You are on page 1of 3

Dep-Ed Region III

Division of City Schools


District of San Jose Del Monte West
GAYA-GAYA ELEMENTARY SCHOOL
City of San Jose Del Monte

Talaan ng Ispesipikasyon
Unang Sumatibong Pagsusulit
Ikatlong Markahan
ARALING PANLIPUNAN 6

LAYUNIN CODE AYTEM BILANG

1. Nasusuri ang sistema ng AP6KDP- I. 1-10


pamamahala sa IIf-g-7
panahon ng mga
Hapones.

2. Nasusuri ang mga


pangunahing suliranin AP6SHK- II. 1-8
at hamon sa kasarinlan IIIa-b-10
pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

Inihanda ni:
JOVY B. ZUÑIGA
Guro III
Unang Sumatibong Pagsusulit
Araling Panlipunan 6 (Q3)

Pangalan:_______________________________ Baitang at Seksyon:_________________

I. Tukuyin ang mahahalagang detalye tungkol sa sistema ng pamamahala sa panahon ng mga


Hapones. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat ito sa linya.
1. Ang mga pulis-militar ng mga Hapones na syang humuhuli sa mga Pilipinong lumalaban sa mga
Hapones__________________.
2. Ang ahensyang ipinatayo ni Laurel upang maging maayos and distribusyon at pagbebenta ng
pagkaing butyl gaya ng bigas.___________________
3. Tawag sa mga miyembro ng USAFFE at sibilyang namundok upang makibaka para sa kalayaan
laban sa mga Hapones.__________________.
4. Taguri sa perang Hapones na walang limitasyong inimprenta sa bansa.______________
5. Ito ang nagrarasyon ng mga pangunahing pangangailangan sa mga tahanan ng pamilyang
Pilipino sa mas mababang halaga._______________
6. Ito ang nangangasiwa at kumikontrol sa maayos at makatarungang pagbabahagi ng mga
pangunahing bilihin.______________
7. Taguri sa mga Pilipinong pumanig sa mga Hapones at siyang nagtuturo sa mga Pilipinong
lumalaban sa mga Hapones.________________
8. Tawag sa pamahalaang umiral sa ilalim ng Ikalawang Republika.______________
9. Kilusang gerilya sa Gitnang Luzon na pinamunuan ni Luis Taruc.______________
10. Pangulo ng Ikalawang republika.________________

MAKAPILI KEMPEITAI JOSE P. LAUREL

HUKBALAHAP BIBA MICKEY MOUSE MONEY

PRIMCO GERILYA REPUBLIKANG PUPPET

JORGE B. VARGAS LUIS TARUC NADISCO

II. Bilang pagpapahalaga, lagyan ng tsek (/) ang mga gawaing sa palagay mo ay
nagpapakita ng naging epekto ng “Colonial Mentality” pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Magbigay ng paliwanag para sa iyong napiling sagot. (2pts)
____1. Pagtangkilik sa sariling atin.
Paliwanag:_________________________________________________
____2. Paghanga at gawing panginoon ang mga dayuhan.
Paliwanag:_________________________________________________
____3. Umasa na lamang sa mga programa iniaalok ng mga dayuhan.
Paliwanag:_________________________________________________
____4. Pagmamalaki sa ating kultura.
Paliwanag:_________________________________________________
____5. Pagmamalaki sa pagiging Pilipino natin.
Paliwanag:_________________________________________________
____6. Pakikiisa sa mga Programa ng Pamahalaan.
Paliwanag:_________________________________________________

____7. Pinagyayaman ng lubos at nililinang an gating mga likas na yaman.


Paliwanag:_________________________________________________

____8. Pagpapahalaga sa Programang “Pilipino Muna”.


Paliwanag:_________________________________________________

You might also like