You are on page 1of 2

Bacolod City National High School

ARALING PANLIPUNAN DEPARTMENT

Araling Panlipunan 7
Ika-apat na Markahan
SUMMATIVE TEST NO. 1
(Q4 MELC 1 & 2)

PANGALAN: ____________________________________BAITANG AT SEKSYON: ______________

I. Panuto: Basahin ng Mabuti ang mga tanong at isulat ang TITIK ng tamang sagot sa bawat patlang.
________1. Bakit natalo ang mga Burmese sa tatlong Digmaang Anglo-Burmese?
A. Dahil kaunti lamang ang kanilang mga sundalo.
B. Dahil malakas ang kagamitang pandigma ng mga British.
C. Dahil malapit sa India ang hangganan ng Burma.
D. Dahil tinulungan France ang mga British.

________2. Ito ang patakarang ipinatupad ng England sa Burma, kung saan ang British Resident ay kailangang manirahan sa
Burma at magsilbing kinatawan nito sa naturang bansa.
A. Culture System C. Resident System
B. Open Door Policy D. Spere of Influence

________3. Sa kasunduang ito nakatakda ang pag-angkin ng England sa Hongkong at pagbubukas ng iba pang
daungan ng China katulad ng Amoy, Foochow, Ningpo at Shanghai.
A. Kasunduang Kanagawa C. Kasunduang Tientsin
B. Kasunduang Nanking D. Kasunduang Yandabo

________4. Sino ang Secretary of State ng United States of America na nagmungkahi na ipatupad ang Open
Door Policy sa China upang hindi maputol ang ugnayang pangkalakalan nito sa china?
A. Antony Blinken C. John Hay
B. Hillary Clinton D. Mike Pompeo

________5. Ang sumusunod na bansa ay kabilang sa Ikalawang Digmaang Opyo, alin ang hindi kasali?
A. China B. England C. France D. Japan
II. Panuto: Hanapin ang TAMANG sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa mga patlang na nakatalaga.

FERDINAND MAGELLAN MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI KRISTIYANISMO

MONOPOLYO MACTAN SANDUGUAN

_____________________1. Nagtagumpay siya na masakop ang Pilipinas at nagtatag ng Lungsod ng Cebu noong Abril 27, 1565
_____________________2. Dito naganap ang labanan sa pagitan ng pangkat ni Lapulapu at Ferdinand Magellan.
_____________________3. Relihiyong pinalaganap ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino.
_____________________4. Pagkontrol ng mga Espanyol sa kalakalan, tulad ng pagbebenta ng tabako.
_____________________5. Isang Portugues na manlalayag na nagsilbi sa hari ng Espanya at nakarating sa Pilipinas noong
Marso 16, 1521.

III. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na pangungusap kung ito ay SANHI o EPEKTO ng ikalawang yugto
ng imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Isulat sa mga patlang ang sagot.

_______________1. Mataas na pangangailangan sa mga hilaw na materyales.


_______________2. Pinamahalaan at kinontrol ng mga kanluranin ang ekonomiya ng mga Asyano.
_______________3. Kumpetisyon ng mga kanluranin sa pananakop ng mga lupain at pagkontrol sa kalakalan.
_______________4. Kumita ang mga kanluranin dahil ipinagbili nila ang mga sobrang produkto sa kanilang
mga kolonya sa Asya.
_______________5. Napabilis ang antas ng produksiyon dahil sa naimbentong makinarya at mga kagamitan
noong panahon ng industriyalisasyon.
“To foretell the destiny of a nation it is necessary to open the book of her past’’
Jose P. Rizal

Inihanda ni: Sinuri ni:

LEMUEL V. GONZAGA ARIEL F. SABLA-ON


Master Teacher I HT VI, Aral. Pan. Dept.

You might also like