You are on page 1of 1

BACOLOD CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 7
IKA-APAT NA MARKAHAN
SUMMATIVE TEST 1 (MELC 1 and 2)

PANGALAN: _______________________________________GRADE AND SECTION: ______________

I. Panuto: Basahin ng may pag-unawa ang bawat tanong. Piliin at isulat ang TITIK ng tamang sagot.

________1. Sa kasunduang ito nakatakda ang pag-angkin ng England sa Hongkong at pagbubukas ng iba
pang daungan ng China katulad ng Amoy Foochow, Ningpo at Shanghai.
A. Kasunduang Nanking B. Kasunduang Tientsin C. Kasunduang Kanagawa D. Kasunduang Yandabo
________2. Siya ay isang Portuges na naglayag para sa hari ng Espanya noong Marso 16, 1521.
A. Sebastian El Cano B. Christopher Columbus C. Amerigo Vespucci D. Ferdinand Magellan
________3. Ano ang tawag sa pagkontrol ng mga Espanyol sa kalakalan, tulad ng pagbebenta ng tabako?
A. Concession B. Monopolyo C. Consignment D. Barter
________4. Saan naganap ang labanan sa pagitan ng pangkat ni Lapulapu at Ferdinand Magellan
A. Bohol B. Leyte C. Mactan D. Samar
________5. Ano ang tawag sa buwis na binabayad ng mga katutubong Pilipino sa mga Espanyol?
A. Boleta B. Tributo C. Falla D. Pesita
________6. Sinong manlalakbay ang nagtagumpay na masakop ang Pilipinas at nakapagtatag ng lungsod ng
Cebu noong Abril 27, 1565?
A. Roy Lopez de Villalobos B. Antonio Pigafetta C. Pedro Valderrama D. Miguel Lopez de Legazpi
________7. Ang sumusunod na bansa ay kabilang sa Ikalawang Digmaang Opyo, alin ang hindi kasali?
A. China B. Japan C. France D. England
________8. Sino ang Secretary of State ng United States of America na nagmungkahi na ipatupad ang Open
Door Policy upang hindi maputol ang ugnayang pangkalakalan nito sa China?
A. Mike Pompeo B. Antony Blinken C. John Hay D. Hillary Clinton
________9. Ang relihiyong ________ ay ipinalaganap ng mga Espanyol dito sa Pilipinas.
A. Taoismo B. Hinduismo C. Islam D. Kristiyanismo
________10. Ito ay patakarang ipinatupad ng England sa Burma, kung saan ang British Resident ay kailangang
manirahan sa Burma at magsilbing kinatawan nito sa naturang bansa.
A. Culture System B. Resident System C. Open Door Policy D. Sphere of Influence

II. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod kung ito ay SANHI o EPEKTO ng ikalawang yugto ng imperyalismo
sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Isulat sa patlang ang sagot.

________1. Mataas na pangangailangan sa mga hilaw na materyales.

________2. Pinamahalaan at kinontrol ng mga kanluranin ang ekonomiya ng mga Asyano.

________3. Kumpetisyon ng mga kanluranin sa pananakop ng mga lupain at pagkontrol sa kalakalan.

________4. Kumita ang mga kanluranin dahil ipinagbili nila ang mga sobrang produkto sa kanilang mga kolonya sa
Asya.

________5. Napabilis ang antas ng produksiyon dahil sa naimbentong makinarya at kagamitan noong panahon ng
Industriyalisasyon.

You might also like