You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

Quarter 3 Date & Time Tuesday, February 6, 2024 (2:20-3:00)


Week No. 2 Las/Module Title Module 2: Ugnayang Pilipino-Amerikano sa Isyung Pangmilitar
at Kalakalan
Day No. 2 Lesson/Topic Philippine Rehabilitation Act

COMPETENCY & OBJECTIVES Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946
hanggang 1972

Specific Objectives:
:
1. Naipapaliwanag ang Philippine Rehabilitation Act

2. Nakakagawa ng isang poster na nagpapakita kung paano nakatulong ang Philippine


Rehabilitation Act sa muling pagbangon ng bansa mula sa lugmok nitong kalagayan

3. Nabibigyang-halaga ang Philippine Rehabilitation Act

CONTENT Philippine Rehabilitation Act


:

LEARNING RESOURCES Laptop, projector, jumbled words, picture, graphic organizer, bondpaper, coloring
:
materials

PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)

1. Panalangin

2. Checking ng Attendance

3. Paalala sa mga Tuntunin sa Silid-Aralan

B. Pagganyak: (Motivation)

Itatanong ng guro ang mga sumusunod na tanong at sasagutin ito ng mga bata.

1. Ano ang mahihinuha ninyong kalagayan ng isang lugar matapos ang digmaan?

2. Ano ang dapat gawin pagkatapos ng digmaan?

C. Paglalahad: (Presentation)

Ilalahad ng guro sa mga mag-aaral ang mga layunin sa pagkatuto na makakamit sa


panahon at sa pagtatapos ng talakayan.
Ang mga bata ay magsasa-ayos ng mga pinaghalong mga salita upang makabuo ng
paksa.

REHABILITATION ACT PHILIPPINE

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Philippine Rehabilitation Act

Dahil sa matinding kahirapang naranasan ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig ay napilitan si Pangulong Manuel Roxas na tanggapin ang tulong
pinansiyal na pinagkakaloob ng mga Amerikano.

Manuel Roxas
Photo Credit: Wikipedia

Pinagtibay ng Kongreso ang Philippine Rehabilitation Act kung saan ipinagkaloob ng


pamahalaang Amerikano ang halagang $620 milyon. Ang $120 milyon na bahagi ng
halagang ito ay inilaan sa pagpapagawa ng mga tulay, kalsada, at iba pang
impraestrakturang kailangan para maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan. Bahagi
rin nito ang 100 milyong dolyar na halaga ng mga lumang kagamitang pangmilitar na
iniwan ng mga Amerikano sa bansa at halos hindi na mapakinabangan. Ang natirang $400
milyon naman ay ipagkakaloob o gagamitin bilang iskolarsyip ng mga Pilipinnong ipadadala
sa Estados Unidos upang mag-aral kung saan ang kanilang mga matutuhan ay kanilang
gagamitin sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa at gayundin ang pangalagaan ang interes
ng pamahalaang Amerika sa Pilipinas.

Mga Tanong:

1. Ano ang Philippine Rehabilitation Act?


2. Paano ito nakatulong sa bansa pagkatapos ng digmaan?

E. Paghahasa (Exercises)

Panuto: Ipaliwanag ang Philippine Rehabilitation Act sa pamamagitan ng paggawa ng isang


graphic organizer katulad ng nasa ibaba.

Philippine
Rehabilitation Act

F. Paglalahat: (Generalization)

Panuto: Bilang pagbubuod sa araling ito, sagutin ang tanong na nasa ibaba gamit ang isang
pirasong papel.

Nakabubuti ba ang Philippine Rehabilitation Act sa bansa? Ipaliwanag?

G.Paglalapat (Application)

Tanong:

Paano nakatulong ang Philippine Rehabilitation Act upang muling maibangon ng


bansa ang lugmok nitong kalagayan? Sagutin ito sa pamamagitan ng paggawa ng isang
poster.
H. Pagtataya: (Evaluation)

Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang tinutukoy sa bawat pahayag.

1. Siya ang tumanggap ng tulong pinansiyal na pinagkakaloob ng mga Amerikano.

2. Ito ay ang pagkakaloob ng pamahalaang Amerikano ng halagang $620 milyon sa


Pilipinas.

3. Ang halagang ito ay inilaan sa pagpapagawa ng mga tulay, kalsada, at iba pang
impraestrakturang kailangan para maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan.

4. Ang halagang ito ay inilaan para sa mga lumang kagamitang pangmilitar na iniwan
ng mga Amerikano sa bansa at halos hindi na mapakinabangan.

5. Ang halagang ito ay ipagkakaloob o gagamitin bilang iskolarsyip ng mga Pilipinong


ipadadala sa Estados Unidos upang mag-aral.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Gumawa ng isang collage na nagpapakita ng kahalagahan sa pagpapatupad ng


Philippine Rehabilitation Act.

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
Mga Puna (may include notes of
teacher for not achieving the Out of ____ learners, there are ______ who got 80% in the activity so the lesson ________ attained.
lesson/target if any; comments of
principal and other instructional
supervisors during their
announced/unannounced visits)

Prepared by: Noted:

MARIA FE P. INTINA MILAGROS M. TIANAN


Teacher I ESP-I

You might also like