You are on page 1of 3

GLAN PADIDU CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

NORTH 1 GLAN

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

I- LAYUNIN

1. Matatalakay ang mga suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at


ang naging tugon ng pamahalaan sa mga suliraning ito.
2.Maisasadula ang mga suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at
ang naging tugon sa mga ito.
3. Mapahahalagahan ang importansya ng kabuhayan sa ating buhay.

II- PAKSANG ARALIN


Paksa: Suliranin at Hamon sa Kasarinlan
Sanggunian: AP6SHK-IIIa-b1.1; Marangal na Pilipino 6; pahina 144-147
Kagamitan: Curriculum Guide, aklat, mga larawan, manila paper at marking pen

III- Pamamaraan
1. Panimulang Gawain
a. Balitaan
- Ano ang pangyayaring naganap sa ibang bansa?
- Ano ang naging epekto nang kaguluhan sa pamumuhay ng mga tao?
b. Balik -aral
- Sinu-sino ang mga sumakop sa ating bansa?
- Anu-ano ang naging kabuhayan ng mga Pilipino sa Panahon ng Hapon?
c. Dagdag Bukabularyo
-Kulaborador( Collaborator)
-Ahensya

2. Panlinang na Aralin
a. Mga gawain (Aktibiti)
- Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa timeline.
- Anu-ano ang inyong napapansin o masasabi sa mga larawan ?
- Ang may magandang gawain ay makakatanggap ng gantimpala.

3.Pagtatalakay
a. Pagsusuri (analisis)
- Ano ang ating paksa sa umagang ito alinsunod sa ating aktibiti kanina?
- Anu-anong mga pangyayari ang naganap pagkatapos ng Ikalawang Digmaang pandaigdig?
- Bigyang pansin ang kasalukuyang kaguluhan sa bansang Russia at Ukraine.
-Ano ang tugon ng pamahalaan sa mga suliranin dulot ng digmaan?

b. Pangkatang Gawain
Panuto: Pangkatin ang klase sa dalawang grupo. Sundin ang mga hakbang a pagsasagawa. Ang bawat
pangkat ay may tatlong minuto para maghanda.Pagbibigay ng puntos sa bawat pangkat sa pamamagitan
ng rubriks:
Presentasyon- 50%
Impormasyon - 25 %
Pagkamalikhain 20%
Kabuuang epekto – 5%
_______
100%

4.Pangwakas na Gawain
a. Paghahalaw ( Abstraction)

1. Paglalahat
- Isa-isahin ang mga suliraning pangkabuhayan ng mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang pandaigdig
at ang naging tugon ng pamahalaan sa mga ito.
2. Pagpapahalaga
-Nais mo bang magkaroon ng kaguluhan sa ating bayan?bakit?

b.Paglalapat(Aplikasyon)
-May mabuti bang maidudulot ang giyera sa ating bansa?
- Anu-ano ang epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pamumuhay ng mamamayan at sa
larangan ng edukasyon?

IV- PAGTATAYA
a. Hanapin ang sagot sa kahon at isulat sa inyong papel.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig National Food Authority


Food Administration Pagsasaka Jose P. Laurel

_____1. Sino ang pangulo ng Ikalawang Republika?


_____2. Ano ang hanapbuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng hapon?
_____3. Dumanas ng hirap ang mga Pilipino dulot ng ______ noong Panahon ng Hapon.
_____4. Ito ang itinatag noong Disyembre 1943 upang mangasiwa sa mga gawain ng mga ahensyang
may kinalaman sa produksyon ng pagkain , pamamahagi at pagkontrol ng presyo.
_____5. Ahensya na namamahal sa pagbebenta ng mga inangkat na bigas.

b. Ipaliwanag.
1. Ano ang mahalagang ginampanan ni Pangulong Jose P. Laurel sa panahon ng mga Hapones?

V- Takdang- Aralin
- Ano ang ibig sabihin ng Colonial Mentality?

Inihanda ni:

REY C. DONA-AL

You might also like