lesson) (ENGAGE)


Video:

D. PAGTALAKAY NG BAGONG (These questions require learners to answer questions by analyzing and evaluating)
(HOTS)
KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG
BAGONG KASANAYAN #1
MGA KONTEMPORARYONG ISYUNG KINAKAHARAP
(Discussing new concept and NG BANSA SA KASALUKUYAN 2

practicing new skills #1) (EXPLAIN) - Ano ang ibig sabihin ng kontemporaryong isyu?
- Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu?
A. ISYUNG PAMPULITIKA

Ang suliraning pampulitika ay mga salitang ginagamit upang ilarawan


ang mga pagsubok, problema, o ang mga suliranin na kasalukuyang
nararamdaman ng isang bansa ukol sa lagay ng pulitikal na estado.

 A. 1. Isyu sa Usaping Panteritoryo sa Philippine Sea

Isyu sa Spratly Island


- Ang islang ito ang binubuo ng mahigit kumulang 100 maliliit na isla at
malalaking korales na matatagpuan sa West Philippine Sea
- Binabasihan ng Tsina ang tinatawag na 9 Dash Line.
Ang 9 dash line ay isang U shaped form kung saan ang lahat nang nasa loob nito
ay pag aari ng Tsina pandagat man o panghimpapadatawid.
- Ang Pilipinas ay may pinanindigan na naayon sa batas na tinatawag na
Exclusive Economic Zone (EEZ) na binabasihan sa UNCLOS (United Nation
Convention on the Law of the Sea). Nagsimula ang baseline hanggang 200
nautical miles galing sa bansa. Sa 200 na nautical miles na ito ay may karapatan
tayong mga Pilipino na mangingisda sa dagat.

- Bukod sa Pilipinas at China, kabilang rin sa mga bansang umaagaw ang


Vietnam, Malaysia, Taiwan at Brunei dahil sa natural nitong kayamanan kagaya
na lamang ng langis.

- Noong Hulyo 12, 2016, inilabas ng United Nations Arbitral Tribunal ang
desisyon nitong pumapabor sa Pilipinas. Idineklara nitong invalid ang 9 Dash
Line na iginigiit ng Tsina sa West Philippine Sea.

2. Isyu sa Korapsiyon / Katiwalian sa Pamahalaan


Ang korapsiyon, katiwalian o pangungurakot ay tumutukoy sa kawalan ng
integridad at katapatan.
• Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na
nangyayari kapag ang isang indibidwal o orgnisasyong may hawak na
kapangyarihan o awtoridad upang makakuha ng pansariling benepisyo.
• Ang korapsyon ay isa sa itinuturing na pangunahing dahilan sa hindi
pag-unlad ng Pilipinas. Bawat taon ay nawawalan ng malaking halaga ang pondo
ng bayan na dapat sana magamit sa mga proyektong magpapaunlad sa bansa.

• May iba’t-ibang uri ng korapsyon sa pamahalaan


a. Panunuhol (bribery)
–pagtanggap ng halaga o anumang bagay kapalit ng
di pagsusumbong sa isang illegal na gawain.
b. Pangingikil ( Extortion)
– paghingi ng anumang bagay o halaga bago gawin ang isang proyekto o
transaksiyon.
c. Nepotismo
– Pagbigay ng higit na pabor sa mga kamag-anak upang makapasok sa posisyon.
d. Paglustay (embezzlement)
– paggamit nang personal sa pera na dapat para sa pamahalaan
e. Kickbacks
– pagpapasobra na halaga ng isang bagay o proyekto.

3. Isyu sa Pagkakautang ng Bansa


• Ang malaking kakulangan sa pondo ang dahilan kung bakit
nangungutang ang pamahalaan sa International Monetary
( IMF), World Bank (WB), mga lokal na bangko, at iba pang institusyong
pananalapi.
• Sa kasalukuyan ay umabot na sa ₱8.6 trilyon ang kabuuang utang ng
Pilipinas batay sa datos ng Bureau of Treasury. Sinasabing ang 67 % nito ay
domestikong utang at 33% nito ay utang panlabas ng bansa (foreign loan).
• Sinabi naman ng Department of Finance na base sa Gross Domestic
Product (GDP) ng bansa manageable pa rin naman daw ang utang ng Pilipinas.
• Habang tumatagal, tumataas din ang interes ng utang at patuloy ring
tumataas ang presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa na lalong
nagpapahirap sa mga Pilipino.
B. PANGKABUHAYAN
 1. Isyu ng Globalisasyon

- Ang Globalisasyon ay proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao,


bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na
nananarasan sa iba’t -ibang bahagi ng daigdig.

Tatlong patakaran ng globalisasyon:

• Deregulisasyon – ay ang pagbibigay ng pamahalaan ng isang bansa sa pribadong


negosyo ng mas malayang pagpapasya at pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

• Pribatisasyon – ay ang pagbebenta ng mga ari-arian ng pamahalaan sa mga


pribadong tao o korporasyon.

• Liberalisasyon – malayang pagpasok ng kalakal mula sa ibang bansa.

E. PAGTALAKAY NG BAGONG (The group activity requires the application of knowledge learned from English and
Filipino)
KONSEPTO AT PAGALALAHAD
The grouping is based on the strengths and the interests of the learners) 1
NG BAGONG KASANAYAN #2

(Discussing new concept and


Magsagawa ng Pangkatang Gawain: ( Gawin ito sa loob ng 15 minuto)
practicing new skills #2) (EXPLORE)

Pangkatin ang klase sa 3 pangkat: 9, 8, 6,5

⮚ Pagbibigay ng Pamantayan sa pangkatang Gawain.

⮚ Pagbibigay ng rubriks sa pangkatang Gawain


RUBRIKS

5- 4- 3- Katamtaman 2-Hindi gaanong 1-Hindi


Napakahusay Mahusay ang husay mahusay Mahusay

Naipapakita
sa nabuong
gawain

Unang Pangkat: “Picture Power” (Integration of Arts and Filipino)

1. Mula sa larawan bumuo ng isang maikling kwento, lagyan ng pamagat.

2. Basahin ang ginawa sa unahan ng klase.


Ikalawang Pangkat: Pagbuo ng Storyboard

1. Bumuo ng storyboard na nagpapakita ng mga pagkakasunod-sunod ng mga


mahahalagang pangyayaring naganap.

Ikatlong Pangkat: Iarte natin! (Integration of Arts)

Isadula ang pangyayari sa politika sa ating panahon ngayon.

F. PAGLINANG SA KABIHASAAN (Accomplishing individual interdisciplinary activity allowing learners to apply master
of the lesson)
(Tungo sa formative assessment)
Gawain 1
Developing mastery (Leads to formative
assessment)
Basahin ang mga paliwanag sa kanang bahagi. Ayusin ang mga
ginulong titik upang matukoy ang tamang salita.

____________1. Paggamit ng personal sa pera na dapat para


sa pamahalaan. (YTASULPAG)

____________2. Pagbigay ng higit na pabor sa mga kamag-anak


upang makapasok sa posisyon.
( OPIMTESON )

____________3. Paghingi ng anumang bagay o halaga bago


gawin ang isang proyekto o transaksiyon.
(GNLIKAPINGI )

____________ 4. Pagtanggap ng halaga o anumang bagay


kapalit ng di pagsusumbong sa isang illegal na gawain.

( HUNAPNUOL )

____________5. Pagpapasobra na halaga ng isang bagay o proyekto.

( KBAKCICK )

____________6. Paggamit sa posisyon sa pamahalaan para sa


pansariling interes. ( RAPYONISOK )

____________7. Binabasehan ng Tsina sa kanilang pag-angkin


sa Spratly Island. ( SHAD ILEN 9 )

____________8. Isang ahensiyang pinagkakautangan ng


Pilipinas.

(RODLW NABK )
____________9. Ang pinag-aagawang isla ng Tsina at Pilipinas
ati mga kalapit bansa nito. ( RALYTPS LANDIS )

____________10. Tawag sa tubo ng pera sa pagkakautang.

(RESINTE).

Gawain 2

Sagutin ang tanong.

Ano ang kahulugan ng globalisasyon?

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA (Reflective Questions for the learners to appreciate the love and concerns for others
that provides integration in EsP)
PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY

(Finding practical/application
Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na mga pahayag.
of concepts and skills in daily living)

_____1. Walang nangyayaring mga katiwalian sa ating bansa.

_____2. Ang panunuhol ay maituturing na kontemporaryong


isyu.

_____3. Ang Nepotismo ay tinatawag ring Padreno System.

______4. Pribatisasyon ang tawag sa pagbebenta ng mga ari-


arian ng pamahalaan sa mga pribadong tao o
korporasyon.

_____5. Ang isyu sa Spratly Island ay isang suliraning


Panlipunan.

_____6. Ang liberalisasyon ang dahilan kung bakit nagkalat ang


mga imported na produkto sa bansa.

_____7. Isa sa pangunahing balakid sa pag-unlad ng Pilipinas


ang korapsiyon at katiwalian ng mga kawani at mga
pinuno ng pamahalaan.

_____8. Lumalaki ang utang ng ating bansa dahil ang mga


mamamayan ay umuunlad at
namumuhay ng maayos.

_____9. Malayang namumuhunan ang mga dayuhan sa Pilipinas


dahil sa Patakarang Deregulisasyon.

_____10. Ang globalisasyon ay nakatutulong na maiangat ang


kabuhayan ng mga Pilipino.

PAGLALAHAT NG ARALIN The teacher allows the learner to generalize and consolidate their learnings. Reflective
approach.
(Making generalizations and
abstractions about the lesson)
1. Sa iyong palagay, paano malulutas ang mga isyu ng
korapsiyon at katiwalian na nangyayari sa ating pamahalaan?
(ELABORATE)

2. Bilang isang kabataan, bakit mahalagang malaman ang mga


kontemporanyong isyung kinakaharap ng bansa sa
kasalukuyan?

H. PAGTATAYA NG ARALIN Suriin kung saang aspekto nabibilang ang mga nakatalang isyu o suliranin ng bansa. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
(Evaluating Learning) (EVALUATION)

a. Pampulitika

b. Pangkabuhayan

1. Malaking kakulangan sa pondo ng pamahalaan.

2. Pagkakaroon ng malakihang kickback sa mga proyekto ng


pamahalaan.

3. Paglaganap ng mga imported na produkto sa bansa.

4. Pag-aagawan ng mga bansang kalapit sa Pilipinas sa mga


islang mayaman sa deposito ng langis.

5. Pagmamay-ari ng mga pribadong kompanya sa mga ari-arian


ng gobyerno.

6. Pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan at kamag-anak para


maipasok sa trabaho.

7. Paglulustay ng pera ng pamahalaan para sa sariling interes.

8. Pag-engganyo sa mga dayuhan na mamuhunan sa ating


bansa.

9. Malayang pagpasok ng mga kalakal sa ating bansa mula sa


iba’t-ibang panig ng mundo.

10. Patuloy na pangungutang ng pamahalaan sa iba’t-ibang


institusyong pananalapi..

I. KARAGDAGANG GAWAIN
PARA SA TAKDANG ARALIN AT
REMEDIATION.

(Additional activities for application or


remediation) (EXTEND)

V. REMARKS

Prepared by:

MARYCRIS B. OMAGBON
TEACHER III

Checked by:

ROCHELL B. CABAHUG
Master Teacher - I
Noted by:

ALBERTA M. QUILAB
PRINCIPAL I

You might also like