You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

Quarter 3 Date & Time Thursday , February 1, 2024 (2:20-3:00)


Week No. 1 Las/Module Title Module 1: Pagsusuri sa mga Pangunahing Suliranin at Hamong
Pangkabuhayan at Panlipunan mula 1946 hanggang 1972
Day No. 2 Lesson/Topic Suliraning Pangkabuhayan at Panlipunan Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigidig

COMPETENCY & OBJECTIVES Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946
hanggang 1972.

Specific Objectives:

1. Nasusuri ang suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng ikalawang digmaan at ang


naging pagtugon ng pamahalaan sa mga suliranin.
:
2. Natatalakay ang mga paraang ginawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga
suliraning dulot ng ikalawang digmaang pandaigdig.

3. Nabibigyang-halaga ang mga pagiging ganap ng estado ng Pilipinas at pagsilang ng


ikatlong Republika.

4. Napahahalagahan ang pagiging malayang estado ng bansa.

CONTENT : Suliraning Pangkabuhayan at Panlipunan Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigidig

LEARNING RESOURCES : Projector o TV , laptop, Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino, pp. 198-204

PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)

1. Panalangin

2. Checking ng Attendance

3. Paalala sa mga Tuntunin sa Silid-Aralan

B. Pagganyak: (Motivation)

Pag-aalis ng mga balakid:

(Ibibigay ng guro ang kahulugan ng mga sumusunod na mga konsepto para mas
maintindihan ng mga bata ang sumusunod na aralin. Ipagamit ito ng mga bata sa
pangungusap.)

Amnestiya Batas Tydings-McDuffie Elektripikasyon

Industriyalisasyon Informal settle Pagbabagong-tatag

Pagkabangkarote
C. Paglalahad: (Presentation)

Ilalahad ng guro sa mga mag-aaral ang mga layunin sa pagkatuto na makakamit sa


panahon at sa pagtatapos ng talakayan.

Picture puzzle:

Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan? Bakit kaya ito nangyari?

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Ano-ano ang mga malalaking suliraning hinarap ng Pilipinas nang ito’y maging
ganap na malaya?

Labis ang pinsalang natamo ng Pilipinas dulot ng nagdaang digmaang pandaigdig.


Kaya naman, nang maging isang ganap na Republika ang Pilipinas noong 1946 ay naharap
ito sa malalaking suliranin tulad ng:

•Pagsasagawa ng malawakang pagbabagong-tatag upang muling maibangon at maitayo


ang mga nawasak na mga tirahan at gusali .

•Pagresolba sa pagkakaroon ng malaking kakulangan sa mga hayop na gagamitin sa


pagsasaka na namatay sanhi ng digmaan.

•Pagsasaayos ng mga taniman at sakahan upang muling mapakinabangan at mataniman.

•Paglutas sa suliranin sa salapi dulot ng pagkabangkarote ng pamahalaan sanhi ng


pananakop ng mga Hapones.

•Pagsasaayos ng mga industriyang nasira sa pamamagitan ng pag-angkat ng bagong


makinarya.

•Pag-aangkop ng Sistema ng edukasyon sa bagong kalagayan ng bansa.

•Pag-aangat sa pagpapahalagang-moral at espiritwal ng mga Pilipinong lubos na


naapektuhan sanhi ng pananakop ng mga Hapones at ng nagdaang digmaan.

E. Paghahasa (Exercises)

Pangkatang Gawain:

Ilalahad ng mga bata ang kanilang mga ideya tungkol sa mga hamon na hinarap ng
Pilipinas nang ito’y ganap na maging malaya at ang mga paaran sa pagtugon nito.

Pangkat 1 – Islogan

Pangkat 2 – Poster

Pangkat 3 – Tula

Pangkat 4 – Maikling sanaysay


F. Paglalahat: (Generalization)

● Labis ang pinsalang natamo ng Pilipinas dulot ng nagdaang digmaang pandaigdig.


Kaya naman, nang maging isang ganap na Republika ang Pilipinas noong 1946 ay
naharap ito sa malalaking suliranin tulad ng:

● Pagsasagawa ng malawakang pagbabagong-tatag upang muling maibangon at


maitayo ang mga nawasak na mga tirahan at gusali .

● Pagresolba sa pagkakaroon ng malaking kakulangan sa mga hayop na gagamitin


sa pagsasaka na namatay sanhi ng digmaan.

● Pagsasaayos ng mga taniman at sakahan upang muling mapakinabangan at


mataniman.

● Paglutas sa suliranin sa salapi dulot ng pagkabangkarote ng pamahalaan sanhi ng


pananakop ng mga Hapones.

● Pagsasaayos ng mga industriyang nasira sa pamamagitan ng pag-angkat ng


bagong makinarya.

● Pag-aangkop ng Sistema ng edukasyon sa bagong kalagayan ng bansa.

● Pag-aangat sa pagpapahalagang-moral at espiritwal ng mga Pilipinong lubos na


naapektuhan sanhi ng pananakop ng mga Hapones at ng nagdaang digmaan.

G.Paglalapat (Application)

Fishbone Organizer: Talakayin ang sanhi kung bakit lumaganap ang mga suliraninng
pangkabuhayan sa bansa. Sa katapat na linya ay itala naman ang mga ginawa ng
pamahalaan upang matugunan ang mga suliraning ito.

Sanhi

Solusyon

H. Pagtataya: (Evaluation)
Suriin ang isinasaad ng mga pangungusap. Salungguhitan ang sanhi at ikahon ang bunga
sa sumusunod na mga pahayag.

1.Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang ekonomiya at kabuhayan ng bansa ay


lubos na naapektuhan.

2.Nagbago ang kalagayan ng sentro ng kalakalan at kalinangan ng bansa nang


maapektuhan ito ng madugong labanan ng Allied Powers at Axis Powers.

3.Dahil sa mas maraming oportunidad sa Kamaynilaan, maraming mga mamamayan mula


sa mga lalawigan ang tumutungo rito.

4.Patuloy na nagsisikap ang Maynila at Lungsod Quezon bunga ng paninirahan ng mga


taga-probinsiya.

5.Upang masolusyunan ang problema sa pagsisikip sa Kamaynilaan ay nilikha ng


pamahalaan ang Pambansang Pangasiwaan ng paglilipat-tirahan at pagsasaayos.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Pag-aralan ang susunod na aralin.

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
Mga Puna (may include notes of
teacher for not achieving the Out of _____ learners, there are ______ who got 80% in the activity so the lesson ________ attained.
lesson/target if any; comments of
principal and other instructional
supervisors during their
announced/unannounced visits)

Prepared by:
MARIA FE P. INTINA
Teacher I
Noted:
MILAGROS M. TIANAN
ESP-I

You might also like